PAGLILINGKOD SA KAHARIAN 1
Pamumuno sa mga Pag-aaral ng Ebanghelyo sa Bagong Berea
Isang kwentong naglalarawan kung paano magturo ng Mabuting Balita sa isang bayan na may iba’t ibang relihiyon ngunit handang makinig
2
Mga Nilalaman Kailangang Ko Bang Maligtas?....................................................................3 Totoo Bang Nabuhay si Jesus Mula sa mga Patay?.................................10 Tinupad Nga Ba ni Jesus ang mga Propesiya?........................................26 Paano Masasabing Diyos at Tao si Jesus? ..............................................32 Makatitiyak Ba Akong Pupunta sa Langit?................................................47 Ano Pa ang Ibang mga Resulta ng Pagdurusa ni Jesus Para sa Akin?...............................................................................................55
3
Kabanata 1
Kailangang Ko Bang Maligtas? PAANO MANALANGIN PAGKA MAGTUTURO NG KAUTUSAN
study (Ro 7:8).'
Habang naglalakad patungo sa bahay ni Nel, si Pol ay nanalangin nang naririnig ni Tim, 'Ama, sa pangalan ni Jesus, sa aming pagaaral, di ko pinapayagan ang anumang masamang espiritu na gamitin ang ibinigay Ninyong utos upang udyuking magkasala si Nel at ang mga sasama sa aming bible
Tim, siyanga pala, kung may darating na mga baguhan, sa bandang dulo, pangunahan mo sila na tanggapin si Jesus, okey? TIM: Okey iyan! -- o0o – PAGGAMIT SA KAUTUSAN SA PAGPATNUBAY SA TAO KAY CRISTO
'Tuloy kayo!' ang masayang pagsalubong ni Nel kina Pol, Tim at Precy. Siya nga pala ang aking maybahay, si Linda. Sila naman ang aming mga anak—si Mike at si Cathy. Sinikap tandaan ni Pol ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng pagbati, 'Kagalakang makilala ko kayo, Linda…Mike…Cathy!' Pinagpatuloy ipakilala ni Nel ang mga naroon, 'Sila naman ang aking mga kaibigan: Ito si Roman … si Abe … at si Manny… Sinabi ko sa kanila na idinalangin mo ang paggaling ko at nagulat ang doktor ko na mabilis akong gumaling! Sinubukan kong ibahagi sa kanila ang narinig ko sa iyo, pero may mga tanong silang di ko kayang sagutin. Kaya pinapunta ko sila rito.' Sa pag-upo nilang lahat, sumagot si Pol, 'Sige subukan nating sagutin ang mga iyon. Simulan natin sa mga tanong na may kinalaman sa napakahalagang paksa, “Kailangan Mong Maligtas!”' Ipinamigay ni Tim ang mga kopya ng ‘Kailangan Ko Bang Maligtas’. Pinagpatuloy ni Pol, 'Sa inyong narinig, maaari ninyong itanong, “Ako, kailangang maligtas?” Oo kailangan! Manny, pakibasa ang mga talata na nasa kopya mo.' “… ang lahat ay nagkasala at walang sinumang karapat dapat sa paningin ng Diyos” (Roma 3:23). “Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa Kautusan ng Diyos, sapagkat ang kasalanan ay paglabag sa kautusan (1 Juan 3:4).”
4 'Ayon sa mga talata, ano ang kalagayan mo sa harapan ng Diyos?' tanong ni Pol. 'Ako’y nagkasala at lumabag sa kautusan ng Diyos,' tugon naman ni Manny. 'Narito ang Sampung Utos na ibinigay ng Diyos na lumikha sa lahat ng bagay. Habang binabasa natin isa isa, sagutin natin ang tanong, “Aling utos ang nasuway mo na?” Manny, pakisimulan mo sa unang utos. '1. Ako si Yahweh, ang inyong Diyos Huwag kang magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin.' (Binasa ni Pol ang nasa kanan ng aralin.) 1. Ang pinahalagahan mo nang higit sa Diyos ang naging diyos mo. Ano iyon? Pera?… Tiningnan ni Linda si Nel at nangiti. Pagaaral?… Tiningnan ni Cathy ang kanyang kapatid na si Mike na may pangiinis. Sarili?… 'Si Ate mas matagal pa ang panahon sa pananalamin kaysa panahon sa church!' ganti ni Mike. Minamahal? … Tumingin si Nel kay Linda at hinawakan ang kamay nito. 'Oo nga! Naging diyos ang pamilya ko dati!' 'Roman, pakibasa mo ang ikalawang utos?' hiling ni Pol. '2. Huwag kang magkakaroon ng … larawan o rebulto… maglilingkod sa alin man sa mga diyus-diyusang iyan…
yuyukod o
Tutol ni Roman, 'Pero hindi iyan ang ikalawang utos!' 'May Biblia ba kayo dito?' Pinunasan ni Nel ang Biblia na nasa lalagyan at natuklasan na may Deutero-canonico ito. Binuklat ni Pol ito sa Exodo 20:4 at pinabasa ito kay Roman... Tanong ni Pol, 'Ano ngayon sa palagay mo, ito nga ba ang ikalawang utos?' 'Oo, ito nga! Niyukuran o pinaglingkuran mo ba ang larawan o imahen ng isang nilalang?… Maingat na lumipat si Pol sa susunod na kautusan, 'Abe, puwede bang pakibasa ang ikatlong utos?' 'Huwag mong babanggitin sa walang kabuluhan ang pangalang Yahweh… '
5 Nabanggit mo ba ang pangalan ng Diyos nang nagulat ka?… nang sumumpa ka?… 'Kanina,' nakangiting sumbong ni Cathy, 'sabi ni Nanay, “Diyos ko”! 'Ikaapat,' Linda reads, 'Anim na araw kang gagawa… Ang ikapitong araw ay Araw ng Pamamahinga, at itatalaga mo sa akin.' 'Ang bilis mong binasa ang kasunod na utos ah?' pangiting sinabi ni Nel. Nagtawanan ang lahat. 'Iyan ang gusto kong sabihin sa inyo mga kaibigan—Sabado ang ikapitong araw, yan ang araw na dapat tayong pumupunta sa sambahan,' giit ni Addie. 'Natutuwa naman ako na may sarili kang paninindigan kung kailan ang araw na dapat pumunta sa sambahan!' tugon ni Pol, 'Sabi ni Apostol Pablo sa Roma 14:5 “May nagpapalagay na ang isang araw ay higit kaysa iba. May nagpapalagay namang pare-pareho ang lahat ng araw. Magpakatatag ang bawat isa sa kanyang sariling pasiya tungkol sa bagay na iyan.”' ‘Salamat!’ ang tugon ni Addie sa sagot na di niya inaasahan. Ganito na lang ang nasabi ni Addie sa hindi niya inaasahang tugon ni Pol. Minamahal na mambabasa: Kung inaakala mo na ang araw ng pamamahinga ay tuwing sabado o linggo lamang, bakit ang araw ng pamamahinga sa Leviticus 23:39 ay ang una at ikawalong araw? Ano naman ang tingin mo patungkol sa Hebreo 4:1,3,5,9-11 at Pahayag 14:13? Binasa ni Tim ang tanong. Nagtratrabaho ka ba? …Sa pagiging ‘busy’ mo, wala ka bang araw ng pamamahinga para sa Diyos?… 'Mike puwede bang pakibasa ng ikalimang utos?' Binasa ni Mike ang 'Igalang mo ang iyong ama’t ina.' Pagkatapos, tumingin ito sa kapatid niya. 'Ikaw din naman,' laban ni Cathy, 'di mo sinusunod yun ah!' Pinaliwanag ni Pol, 'Ang mga tanong na aking babasahin ay hindi lamang para sa inyong dalawa kundi para rin sa lahat na naririto.' Lagi mo bang sinusunod nang di nagda-dabog ang utos ng iyong magulang?… Ginagalang mo ba sila?…tinutulungan?… '6. Huwag kang papatay.' POL: …ang mapoot … humamak … at … magsabi sa kanyang kapatid 'Ulol ka!' ay mapapasaapoy ng impiyerno (Mateo 5:22). May kinamuhian ka ba?…May ayaw patawarin?…May minura ka ba?… 'Eksakto ang dating ninyo!' ang madamdamin puna ni Manny. 'Kakaaway lang naming mag-asawa kagabi.'
6 'Dahil sa pagaaral natin, ano ang plano mong gawin?' Tanong ni Pol. 'Palagay ko kailangan kong humingi sa kanya ng tawad dahil sa mga nasabi kong masasakit na salita sa galit ko sa kanya kagabi.' 'Dalangin ko sa Diyos na mapalapit kayo sa isa't isa sa paggawa mo niyan!' 'Noong bata pa ako,' naalala ni Abe, 'sinasabi sa akin ng nanay ko, “Bakit bobo ka at di tulad ng kuya mong matalino?” Palagay ko ang negatibong salita na iyon ang nagpahina ng loob ko upang tapusin ko ang pag-aaral ko!'' (Tumingin si Pol at Tim nang may habag sa kanya.) 'Ikapito. Huwag kang mangangalunya.’ “Huwag kayong mag-aasawa sa malapit na kamag-anak. …. 20 Huwag mong durungisan ang iyong sarili sa pakikiapid sa asawa ng iba. 22 Huwag kang sisiping sa kapwa mo lalaki … 23 … sa alinmang hayop… (Levitico 18). 6
'Kung gayon, mali ang mga nasa media sa pagkunsinti nila sa mga bakla at tomboy!' ang tuklas ni Manny. Tumango ang grupo sa kanilang pagsang-ayon. “…ang bawa’t tumingin sa babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala na ng pangangalunya sa kaniyang puso.”(Mateo 5:28). Tumingin o nagpapansin ka ba sa di mo asawa nang may malaswang layunin? … 'Ikawalo, Huwag kang magnanakaw.’ Nangupit ka ba ng maliit na halaga? … ‘Kaya nga nagtataka ako kung bakit parang mahina ang kita sa paninda ko kapag ang mga anak ko ang nagbabantay!' padinig ni Linda. Napangiti na lang sina Cathy at Mike. May hiniram ka ba na di mo balak isauli? 'Nel, nakalimutan kong isauli ang librong hiniram ko sa’yo,' ang pagamin ni Abe. 'Balik ko na lang bukas.’ 'Pangsiyam. “Huwag kang sasaksi sa di katotohanan…”' Nagsinungaling ka ba? … Sinabi mo bang “Wala!” samantalang mayroon naman?… o kaya’y, “Sabihin mo, wala ako rito!”? … Nilinlang mo ba ang isang tao at nang nasaktan siya, sinabi mo, “Biro lang!”? … ‘Pero sa totoo lang wala talaga akong pera ngayon,' depensa ni Manny. ‘Ibig mong sabihin, ginagawa mo dati ang kasalanang iyon at ngayon hindi na?' tanong ng kaibigan niyang si Abe (Ngitiin ang lahat sa pang-inis ni Abe sa kaibigan niya.) 'Pangsampu. Huwag mong pag-iimbutan ang sambahayan ng iyong kapwa….' (Exodo 20:1-17) ...
7 'Sa aking pagkakaalam, ito ang pangsiyam at pangsampung utos,' pahayag ni Roman. Maingat naman na sinagot ni Pol, 'Ang pagtutuonan natin ng pansin ay ang pagsunod at hindi tamang bilang ng mga utos. Iyon ang mas importante, di ba?' 'Tama ka diyan!' tugon ni Roman. Gusto mo bang mapasaiyo ang pag-aari ng iba—ang kaniyang asawa, bahay, kotse, tauhan, kasangkapan, pera, at iba pa? … ANG RESULTA NG PAGSUWAY 'Nalabag mo ba ang isa sa mga utos na ito?' 'Palagay ko iyong ikalawang utos lang ang nasunod ko.' pahayag ni Abe. 'Ako, nasuway ko lahat!' sagot naman ni Roman. 'Ako rin!' sabay na sinabi nina Manny at Nel. Ang iba namay nagbanggit ng ibat-ibang dami nasuway mula 6 hanggang 9. 'Sapagkat tayong lahat ay sumuway sa higit sa isang utos, pag-isipan natin ang sumusunod: 'Ang tumutupad sa buong Kautusan ngunit lumabag sa isa ay lumabag sa lahat. (Santiago 2:10). 'Dahil nalabag mo ang di kukulungan sa isang kautusan, ilan sa sampung utos ang nilabag mo?' 'Lahat!' '… ang lahat naming katuwiran ay naging parang basahang marumi …' (Isaias 64:6) 'Kung gayon, magiging katanggap-tanggap ka ba sa matuwid na gawa mo?' 'Hindi pala!' ang tugon ni Manny na nagpapakita na siya'y naliwanagan. 'Dahil dito,' pinagpatuloy ni Pol, 'tingnan natin … 'ANG RESULTA NG AT SOLUSYON SA IYONG PAGSUWAY' … ang sala mo ang nagiging … dahilan sa paglalayo ninyo [ng Diyos]. (Isaias 59:2). 'Ayon dito, ano daw ang resulta ng sala mo?' 'Napalayo nito ako sa Diyos.' Ang tawag sa kalagayan mong iyon ay “patay… dahil sa… mga kasalanan” (Efeso 2:1) “Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan…” (Roma 6:23). 'Ang magiging parusa nila’y walang hanggang kapahamakan at pagkawalay sa Panginoon ...' (2Tesalonica 1:9) “…nilipol Niya ang mga hindi sumampalataya …. Gayundin ang ... Gumawa naman ng pakikiapid at nalulong sa kakaibang laman [pakikipagsiping sa kapwa lalaki o babae] ay … Nagdaranas ng
8 kaparusahan sa apoy na walang hanggan. (Judas 1:5-7 BB). … 'Ang salitang “Nagdaranas” ba,' tanong ni Pol, 'ay pangnagdaan, pangkasalukuyan o panghinaharap?' 'Pangkasalukuyan,' tugon ni Abe at Manny, 'Ang ibig sabhin, nagdurusa na sila ngayon sa apoy!' 'Tama!' pagsang-ayon ni Pol, 'Iyan ngayon ang dinaranas ng isang dating mayaman sa Hades (Lu 16:19-31) na nasa ilalim ng mundo
(Ezekiel 32:24; Efeso 4:9; Bilang 16:32). Nagkakakilalanan doon dahil nakilala ni Abraham ang mayaman (t.25). Mayroon siyang katawan doon. Mayroon siyang mata kaya nga nakita niya si Abraham at si Lazaro (t.23b). Mayroon siyang ulo at leeg kaya’t nagawa niyang tumingala.(t.23b). Mayroon din siyang dila (t.24) kaya siya nakapagsalita. Nagdurusa na ang kaluluwa doon (t.23a,28b; 2Pe 2:9) dahil may apoy doon (t.24b) bagama't madilim pa (Judas 1:13; Job 10:21-22; Awit 88:6). Wala din siyang tubig na makapapawi ng kanyang uhaw (t.24a; Zacarias 9:11). Nagugutom siya doon at walang lakas (Awit 88:4) laban sa karahasan (Awit 74:19-20). Tumatanggap siya doon ng
mabagsik na panibugho (Awit ng mga Awit 8:6), kabagabagan (Awit 88:3) at kapanglawan (116:3) sa init, ngipin ng mga hayop, kamandag ng ahas (Deu 32:22-24) at mga uod na bumabalot (Isaias 14:11). Doon wala siyang kapayapaan (Isaias 57:21). Di siya makakatakas sa lugar na iyon (t.26). Siya ay nakabilanggo (1Pedro 3:19) sa isang silid (Kawikaan 7:27) kulungan (Job 17:16). Tulad siya ng mga anghel na nagkasala at ibinilanggo sa madilim na hukay upang doon hintayin ang Araw ng Paghuhukom. (2Pedro 2:4). Ang tugon niya sa katotohanan ang magdadala sa kanya doon (t.2931). Tinanong ni Manny, 'Pero hindi ba parurusahan pa rin sila sa susunod na mga panahon?' 'Tama rin iyan,' pagsang-ayon ni Pol, '“ang magiging parusa nila’y walang hanggang kapahamakan at pagkawalay sa Panginoon ...” (2Tesalonica 1:9). 'Nakita ni Juan ang hinaharap. Kanya itong ikinuwento na para bagang nakalipas na. “Ito ang unang pagbuhay sa mga patay. Bubuhayin ang iba pang mga patay pagkaraan ng sanlibong taon. Mapalad at pinagpalang lubos ang mga nakasama sa unang pagbuhay sa mga patay. Walang kapangyarihan sa kanila ang pangalawang kamatayan; …Pagkatapos ng 1,000 taon palalayain si Satanas. At nakita kong nakatayo sa harap ng trono ang mga namatay, maging dakila at maging hamak, at binuksan ang mga aklat. Binuksan ang isa pang aklat, ang aklat ng buhay. Hinatulan ang mga patay ayon sa kanilang ginawa, gaya ngusulat sa mga aklat. Iniluwa ng dagat ang mga patay na nasa kanya. Inilabas din ng Kamatayan at ng Hades ang mga patay na nalagak sa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa.”
9 (Pah 20:5-13) Pansinin na ang mga patay na hindi nakasama sa unang pagbuhay ay mananatili sa Hades hanggang ilabas ito. Silay hahatulan ayon sa kanilang ginawa. Sapagkat silang lahat ay nagkasala at ang kanilang mga katuwiran ay maruming basahan lamang (Is 64:6), hindi sila maililigtas ng kanilang mga ginawa (Ef 2:8-9). Ang tangi nilang pagasa ay makitang nakasulat ang kanilang pangalan sa Aklat ng Buhay na tangan ng Kordero. Gayumpaman, ang kanilang pangalan ay hindi makikita doon sapagkat hindi sila naging banal at walang kapintasan at ang pangalawang kamatayan ay may kapangyarihan sa kanila. Sapagkat ang kanilang pangaln ay hindi nakasulat sa Aklat ng Buhay, silay itatapon sa lawang apoy. 'Manny, pakibasa nga ang susunod na mga talata,' hiling ni Pol. 'Ang lawang apoy na ito ang pangalawang kamatayan. Itatapon sa lawang apoy ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay” (Pahayag 20:14,15) … ng kordero ng Diyos na pinatay … (13:8 NPV) … dahil sa ating mga kasalanan…. (1Corinto 15:3). 'Kung mananatili kang hiwalay sa Diyos,' tanong ni Pol, 'ano daw ang parusa na maaasahan mo?' 'Ang walang hanggang pagkawalay sa Diyos sa apoy na nararanasan na at lawang apoy na mararanasan pa,' tugon ni Manny. 'Kaninong aklat daw ng buhay dapat nakasulat ang pangalan mo upang di ka matapon sa lawang apoy?' 'Sa aklat ng buhay ng kordero ng Diyos,' sagot ni Abe, 'na pinatay dahil sa ating mga kasalanan.' … nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya. Sinabi niya, “Narito ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!” (Juan 1:29) … [Si] Jesus… ang magliligtas sa kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:21) 'Ayon dito, sino ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan mo?' 'Si Jesus,' tugon ng lahat. 'Tagapagligtas mo na ba Siya?'. Tumango ang ilan bilang pagsangayon. 'Para makasigurado, ipapaliwanag ni Tim sa atin ang maliit na babasahin na ang pamagat ay ‘Nais Mo Bang Laging Makasama Ang Diyos?’… Ipinaliwanag ito ni Tim. Nakinig ang grupo habang naobserbahan ni Nel na inulit lang nito ang mga ipinaliwanag ni Pol noong nakaraang araw. 'Ang panalangin bang ito ang nais ng iyong puso?’ tanong ni Tim. Idinalangin ni Mike at ni Cathy ang panalangin, habang ang iba naman ay nagpahayag na hindi pa sila handa.
10 Nang matapos magbahagi si Tim, sinabi ni Pol, 'Upang lalo ninyo Siyang makilala, basahin ang NAIS … at Juan 1-4. Sa isang lingo, ipagpapatuloy natin ang ating pag-aaral dito sa parehong araw at oras! Okey?’ Ang lahat ay tumango bilang pagsang-ayon. 'Puwede rin ninyong imbitahan ang iba pa!' 'Okey,' tugon ni Abe at Manny.
11
Kabanata 2
Totoo Bang Nabuhay si Jesus Mula sa mga Patay? May mga bagong dumalo sa pagtitipon. Matapos ang ilang sandali ng pagpapakilala at pananalangin para sa patnubay ng Diyos, ipinabasa ni Pol kay Abe ang Roman 10:9 ”…Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka..” 'Ayon dito, ano daw ang dapat mong panaligan upang maligtas ka?' 'Na si Jesus ay muling binuhay ng Diyos!' ang mabilis na tugon ni Roman. 'Sa kabilang banda, sinasabi sa 1 Corinthians 15:13-19, “…. At kung si Cristo'y hindi muling binuhay, walang kabuluhan ang aming pangangaral at walang katuturan ang inyong pananampalataya…. At kung hindi muling binuhay si Cristo, kayo'y hindi pa nahahango sa inyong mga kasalanan, at walang katuturan ang inyong pananampalataya. Hindi lamang iyan, lilitaw pa na ang lahat ng namatay na nananalig kay Cristo ay napahamak. Kung ang pag-asa natin kay Cristo ay para sa buhay na ito lamang, tayo na ang pinakakawawa sa lahat ng tao. Masayang dinugtungan ni Pol ang punto ni Abe sa pamamagitan ng pagtatanong sa grupo, 'Ayon sa talatang ito, kung si Jesus ay hindi muling binuhay mula sa mga patay, ano ang magiging resulta nito sa atin?' 'Ang pananampalataya natin ay walang kabuluhan at katuturan,' tugon ni Apol. 'Tayo na ang pinaka-kawawa sa lahat ng tao dahil sa halip na maligtas, ang mga namatay na nanampalataya kay Kristo ay napahamak lamang!' TOTOO BANG NAMATAY SI JESUS? ‘Hindi puwedeng mabuhay mula sa mga patay si Jesus dahil hindi naman talaga Siya namatay!’ ang pagtutol ni Abe. 'Akala ng mga Judio napatay na nila si Jesus, pero hindi! Sinagot ng Diyos ang Kanyang dalangin at iniligtas siya mula sa Kamatayan ayon sa Hebreo 5:7: “Noong si Jesus ay namumuhay rito sa lupa, siya'y dumalangin at lumuluhang sumamo sa Diyos na makapagliligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya dahil sa lubusan siyang nagpakumbaba.”'
12 'Gayunpaman,' tugon ni Pol, 'ang sumusunod na talata na iyong binanggit ay nagsasabing “bagamat siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis” (t.8). Sa kabanata 2 talatang 9, sinasabi, “...si Jesus ay mamatay para sa ating lahat.” 'Ngunit nanalangin si Jesus na iligtas siya mula sa kamatayan,' paliwanag ni Abe, 'nang nanalangin siya, “Ama, kung maaari'y ilayo mo sa akin ang sarong ito....” (Luke 22:42)’ 'Tama ka, lahat ng mga dalangin ni Jesus na iligtas Siya sa kamatayan ay sinagot ng Diyos lahat (Juan 11:22,42; 5:18; 8:59; 10:39; 11:47-54),' ang pagsang-ayon ni Pol, 'subalit ito ang sinasabi ng buong talata “Ama,” wika niya, “kung maaari'y ilayo mo sa akin ang sarong ito. Gayunma'y huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” Ipinahayag niya ang kanyang kagustuhan na ilayo ang ang saro ngunit sinabi niya na rin sa kanyang panalangin na huwag ang kalooban niya kundi ang kalooban ng ama (na inumin Niya ang saro) ang masunod (Matthew 26:42). Ito ang dahilan kung bakit inutusan ni Jesus kay Pedro, “Isalong mo ang iyong tabak! Dapat kong inumin ang saro ng paghihirap na ibinigay sa akin ng Ama?” (Juan 18:11). Dagdag pa dito, hindi siya humingi sa Ama “ng higit pa sa labindalawang batalyon ng mga anghel at padadalhan niya ako agad?” (Matthew 26:53).’ Sumang-ayon si Tim, 'Oo nga, bago nila kinuha si Jesus, sinabi niya, “Sasabihin ko ba, 'Ama, iligtas mo ako sa kahirapang daranasin ko'? Hindi! Sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako naparito---upang danasin ang kahirapang ito.” (Jn 12:27). Totoo, ang kamatayan ni Jesus ay kalooban at layunin Niya at ng Ama. ANG KAMATAYANG PANGHALILI BA AY MAKATARUNGAN AT NAIS NG DIYOS 'Subalit ang pagsasakripisyo kay Jesus ay hindi kalooban ng Diyos!' ang diin ni Abe, 'Sinabi ng Diyos, “Sapagkat katapatan ang nais ko at hindi hain...” (Hosea 6:6; Matthew 9:13; 12:7 ). Hindi gusto ng Diyos ang hain dahil hindi ito makatarungan para kay Jesus na makalasap ng kamatayan para sa lahat (Hebreos 2:6)! “Ang ama ay di dapat pagdusahin sa kasalanan ng anak ni ang anak sa kasalanan ng ama; kung sino ang may sala ay siyang dapat magdusa.” (Deuteronomy 24:16; Ezekiel 18:20; Jeremiah 31:30).’ Tumugon si Apol, 'Basahin natin ang Hosea 6:6, “Sapagkat katapatan ang nais ko at hindi hain, at pagkakilala sa Diyos sa halip ng handog na susunugin.” Kaya, ang hain na binabanggit dito ay patungkol sa handog na susunugin. Si Jesus ay hindi sinunog. Kaya hindi patungkol ito sa kanyang hain!' Dagdag ni Pol, 'Kung ang bawat isa sa atin ay mamatay para sa ating kasalanan, pupunta tayo sa impyerno! Ngunit, di tayo sinisingil ng Diyos ayon sa ating mga kasalanan. (Psalm 113:10). Gumawa Siya ng solusyon:
13 ‘Nang araw na si Adam ay nagkasala, namatay siya (Genesis 2:17). Hindi iyon kamatayang pisikal sapagkat pisikal na namatay siya pagkalipas pa nang ilang taon. “Sa kabuuan, nabuhay si Adan at bago namatay sa gulang na 930 taon…” (5:5). Nang araw na nagkasala siya, siya'y espirituwal na namatay. Pinalayas siya sa halamanan (3:24), at nahiwalay siya sa Diyos. Gayun din naman, “sapagkat ang lahat ay nagkasala” (Ro 3:23), ang lahat …ay nagsimula na “patay sa pagsuway at kasalanan ….” (Ef 2:1-3), hiwalay sa Diyos (Is 59:1-2). Lahat ay naging delikado na mahiwalay sa Kanya at mapahirapan magpakailanman (2Te 1:6-9) sa lawa ng naglalagablab na asupre, (Apo 21:8). 'Bago dumating si Jesus, ang pagpapatawad ng kasalanan ay maaaring mangyari sa pamamagitan ng pagtatakip ng kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng hayop na inihain “...minsan sa isang taon...” (Exodus 30:10) POL: Pakibasa nga ang Levitico 16:9-10,21-22, Abe. ABE: 9 ... At ihaharap ni Aaron ang kambing na kinahulugan ng kapalaran sa Panginoon, at ihahandog na pinakahandog dahil sa kasalanan. 10 Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang. At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan, na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos sa kaniyang sarili at sa kaniyang sangbahayan, at papatayin ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili: .... 21 “At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang … 22 At dadalhin ng kambing ang lahat ng mga kasamaan nila… (Levitico 16) POL: Ngunit ayaw ng Diyos ang pagsasakripisyo ninyong mga hayop, ipapaliwanag ng Hebreos 10 ang dahilan. Pakibasa nga t.15,7,10,14,19, Roman. ROMAN: “1Sapagka't ang kautusan na may isang anino ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon. 2 Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan. 3 Nguni't sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon. 4 Sapagka't di maaari na ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan. 5 Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo; ... 7 Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ayusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios,
14 ang iyong kalooban. 10 Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man. …. 14 Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal…19 Mga kapatid, yamang may kalayaan ngang makapasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus, (Hebreo 10:1-19). 'Makikita natin dito,' paliwanag ni Pol, 'na hindi nais ng Diyos ang hain ng hayop na hindi nakapag-aalis (10:4) at hindi nakapaglilinis minsan at magpakailanman sa kasalanan (10:2). Di rin maaari itong magpasakdal sa mga nagsisilapit upang sumamba (10:1). Sa halip, pinapaalala pa nito ang kanilang kasalanan (10:2-3). Sa kabilang banda, ang nais ng Diyos ay ang paghain ng katawan ni Jesus (10:5). “…si Jesus … ay nagdusa ng kamatayan …para sa lahat.” (2:9), “…Siya na makapag-aalis ng kasalanan ng lahat ng tao (9:27-28; 2:17; 10:12). Sa pamamagitan ng pagbububo ng Kanyang dugo mayroong kapatawaran (9:22). Tayong mga mananampalataya ay pinapaging banal (10:10) at ganap magpakailanman (10:14), may kalayaang pumasok sa dakong banal sa pamamagitan ng dugo ni Jesus (10:19) upang makapaglilingkod sa buhay na Diyos” (9:14) POL: Ang Mabuting Balita ay nagkaloob ang Diyos ng handog dahil sa kasalanan (Isaiah 53:10) bilang solusyon: Inilagay ng Diyos sa kanyang matuwid, masunurin (Isaiah 52:13;53:10,11), hindi naghihiganti (53:7) at walang kasalanang (53:9) lingkod ang kasalanan nating lahat—ang ating karumihan (53:5,6,11), pagsalangsang (53:5) at pagpunta sa sariling daan (53:6). Tinanggap Niya ang karapatdapat na para sa atin, ang kahatulan (53:8) at parusa (53:5)— karamdaman (53:4), sugat, pagkabugbog, latay (53:5), pighati, sakit (53:8), pagdaramdam ng kaluluwa (53:11) at kamatayang pisikal (53:8,12). Bilang resulta, Siya ay ginawang dakila ng Diyos, na nagpapawalang sala sa marami, sa Kanyang lahi (53:10) at hahatian sila ang mga samsam (53:12)— kapayapaan, kagalingan (53:5), mahabang buhay at kasiyahan (53:11). Ang lingkod na iyan ay si Jesus (Acts 8:28-35). Sabi Niya “.ang Aking dugo ay ibubuhos sa ikapagpapatawad ng kasalanan ng marami” (Matthew 26:28). 'Malinaw na ba na ang kamatayan ni Jesus bilang kahalili natin ay ayon sa katarungan at kagustuhan ng Diyos?' tanong ni Pol. Ang grupo ay tumango bilang pagsangayon. ANG MGA SINULAT BA NI PABLO PATUNGKOL SA MULING PAGKABUHAY AY MAPAGKAKATIWALAN? Itinanong ni Abe ang pag-agam-agam niya, 'Paano ko pagtitiwalaan ang aklat ng Hebreo gayung si Pablo ang sumulat nito.
Siya ay “tagapagbalita ng mga ibang dios: sapagka't ipinangangaral niya si Jesus at ang pagkabuhay na maguli.” (Gawa 17:18 BK). Ayon lang sa kanyang Mabuting Balita na si Jesus ay nabuhay sa mga patay. “Alalahanin mo si Jesu-Cristo … ang muling nabuhay. Ito ang Mabuting Balitang ipinangangaral ko” (2Ti 2:8) at sinabi niya, “…sa
15 pamamagitan ng aking kasinungalingan ay lalong lumilitaw ang kadakilaan ng Diyos …” (Roma 3:7). 'Hindi tiyak na si Pablo ang may sulat ng Hebreo,' paliwanag ni Apol. 'Halimbawa, sa aking study Bible, sinasabi na si Apolos o si Barnabas ang nagsulat noon. 'Hindi lang iyon, sa Gawa 17:18, hindi si Pablo ang tagapagbalita ng ibang mga dios. Gayon lang ang akala ng “ilang mga pilosopong Epicureo at Estoico” na nakipagtalo sa kaniya.' Pinaliwanag ni Tim, 'Sabi ni Pablo “aking mabuting balita” sapagkat may ibang nangangaral ng ibang mabuting balita (Galacia 1:6-9). Ang mabuting balita na kanyang ipinangaral ay pareho lang ng ipinangaral ng mga haligi ng iglesia—ni Pedro, Santiago at Juan (2:1-10). Ang totoo, inaprubahan pa ni Pedro ang mga aral ni Pablo (2Pedro 3:15,16). 'Hindi rin sinabi ni Pablo na sinungaling siya sa Romans 3:7. Ito ang sinabi niya, “Datapuwa't kung ang ating kalikuan ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? (Nagsasalita akong ayon sa pagkatao.) Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan? Datapuwa't kung ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng akin kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan? At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.”' (Romans 3:5-8) Narinig mo na ba ang ulat na ito: “Itinuturo ni Pablo ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya; si Santiago naman sa pamamagitan ng gawa!”? Basahin ang Galacia, Roma at Santiago upang makita kung talagang totoo ang mga salitang ito. Pagkatapos ibahagi mo sa iba ang iyong natuklasan… 'Subalit hindi namatay si Jesus,' angal ni Abe, 'sapagkat siya mismo ang nagpatotoo nito “Sapagka't kung paanong si Jonas ay napasa tiyan ng isang balyena na tatlong araw at tatlong gabi; ay gayon ding mapapasa ilalim (o puso) ng lupa (o daigdig) na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao.” (Matthew 12:40) Dahil hindi namatay si Jonas sa tiyan ng isda, gayon din naman hindi rin namatay si JesuCristo!’ ‘Subalit kung si Jesus ay hindi namatay,' tanong ni Pol, 'paano Siya napunta sa puso ng daigdig?' Nagkaroon ng katahimikan at ang iba naman ay tatango-tango. Tinuloy ipaliwanag ni Pol, 'Pangalawa, tingnan natin kung talagang hindi nga namatay si Jonas. Pakibasa ang Jonas 2:2-6 “At kaniyang sinabi, Tinawagan ko ang Panginoon dahil sa aking pagdadalamhati, At siya'y sumagot sa akin; Mula sa tiyan ng Sheol ako'y sumigaw, At iyong dininig ang aking tinig. Sapagka't inihagis mo ako sa kalaliman, sa gitna ng dagat, At ang tubig ay nasa palibot ko; Ang lahat ng iyong alon
16 at lahat ng iyong malaking alon ay umaapaw sa akin. At aking sinabi, Ako'y nahagis mula sa harap ng iyong mga mata; Gayon ma'y titingin ako uli sa iyong banal na templo. Kinukulong ako ng tubig sa palibot hanggang sa kaluluwa; Ang kalaliman ay nasa palibot ko; Ang mga damong dagat ay pumilipit sa aking ulo. Ako'y bumaba sa mga kaibaibabaan ng mga bundok; Ang lupa sangpu ng kaniyang halang ay tumakip sa akin magpakailan man: Gayon may isinampa mo ang aking buhay mula sa hukay, Oh Panginoon kong Dios. 'Ngayon, saan napunta si Jonas?' Nagkaroon ng katahimikan, tumingin ang lahat sa Biblia hanggang nagsalita si Aris, 'Nalubog siya sa tubig—baha at tubig ang nasa palibot niya— (t.3), kalaliman ang nasa palibot niya. Pati damong dagat ay nakapulupot sa kanyang ulo. (t.5). sa kalagayang ito, napakahirap isiping na hindi siya nalunod!’ 'Tama, namatay siya!' ang pagsang-ayon ni Manny. 'Si Jonas ay bumaba sa kaibabaan ng mga bundok, sa tiyan ng Sheol. Ang Sheol ay ang tuntungan ng mga bundok (De 32:22). Kung si Jonas ay buhay, paanong ang lupa at ang halang nito ay nakatakip sa kanya na sa tingin niya mananatili siya doon magpakakailanman (t.6)? Malamang ito ang kahulugan ng sinabi ni Jesus na si Jonas ay napunta “sa ilalim ng lupa” (Matthew 12:40). Tulad ng kalagayan ng mga hari sa Isaias
24:22-23, nakulong si Jonas. Tulad ng mga nangalunya, bumaba “siya sa mga silid ng kamatayan” sa Sheol (Kawikaan 7:27; Job 17:16). 'Oo nga, si Jonas ay pumunta sa hukay (t.6). Doon nagdalamhati siya at narinig ng Diyos ang kanyang tinig (t.2) at isinampa ang kaniyang “buhay mula sa hukay” (t.6)!’ 'Ngunit kung siya ay namatay,' pagsalungat ni Abe, 'paanong sinabi niya, “nang ako ay nanlupaypay....” (t.7)? Nanlupaypay pa siya. Ang ibig sabihin, di siya namatay!' Tumugon si Apol, 'Ang talatang 7 ay mas literal na maisasalin ng ganito: “Nang ang aking kaluluwa ay nanglupaypay sa loob ko…” Matapos mamatay ang tao, ang kaluluwa, ang bahaging may malay, ay umaalis sa katawan ng tao (Genesis 35:18) at nakararanas ng parusa o aliw (Luke 16:25). Kung gayon, mayroong itong damdamin. Ang kaluluwa ni Jonas na nasa kanyang espiritu ay nanlulupaypay sa Sheol (Awit 16:10). ABE: Pero bakit sinabi na si Jonas ay nasa tiyan ng isda, hindia ilalim ng lupa, POL: Nang si Lazaro ay mamatay (Jn 11:14), sinasabi t.39 na siya’y “nabubulok na”. Kung gayon, tinawag na Lazaro ang katawan. Gayun din naman, habang si Jonas (ang kanyang kaluluwa) ay naghihirap sa Sheol, siya (ang kanyang katawan) ay nasa tiyan ng isda. MANNY: ‘Pero paanong si Jesus ay napunta sa ilalim ng lupa? POL: Pakibasa mo nga ang Gawa 2:27?. “Sapagka't hindi mo iiwan ang kaluluwa ko sa Hades, Ni titiisin man na ang iyong Banal ay makakita ng kabulukan.” Ang Hades ay Griego ng Hebreong salita na
17 Sheol o impyerno. . Ngayon, sa Efeso 4:8-9, sinasabi, “… Nang umakyat Siya sa itaas ay dinala Niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao. (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa? Ayon sa mga talatang ito, saan pumunta si Jesus? MANNY: Sa Hades (Gaw 2:27), sa dakong kalaliman ng lupa (Ef 4:9). ABE: Kapag namatay ang tao, ang kanyang espiritu ay mababalik muna sa Diyos (Mangangaral 12:7). “Sabi ni Jesus, ‘… di pa ako nakaakyat sa Ama.…’” (Juan 20:17). Kaya, hindi namatay si Jesus. POL: ‘Ang salin ng Septuagint para sa salitang ‘mababalik’ sa Mangangaral ay iba sa orihinal na Griego na ‘nakaakyat’ sa Juan. Kaya, hindi natin puwedeng sabihin mula sa Juan 20:17 na ang espiritu ni Jesus ay hindi pumunta sa Diyos noong siya ay namatay. Ang totoo, sa krus, “si Jesus, ay sumigaw ng malakas na tinig, ay nagsabi, Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu: at pagkasabi nito, ay nalagot ang hininga..” (Lu 23:46). Kaya, iningatan ng Diyos ang Kanyang espiritu. Ito ay umakyat sa Diyos. Gayunpaman, ang kanyang katawang muling binuhay ay hindi pa bumalik o umakyat sa Kanya upang mapuspos Niya ang lahat ng bagay (Ef 4:10). POL: Puwedeng bang may bumasa ng 1Pedro 3:18-20 TIM: “Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu; Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe...” POL: Ano ang ginawa Niya sa Impyerno? ROMAN: ‘Nangaral Siya sa mga espiritung suwail sa panahon ni Noe na nakabilanggo.’ POL: Pakibasa naman ang Jude 1:6-7, Roman ROMAN: “... nang mailigtas ng Panginoon ang isang bayan, sa lupain ng Egipto, ay nilipol niya pagkatapos yaong mga hindi nagsisipanampalataya. At ang mga anghel na hindi nag-ingat ng kanilang sariling pamunuan, kundi iniwan ang kanilang sariling tahanan, ay iniingatan niya sa mga tanikalang walang hanggan sa paghuhukom sa dakilang araw. Gayon din ang Sodoma at Gomorra, at ang mga bayanga palibot ng mga ito, na dahil sa pagpapakabuyo sa pakikiapid at sa pagsunod sa ibang laman, ay inilagay na pinakahalimbawa, na sila'y nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan.” POL: Sino pa anga bilangguan? ROMAN: Ang mga anghel na hindi nagsipag-ingat ng kanilang sariling pamunuan at ang Sodom at Gomorrah at ang bayanga palibot na mga ito na nakiapid at sa sumunod sa ibang laman. POL: Ano ang kanilang nararanasan ngayon?
18 ROMAN: Ang mga anghel ay nakatanikalang walang hanggan habang ang mga makalaman na mga tao ay nagbabata ng parusang apoy na walang hanggan. POL: Totoo, ang mga masuwayin at mga mapangalunya ay nagdurusa na ngayon sa walang hanggang apoy sa impyerno. Hindi sila makakatakas. (Lu 16:24-26). Napunta na doon si Jesus. Alam niya ang paghihirap na kanilang pinagdudusahan! ‘Kumusta ka? … Ikaw ba ay nakagawa ng kasalanang sexual? … Mayroon bang bahagi ng buhay mo na alam mo na sumusuway ka? … Kung gayun, magsisi ka na ngayon bago pa mahuli ang lahat… Natahimik ang grupo … May kilala ka bang mahal mo sa buhay na masuwayin pa rin sa Diyos? … Ang Panginoon, dahil nakita niya ang kalagayan sa impyerno, ay hindi nais na ang sinuman ay mapahamak (2Peter 3:9)! Ipinapanalangin mo ba sila (1Timothy 2:1-8)? … Tinutulungan mo ba sila na makarinig ng Mabuting Balita? … Huwag huminto hanggang tanggapin nila si Cristo o kunin ng Diyos ang buhay nila at sila’y mapahamak. POL: Puwede bang pakibasa ang Ephesians 4:8? ROMAN: “ ..., Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag… PAANO DINALA NI JESUS NA BIHAG ANG PAGKABIHAG? POL: Sa pisikal, ang pagkabihag ay ginagamit ng mga hindi nakaranas ng kamatayan sa mga bansang natalo sa digmaan (Revelation 13:10). Kung gayon, sa espiritwal, ang pagkabihag ay ginagamit sa mga kaluluwang hindi nakaranas ng kamatayang espiritwal —pagkahiwalay sa Diyos matapos ang kamatayang pisikal. Oo, ang mga mananampalataya na namatay bago namatay si Cristo sa krus ay ang mga tinatawag na binihag. Kabilang sa kanila si Lazaro at si Abraham na nasa lugar ng kaaliwan na datinga itaas ng bahagi na pinagdurusahan ng mga tao sa Hades (Lu 16:23,25). Isinama ni Cristo ang mga mananampalatayang bihag nang umakyat Siya sa kaitaasan (Ef 4:8) kaya sila ngayon ay nasa Paraiso na sa ikatlong langit.(2Co 12:2-4). Ngayon ang mga mananampalataya ay diretsong pupunta sa langit kapag sila ay mamatay.(2Co 5:1,8; Fil 1:21-24). Sigurado ka bang isa ka sa mga didiretso sa langit pag namatay? … May mahal ka ba sa buhay na nagtiwala na kay Cristo para sa kaniyang kaligtasan bago siya mamatay? Kung gayun, pasalamatan mo ang Diyos na siya’ya langit na ngayon! … ‘Kaya ni Jesus na pangunahan ang mga bihag dahil “…sa pamamagitan ng kamatayan ay Kaniyang malipol yaong may paghahari sa kamatayan, sa makatuwid ay ang diablo” (Heb 2:14) “Pagkasamsam sa mga pamunuan at sa mga kapangyarihan sila'y mga inilagay Niya sa hayag na kahihiyan, na nagtatagumpay Siya sa
19 kanila sa bagay na ito.” (Col 2:15). Ngayon, nakay Jesus na ang susi sa kamatayan at ng Hades” (Pah 1:18). May mga pagkakataon ba na nararamdaman mo na sinira ng diablo ang buhay mo at ang buhay ng mga mahal mo sa buhay? … Kung gayun, hayaan mong marinig niya ang panalangin mong ito, “Oh Diyos, nagpapasalamat po ako sa iyo na si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay nawalan na ng kapangyarihan sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo sa krus para sa akin at sa mga mahal ko sa buhay!” TATLONG ARAW AT TATLONG GABI? ABE: Tatlong araw at tatlong gabi? Paano ko paniniwalaan ang mga bagay na ito gayong ang Biblia ay pabagu-bago! Narinig natin na sinabi ni Jesus na tatlong araw at tatlong gabi sa ilalim ng lupa. Pero mula nang araw na Siya ay namatay noong Biyernes at nabuhay na muli noong Linggo, wala pa iyong tatlong araw at tatlong gabi! POL: Tama iyan kung ang pagbilang nila sa oras ay tulad din ng ginagawa natin sa ngayon !’ ABE: Subalit ang pagbilang nila sa oras ay tulad ng sa atin. Sa Juan 11:9 “Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras?” POL: Tama naman na hinahati nila ang araw sa labindalawang oras. Subalit, patungkol sa mga araw, tingnan din natin ang Biblia. Puwede bang pakibasa ang sinabi ng mga kaaway ni Jesus sa Mateo 27:63-64? “…Ginoo, naaalaala namin na sinabi ng magdarayang yaon nang nabubuhay pa, Pagkaraan ng tatlong araw ay magbabangon akong muli.Ipagutos mo nga na ingatan ang libingan hanggang sa ikatlong araw, baka sakaling magsiparoon ang kaniyang mga alagad at siya'y nakawin, at sabihin sa bayan, Siya'y nagbangon sa gitna ng mga patay: at lalong sasama ang huling kamalian.” POL. Ngayon, kung ang pagbibilang nila ng oras ay tulad ng ng pagbilang natin ngayon, ang mga kaaway ni Jesus ay magsasabi na ang libingan ay bantayan hanggang ikaapat na araw. Sa halip, hiningi nila na pabantayan lamang hanggang sa ikatlong araw. Ang ibig sabihin nito’y binibilang nila ang una at ikatlong araw na tig-isang araw na! Hayaan mong ipakita ko ito sa Mga Gawa. Pakibasa nga ang Gaw 10:3,9,23,24,30, Abe? ABE: 3 … nang may oras na ikasiyam ng araw, na pumapasok na patungo sa kaniya ang isang anghel ng Dios, at nagsasabi sa kaniya, Cornelio. 9 Nang kinabukasan … si Pedro … 23 … sila'y pinapasok at pinatuloy sila. At nang kinabukasa'y nagbangon siya at umalis na kasama nila…. 24 At nang kinabukasa'y nagsipasok sila sa Cesarea. At sila'y hinihintay ni Cornelio…. 30 At sinabi ni Cornelio, May apat nang araw, hanggang sa oras na ito, na aking ginaganap ang pananalangin
20 sa oras na ikasiyam sa bahay ko; at narito, tumindig sa harapan ko ang isang lalake na may pananamit na nagniningning, POL: Ngayon, sa bilang ng “kinabukasan”, ilang araw ang lumipas nang sinabi ni Cornelius, “May apat nang araw”? LAHAT: Tatlo! POL: Kung gayon, kung sinabi ng Biblia, “May tatlong araw hanggang sa oras na ito, ilang gabi na ang lumipas? LAHAT: Dalawa! ABE: Subalit sinabi ni Jesus, “tatlong araw at tatlong gabi!” Paano mo ipapaliwanag ang tatlong gabi? POL: Pakibasa ang 1 Samuel 30:13 ABE: … At sinabi niya, Ako'y isang binatang taga Egipto, bataan ng isang Amalecita; at iniwan ako ng aking panginoon, sapagka't tatlong araw na ako'y nagkasakit. POL: Ngayon, batay sa pagbibilang sa Biblia, ilang gabi ang lumipas nang sinabi niya na ‘tatlong araw na ako’y nagkasakit’ ABE: Dalawa. POL: Ngayon, pakibasa ang talatang 12 ABE: At binigyan nila siya ng isang putol ng binilong igos, at dalawang buwig na ubas; at nang kaniyang makain, ang kaniyang diwa ay nagsauli uli sa kaniya: sapagka't hindi siya nakakain ng tinapay o nakainom man ng tubig, na tatlong araw at tatlong gabi. POL: Sa talatang ito, ilang gabi ang lumipas? ABE: Tatlo! POL: Kung magkagayon, pag sinabi ng Biblia, “…mapapasa ilalim ng lupa na tatlong araw at tatlong gabi ang Anak ng tao” (Mat 12:40), pareho lang ng ibig sabihin ng “tatlong araw” (27:63) o “ikatlong araw” (27:64)—bahagi ng ika-anim na araw (sa pagitan ng alas 3 hanggang alas 6 ng gabi sa Biyernes, Lu 23:44-46), buong Sabbath (Jn 19:31; Lu 23:54, alas 6 ng gabi ng Biyernes hanggang alas 6 ng gabi ng Sabado) at bahagi ng unang araw ng linggo (alas 6 ng gabi ng Sabado hanggang madaling araw ng Linggo, Jn 20:1). ISANG TESTIGO ANG NAGKWENTO NA SI JESUS AY NAMATAY APOL: Tingnan natin ang nangyari noong si Jesus ay nasa Krus. Pakibasa ang Juan 19:30-33 … MANNY: “30 … at iniyukayok ang kaniyang ulo, at nalagot ang kaniyang hininga. Nguni't nang magsiparoon sila kay Jesus, at makitang siya'y patay na, ay hindi na nila inumog ang kaniyang mga hita: POL: Para sa taong ipinako, kailangan itulak ang kanyang paa upang makakuha ng hangin na kailangan niya sa paghinga. Kung gayun, kung ang mga hita ng dalawang magnanakaw na ipinakong kasama ni Jesus ay binali na, sila’y namatay sa kakulangan ng hangin. Para kay Jesus,
21 hindi na kinakailangang baliin ang hita sapagkat patay na Siya. Puwede bang pakituloy basahin ang talata 34 ?’ MANNY: Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig. POL: Ipinakikita nito na namatay si Jesus noong hinayaan Niya ang Kanyang sarili na mamatay sa pagputok ng puso dahil sa pagsisikip nito dahil napuno na ang gilid nito ng tubig. Ngayon ating balikan. Ano ang dalawang katibayan na namatay Siyang talaga? APOL: 1. Ang pagkalagot ng Kanyang hininga at 2. Ang pagdaloy ng dugo at tubig nang tinusok ang Kanyang tagiliran. ABE: Subalit kung si Jesus ay napatay, isinumpa Siya ng Diyos sa pagiging bulaang propeta. Ang parusa sa pagiging bulaang propeta ay kamatayan (Deu 13:5). Ang kabayaran ay maaaring ibitin sa punong kahoy: “22 Kung ang isang lalake ay magkasala ng kasalanang marapat sa kamatayan, at siya'y patayin, at iyong ibitin siya sa isang punong kahoy; 23 sapagka't ang bitin ay sinumpa ng Dios …” (Deu 21:22-23). POL: Ngunit alam natin na si Jesus ay hindi propetang sinungaling. ABE: Kung gayon, hindi siya dapat ibinitin sa punong kahoy (Acts 5:30; 10:39; Galatians 3:13)!’ POL: Kung ang isang tao ay pinatay, hindi ibig sabihin na Siya ay bulaang propeta. Ang totoo, sinabi ni Jesus, “47 Sa aba ninyo! sapagka't inyong itinatayo ang mga libingan ng mga propeta, at ang mga yao'y pinatay ng inyong mga magulang. 48 Kayo nga'y mga saksi at nagsisisangayon sa mga gawa ng inyong mga magulang: sapagka't pinatay ng mga ito ang mga yaon, at itinatayo ninyo ang kanilang mga libingan. 49 Kaya nga, sinasabi naman ng karunungan ng Dios, Magsusugo ako sa kanila ng mga propeta at mga apostol; at ilan sa kanila ay kanilang papatayin at paguusigin… (Luke 11:47-51; Acts 7:52; 1Thessalonians 2:15) APOL: Tiningnan ko ang Deuteronomy 13:5 at nakita ko na hindi naman sinasabi dito na ang parusa sa pagiging bulaang propeta ay parusang kamatayan. Sa halip, sinasabi nito “At ang manghuhulang yaon o ang mapanaginiping yaon ng mga panaginip, ay papatayin, sapagka't siya'y nagsalita ng panghihimagsik laban sa Panginoon ninyong Dios …upang iligaw ka sa daan na iniutos sa iyong lakaran mo ng Panginoon mong Dios.” Oo,parusang kamatayan ang ibinigay sa mga nagsasalita ng paghihimagsik laban sa Diyos hindi sa pagiging bulaang propeta! At si Jesus ay hindi nagsasalita ng paghihimagsik laban sa Diyos! Ang Kanyang mga kalaban ang nagsumikap para parusahan Siya ng kamatayan dahil sa pahayag Niya na si ang Anak ng Diyos (Matthew 26:63-64; 27:43; Luke 22:70; Juan 9:35-37; 10:36) PAGLILIBING KAY JESUS
22 POL: Alam din ng mga kaibigan niya na namatay siya. Akala pa nga ni Maria, ninakaw ang katawan ni Jesus. Tim, puwede bang pakibasa ng Juan 19:38-20:2? TIM: . At pagkatapos ng mga bagay na ito si Jose na taga Arimatea, palibhasa'y alagad ni Jesus, bagama't lihim dahil sa katakutan sa mga Judio, ay namanhik kay Pilato na makuha niya ang bangkay ni Jesus; at ipinahintulot ni Pilato sa kaniya. Naparoon nga siya, at inalis ang kaniyang bangkay. Kinuha nga nila ang bangkay ni Jesus, at binalot nila ng mga kayong lino na may mga pabango, ayon sa kaugalian ng mga Judio sa paglilibing. Sa dako nga ng pinagpakuan sa kaniya ay may isang halamanan; at sa halamana'y may isang bagong libingan na kailan ma'y hindi pa napaglalagyan ng sinoman. Doon nga, dahil sa Paghahanda ng ma Judio (sapagka't malapit ang libingan) ay kanilang inilagay si Jesus. Nang unang araw nga ng sanglinggo ay naparoong maaga sa libingan si Maria Magdalena, samantalang madilim pa, at nakita ang bato na naalis na sa libingan. Tumakbo nga siya, at naparoon kay Simon Pedro, at sa isang alagad na iniibig ni Jesus, at sa kanila'y sinabi, Kinuha nila sa libingan ang Panginoon, at hindi namin maalaman kung saan nila siya inilagay. MGA HADLANG UPANG NAKAWIN ANG PATAY NA KATAWAN NI JESUS POL: Kung sakaling hinimatay lamang siya, magiging napakahirap sa kanya na lumabas sa pinambalot na “mga kayong lino” na may mga pabango (Juan 19:40). Tumigas na iyon sa ikatlong araw. Katulad ni Lazaro, noo’y “napupuluputan ng kayong panlibing ang kanyang mga kamay at paa”, at kailangan siyang “kalagan” ng iba (Juan 11:44). Hindi lamang mahirap siyang makalagan sa pagkatali, mayroon pang mga dalawang toneladang bato (o 4,000 libra) ang nakalagay sa entrada ng libingan. Nagbabantay pa sa labas ng libingan ang pinakamalalakas na mga Romanong sundalo nang kapanahunang iyon. Kung ano mang grupong maggugulong ng bato, masisira ang tatak. Pakibasa nga ang Mateo 27:66, Abe. ABE: “Kaya't sila'y nagsiparoon, at iningatan nila ang libingan, tinatakan ang bato, na kasama nila ang bantay.” (Matthew 27:66). Sa pagsira ng tatak, kakalabanin nila ang emperyong Romano. POL:Tingnan natin paanong ang mga hadlang na ito makakatulong makakuha ng patunay upang ang muling pagkabuhay ay maging mas malakas (Acts 1:3): ANG NAPAKALAKING BATO AT ANG TATAK POL: nang dumating si Maria Magdalena, “naratnan niyang naalis [o naitaas] na ang batong panakip sa pinto ng libingan” (Juan 20:1) sapagkat ang anghel ang naggulong nito mula sa pintuan ng libingan (Matthew 28:2). Sa salitang Griego na isinalin na “iginulong ang bato” ay mula sa salitang isinalin na “nagsidampot” sa Juan 8:59 “Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya….”
23 Ang napakalaking bato ay iginulong pabalik sa mas mataas na lugar mula sa pinaglalagyan nito na para bagang dinampot mula sa may pintuan! POL: Bakit sa palagay ninyo tinanggal ito ng anghel mula sa pintuan? TIM: Nais ng Diyos na ipaalam sa lahat ng mga alagad ni Jesus na ang katawan ni Jesus ay wala na roon. Hindi nila ito malalaman kung ang bato ay nakatakip pa rin sa pintuan. Sapagkat ang mga alagad ay takot lumaban sa Emperyong Romano (Juan 18:36), wala isa man sa kanila ang magtatangkang tanggalin ang bato at sirain ang tatak. Kaya nagpadala ang Diyos ng anghel upang magtanggal nito. Pagkabukas ng libingan, “…sinabi ng anghel sa kanila, Huwag kayong mangagitla: hinahanap ninyo si Jesus, ang Nazareno, na ipinako sa krus: siya'y nagbangon; wala siya rito: tingnan ninyo ang dakong pinaglagyan nila sa kaniya!” (Mark 16:6) ANG ROMANONG SUNDALO Sabi ng ilan, ninakaw daw ang katawan ni Jesus. “Ang mga sundalo ay sinuhulan upang sabihin, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y natutulog.” (Matthew 28:13). Maling-mali ito sa dalawang dahilan. Una, kung natutulog ang mga bantay, paano nila nalaman sino ang nagnakaw sa katawan? ANG DAMIT PANGLIBING: Pangalawa, kung ang katawan ay totoong ninakaw, bakit naman iniwanan ng (mga) magnanakaw ang libingan nang nakaayos pa? Sa libingan, ang “panyong ibinalot sa ulo” ay “nakatiklop sa isang tabi” (Juan 20:7). POL: May narinig ka na bang magnanakaw na nag-ayos pa muna ng lugar na kanilang pinagnakawan bago umalis? … TIM: Siyempre walang magnanakaw na gagawa niyon! POL: Hindi ninakaw ang katawan ni Jesus. Muli siyang nabuhay! Nang makita ni Juan ang mga “kayong lino” (Juan 20:6) na walang katawan sa loob noon, naunawaan niyang LUMAGOS ANG KATAWAN NI JESUS SA KAYONG LINO. Dahil doon, siya’y “naniwala” sa Kasulatan “na kailangang muling mabuhay si Jesus.” (Juan 20:8,9). POL: Puwede bang may bumasa ng Juan 20:6-9? APOL: 6 Dumating naman nga si Simon Pedro, na sumusunod sa kaniya, at pumasok sa libingan; at nakita niyang nakalatag ang mga kayong lino, 7 7 At ang panyo na nasa kaniyang ulo, ay hindi kasamang nakalatag ng mga kayong lino, kundi bukod na natitiklop sa isang tabi. 8 Nang magkagayo'y pumasok din naman nga ang isang alagad, na unang dumating sa libingan, at siya'y nakakita at sumampalataya. 9 Sapagka't hindi pa nila napaguunawa ang kasulatan, na kinakailangang siya'y muling magbangon sa mga patay. PAGPAPAKITA NI JESUS SA MARAMI
24 POL: Higit pa sa mga patunay na ito ay ang katotohanang nagpakita Siyang buhay (Acts 1:3). Pakibasa nga ang 1Corinto 15:3-11. ROMAN: “3 Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, 4 At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan; 5 At siya'y napakita kay Cefas, at saka sa labingdalawa; 6 Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid na paminsan, na ang karamihan sa mga ito'y nabubuhay hanggang ngayon, datapuwa't ang mga iba'y natulog na; 7 Saka napakita kay Santiago; at saka sa lahat ng mga apostol; 8 At sa kahulihulihan, tulad sa isang ipinanganak sa di kapanahunan, ay napakita naman siya sa akin. 9 Ako nga ang pinakamaliit sa mga apostol, at hindi ako karapatdapat na tawaging apostol, sapagka't pinagusig ko ang iglesia ng Dios. 10 Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin. 11 Maging ako nga o sila, ay gayon ang aming ipinangangaral, at gayon ang inyong sinampalatayanan..” POL: Obserbahan ninyo na ang ilang mga nakakita kay Jesus matapos ang kanyang muling pagkabuhay. Nabago sila sa kanilang nakita kayat handa silang mamatay para dito. Si Pedro, na dating takot kayat nagtatwa sa Kanya ng tatlong beses bago tumilaok ang manok (Jn 13:38; 18:15,17,25; Mr 14:68) at tatlong beses bago tumilaok ang manok ng ikalawang beses (Mr 14:30,69-72; Mt 26:71) ay naging matapang na mangangaral ng Kanyang muling pagkabuhay. (Gaw 2:14,36; 4:13). Malapit sa libingan, ang mga tagapakinig niya ay hindi kayang magpatunay siya ay mali (2:37-41). Si Juan lamang mula sa labindalawa ang hindi namatay na martir sa paniniwala sa muling pagkabuhay Niya (Jn 21:18-19; Gaw 12:2 at kasaysayan ng iglesia). Si Santiago, ang kapatid ni Jesus na dating hindi naniwala (Jn 7:5), ay naniwala matapos makita si Jesus at naging isa sa mga haligi ng iglesia (Gal 2:9). Si Pablo naman, ang dating mang-uusig ng mga tagasunod ni Jesus ay naglingkod ng higit sa lahat ng mga alagad dahil nakita niya si Jesus (1Corinthians 15:8-10). Isa pa, nang panahon na isinulat ni Pablo ang 1Corinto, puwede pang tanungin ang mga saksi ng pagkabuhay ni Jesus. POL: Ilan ang mga saksi na nakakita sa Kanya sa isang pagkakataon: ROMAN: Higit sa limandaan! POL: Ilan sa higit limandaan ang matatanong ng mga taga Corinto sa panahong iyon? ROMAN: Halos silang lahat dahil buhay pa sila ng mga panahong iyon!
25 POL: Ibig sabihin, sinabi ni Pablo, “Nais ninyo bang siyasatin ang katotohanan ng muling pagkabuhay ni Cristo? Kung gayun, puwede ninyong itanong ang halos limandaan na nakakita sa Kanya!” Tingnan natin ang isang istorya mula sa isa sa mga saksi. ANG PAGPAPAKITA NI JESUS NA NAGDULOT NG PANANAMPALATAYA POL: Ang kakayahang ito ni Jesus na lumagos sa mga pisikal na bagay ayaksihan din ni Tomas—isang dating nagduda na si Jesus ay muling nabuhay. Pakibasa nga ang Juan 20:24-28 PRECY: 24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus. 25 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya. 26 At pagkaraan ng walong araw ay mulinga loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang napipinid ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo. 27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin. 28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko. MANNY: Nagulat lang si Tomas! POL: Kung totoo iyan, sana sinaway siya ni Jesus sa paggamit nito sa pangalan ng Diyos “nang walang kabuluhan”. Puwede Niyang sabihin, Huwag mong babanggitin ang pangalan ng Panginoon mong Dios sa walang kabuluhan; sapagka't hindi aariin ng Panginoong walang sala ang bumanggit ng kaniyang pangalan sa walang kabuluhan (Exodus 20:7). Sa halip, ‘sinabi sa kanya ni Jesus, “Naniniwala (o NANAMPALATAYA - LS) ka na ba sapagka’t nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.” (Juan 20:29). Ayon dito, nagulat ba si Tomas o nanampalataya? TOM: Nanampalataya siya! POL: Nanampalataya nga si Tomas na si Jesus ay Diyos nang makita niya Itong muling nabuhay (Roma 1:4). Gayun din ang layunin ni Juan para sa atin: “…. Ang mga natala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Jesus ang Mesias, ang Anak ng Diyos, at sa gayo’y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.” (Juan 20:30-31). Nananalig ka ba sa iyong puso na muling binuhay ng Diyos si Jesus, ang Panginoon, ang Diyos na nagkatawang tao (Juan 1:1,14) at namatay dahil sa mga kasalanan mo (1Corinto 15:1-4)?
26 ABE: Hindi puwedeng magkaanak ang Diyos! ARIS: Hindi! Si Jesus ay Anak ng Diyos, hindi nga lang siya kapantay ng Ama! POL: (Nakangiti) pag-aaralan natin ang mga bagay na iyan sa isa sa mga susunod nating pagtitipon. Pero maaari ninyong simulan ang paghahanda sa pamamagitan ng pagbabasa ng ating susunod na takdang aralin—Juan 5-8. Okey?
ABE AND MANNY: Oo naman (may ngiti sa mga mukhang sumangayon) Alam mo ba may buhay na walang hanggan ka na (Juan 20:30-31)? Kung hindi pa, idalanging ito ngayon:
“Panginoong Jesus, nananalig ako na Ikaw ang Mesias, Diyos na nagkatawang-tao at namatay dahil sa mga kasalanan ko. Sumasampalataya din ako sa aking puso na muli Kang binuhay ng Diyos. Dahil dito, tinatanggap at ipinapahayag kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas.” ROMAN: Nais kong idalangin ang panalanging iyan. Ginabayan siya ni Tim sa pananalangin, habang ang iba ay tahimik, gumagalang sa desisyon ni Roman… Kumain silang masaya at nagpapahayag ng kagustuhang maisama nila ang iba pa sa susunod na pagtitipon.
27
Kabanata 3
Tinupad Nga Ba ni Jesus ang mga Propesiya? At narito, dalawa sa kanila ay naparoroon nang araw ding yaon sa isang nayong ngala'y Emaus, na may anim na pung estadio ang layo sa Jerusalem. 13
At kanilang pinaguusapan ang lahat ng mga bagay na nangyari. 15 At nangyari, na samantalang sila'y naguusap at nagtatanongan, na si Jesus din ay lumapit, at nakisabay sa kanila. 14
Datapuwa't sa mga mata nila'y may nakatatakip upang siya'y huwag nilang makilala. 17 At sinabi niya sa kanila, Ano ang mga salitaan ninyong ito sa inyong paglalakad? At sila'y nagsitigil, na nalulumbay ang mga mukha. 18 At isa sa kanila, na nagngangalang Cleopas, sa pagsagot ay sinabi sa kaniya, Ikaw baga'y nakikipamayan lamang sa Jerusalem, at hindi nakaalam ng mga bagay na doo'y nangyari nang mga araw na ito? 19 At sinabi niya sa kanila, Anong mga bagay? At sinabi nila sa kaniya, Ang mga bagay tungkol kay Jesus na Nazareno, na isang propetang makapangyarihan sa gawa at sa salita sa harap ng Dios at ng buong bayan: 20 At kung paano ang pagkabigay sa kaniya ng mga pangulong saserdote at ng mga pinuno upang hatulan sa kamatayan, at siya'y ipako sa krus. 21 Datapuwa't hinihintay naming siya ang tutubos sa Israel. Oo at bukod sa lahat ng mga ito ay ngayon ang ikatlong araw buhat nang mangyari ang mga bagay na ito. 22 Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan, ay nakapagtaka sa amin; 23 At nang hindi mangasumpungan ang kaniyang bangkay, ay nagbalik sila, na nagsabing sila nama'y nakakita ng isang pangitain ng mga anghel, na nagsabing siya'y buhay. 16
At nagsiparoon sa libingan ang ilang kasama namin, atumpungan nila alinsunod sa sinabi ng mga babae: datapuwa't siya'y hindi nila nakita. 25 At sinabi niya sa kanila, Oh mga taong haling, at makukupad ang mga pusong magsisampalataya sa lahat ng salita ng mga propeta! 26 Hindi baga kinakailangang si Cristo ay maghirap ng mga bagay na ito, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian? 27 At magmula kay Moises at sa mga propeta, ay ipinaaninaw niya sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniya sa lahat ng mga kasulatan. 24
“At sila-sila'y nagsabihan, Hindi baga nagaalab ang ating puso sa loob natin, habang tayo'y kinakausap niya sa daan, samantalang binubuksan niya sa atin ang mga kasulatan? (Lucas 24:13-27) 32
TIM: Sana makapagturo tayo katulad ng ginawa ni Jesus.
28 POL: Maganda ang nasa ng puso mo. Nang mabasa ko ulit ang talatang iyan, ninasa ko rin ang makatulad sa pagtuturo Niya. Ang maganda, puwedeng matupad ang ating ninanasa … ayon sa pagpahintulot natin sa Panginoong Jesus na mabuhay sa pamamagitan natin. Manalangin tayo… Panginoong Jesus, manguna Ka po sa aming mga buhay upang sa pagbubukas namin ng Kasulatan sa mga dadalo ngayong gabi, ang kanilang mga puso ay mag-alab. TIM: Amen! —o0o— POL: ‘Nel, Puwede bang pakibasa ang 1Corinto 15:1-4? NEL: “1 … ang magandang balita … inyo nang tinanggap, na siya naman ninyong pinaninindigan, 2 na sa pamamagitan nito kayo ay ligtas, KUNG matatag ninyo itong panghahawakan—malibang kayo’y sumampalataya nang walang kabuluhan. 3 Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga Kasulatan, 4 at siya’y nilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan” (1 Corinthians 15:1-4 BB) POL: Upang makatiyak ka na ligtas ka na, anong mensahe ang dapat mong panghawakan? NEL: Na bilang katuparan sa mga Kasulatan, si Cristo’y namatay para sa kasalanan, inilibing at muling nabuhay nang ikatlong araw. Pero paano ko mapanghahawakang matibay kung di ko naman alam ang mga Kasulatang iyon? POL: Tama ka! ‘kaya nga iyan ngayon ang dahilan kung bakit pagaaralan natin ang ilang halimbawa ng Kasulatan na natupad sa buhay ni Jesus. Titingnan natin ang ilang Kasulatan sa Lumang Tipan na may katapat na katuparan sa Bagong Tipan. Ang bawat isa ay bibigyan natin ng pagkakataon na basahin ang mga talata mula sa kaliwa pakanan. PROPESIYA SA LUMANG TIPAN Siya’y … isang taong … sanay sa KALUNGKUTAN …. 11 … paghihirap ng kanyang kaluluwa …. (Isaias 53:3,11 BB) 3 B
KATUPARAN SA BAGONG TIPAN At sinabi niya sa kanila, “Lubhang NALULUNGKOT ang aking kaluluwa na halos ikamatay. …” (Mateo 26:38; Marcos 14:34 BB)
POL: Nel sa pagbasa mo, pakisagutan ang patlang sa #1. NEL: 1. Makararanas siya ng paghihirap. POL: Sa ikaanim nating pagtitipon, mauunawaan natin kung gaano ang lungkot at iba pang paghihirap ang tiniis Niya. Pero sa ngayon,
29 titingnan lang nating sandali ang ilang mga talata na may propesiyang natupad... Pakibasa ng sumunod na talata Siya … tulad ay korderong hatid sa patayan, parang mga tupang hindi tumututol kahit na gupitan, ni hindi UMIMIK kahit gaputok man. (Isaiah 53:7)
Ngunit nang paratangan siya ng mga punong saserdote at ng matatanda ng bayan …. HINDI SUMAGOT si Jesus gaputok man, kaya't nagtaka ang gobernador. (Mateo 27:12-14; Marcos 15:5; Lucas 23:9; Juan 19:9 ) 12
POL: Nida, sa pagbasa mo ng #2, pakisagutan ang patlang.
9. Hindi siya iimik pagka dalhin siya sa katayan. Ano ang iyong tugon nang ang iba ay nagsalita ng masama laban sa iyo? … Gumanti ka ba sa pamamagitan ng iyong labi? … Tularan mo ang mga halimbawa ni Jesus (1Peter 2:18-23). … dahil sa pagkabugbog sa kanya'y halos di MAKILALA kung siya'y tao (Isaias 52:14).
Siya'y niluran nila sa mukha at PINAGSUSUNTOK. SINAMPAL naman siya ng iba (Mateo 26:67) … IPINAHAGUPIT si Jesus …. Naglikaw sila ng halamang MATINIK at ipinutong sa kanya …. Siya'y pinaglulurhan; kinuha nila ang tambo at siya'y PINAGHAHAMPAS sa ulo (27:26,29,30; Marcos 15:15).
10. Sa pagkabugbog sa kanya, halos hindi na siya makilala. POL: Babalikan natin ito sa ating pang-anim na pagtitipon. “…E BINUTASAN nila ang aking mga KAMAY at paa” (Zacarias 12:10).
…IPINAKO nila sa krus si Jesus.….(Lucas 23:33)
11. Bubutasan ang kanyang mga kamay at paa. Masakit bang mainiksiyunan? … Wala yan kumpara sa mga pako! … ibinilang na kasama ng mga LUMALABAG. (Isaias 53:12 BB)
…. Ipinako rin ang dalawang SALARIN, isa sa gawing kanan at isa sa … kaliwa. (Lucas 23:33)
12. Ibibilang Siya kasama ng mga lumalabag Kanilang pinaghatian ang Nang maipako na siya sa krus, aking mga KASOOTAN, at pinaghati-hatian nila ang para sa aking damit sila ay kanyang mga DAMIT matapos nagsapalaran (Awit 22:18 BB). magsapalaran (Mateo 27:35; Marcos 15:24; Juan 19:23,24)
13. Paghahatian nila ang Kanyang mga kasootan. …. NAMAGITAN para sa mga lumalabag” (Isaias 53:12)
Sinabi ni Jesus, “Ama, PATAWARIN Mo sila, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” …. (Lucas 23:34)
14. Mamamagitan Siya para sa mga lumalabag
30 Mayroon bang gumawa ng masama sa iyo? … Naidalangin mo na ba na patawarin siya ng Diyos (Acts 7:60)? Silang lahat na nakakita sa akin ay H TINATAWANAN ako; nginungusuan nila ako, iilingiling ang kanilang mga ulo. (Awit 22:7). Hinamak siya ng mga tao at itinakwil. (Isaias 53:3)
Ang mga tao'y nakatayo roon at nanonood; NILILIBAK naman siya ng mga pinuno ng bayan. .… (Lucas 23:35) Siya’y INALIPUSTA ng mga nagdaraan at pailing-iling (Mateo 27:39; Marcos 15:29 BB).
15. Siya ay tatawanan. “1 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako I PINABAYAAN? …. 3 Gayunman ikaw ay banal, nakaluklok sa mga papuri ng Israel …. (Awit 22:1,3 BB)
… sumigaw si Jesus, “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako PINABAYAAN?”(Mateo 27:46; Marcos 15:34).
16. Pababayaan Siya ng Diyos na banal at kapuri-puri. Ako’y ibinubuhos na parang TUBIG …. 15 Ang aking kalakasan ay NATUYO na parang basag na banga, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala …. (Awit 22:14,15 BB) 14
… alam ni Jesus na naganap na ang lahat ng bagay; at bilang katuparan ng Kasulatan ay sinabi niya, “NAUUHAW ako!” (Juan 19:28)
17. Matindi ang pagkauhaw Niya sa kawalan ng tubig. Lahat nitong mga buto ay Ngunit pagdating nila kay Jesus iniingatan niya, sa mga iyon ay at makitang patay na siya, hindi hindi K NABABALI ni isa na nila BINALI ang kanyang (Awit 34:20 BB) binti. …. (Juan 19:33,36)
18. Walang mababali sa Kanyang mga buto. … ang Pinahiran (Cristo) ay PAPATAYIN …. (Daniel 9:26 NPV) …. Itinuring na siya’y itiniwalag sa lupain ng mga buhay…. (Isaias 53:8 BB)
“… itong si Jesus na IPINAKO ninyo sa krus---siya ang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!” (Gawa 2:36)…. NALAGOT ang kanyang hininga. (Lucas 23:46)
19. Bilang isang Cristo, Siya ay papatayin. At ginawa nila na ang kanyang libingan na kasama…ng isang lalaking M MAYAMAN…(Isaias 53:9 BB)
…isang MAYAMANG …pangalan ay Jose…. Ang bangkay ni Jesus … kinuha ni Jose … at inilagay sa kanyang sariling bagong libingan…. (Mateo 27:60).
20. Libingan ng isang lalaking mayaman ang paglilibingan Niya. … di mo tutulutang ang mahal mo ay … ay MAAGNAS. (Awit 16:10)
“29 … si David ay namatay at inilibing; naririto ang kanyang libingan hanggang ngayon. 32 Itong si Jesus ay MULING BINUHAY ng Diyos, at saksi kaming lahat sa bagay na ito.” (Gawa
31 2:29-32)
21. Siya’y di maaagnas—kundi muling mabubuhay. Kung Kung may 1 sa 2 pagkakataon na matupad ang 1 hula, ang tsansa na matupad ang 14 na hulang ito kay Jesus ay 1/214 = 1/16384 = 0.006%! LINDA: Pakipaliwanag mo pa nga! Kasi nangopya lang ako kaya ako nakapasa sa mathematics namin eh! TIM: Ganito iyon. Ikaw, puwede kang magdesisyon na umatend ng Bible study o maging absent. Maaari naming sabihin na may 1 sa 2 tsansa na ikaw ay naririto. Para sa iyo at kay Emy may apat na posibilidad—1. Nandito kayong pareho : 2. Nandito ka pero siya ay wala: 3. Siya ay narito at ikaw ang wala: 4. Pareho kayong wala. Kaya may 1 sa 4 na tsansa na nandito kayo pareho. Para sa iyo, kay Emy at kay Mary, may 8 mga posibilidad—1. Nandito kayong tatlo; 2. Ikaw lang ang narito; 3. Si Emy lang ang narito; 4. Si Mary lang ang narito; 5. Ikaw at si Emy ang narito; 6. Ikaw at si Mary ang narito; 7. Si Mary at Emy ang narito; 8. Lahat kayo wala dito. Kaya may 1 sa 8 tsansa na kayong tatlo ay narito. Kung Bawat isa isa inyong tatlo ang kumakatawan sa isang katuparan ng isang propesiya, puwede nating sabihing mayroong 1 tsansa sa 8 para sa 3 propesiya na matupad sa buhay ni Jesus … at may 1 tsansa sa 16384 para sa 14 na mga propesiya ang matutupad sa Kanyang buhay! LINDA: ‘Ahh! Nakuha ko na! POL: Ngayon, may kilala ka bang nagtaguyod ng relihiyon na katulad ni Jesus?… MANNY: Yaong pinuno ng relihiyon na kilala ko ang tumupad daw ng isang propesiya sa Lumang Tipan. Pero mayroon din sa ibang bansa ang nagsabi na siya raw ang tumupad sa propesiyang iyon! ABE: Ang kilala ko naman ay tumupad daw ng 8 propesiya. Subalit sinasabi ng iba na di naman tungkol sa kaniya iyon! POL: Ang mahalaga na tanong ngayon ay ‘Nagtiwala ka na ba kay Cristo?’ LINDA: Dahil wala namang iba na mapagkakatiwalaan katulad Niya, gusto kong gawin iyan! ABE: Gusto ko rin, pero mayroon pa akong ilang mga tanong, MANNY: Ako ma’y gayun din. ARIS: Ako rin TIM: Siguro, ganito ang maganda nating gawin: Mag-uusap sina Precy at Linda para maipahayag ni Linda kung ang pagtitiwala niya kay Cristo. Susubukan naman namin ni Pol na sagutin ang ilan sa mga katanungang ‘nyo. Okey ba iyon?
32 POL: Magandang ideya ‘yan. Sige Precy, punta muna kayo sa kwarto. Pag tapos ‘nyo ni Linda, balik kayo rito ha? Ang grupo ay sumang-ayon naman… Tinanggap ni Linda si Cristo nang may luha habang itinuturo ni Precy sa kanya ang babasahin, ‘Nais mo bang laging makasama ang Diyos.’ Habang si Pol at si Tim ay sumasagot sa ilang mga tanong. Nang bumalik na si Linda at Precy sa grupo, may kapayapaan sa mukha ni Linda naabi ni Abe… ABE: Ang itsura ng mukha mo ang mas nakapagkumbinsi sa akin kaysa sa mga paliwanag na narinig ko mula kay Pol at Tim! POL: Sa susunod nating pagkikita pag-aaralan natin kung si Jesus nga ba ay tunay na Diyos! MANNY: Sabik na ako na pumunta dito para sa pagtitipong iyon! ABE AT ARIS: Ako rin! POL: Pansamantala, ’wag ‘nyong kalimutan ang inyong takdang aralin bago tayo magkita—Basahin ang Juan 9-12. Imbitahan ninyo ang mga kaibigan ‘nyo ha? LINDA: Sigurado!
33
Kabanata 4
Paano Masasabing Diyos at Tao si Jesus? Pagkatapos ng awitan at panalangin, tinanong ni Abe, 'Natutunan ko na darating ang panahon na ang mga nag-aakalang sila ay ligtas ay makakaalam na hindi pala dahil naniwala sila sa di lang isang Diyos! Kaya ano pa ang saysay ng pag-aaral kung si Jesus nga ay Diyos?' SI JESUS BA SI ‘AKO NGA’ Sinabi ni Roman, 'Nasa Talaan ang kasagutan diyan: Sabi ni Jesus, “Mamamatay nga kayo sa inyong mga kasalanan kung hindi kayo maniniwalang ‘Ako’y si Ako Nga’.” (Juan 8:24) Sinabi naman ng Diyos kay Moises, ‘Ako’y si Ako Nga.’ (Exodo 3:14). 'Subalit ang AKO NGA sa Exodo 3:14 ay maling salin ng Hebreo,' bida ni Abe. 'Paano mo nalaman ‘yan? Marunong ka bang bumasa ng Hebreo?' tanong ni Tom. 'Hindi naman, pero natutunan ko yan mula sa aking propesor na eksperto sa Hebreo!' 'Kung gayon, ang pananampalataya mo pala ay nakasalalay dahil nagtitiwala ka sa propesor mo?' tanong ni Apol. 'Paano naman yaong maraming iskolar sa Hebreo na nagsalin na AKO NGA? Nakita ko ang pagkasalin ng 22 sa kanila! Mali ba silang lahat?' Umiinit ang usapan. Kaya't sinabi ni Barnie, 'Naniniwala kaming kinasihan ng Diyos ang orihinal na kasulatan na pinagbatayan ng mga kopya ng Biblia ngayon (2Timothy 3:16-17). Ipinapahayag naman Niya ang Kanyang salita sa pamamagitan ng mga salin. Sang-ayon dito si Jesus sapagkat binanggit Niya ang salin ng Awit 22:1 mula sa Hebreo tungo sa Aramaiko sa Mateo 27:46. Huwag na nating pagtalunan ang tanong na iyan sapagka’t karamihan sa atin dito ay hindi nakakaalam ng Hebreo? Okey?' Tumango ang grupo bilang pagsang-ayon. Nagpunas si Pol ng mukha sa paggaan ang sitwasyon! Alam mo ba ang wikang Griego, Hebreo o Aramaico na ginamit sa orihinal na pagkasulat ng Biblia? ... Kung gayun, pag-aralan mo ang Biblia sa wikang iyon at ipaalam mo sa iba ang iyong matutuklasan! Kung hindi, alalahanin mong mapapakilala ng Diyos ang Kanyang Sarili sa pamamagitan ng literal na salin na mas naiintindihan mo. Hayaan mo lang ang Salita ni Cristo ay managana sa iyo (Colosas 3:16). Tinanong ni Pol, 'Ang ibig bang sabihin na si Jesus ang “Ako nga” ay siya ang Diyos na nakausap ni Moises?'
34 'Hindi,' pagtutol ni Abe, 'Ang ibig sabihin ng AKO NGA ay Siya ang Mesias na ipinadala mula sa itaas (ayon isang tagasalin na nagngangalang Williams). Sa Juan 8:23, sinabi ni Jesus, “Ako'y mula sa itaas...” 'Tama,' pagsang-ayon ni Aris, 'Sinabi ni Jesus sa talatang 28, “ Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo... [o Mesias]”. Ang Anak ng Tao ay tawag sa Mesias sa Daniel 7:13. 'Subalit ang salitang isinalin na “ang PANGINOON” o Yahweh ay ikatlong pantukoy na Ehyeh na isinalin na “AKO NGA”,' ang pakikipagtalo ni Pol, 'Ang PANGINOOON na puspos ng kaluwalhatian, na nakita ni Isaias sa Isaias 6:3,5, na ipaghahanda ng daan (40:3) na bilang Mesias ay binutasan, ay malinaw na si Jesus sa Juan 12:41, Mateo 3:3 at Pahayag 1:7,8.' Sasabihin sana ni Apol ang sumusunod: 'Si Jesus ay puwedeng tawaging PANGINOON o Yahweh ng Lumang Tipan sapagkat nasa kanya ang pangalan ng nakausap ni Moises (Exodo 3:14; Juan 8:24; Isaias 6:3,5
& Juan 12:41; Isaias 40:3 & Mateo 3:3; Zacarias 12:10 at Pahayag 1:7,8).' Gayunpaman, si Pol, na nag-aalala sa oras, ay pumigil sa kanya sa pamamagitan ng pagtanong... 'Marami pa tayong mapapag-usapan patungkol sa paksang iyan. Pero ngayon, sapat na sabihin natin na ang ating kinabukasan ay nakasalalay sa ating pagkaunawa sa KUNG SINO SI JESUS (Juan 3:36). Dahil dito, tingnan natin ang ilang mga talata na makatutulong sa atin na mas maunawaan nang maigi ang pinag-uusapan natin. Abe, pakibasa mo nga ang Juan 10:27-38?' At binasa nga ito ni Abe...
PAANO MATATAWAG NA DIYOS SI JESUS? Hinimok ni Pol ang mga miyembro ng grupo na basahin nila ang librito at nasagutan nila ang mga tanong nang madali: Apol, puwede bang pakibasa ng Juan 1:1? APOL: Sa pasimula pa’y naroon na ang Salita. Kasama ng Diyos ang Salita at ang Salita ay Diyos. … POL: Ano ang Salita sa Juan 1:1? ROMAN: Diyos! (ang mabilis na tugon ni Roman.) ARIS: (Nakaturo sa kanyang Thayer’s Greek Lexicon, kaniyang sinabi) Ang Griego para sa ‘Salita’ ay ‘logos’ na ang ibig sabihin ay ‘kaisipan … ideya … o sinabi’ subalit hindi ito Diyos! Tinawag lang ito ng ‘Diyos’ dahil itoy mula sa Diyos, katulad din sa mga dinatnan ng salita ay tinawag na mga diyos sa Juan 10:35. POL: Ang ibig sabihin ng mga salita ay batay sa kanilang konteksto (o kabuuang pinaggamitan). Tingnan natin ang Diyos dito kung ang ibig
35 sabihin ay Diyos talaga o isang kaisipan, ideya o sinabi lang. Ano ang ilan sa mga katangian na alam no na totoo sa Diyos lamang? PETE: Siya ang walang hanggang Manlilikha at pinanggagalingan ng buhay! TIM: Magandang sagot! Saan mo natutunan iyan? PETE: Sa talaan na ipinamigay ninyo! Nagtawanan ang grupo. POL: Ang Diyos na tinawag ni Abraham ay walang hanggan (Genesis 21:33). Ano ang mga katangian ng Salita na nagpapatunay na siya ay Diyos, na siya ay walang hanggan. JON: Sa pasimula pa’y naroon na Siya! ABE: Ang salitang “pasimula” ay hindi nangangahulugang ang Salita ay walang hanggan. Ang diablo ay mamamatay tao na sa simula pa (Juan 8:44). Ibig sabihin ba noon: ang diablo ay walang hanggan? APOL: Uulitin ko, ang ibig sabihin ng anumang salita tulad ng ‘pasimula’ ay nakasalalay sa kontektsto. Si Satanas ay mamamatay o mamamatay-tao (Thayer) mula nang ang tao’y posible nang patayin. (Genesis 2:17). Sa pamamagitan ng kanyang pandaraya, pinatay niya si Adan at Eba (3:1-24). Sa kabilang banda, naroon na ang Salita nang pasimula pa bago ‘nilikha ang lahat ng bagay’ (Juan 1:3). POL: Ang katotohanang iyan ay ayon sa pangalawang katangian ng Salita. Sinasabi ng Genesis 1:1, ‘Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa.’ (cf. Isaiah 45:18) Ang Salita ay kasama na sa paglikha ng lahat ng mga bagay tulad ng sanlibutan. Pakibasa nga ang talatang 3 at 10, Abe? ABE: 3 Sa pamamagitan Niya nilikha ang lahat ng bagay, at walang anumang nalikha nang hindi sa pamamagitan niya. 10 …. Nilikha ang sanlibutan sa pamamagitan Niya.… (Juan 1:3,10) ARIS : Sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, kasama na ang sanlibutan. Subalit hindi Siya walang hanggan! Si Jesus ay bugtong na Anak—Siya, na karunungan ng Diyos (1Corinthians 1:24) na ipinanganak bago pa nalikha ang lahat ng mga bagay. Sabi Niya, “22 Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng Kaniyang lakad, bago pinasimulan ang Kaniyang mga gawa ng una. 23 Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. 24 Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. 25 Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: … 30 sa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya (Kawikaan 8:22-30). Ang salitang “nailabas” dito ay isinalin na “was given birth” sa NIV. Kung gayon, unang nilikha ang Karunungan ng Diyos na si JesuCristo! APOL: Subalit, ang salin sa Hebreo “nailabas” ay ginamit rin sa Kawikaan 25:23, “Ang hanging hilaga ay naglalabas ng ulan: ....”.
36 Kaya, tulad ng ulan na hindi nilikha ng hanging hilaga na naglalabas nito, gayundin naman ang Karunungan ay hindi nilikha ng Ama na naglabas sa Kaniya. Ang Karunungan ay walang hanggan din, mula sa walang hanggan, mula sa pasimula, bago pa ang paglikha. POL: Ang isa pang katangian ng Diyos Siya ang PINAGMULAN NG BUHAY. At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay. (Genesis 2:7). Gayundin naman, ang Salita ay ang pinagmulan ng Buhay: Mula sa Kaniya ang buhay… (Juan 1:4). Noong Siya’y mag-anyong tao, pinagkalooban Siya ng buhay sa kanyang sarili (Juan 5:26-27). Balikan natin ang talatang 1-3 ng Juan 1: 1 … at ang Salita ay Diyos. Kasama na Siya ng Diyos sa pasimula pa.” 3 Sa pamamagitan Niya nilikha ang lahat ng bagay…
2
Anong mga salita ang nagpapatunay na ang Salita ay di lamang kaisipan o bagay na kundi isang persona na nang lalangin ang lahat ng bagay? PETE: Ang paggamit ng Niya o Siya sa halip na ito at nito. At naging tao ang Salita puspos ng pag-ibig at katapatan (katotohanan), at tumahan sa gitna natin… (Juan 1:14). POL: Ano ang nangyari sa Salita? PETE: Naging tao ang Siya. POL: Nakita natin na ang Salita ay Diyos, walang hanggang Manlilikha at pinanggagalingan ng buhay at naging tao. Ngayon, tingnan naman natin kung sino itong Salita na tinutukoy ni Juan. Pakibasa nga ang talatang 14: At naging tao ang Salita, at tumahan sa gitna natin…na puspos ng pagibig at katotohanan. POL: Sino ang kasama ng Diyos Ama (t.1-2) at puspos ng pag-ibig at katotohanan na pwedeng pagmulan noon (t.14)? GRUPO: Ang “Salita”! … ang pag-ibig at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. 18 Kailanma'y walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak ---siya'y Diyos---na lubos na minamahal ng Ama (Juan 1:17-18). 17
POL: Sino ang kasama ng Ama (t.18)? GRUPO: Ang bugtong na Anak. POL: Kanino nagmumula ang pag-ibig at katotohanan (t.17)? GRUPO: Kay JesuCristo POL: Kung gayon, sino ang Salita? Roman: Siya ay si Jesus Cristo! (madamdaming sagot ni Roman) Ngayon nauunawaan ko na kung bakit itinuro sa amin na si JesuCristo ay Diyos na nagkatawang tao!
37 Ayon sa pinagusapan sa itaas, malinaw na ba sa inyo na si Jesus ay Anak ng Diyos na may mga katangian ng pagka Diyos at ipinakilala ng Ama? … Kung gayon, sabihin mo sa Kanya, “Panginoong Jesus, hayaan mong higit kitang makilala habang binabasa ko ang babasahing ito.” Kung hindi pa ito malinaw, idalangin mo ang panalanging ito kapag ang katotohanang ito ay naging malinaw na. POL: Manny, pakibasa nga yung susunod na tanong… MANNY: Kung si Jesus ay Diyos, bakit Niya sinabi ang sumusunod: “Dakila ang Ama kaysa akin” (Juan 14:28; Marcos 13:32); “Walang ginagawa ang Anak sa kanyang sarili lamang” (Juan 5:19); “Wala akong ginagawa sa sarili ko lamang. Humahatol ako ayon sa sinasabi sa akin ng Ama” (5:30)? Oo nga, gusto ko ngang itanong iyan! POL: Pakibasa nga ang sagot, Tim, TIM: Ang mga iyon ay katangian Niya bilang tao (5:27) na kung saan di Niya pinanghawakan ang pagkapantay Niya sa Diyos (Filipos 2:5-8). Mayroon ka bang mga problema sa pakikitungo sa ibang tao? Ito ba’y dahil pinanghahawakan mo ang iyong karapatan? ... Nagbibigay ka ba ng paluwag para sa kanilang pagkakamali? ... Tinatanggap mo ba sila sa kanilang kahinaan? ... Kaibigan, sundan mo si Jesus (Filipos 2:3-11)! Bagaman di pinanghawakan ni Jesus ang pagkapantay Niya sa Diyos, inangkin Niyang Siya’y Diyos (Juan 10:27-30,38), kapantay ng Ama (5:17-18) na inilalarawan Niya (Juan 14:7-9; 2Corinto 4:4; Hebreo 1:3). ARIS: Hindi naman niya sinabing siya ay Diyos. Hayaan ninyong basahin ko ang Juan 10:27-38. ... (Pagkabasa…) POL: Sa talata 29, sinabi ni Jesus, “Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.” Kung walang makakaagaw sa mga tupa mula sa kamay ng Ama, sino ang mas dakila sa Ama? GRUPO: Walang sinuman! POL: Sa talata 28, sinabi ni Jesus, “…at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.” Kung walang sinoman ang makakaagaw sa mga tupa mula sa kamay ni Jesus, sino ang mas dakila kay Jesus? GRUPO: Walang sinoman!‘ POL: Ngayon sa talata 30, sinasabi ni Jesus, “ … 30 Ako at ang Ama ay iisa… .” kung gayon sa anong kalagayan ang Ama at si Jesus ay iisa?’ isa sa pagiging dakila sa lahat! Katotohanan, makikita mo ang Ama na nakay Jesus sa pagiging dakila sa lahat; makikita mo si Jesus nasa Ama sa pagiging dakila sa lahat. Sinabi ni Jesus sa talata 38, , “...ang Ama ay nasa akin, at ako'y nasa Ama.”
38 Sinagot siya ng mga Judio, Hindi dahil sa mabuting gawa ay binabato ka namin, kundi sa pamumusong; at sapagka't ikaw, bagaman ikaw ay tao, ay nagpapakunwari kang Dios (Juan 10:31-33). Kung si Jesus ay hindi Diyos kundi isang propeta lamang, sana itinuwid Niya ang kanilang maling pagkaunawa sa Kaniyang sinabi. Subalit hindi Niya ito ginawa. Sa halip, ipinahayag Niya na Siya ay puwedeng tawaging Diyos katulad sa mga dinatnan ng salita ng Diyos. “34 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga nasusulat sa inyong kautusan, Aking sinabi, Kayo'y mga dios? 35 Kung tinawag niyang mga dios, yaong mga dinatnan ng salita ng Dios (at hindi mangyayaring sirain ang kasulatan), 36 Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?” (Juan 10) Muli Niyang ipinagdiinan na ang mga gawa ng Ama ang Kanyang ginagawa upang patunayang may karapatan Siya sa Kanyang inangkin.. 37 “Kung hindi ko ginagawa ang mga gawa ng aking Ama, ay huwag ninyo akong sampalatayanan. 38 Datapuwa't kung ginagawa ko, ang mga yaon kahit hindi kayo magsisampalataya sa akin, ay magsisampalataya kayo sa mga gawa; upang maalaman ninyo at mapagunawa na ang Ama ay nasa akin, at ako'ya Ama. 39 Muling pinagsikapan nilang siya'y hulihin: at siya'y tumakas sa kanilang mga kamay...” (Juan 10:31-39) Kung di totoo ang angkin Niya sa Siya’y kapantay ng Ama, di sana Siya sinuportahan ng Ama na dapat parangalan tulad Nito (5:23). Ipinakita sa Kanya ng Ama ang lahat ng ginagawa Nito upang magawa Niya rin (5:19-20). Ibinigay Niya rin kay Jesus ang “kapangyarihan sa sangkatauhan” (17:2) maging ang “kapangyarihang magbigay-buhay”, “humatol” (5:26,27,22) at magpatawad. Ang mga ginawa ni Jesus— pagbuhay ng patay, pagpapagaling, pagpapalayas ng demonyo, atbp.— ay mula sa Ama at kasama ng sinabi ni Juan Bautista, ng Ama at ng mga Kasulatan, nagpapatotoo sa mga angkin ni Jesus tungkol sa Kanyang sarili (5:36,27,29; 10:33-39; Marcos 2:10-11; Lucas 11:20). MANNY: Pero “Ang Diyos ay hindi nagbabago….” (Malakias 3:16)! Hindi siya lumalaki sa karunungan at sa pangangatawan, pero si Jesus nagbago (Luke 2:52). Ang Diyos hindi namamatay pero si Jesus namatay! “Ang Diyos ay espiritu….” (Juan 4:24) pero sinabi ni Jesus, “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” (Lucas 24:39). Samakatuwid, si Jesus ay hindi puwedeng maging Diyos! Si Barnie ay tumapik sa kaniya nang marahan at nagsabi: BARNIE: Natutuwa ako sa kagustuhan mong huwag mainsulto ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapaliit sa Kaniya sa pagpantay sa Kaniya sa tao. Ang katotohanang si Jesus ay lumago sa karunungan at pangangatawan, namatay at nabuhay na muli, may laman at buto ay iba pang mga ebidensya na si Jesus ay taong talaga! Hindi namin sinasabing hindi tao si Jesus…
39 Bago matapos ang paliwanag ni Barnie, sumingit si Aris nang may mas mababang boses... ARIS: Si Jesus ay hindi puwedeng maging Diyos at tao pareho. Sinasabi ng Biblia, ‘Ang Diyos ay hindi tao…’ (Bilang 23:19). POL: Tingnan natin ang buong detalye ng talata. ‘Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, ni anak ng tao na magsisisi; sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?’ POL: Ngayon, sinasabi ba dito na hindi puwedeng maging tao ang Diyos? GRUPO: Hindi! POL: Sa halip na patunayan na si Jesus ay hindi puwedeng maging Diyos at tao, ang talata pang iyan ang puwede pa nating maging dahilan na tanungin kung si Jesus ba ay tao nga lang. Hayaan ninyong ipaliwanag ko… Kung si Jesus ay nagsinungaling, ang mga taong malapit sa Kanya ang siyang magpapatunay nito. Si Pedro at si Juan ay dalawa lang sa kanila. Pakinggan natin ano ang sinabi nila patungkol kay Jesus: “Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig” (1 Pedro 2:22; Isaias 53:9). “…at sa kaniya'y walang kasalanan” (1 Juan 3:5). POL: Mula sa mga pahayag nina Pedro at Juan, nagsinungaling ba si Jesus? GRUPO: Hindi! POL: Ang iba, kasama ng Kanyang mga kaaway, ay hindi makakapagpatunay na siya ay nagsinungaling (Juan 8:46). Si Judas ay nagsabi na si Jesus ay walang kasalanan (Mateo 27:4). Gayundin si Pilato at ang kanyang asawa (t.19,23,24), ang magnanakaw sa krus (Lukas 23:41), ang senturyon (t.47) at si Pablo (2Corinto 5:21; Hebreo 4:15; 7:26). Ikaw, kumusta? Namumuhay ka ba sa paraang kahit ang iyong mga kaaway ay hindi makapagsabi ng masama laban sa iyo? ... Kung ang ugali mo ay aatakihin ng iba, kaya ka bang ipagtanggol ng mga taong mas nakakakilala sa iyo? ... KUNG MAY IISANG DIYOS (1Timoteo 2:5), ANG AMA (1Corinto 8:6), BAKIT TINAWAG NA DIYOS ANG ANAK AT ANG BANAL NA ESPIRITU? ARIS: Tanong ko nga rin iyan! POL: Ano sa palagay ninyo ang sagot? ONIE: Di ba si Jesus ang Ama at siya din ang Banal na Espiritu, tama ba? POL: Onie, gusto mo bang basahin ang Mga Gawa 7:56? …
40 ONIE: Narito, nakikita kong bukas ang mga langit, at ang Anak ng tao na nakatindig sa kanan ng Dios. “ POL: Ngayon, ang talata bang ito ay nagpapakita na si Jesus at Ama ay isang persona lamang? ONIE: Oh, tama ka nga! Nakita ni Esteban na ang Ama ay iba sa Anak!’ POL: Tama, ang Ama at ang Anak ay magkaibang persona; ang Banal na Espiritu ay iba ring persona sa Kanila “16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya; 17 At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan (Mateo 3:16-17). Nakikita ba ninyo pamimilit kung ating sasabihin na si Jesus matapos na bumaba sa langit at nalugod sa sarili at bumalik sa langit upang sabihin na ang kanyang kinalulugdan ay ang sarili? (Ang grupo ay nangiti sa pagsangayon) POL: Dahil walang pagsasalungat sa mga laman ng Biblia, totoo lahat ang katuruan na ‘mayroon lamang isang Diyos’ at ‘si Jesus ay Diyos’, ‘ang Ama ay Diyos’ at ‘ang Banal na Espiritu ay Diyos’. Kung gayon, ang tunay na Diyos ay tatlong mga persona na may kalikasang pangDiyos lamang at nagkakaisa bilang ISANG DIYOS.
22. Hindi si Jesus rin ang Ama at ang Banal na Espiritu. Nakita ni Esteban na iba ang Ama kay Jesus (Gawa 7:56). Iba rin Sila sa Espiritu (Mateo 3:16-17) na bilang isang persona ay nakakaalam (1Corinto 2:11), may kalooban (12:11) at nakararamdam (Efeso 4:13) din. Hindi lang isang persona ang tinutukoy pag sinasabing “isang PANGINOON” (Deuteronomio 6:4). Ang nagpadala at ang ipinadala ay tinawag na PANGINOON sa Zacarias 2:8-9 BK: Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: … at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin. Sabi ng PANGINOON, “Lalangin natin…” (Genesis 1:26;11:7; 3:22); “Sasamahan, ng MGA PERSONA (o MUKHA) KO kayo….” (Exodo 33:14-15 tala ng JB2000 at ni Robert Gill). “Iisa ang Panginoon” (1Corinto 8:6b) subalit tinawag din na Panginoon ang Ama at ang Espirutu sapagkat sinabi ni Jesus sa Ama, “… Panginoon ng langit at lupa … (Mateo11:25). Ang Biblia ay nagsasabi din “…mula sa Panginoon na Espiritu. “ (2 Corinto 3:18). Sinabi ring may … “IISANG Diyos” (Santiago 2:19), subalit Diyos din ang tawag sa Anak “…patungkol naman sa anak sinabi Niya “… O Diyos….” (Hebreo 1:8) at ang pagsisinungaling sa Espiritu ay pagsisinungaling na rin sa Diyos: “3 … Nagsinungaling ka sa Banal na Espiritu…. 4 …. Nagsinungaling ka hindi sa tao kundi sa Diyos.” (Gawa 5:3-4)
41 Totoo, may iisa silang pangalan (Mateo 28:19; Juan 17:21) MANNY: Ibig sabihin ba nito’y bawat isa sa kanila ay mayroong iisang pangalan? POL: Manny pakibasa ng Mateo 28:19 MANNY: ... gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. POL: Ayon sa talatang ito, ang mga alagad ay inutusang magbautismo sa MGA pangalan o pangalan? Mabilis na sumagot si Manny: MANNY: sa Pangalan! POL: Katotohanan, ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu ay mayroong isang Pangalan. Ang Ama ang nagbigay kay Jesus ng Kanyang Pangalan upang sila ay may maging isa. Nanalangin si Jesus,: “….Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.” (Juan 17:11) ARIS: (nagrereklamo) subalit, hindi dahil may pangalan Siya ng Diyos si Jesus ay Diyos na. Sa Jeremias 23:6 and 33:16 , ang Mesias at ang Jerusalem ay pareho ang pangalan “Ang PANGINOON ang ating Katuwiran”. Hindi puwedeng maging Diyos ang Jerusalem, tama? POL: Jeremias 33:16 maaaring isaling: “Sa araw na iyon ang Juda ay maliligtas at ang Jerusalem ay mananahan ng walang takot. Ito ang pangalang itatawag nila sa sa kaniya: Ang PANGINOON ay ating ang katuwiran.” Kaya nga, tatawagin ng Juda ang Mesias na PANGINOON o Yahweh! Maliban dito, ang pangalan ay naglalarawan ng ilang mga katangian ng isang persona. Ang Ama, Anak, at Banal na Espiritu ay may iisang pangalan (Mateo 28:19; Juan 17:21)—nasa bawat isa sa kanila ang katangian ng tunay na Diyos (Juan 17:3; 1Juan 5:20; 1:2; Pahayag 3:7): POL: Isang sa mga katangian ng isang tunay na Dios ay Manlilikha. Bilang pagkumpirma ng nauna nating pagaaral, ang Colosas 1:13-17 ay nagsasabi tungkol sa “Anak, … kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniya….” Gayundin naman, sinasabi ng Awit 104:30, “Iyong sinusugo ang iyong Espiritu, sila'y nalalang; at iyong binabago ang balat ng lupa.” (Ihambing ang Job 26:13: “sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu ang mga langit ay napalamutian; ginawa ng Kanyang mga Kamay ang mga naglayasang mga ahas.”) May pangangailanan ka ba? … Kaya ba itong ibigay ng Diyos na lumikha ng langit at lupa? ... Kung gayon, humingi ka sa Kanya!
42 POL: Silang tatloa lahat ng lugar rin: 23 “Ako baga'y Dios lamang sa malapit, sabi ng Panginoon, at hindi Dios sa malayo? 24 May makapagkukubli bagang sinoman sa mga lihim na dako na hindi ko makikita siya? sabi ng Panginoon, Hindi baga pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng Panginoon.” (Jeremias 23:23-24) Sinabi ni Jesus, “Sapagka't kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila.” (Mateo 18:20). Paano nagawa ni Jesus na narito at sa iba pang dako na kung saan nagtitipon ang iba malibang Siya ay nasa lahat ng dako?‘ MANNY: Subalit sinabi ni Pablo sa 1 Corinto 5:4, “...nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu…”. Naroon si Pablo kasama ng mga taga-Corinto. Nagpapatunay ba ito na si Pablo ay Diyos. BARNIE: Hindi! Ganito ang sinasabi ng buong talata, “Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus” Sinasabi ni Pablo na posible sa kanya na makasama ang mga mananampalataya sa espiritu sa pamamagitan ng kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus. Higit pa sa riyan, ang kanyang espiritu ay puwede lamang sa isang lugar sa isang pagkakataon! POL : Ang Banal na Espiritu ay nasa lahat din ng dako. Kaya naman walang sinuman ang makapupunta sa isang lugar na kung saan wala roon ang Espiritu—” Saan ako paroroon na mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas na mula sa iyong harapan?” (Awit 139:7) Mayroon bang kasalanan sa buhay mo na hindi alam ng iba? ... Nakikita ka ng Diyos kahit saan mo man iyon gawin! Kaya’t ipahayag mo iyon sa Kanya ngayon bago mahuli na ang lahat! Ang Diyos din ay nakaaalam sa lahat ng bagay. Sinabi ng Diyos, “ At sino, na gaya ko, tatawag, at magpapahayag, at magaayos sa ganang akin, mula nang aking itatag ang matandang bayan? at ang mga bagay na dumarating, at ang mangyayari, ay ipahahayag nila. (Isaiah 44:7). Nakakaalam rin Siya sa pamamagitan ng karanasan (Deuteronomio 32:19; Exodo 4:14; Genesis 18:21; 22:12). Gayun nga rin si Jesus. Sinabi ni Pedro sa Kanya,”Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay (Juan 21:17; cf. 16:30; 2:25; 1Corinto 2:11). MANNY: Subalit hindi alam ni Jesus ang lahat ng bagay! Sa Marcos 13:32, sinabi Niya, “Nguni't tungkol sa araw o oras na yaon ay walang nakakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama.” Isa pa , siya ay lumago sa karunungan (Luke 2:52). POL: Muli, ang pag-unlad Niya sa karunungan at ang hindi pagkaalam sa lahat ng bagay ay mga katangian ni Jesus bilang tao. Ang kanyang muling pagparito ay nakadepende sa pangangaral ng Mabuting Balita (Mateo 24:14) at sa paghahanda ng iglesia sa kanyang sarili (Pahayag
43 19:7). Malalaman Niya sa karanasan na tayo’y handa na pag dating ng araw na iyon. POL: Alam din ng Banal na Espiritu ang lahat ng bagay. Nababatid niya ang isip ng Diyos: “gayon din naman ang mga bagay ng Dios ay hindi nakikilala ng sinoman, maliban na ng Espiritu ng Dios. (1 Corinto2:11). Nakita mo bang mahirap magdesisyon dahil hindi mo alam ang mangyayari? ... Alam Niya ang pinakamainam mong magagawa! Kaya nga kung gusto mo ng karunungan, tumawag ka sa Kanya (Santiago 1:5). Ang tunay na Diyos ay WALANG HANGGAN (Genesis 21:33; Hebreo 9:14). Nguni't ang Panginoon ay tunay na Dios; siya ang buhay na Dios, at walang hanggang Hari ....” (Jeremias 10:10 ). Unang ipinanganak si Juan Bautista kaysa kay Jesus (Lucas 1:57; 2:11), subalit sinabi niya tungkol kay Jesus, “… Siya’y Siya na bago pa ako ipanganak.” (Juan 1:30). Bagama’t matagal nang namatay si Abraham bago ipinanganak si Jesus, sabi ni Jesus, “...bago ipanganak si Abraham, ‘Ako’y Ako Na’.” (8:57-59). Siya’y nanggaling sa “walang hanggan” (Mikas 5:2). Nananalangin ka ba sa Ama tulad ng pagkakautos ni Jesus (Mateo 6:9)? ... Maganda iyan. Subalit nananalangin ka ba sa Panginoong Jesus tulad ng ginagawa ng mga mananampalataya (Gawa 7:59-60; 9:10-17; 2Corinto 12:8-9)? ... Nagagalak ka ba sa pakikipisan ng Banal na Espiritu (2Corinto 13:14; Filipos 2:1; Gawa 8:29; 10:19; 13:2), ang Katulong (Juan 14:16,26; 15:26; 16:7)? Katulad ni Jesus sa Kanyang paglilingkod dito sa lupa, Siya ay nakakasama mo upang makatulong mo! SI JESUS BA AY TUNAY NA DIYOS? ARIS: Dalangin ni Jesus “At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay....” (Juan 17:3). Samakatuwid, ang Ama ang nag-iisang tunay na Diyos! Paano magiging isang tunay na Diyos din si Jesus? POL: Pakibasa mo ang 1 Juan 1:1-3. ARIS “1 Yaong buhat sa pasimula, yaong aming narinig, yaong nakita ng aming mga mata, yaong aming namasdan, at nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay; 2 (At ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at pinatotohanan, at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag); 3 Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:.” POL: Ayon kay Juan, sino ang buhay na walang hanggan?
44 ARIS: Yaong buhat sa pasimula, kasama ng Ama, ang Salita, ang Anak ng Ama, si JesuCristo. Subalit paano maiuugnay ito sa tunay na Diyos na ating pinaguusapan? POL: Ngayon basahin mo ang 1 Juan 5:20’. ARIS: At nalalaman natin na naparito ang Anak ng Dios, at tayo'y binigyan ng pagkaunawa, upang ating makilala siya na totoo, at tayo'ya kaniya na totoo, sa makatuwid ay sa kaniyang Anak na si Jesucristo. Ito ang tunay na Dios, at ang buhay na walang hanggan. POL: Ngayon, ayon sa talatang ito, sino ang tunay na Diyos at ang buhay na walang hanggan? ARIS: (Umamin) Si JesuCristo. POL: Si Juan Bautista ay ipinanganak na una kay Jesus. “Naganap nga kay Elisabet ang panahon ng panganganak; at siya'y nanganak ng isang lalake.” (Lukas 1:5). Makalipas ang ilang panahon, Sinabi ng anghel ng PANGINOON sa mga pastol… “Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.” (2:11) POL: Bagaman si Juan ay naunang ipinanganak, sinabi niya patungkol kay Jesus ‘Sapagkat Siya’y una sa akin’ (Juan 1:30). Bagaman si Abraham ay namatay maraming taon na bago si Jesus ipinanganak, sinabi ni Jesus, ‘Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga!’ (8:57-59). ARIS: Tama! Naroon na si Jesus bago pa si Abraham. POL : Kung gusto lang ipaalam ni Jesus na nabubuhay na Siya bago pa si Abraham, bakit sinabi ni Jesus, ‘Ako nga’ sa halip na ‘Ako na’? (Matapos ang katahimikan…) ROMAN: Dahil hindi ipinapahayag na ipinanganak na Siya bago pa si Abraham. Sa halip, sinasabi Niya, “Kung ano Ako noon bago ipinanganak si Abraham, Ako pa rin ngayon.” Nabubuhay na Siya bago ipinanganak si Abraham nang katulad ng kalagayan Niya noong kausap Niya ang mga Judio. TIM: Naunawaan ng mga Judio na inaangkin Niya ang mga katangian ng Diyos—walang hanggan at hindi nagbabago. Kaya muli na naman silang dumampot ng bato upang Siya’y batuhin katulad ng kanilang ginawa nang nakita nila na Kanyang ipinapantay ang sarili sa Diyos. (Juan 8:59, 5:18). POL: Ang Kasulatan ay nagpapatotoo rin patungkol sa Kanya “Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata,: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama…” (Isaiah 9:6) “Bethlehem, mula sa iyo ay lalabas sa akin ang isa na magpupuno sa Israel; na ang pinagbuhatan niya ay mula nang una, mula nang walang hanggan.” (Micas 5:2). APOL: Ang salitang ‘walang hanggan’ sa salin na Griego sa Micas 5:2 ay isinalin namang ‘magpakailan man’ sa Hebreo 13:8, “Si Jesucristo ay
45 siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.” Kaya nga, si Jesus ay di nagbabago…magpasawalanggan! POL: Ang Banal na Espiritu man ay wala hanggan. Tinawag Siyang “Espiritu na walang hanggan” sa Hebreo 9:14. PAANONG ANG TATLO’Y NAGING ISA?
23. Ang salitang “iisa” sa “iisang Diyos” ay ginamit nang sabihing si Jesus at ang Ama ay isa (Juan 17:21)—makikita, maririnig at makikilala ang Ama kay Jesus (14:9-11,24). Tayo rin ay maaaring maging isang tao (Efeso 4:13)—maaaring makita, marinig at makilala ikaw sa akin at ako sa iyo. POL: Pakibasa nga ang Juan 17:21, Manny; at Abe ang Efeso 4:13. MANNY: “Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo,....” ABE: Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya…hanggang sa lubos na paglaki ng tao… (Efeso 4:13). POL: Bagama’t ang tatlo ay magkakaibang persona, Ang Ama , ang Anak at ang Banal na Espiritu ay iisa! ARIS, MANNY AT ABE: Paano nangyari iyon? (ang sabay-sabay na tanong ng tatlo) JEM: Kayong tatlo ay magaling na trio. Kayong tatlo ay iisa! Nagtawanan ang lahat Sapagkat alam niya na tapat sa pagtatanong sina Aris, Manny and Abe, nagpaliwanag si Pol: POL: Katulad natin (na higit sa tatlo) na puwedeng maging isa, ang Ama at ang Anak ay iisa rin. Dumalangin si Jesus ‘Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa Akin, at Ako'y sa Iyo, na sila nama'y suma atin ….” (Juan 17:21). TIM: Ano ang ibig sabihin na ang Ama ay nakay Jesus at si Jesus ay nasa Ama? POL: Pakibasa ng Juan 14:9-11,24?’ ‘9 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? 10 Hindi ka baga nananampalataya na ako'ya Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. 11 Magsisampalataya kayo sa akin na ako'ya Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin….24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin’ (Juan 14:9-11,24). POL: Ayon sa mga talatang ito, ano palagay mo ang ibig sabihin ni Jesus ng sabihin Niyang “ang Ama ay nasa akin”?
46 Tumitig ang lahat sa kanilang mga Biblia… makaraan ang sandaling pananahimik sinabi ni Pete… PETE:, ‘Ah …’ Nagtinginan silang lahat kay Pete ARIS: Anong nakita mo? Sa halip na sumagot, bigla na lang tumakbo si Pete sa kubeta! Nagtawanan ang lahat! POL: Palagay ko iyan ang pinakamahalagang nadiskubri ni Pete ngayong gabi—kungaan ang kubeta! Lalong nagtawanan ang buong grupo! Bumalik na si Pete na may ngiti. PETE: Pinalayas ko lang ang espiritung humahadlang sa akin na magiisip tungkol sa pinag-aaralan natin! Lalong nagtawanan sila ng sobra! Kandaiyak naman si Jon sa katatawa! Nang makabalik na sila sa kanilang sarili… PETE: Sa palagay ko, ganito ang ibig sabihin ng “ang Ama ay nasa Anak”: ang Ama ay makikilala, maririnig at makikita sa Anak kaya’t ang makilala si Jesus ay makilala ang Ama. Ang mga salita na sinabi ni Jesus na nagbunga ng mga himala (lalo na ng buhay na nabago) ay resulta ng mga gawa ng Diyos sa Kanya. JON: Tama, nagkakaisa sila sa salita at gawa! Anoman ang sasabihin ni Jesus sa anumang kalagayan, iyon din ang sasabihin ng Ama sa parehong kalagayan. JEM: At anuman ang gagawin ni Jesus sa anumang sitwasyon, iyon din ang gagawin ng Ama sa parehong sitwasyon. POL: Kayo bang tatlo ay tumingin sa ‘Gabay sa Manggagawa’? … Alam ko na hindi naman! Tama kayo! Sa katunayan nga, si Jesus ay nanalangin na tayo ay maging katulad Niya at ng Ama sa pagiging isa. Nais Niyang makita sa akin ang bawat isa sa inyo at makita ako sa bawat isa sa inyo, basta ang makita sa atin ay yaon lamang katulad ni Cristo! ZAC: Sana kasamang makita pati ang ating tangkad. Nagyukuan ang grupo upang tumingin sa kanya at saka nagtawanan. Ibinalik na ni Pol ang grupo sa pagaaral. POL: Gaya ng sinabi ni Jon, anuman ang sabihin ni Jesus sa anumang sitwasyon, iyon din ang sasabihin ng Ama sa parehong sitwasyon. Sila man ay magkaisa sa doktrina—maging sa sinasabi nating mga minor lang naman. Gayundin naman, layunin ni Jesus na tayo din ay maging isang tao. Sa pagbibigay sa mga lider ng iglesya, layunin Niya na ang lahat ay maabot… “ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao,
47 hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo” (Efeso 4:13). Nais Niya na tayo na maraming tao na maging isang tao tulad din ni Jesus na Diyos at ng Ama na Diyos ay magkasamang isang Diyos. Ano sa palagay mo ang gusto ng Diyos na gawin mo upang makatulong sa mga tunay na mananampalataya na maging katulad ni Cristo sa doktrina, ugali at ministeryo? ... May panahon ka ba na makinig sa kanilang doktrina?... Kung wala, bakit? Sa palagay mo ba iyo na ang lahat ng tamang doktrina? … May oras ka ba para obserbahan ang ministeryo nila? … Bakit? … Sa palagay mo ba’y ang sa inyo ang pinakamabuting paraan para matapos ang gawain?…
… “Malaon nang panahong Ako'y inyong kasama, at hindi mo Ako NAKIKILALA, Felipe? Ang nakakita sa Akin ay nakakita sa Ama ….10 Hindi ka baga nananampalataya na … ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo'y hindi Ko sinasalita sa Aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa Akin ay Q GUMAGAWA ng kaniyang mga gawa. (14:9-11) I. Bilang anak ng Diyos, paano mo makikilala ang Ama? A. Sa O PAG___________ kay Jesus. Makatutulong dito ang pagbasa mo ng Biblia araw-araw (1Pedro 2:2) B. Sa pananalangin—pakikinig at pagkausap sa Kanya (Filipos 4:6-7) Idinalangin ni Jesus tungkol sa atin “21 Upang silang lahat ay maging ISA; na gaya mo, R AMA, sa Akin …. 22 At ang S KALUWALHATIANG sa Aki'y ibinigay Mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman NATIN NA IISA.” (Juan 17:21-22 LS) C. Sa pagiging _____kasama ng ibang mananampalataya (tulad ni Jesus at Ama na iisa). 1. Paano naging isa si Jesus at ang Ama? a. Nakay Jesus ang R _______ (v.21)--makikilala at makikita ang Ama sa pagkilala at pagkakita kay Jesus (14:9-10). b. Q __________________ ang Ama sa sinasabi ni Jesus (t.10). 2. Kanino ka makikiisa? Sa isang grupo na kung saan ang S __________________________ ni Jesus ay nakikita (t.22)--mas nagiging katulad nila si Jesus (2Corinthians 3:18). Subukan mong dumalo sa pagtitipon sa (araw)_____________, (oras)_________ at (lugar)_________________________________________________. 9
O
TOM: Paano natin masisimulan ang pagkakaisa sa doktrina? POL: Sa pamamagitan ng paghahanap ng paraan paano magkaisa sa “pagkakilala sa Anak ng Dios”. Ganito ang sinasabi sa ilang mga talata sa Biblia: “…at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.” (Isaias 45:21). “ Na hintayin yaong mapalad
48 na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo” (Tito 2:13; 2 Peter 1:1). POL: Ayon sa mga talatang ito, sino si Jesu Cristo GRUPO: Ating Diyos at Tagapagligtas! POL: Ano ang ginawa Niya upang maging Tagapagligtas natin? MANNY: Bilang kordero (1Pedro 1:19,22), inalis Niya ang kasalanan (Juan1:29). POL: Pakibasa ang Juan 1:12,13, Aris ... ang lahat ng tumanggap at nananalig sa kanya ay pinagkalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos.… pagiging anak nila’y buhat sa Diyos. 12
…. Ang
13
POL: Ano daw ang dapat mong gawin (t.12)? ROMAN: Tumanggap sa Kaniya bilang Diyos, ang walang hanggang nagbibigay buhay. POL: Kung nagawa mo ito, ano ang turing sa iyo ng Diyos? LAHAT: Anak. POL: Buhat kanino itong kapanganakan mo (1:13; 3:3)? LAHAT: Sa Diyos. POL: Aris at Manny, gusto ‘nyo na bang tanggapin si Jesus na Diyos at Tagapagligtas? ARIS AT MANNY: Siyempre! POL: Kung gayon, babasahin uli sa inyo ni Tim ang ‘Tiyak Mo na Bang Ligtas Ka Na?’ habang kami ay nananalangin. Ipinalangin ni Pol ang mga pangangailangan ng iba pang miyembro ng grupo habang pinapatnubayan ni Tim sina Aris at Manny na tumanggap kay Cristo… Nang bumalik na sa grupo sina Tim… POL: Welcome! Aris at Manny! Ngayong tinanggap ‘nyo na si Cristo, may magandang habilin sa libreto natin: Makatutulong sa iyo ang Biblia (1Pedro 2:2). Okey ba? ARIS AT MANNY: Sige, gagawin namin iyan! POL: Para sa lahat, bago sa susunod na pagtitipon natin: Basahin Juan 13-16. (At sila’y nag-uwian na masaya.)
49
Kabanata 5
Makatitiyak Ba Akong Pupunta sa Langit? ( Habang naglalakad sina Pol at Tim papunta sa bahay nila Nel, idinalangin ni Pol, 'Ama, sa aming pagtuturo ngayon, hayaan mo pong matiyak ng mga nabago na (2Corinthians 5:17) sa mga tinuturuan namin na sila’y pinatawad mo na rin sa lahat nilang kasalanan (1Juan 2:12).' Sumang-ayon si Tim. Nakikita ba si Jesus sa Buhay Ko? Pagdating sa bahay, binati sila ni Linda, 'Bakit ang asawa ko ay nakatitiyak na pupunta na sa langit, ako hindi pa?' 'Iyan ang ating pagaaralan natin mamayang konte! Pero ngayon, puwede bang makainom muna?,' hingi ni Pol nang may ngiti. 'Ay pasensiya na kayo, di ko pa pala napapainom!' may konteng hiyang tugon ni Linda. Matapos nilang uminom, tinanong ni Pol si Nel, 'Paano mo nalaman na pupunta ka sa langit?' 'Sinubukan kong ipaliwanag sa misis ko, pero sa tingin ko ang kakayahang kong mangumbinsi ay di pa sapat!' 'Kung gayon, magsimula na tayo sa pag-aaral natin … Pero puwede bang ipakilala mo muna ang mga bagong bisita natin?' ‘Pol, Tim, ito ang mga kapitbahay namin—si Tom… at ang kanyang misis si Faith.' 'Matagal na rin naming kilala si Nel,' paliwanag kaagad ni Tom, 'pero kamakailan lang namin napansin na parang masaya siya! Isang buwan na rin na hindi na rin namin naririnig na inaaway niya ang misis niya! Gusto naming malaman kung ano nga ba ang nangyayari sa kanya!' Habang ipinamimigay ni Tim ang mga kopya ng 'Makatitiyak Ba Akong Pupunta sa Langit?', sinabi ni Pol, 'Ang pag-aaral nating ito ang magpapaliwanag kung bakit. Habang pinag-aaralan natin ito, Tom at Faith, isipin ‘nyo munang naimbitahan ‘nyo na si Cristo sa inyong puso. Mamaya, pag naintindihan ‘nyo na ang kabutihan ng pagtanggap kay Cristo, bibigyan namin kayo ng pagkakataong makatiyak na nasa inyo na si Cristo. Okey ba iyon?' 'Okey!' tugon ni Tom. Sa senyas ni Pol, pinangunahan ni Tim ang grupo sa pananalangin, 'Ama, salamat po sa pagbigay Mo sa amin ng Iyong salita kaya’t puwede na naming matiyak na kami ay pupunta sa langit!' 'Siya nawa!' tugon ni Nel.
50 (Habang tumitingin sa mga taong naroon, sinabi ni Pol…) POL: Tama, puwede kang makatiyak! Una kailangan mong maniwala na si Jesus ang Cristo. Sinasabi ng 1Juan 5:1 “ Ang sinomang nananampalataya na si Jesus ay siyang Cristo ay ipinanganak ng Dios….” Kailangan mo ring maniwala na si Jesus ay Anak ng Diyos. Sinasabi ng 1 Juan 4:15, “Ang sinomang nagpapahayag na si Jesus ay Anak ng Dios, ang Dios ay nananahan sa kaniya, at siya'y sa Dios.” Pinag-aralan natin ang mga ito sa nakaraang pag-aaral. Ngayon, pag-aralan natin ang ikalimang aralin, sa pahina 12. Pakibasa nga, Linda. “Nakatayo Ako sa labas ng pintuan at tumutuktok. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, Ako’y papasok sa kanya ... at magkasalo kaming kakain.” (Pahayag 3:20) POL: Linda, Ayon dito, ano ang ginawa ni Jesus nang binuksan mo ang pinto? LINDA: Papasok Siya POL: Matapos mong gawin ang mga kondisyon Niya—na iyong dinggin ang tinig Niya at buksan ang pinto—papasok ba Siya pagkaraan pa ng di tiyak na panahon, o pumasok na Siya? LINDA: Palagay ko’y pumasok na Siya. POL: Palagay mo o alam mo na? LINDA: Tama, pumasok na Siya! POL: Pakibasa ang 1Juan 2:6, Nel. NEL: “Ang nagsasabing nananatili siya sa Diyos ay dapat mamuhay tulad ng pagkapamuhay ni Jesu-Cristo.” (1Juan 2:6) POL: Paano nakikita si Jesus sa buhay mo? Tsekan (þ) ang angkop sa iyo. Puwede bang ang bawat isa sa atin ay magtsek ng angkop na kahon para sa kanyang buhay? o Hindi ako nagpapatuloy sa kasalanan (3:6-9); o Sinusunod ko Siya (2:3-11; 3:19-22); o Minamahal ko ang ibang Cristiano (3:14-16; 4:12,16). POL: Linda, sa paanong paraan mas nakikita si Jesus sa buhay ni Nel ngayon? (Si Linda ay tumingin ng diretso sa mata ni Nel at nangiti…) LINDA: Hindi na siya madaling magalit … at mas mahal niya ako at ang mga anak namin ngayon! POL: Okey ka, Nel! NEL: Alam ko kung bakit sinasabi ‘yan ng misis ko … dahil totoo! (Natawa ang ilan, akala ng iba, seryoso siya.) POL: Ang sumusunod na mga talata ay para lang sa mga may Panginoong JesuCristo na nakikita sa kanilang buhay. Kung hindi ka pa
51 tiyak na si Jesus ay nasa iyo, bibigyan ka namin ng pagkakataon na makatiyak sa bandang dulo. Bilang Diyos (Juan 1:1-18; Hebreo 1:1-13), pangako Niya sa mga tumanggap sa Kanya: “ Hindi kita iiwan ni pababayaan man.” (Hebreo 13:5) … Ayon dito, Linda, iiwan ka ba ni Jesus? LINDA: Hindi! POL: Kung gayon, kailangan mo pa ba Siyang papasukin ulit? LINDA: Oo! POL: Dahil pumasok na Siya at hindi ka Niya iiwan, di na Siya lalabas, di ba? LINDA: Hindi na! POL: Papapasukin mo pa ba Siya? LINDA: Siyempre, hindi na! POL: Alam ni Pablo na ang sinabi ni Jesus sa mga naunang alagad ay para rin sa kanya.”….ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. “ (Mateo 28:20). Ibinigay din sa kanya mismo ang pangako ng Panginoon: 9 At sinabi ng Panginoon kay Pablo nang gabi sa pangitain, Huwag kang matakot, kundi magsalita ka, at huwag kang tumahimik: 10 Sapagka't ako'y sumasaiyo, at sinoma'y hindi ka madadaluhong upang saktan ka: sapagka't marami ang mga tao ko sa bayang ito. “ (Gawa 18:9-10). Dahil alam ni Pablo na di siya iiwanan ni Jesus, nasabi niya: “23…Ang ibig ko’y pumanaw na sa buhay na ito upang makapiling si Cristo… (Filipos 1:20-26). Ang 2Corinto naman ay sinulat sa mga “….kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya” (1:1) na pinantaha niyang may Cristo na sa buhay nila. Sinabi ni Pablo sa kanila, “Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo'y nasa pananampalataya; subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si Jesucristo ay nasa inyo? maliban na nga kung kayo'y itinakuwil na.” (13:5). Sinabi rin niya, “1 Taló s [o Tiyak] natin na kapag nasira ang toldang tinatahanan natin ngayon, ang ating katawang lupa, tayo’y may tahanan sa langit, hindi nasisira …. 8 … sa piling ng Panginoon. …” (2Corinto 5:1,8). “…ang natutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya….ang Panginoon ay bababang mula sa langit….” (1Tesalonica 4:13-18 LS) POL: Dahil di ka iiwan ni Jesus, sa araw ng kamatayan mo, saan mo siya tiyak na makakapiling (t.1; Lucas 23:43; 2Corinto 12:2-4)? LINDA: Sa langit! NEL: Oo nga—sa langit! (Napapalakpak si Nel sa tuwa!) ABE: Pero hindi sinasabi na si Pablo dumiretso kaagad sa langit! POL: Puwede bang pakibasa Abe ang Filipos 1:22-25?.
52 ABE: “22 Nguni't kung ang mabuhay sa laman ay siya kong palad, ito'y magiging mabungang pagpapagal, na aywan ko nga kung ano ang aking pipiliin. 23 Sapagka't ako'y nagigipit sa magkabila, akong maya nasang umalis at suma kay Cristo; sapagka't ito'y lalong mabuti: 24 Gayon may ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan dahil sa inyo. 25 At sa pagkakatiwalang ito, ay aking nalalaman na ako'y mananatili, oo, at mananatili ako na kasama ninyong lahat, sa ikasusulong ninyo at ikagagalak sa pananampalataya; POL: Kung sa kamatayan ni Pablo, di siya kaagad pumunta kay Cristo, paanong magiging lalong mabuti ang mamatay kaysa manatili sa katawan at makatulong sa ikasusulong at ikagagalak ng pananampalataya ng mga taga Filipos? ABE: Tama, ang maghintay na walang malay ay hindi mas mabuti kaysa tumulong sa iba! Kaya nga, kailangang makasama kaagad ni Pablo si Cristo pagkamatay niya upang maging mas mabuti ito kaysa pagtulong niya sa iba. ROMAN: Kung gayon, hindi totoo ang sabi ng magulang ko na ang mga namatay na mananampalataya kay Cristo ay gumagala sa lupa ng ilang araw! MANNY: Mali rin yung natutunan ko na ang namatay ay walang malay hanggang sa muling pagkabuhay nila. Kung tulad sila ni Pablo, pupunta kaagad sila sa langit. ARIS: Subalit wala pang nakarating sa langit! TIM: Mayroon—si Jesus (Juan 3:31; 8:23)! ARIS: Si Jesus ‘yon! Hindi mo Siya puwedeng gamitin bilang halimbawa! TIM: Bakit hindi? Siya ang pinaka mapagkakatiwalaang saksi—hindi Siya kailanman nagsinungaling (1Pedro 2:22)! POL: May sinabi si Pablo na isa pa! Sa 2Corinthians 12:2 sinasabi, “Nakikilala ko ang isang lalake kay Cristo,… na inagaw hanggang sa ikatlong langit….” ARIS:‘Uhmm, sige. Kumbinsido na ako!’ MANNY: Di ba pagkatapos pa lang na tayo buhayin muli, saka pa lang tayo makasisigurong pupunta sa langit? POL: Maganda ang tanong mong iyan. Sasagutin natin iyan sa isa sa mga paksa na pag-aaralan natin. Nakita natin kanina na pag namatay ang isang mananampalataya, pupunta agad siya sa langit. Iyan ang dahilan kung bakit, “…ang natutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama Niya… … ang Panginoon ay bababang mula sa langit…” (1Tesalonica 4:13-18). Kasama Niya, mula saan ka bababa? LAHAT: Sa langit!
53 GABAY SA TAGAPAGTURO: Kung sinubukan mo na ang mga paliwanag sa itaas at hindi pa rin ito tinatanggap ng iyong tinutulungan, posibleng ayaw lang talaga niyang sundin ang Diyos. Sinabi ni Jesus, “Kung ang sinomang tao ay nag-iibig gumawa ng Kaniyang kalooban, ay makikilala niya ang turo, kung ito’y sa Dios, o kung Ako’y nagsasalita na mula sa Aking sarili” (Juan 7:17). Humingi ka ng karunungan mula sa Diyos, “Ama siya po ba’y nasaktan o may nangyari sa kanyang buhay kaya’t mahirap para sa kanya na sundin ang Diyos?” Kung pangunahan ka ng Diyos, puwede mong tanungin siya ng diretso. POL: Kasama mo nang lagi si Jesus. Di mo na mararanasan ang pagkahiwalay sa Diyos (Isaias 59:2) o espirituwal na kamatayan (Efeso 2:1) na siyang kabayaran ng kasalanan (Roma 6:23). Walang kamatayan ang may buhay na walang hanggan. Roman, pakibasa nga ang talata sa gabay. ROMAN: “11 … ipinagkaloob sa atin ng Diyos ang buhay na walang hanggan …. 12Ang pinananahanan ng Anak ng Diyos ay may buhay na WALANG HANGGAN… 13Isinusulat ko ito sa inyo upang MALAMAN [o MATIYAK] ninyo na kayo… ay may buhay na walang hanggan” (1Juan 5:913). POL: Dahil tinanggap mo na si Jesus, ang Anak ng Diyos, anong klaseng buhay ang ipinagkaloob na sa iyo (1Juan 5:12)? ARIS: Walang hanggan! POL: Alam o tiyak mo ba na may ganitong buhay ka na (t.13) at papunta ka na sa langit? ARIS: Oo! POL: Pwede iyan kung tupa ka nga ni Jesus. Pakibasa nga ang sinabi ni Jesus, Linda. LINDA: “NAKIKINIG sa Akin ang Aking mga tupa ... SUMUSUNOD sila sa akin. Binibigyan ko Sila ng buhay na walang hanggan, at kailanma’y DI sila mapapahamak; HINDI sila maaagaw sa Akin ninuman. … HINDI sila maagaw ninuman sa Aking Ama.” (Juan 10:27-29)… “….lubusan Niyang maililigtas ang lahat ng lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya…” (Hebreo 7:25) POL: Kung binigyan ka na ng buhay na walang hanggan (1Juan 5:11), ano na ang ginagawa mo (t.27)? LINDA: Nakikinig at sumusunod na ako sa Kanya. POL: Mapapahamak ka pa ba sa apoy dahil sa kasalanan mo (t.28; Lucas 16:19-31)? LINDA: Hindi na. POL: Maaagaw ka ba kay Jesus at sa Ama (t.28,29)? LINDA: Hindi na rin! POL: Lubusan ka ba Niyang maililigtas (Hebreo 7:25)? LINDA: Oo!
54 POL: Kung gayon, saan pupunta ang kaluluwa mo (Pahayag 6:9 )? LINDA: Sa langit! POL: Sapagkat ikaw ay pupunta sa langit, ikaw ay naligtas. Pakibasa nga, Roman. ROMAN: “Dahil sa kagandahang loob ng Diyos ay NALIGTAS kayo sa pamamagitan ng inyong pananalig kay Cristo. At ang kaligtasang ito'y kaloob ng DIYOS, hindi mula sa inyo. HINDI ito dahil sa inyong mga gawa kaya’t walang dapat ipagmalaki ang sinuman. Tayo’y kaniyang nilalang … upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng MABUTI” (Efeso 2:810). POL: Naligtas ka ba sa impiyerno dahil sa iyong mabubuting gawa? ROMAN: Hindi. POL: Bakit ka Niya nilalang? ROMAN: Upang iiukol ko ang buhay ko sa paggawa ng mabuti. … Kung gayon, ang mabuting gawa ay hindi paraan upang maligtas kundi resulta ito ng pagiging ligtas! POL: Tama! Makakasalo mo na rin si Jesus sa pagkain (Pahayag 3:20)—hindi ka na Niya kaaway (Colosas 1:21) dahil di na hadlang ang mga kasalanan mo: Ipinangaral ni Pedro tungkol kay Jesus, “…bawat mananalig sa kanya ay tatanggap ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan…” (Gawa 10:43). Sabi naman ni Pablo, “13… PINATAWAD na niya tayo sa ating mga kasalanan at 14 pinawalang-bisa ang LAHAT ng mga kasulatan laban sa atin, pati ang mga pananagutang kaugnay nito. Pinawi niya ang LAHAT ng ito nang ipako siya sa krus.” (Colosas 2:13-14)… Dahil nananalig ka kay Jesus, ano ang ginawa ng Diyos sa mga kasalanan mo (t.13)? LINDA: Pinatawad. POL: Dahil sa mga kasalanan mo, dati ay may mga pananagutan ka at mga kasulatan laban sa iyo. Ilan doon ang pinawi at pinawalang-bisa na (t.14)? LINDA: Lahat. POL: Kung gayon, may kasalanan ka pa bang pananagutan mo pa? LINDA: Wala na! POL: Pinatawad na ba ang lahat ng iyon? LINDA: Oo. POL: Kung gayon, kung pisikal na mamatay ka ngayon, papunta ka pa ba sa impiyerno? LINDA: Siyempre hindi na! POL: Maaari mong itanong, “Kung pinatawad na ako sa lahat ng kasalanan ko, pwede na ba akong patuloy na magkasala at papunta pa rin ba ako sa langit?”… Ang kagandahang loob ng Diyos ay hindi lisensiya sa
55 paggawa ng masama (Judas 1:4). Pakibasa nga ang susunod na talata, Abe. ABE: “16… sabi ng Panginoon: iuukit ko sa kanilang PUSO ang aking mga utos, at itatanim ko ang mga ito sa kanilang mga ISIP. 17… hindi Ko na aalalahanin pa ang kanilang mga kasalanan… (Hebreo 10:10-18)? POL: Kung talagang pinatawad ka na at hindi na aaalahanin pa ng Diyos ang mga kasalanan mo, saan inilagay ng Diyos ang mga utos niya (Hebreo 10:16)? ABE: Sa puso at isip ko. POL: Totoo, lalagi na sa isip mo ang mga utos niya. Kung gayon, makakapagpatuloy ka pa ba sa kasalanan tulad ng dati? ABE: Hindi na! POL: ‘Linda, Alam mo na ba ngayon na pupunta ka na sa langit? LINDA: Oo, POL: Paano mo nalaman? LINDA: Sa isa sa ating Bible study, inimbitahan ko si Cristo na pumasok sa aking buhay. Alam ko pumasok na Siya dahil sa dalawang bagay. Una, ang pangako Niya na pumasok na Siya. Hindi naman siya nagsisinungaling. Pangalawa, nagsimula ko nang makita sa buhay ko ang buhay Niya. Mas nakakapagpasensiya na ako ngayon! NEL: Nakita ko nga rin iyan sa kanya. Gayun din naman sa mga anak namin—kina Mike at Cathy. POL: Tom at Faith, gusto ninyo rin ba na magkaroon ng katiyakan ng tulad ng sa mga kaibigan ‘nyong sina Nel at Linda? TOM: Sori, pero mayroon pang kailangan kong linawin tungkol sa ilang bagay na napag-aralan natin. FAITH: Pero ako handa na ngayon! POL: Linda puwede bang pakitulungan mo si Faith na tanggapin si Cristo sa pagbasa sa kanya ng ‘Tiyak Mo Na Bang Ligtas Ka Na?’ LINDA: Sige, gusto ko ‘yan!. (Binasa ni Linda ang pampleto habang ang iba nama’y nanalangin at nakinig sa kanyang pagbabahagi. Pagkatapos na basahin nila ang pampleto, tinanong ni Pol si Faith.) POL: Faith, alam mo na ba ngayon na pupunta ka na rin sa langit? LINDA: Oo! POL: Ang susunod na tanong ay para sa ating lahat. Nais mo bang magpasalamat sa Diyos? (Ang lahat ng tumanggap kay Cristo ay nagsitanguan ng ulo bilang pagsangayon.) POL: Kung gayon, sabihin mo sa Kanya ito: “Ama sa langit, salamat po at alam ko na ngayon na papunta ako sa langit dahil di mo ako iiwan at pinatawad mo na ako sa lahat ng mga
56 kasalanan ko! Dahil dito, sasamahan na kita sa pagkain (pagbasa) ng iyong Salita (ng Biblia) araw-araw upang sundin iyon sa paggawa ng mabuti (Juan 8:31-32).” POL: Tayong lahat ay tumayo at idalangin natin ang ipanalanging ito… TIM: Para sa susunod na Linggo, basahin ang 1Juan. Isama ninyo rin ang mga kaibigan ‘nyo.
57
Kabanata 6
Ano Pa ang Ibang mga Resulta ng Pagdurusa ni Jesus Para sa Akin? POL: Mabuti at dumating ka kaagad nang maaga, Tim. Kailangan nating ipanalangin ang maraming mga bagay para sa ating grupo. TIM: Anu-ano? POL: Mananalangin na lang muna ako at idagdag mo na lang anuman ang palagay mong ipinadadalangin sa iyo ng Banal na Espiritu batay sa araling pinag-aralan mo. TIM: Okey! POL: Ama, ikaw ang Diyos ng pag-ibig, idinadalangin ko po na ang puso ng mga miyembro ng aming grupo ay magkalakip-lakip sa pag-ibig (Colosas 2:2) habang ang bawat isa ay nagbabahagi ng masasakit na nakaraan nila. TIM: Opo, Panginoon. Hayaan mo po na mag-alab ang aming mga puso habang aming pinag-aaralan ang mga resulta ng mga pagdurusa ni Cristo para sa amin (Lucas 24:32). POL: Hayaan mo pong masapawan ng pagibig ni Cristo ang kanilang mga pagdurusa at maudyok sila na hindi na mabuhay para sa kanilang sarili kundi para sa Kanya. (2Corinto 5:14-15). TIM: Idinadalangin din po naming dalawa mabilis kaming makinig sa ibabahagi nila. POL: Opo Ama, turuan mo po kami na maging maingat sa pagsasalita (Santiago 1:19,20) at makitangis sa mga tumatangis (Roma 12:15). TIM: Idinadalangin din po namin na anumang karamdaman mayroon ay gumaling ngayong araw na ito (3Juan 1:2). --o0o-Pagdating ni Pol at ni Tim sa bahay ni Nel, napansin nila na punong puno ito ng tao. POL: May birthday party ba dito? Ngumit na sumagot si Nel NEL: Wala naman, nag-imbita lang ng marami ang mga kagrupo natin at marami namang dumating! POL: Mabuti naman! Matapos ang pagpapakilala sa mga bagong dalo…
58 POL: Napakapalad ninyo sapagkat nakasama kayo sa pag-aaral na nakatulong makapagpabago sa buhay ng marami—ang paghihirap ni Cristo para sa atin. KAPAYAPAAN SA ISIP AT DAMDAMIN POL: Ngayon nais kong ang bawat isa sa atin ay tsekan ang mga kahon na tumutukoy sa ating karanasan.
24. Anong nangyari sa iyo at/o sa mahal mo sa buhay na nagdulot sa iyo ng pagdurusa sa isip at damdamin? o pagkawala niya (Mateo 17:23; 1Tesalonica 4:13); o nakakatakot na karanasan (Daniel 7:7); o mapagtataksilan (Mateo 26:21); o maapi (1Pedro 2:19; Mateo 18:21); o mapaalis sa katungkulan (Polyaenus 8:47); o pagkabigo (Lucas 18:23-24); o maling desisyon (Marcos 6:26); o di niya pagkalugod (Juan 21:17) lalo na kung nami-miss mo siya at alam niyang may sakit ka (Filipos 2:26-27); o panganganak (Juan 16:2022); o sapilitang pagbibigay (2Corinto 9:7); o napalaki ko siya sa layaw (Sirac 30:9); o paggawa ng kasalanan (2Corinto 7:8-10; 2:17; Roma 9:2; Hebreo 12:11). POL: Bawat isa sa atin ay kumuha ng kapareha na may parehong kasarian—lalaki sa lalaki, babae sa babae. Hanggat maaari kunin mong kapareha iyong hindi mo pa gaanong kilala…. (Nang makita ni Tim ang isang walang kapareha, sinamahan niya ito.) POL: Ngayon, ibahagi sa inyong kapareha ang nagdulot sa iyo ng pinakamalungkot na karanasan. (Lumibot si Pol sa grupo at nakidinig sa mga ibinabahagi… Ang iba’y nagkukuwento na may luha. POL: Ngayon, magbibigay tayo ng pagkakataon sa ilan na ibahagi sa buong grupo ng kanilang karanasan. Maiksi lang, mga tatlong minuto bawa’t isa. Sino ang nawalan ng minamahal? Itinaas ni Emy, na isang bagong dalo ang kamay niya. EMY: Kamamatay lang ng nanay ko noong nakaraang buwan. LAHAT: Ahh!… (Nagpatuloy si Emy na may luha sa mga mata) EMY: Nararamdaman ko pa ang sakit hanggang ngayon. (Ang grupo ay tahimik habang pinapahiran niya ang kanyang luha ng tissue paper na ibinigay sa kanya ng kaibigan niyang si Rick.) POL: Ipapanalangin ka namin mamaya okey lang ba? … Ngayon sino naman sa inyo ang nagkasakit dahil sa nakapangingilabot na karanasan? (Walang nagtaas ng kamay subalit napansin ni Pol ang luha sa pisngi ni Mary. Habang nakatingin sa mukha ng iba, nanalangin siya sa kanyang puso, “Panginoon, tulungan mo po siya ngayon!” (Hindi alam ni Pol na labas-pasok na si Mary sa psychiatric ward ng ibat-ibang hospital, hindi makabawi mula sa kilabot dulot ng karanasang
59 sa pagkaunawa niya’y tangkang paggahasa sa kanya. Hindi alam kung talagang pinagtangkahan siyang gahasahin o akala lang niya.) POL: Sino sa inyo dito ang pinagtaksilan ng kaniyang kaibigan? EMY: Inagaw best friend ko ang boyfriend ko! MARY: Pero Emy, hindi ko alam na boyfriend mo pala siya. Sa katunayan nga, nakipagbreak ako sa kanya nang malaman ko na girlfriend ka pala niya! (Dahil di alam ni Pol at ni Tim paano ayusin ang sitwasyon, tahimik na lang silang nanalangin.) PETE: Huwag kayong mag-alala mga binibini, binata pa naman ako at walang girlfriend. (Nagtawanan ang grupo.) EMY: Kung gayun din lang, mabuti pang makipagbati na lang ako kay Mary. (Lalong nagtawanan. … ) TIM: Sino dito ang naapi?. (Nagtaas ng kamay si Pete.) PETE: Ako! Ngayon lang (Kahit si Mary ay natawa.) TIM: Sino dito ang napaalis sa katungkulan niya? NEL: Dati ako ang head ng isang departamento ng gobyerno kung saan nagsimula ako sa mababang posisyon. Pero nang napalitan ang presidente natin, pinalitan ako ng isang tagalabas! (Tiningnan ni Pol si Nel nang may pagkaunawa.) POL: Mayroon dalawang presidente tayo na nakaranas ng tulad ng sa isang haring natanggal sa kanyang pwesto at naisulat ni Polyaenus. Iyon ay matinding pagkabigo. Sino sa inyo ang nakaranas ng iba pang klaseng pagkabigo? MIKE: Pangatlo lang ako sa tornamento sa takbuhan! LINDA: Okey lang iyon, anak! MIKE: Pero Mommy tatlo lang kaming magkalaban! (Nagtawanan ang grupo….) POL: Sino naman sa inyo ang may maling desisyon nagawa? (Halos lahat ay nagtaas ng kamay.) POL: Mayroon bang nais na magkwento sa kanyang naging maling desisyon? ROMAN: Pinilit ko ang aking anak na lalaki na kunin ang kursong akong lang ang may gusto. Ang resulta, hindi siya nakatapos! (Nagsitanguan ang mga magulang sa grupo.) ISANG BISITA: Nagpakasal ako sa isang hindi mananampalataya (2Corinto 6:14), at ngayon hiwalay na kami! POL: Salamat sa inyong tiwala sa amin, ang ating napag-usapan ay dito na lang. Nais sa grupong ito na matulungan ang isat-isa sa mga usaping tulad nito.
60 Ngayon, sino sa inyo ang nalungkot nang nalaman niya na di niya naibigay ang inaasahan ng isang taong mahalaga sa kanya? Halos lahat ay nagtaas ng kamay. ABE: Lahat ng aking ginawa ay lagi na lang mali sa aking asawa! Pag ‘late’ ako sa pag-uwi, itinatanong niya sa akin, ‘Bakit ka late?’ Pag naman maaga, sasabihin niya, “Ano ang kailangan mo?” MANNY: Nalungkot ako nang nagtrabaho ako sa abroad at kinakailangan akong mahiwalay sa pamilya ko. Lalo na noong nagkasakit ako, at wala doon ang asawa ko para mag-asikaso sa akin. Ang masaklap pa, nalaman niya ito sa kanyang kaibigan pero wala siyang telepono para makontak ko siya. POL: Tanungin ko naman ang mga nanay. Pakikwento nga, ano ang naisip ninyo nang kayo ay nanganak? LINDA: Parang ang isa mong paa ay nasa hukay. Iyong inaasahan kong sakit ang nagdagdag ng hirap sa dinadanas ko. NEL: Medyo naiintindihan kita, kaya naman nanghiram ako ng pera at hindi kumakain para may maipadala lang akong pera sa iyo noong nanganak ka at di na madagdagan pa ang paghihirap mo kung maghahanap ka pa ng perang pangbayad sa hospital. Pero hindi masakit sa akin ang bigyan ka ng pera dahil sa mahal kita! Pumapalakpak ang tainga ng kanilang mga anak sa tuwa. ROMAN: Dati nagbibigay ako ng pera sa isang kasamahan namin sa asosasyon na walang trabaho. Subalit nang malaman ko na ginagamit lang pala ang pera sa panonood ng sine, hindi na ako nagbigay (Kawikaan 10:26). POL: Sino sa inyo ang nagpalaki sa anak niya sa layaw at nakaranas siya ng kapighatian. (Dalawa ang nagtaas ng kamay.) POL: Iyuko ninyo ang inyong mga ulo at ipikit ang mga mata. … Ngayon, sagutin mo ang mga tanong nang tahimik… Kung Oo ang sagot mo, itaas lang ang kamay mo upang maipanalangin kita. Nagtiwala ka na ba kay Cristo para sa iyong kaligtasan subalit nakagawa ka ng kasalanan at ngayon nagdurusa sa bunga ng iyong ginawa? Kung gayon, alalahanin mo na pansamantala lang ang lungkot ngunit iyan ay magpapabanal at magpapatuwid iyan sa iyo (Hebreo 12:1-29)! Ama, salamat po at tinulungan mong maging katulad ni Cristo ang mga nagtaas ng kamay at ang iba pang naririto. Amen. ‘Mary, puwede bang basahin mo ang nasusulat pagkatapos “Nauunawaan ni Jesus iyan.’ MARY: Bago siya ipinako, idinalangin niya, “Ama... alisin mo ang sarong ito sa akin: gayon pa ma’y di ang kalooban ko...” At sa pagdurusa, nanalangin siya nang matindi; at naging tulad ng dugo ang pawis niya, na pumapatak sa lupa. (Lucas 22:41-44; Mateo 26:36-39; Marcos 14:32-36).
61 POL: Gaano katindi ang naging pagdurusa ni Jesus sa isip at damdamin? MARY: Naging tulad ng dugo ang pawis niya! (Binasa naman ni Tim ang kasunod.) May ilang mga kaso na kung saan sa kahirapan ng pagdurusa ng isip at damdamin ng ilang tao, pumutok ang maliliit na ugat nila sa ulo at humalo ang dugo nila sa pawis. Ganoon katindi ang pagdusa ni Jesus sa isip at damdamin Niya dahil sa kasalanan mo! Kaya nga, di na kailangan magpatuloy ka pang magdusa. Pwede nang mapayapa ang isipan at damdamin mo: “…kaniyang … dinala ang ating mga kapanglawan… ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa kaniya…” (Isaias 53:4,5). POL: Ganyan katindi ang hirap na dinanas ni Jesus sa isip at damdamin dahil sa ating mga kasalanan… Ngayon, manahimik muna tayo nang sandali at hayaan ninyong manalangin ako para sa ating lahat: ‘Panginoong Jesus, salamat po at naiintindahan Mo ang aming mga kalungkutan. Alam Mo ang nararamdaman ng isang nawalan ng minamahal (Juan 11:35). … Naiintindihan Mo kung paano ang masindak ng todo… Nararamdaman mo ang sakit ng ipagkanulo ng iyong kaibigang si Judas (Awit 41:9; Juan 13:18). … Ikaw ma’y inapi, ibinilang na masahol pa sa kriminal. … Kahit ikaw ang lumikha sa sanlibutan, pero ang mundo, simula sa Israel, ay hindi kumilala sa Iyo bilang kanilang hari. (Juan 1:10-11). … Di ka nalugod sa mga di nananalig (Lukas 9:41) ni sa mga alagad mong mahinang umunawa (Mateo 16:8-12). … Naunawaan mo ang maling desisyon ni Pedro na ipagkanulo Ka (Lucas 22:60-62). Sa sobrang kalungkutan mo, dugo ang na binubo Mo (Hebreo 12:4) … Dahil pinagdusahan Mo na ang lahat ng emosyonal na dulot ng aming mga kasalanan, Panginoon, pagalingin Mo na po ang lahat ng emosyonal na sugat ng lahat ng dumadalo sa pag-aaral na ito. Amen. EMY: Nakagaan ng loob iyon ah! POL: Isa pa lang iyan sa magandang naidulot ng kamatayan ni Cristo para sa atin! Puwede rin tayong magkaroon ng… KATAPANGANG LUMAPIT SA DIYOS Ngayon, sagutan ninyo ang sumusunod na tanong: Ano ang pinakanakahihiyang nangyari sa iyo? o Maparatangan; o Mapagtawanan para sa kalagayang di ko maiayos; o Mapandirihan; o Maiwanan ng mga kaibigan; o Mahubaran/magahasa Ngayon, sa inyong ka-partner, ibahagi ninyo ang sagot ‘nyo: (Lumibot si Pol upang obserbahan kung paano nagbabahagi ng karanasan ang mga miyembro. Ang ilan ay nagtatawanan … May isang mahina ang boses, di gustong marinig ng iba maliban sa kapartner niya.)
62 POL: Sino sa inyo ang naparatangan? PETE: ‘Movie idol daw ako!’ (Sa pagtingin nila kay Pete, ang ilan ay nangiti; iba nama’y natawa.) JON: Di ‘yun paratang … pagkakamali! (Nagtawanan ang mas marami.) EMY: Bakit ‘nyo pinaglalaruan si Pete? … Para sa akin, idol din naman siya ah! ILAN: Uyyy! EMY: … Idol siya … tulad ng anito! (Namula na si Pete.) JON: Kaibigan ko si Pete. Di naman siya pangit ah! … Mas pangit! (Gumugulong na sa kakatawa si Jem. Nang napahinga na sa kakatawa ang marami, bumalik sa usapan si Pol.) POL: Sige, sino talaga sa inyo ang naparatangan? MIKE: Napagbintangan akong nangopya sa kaklase ko samantalang siya ang kumopya sa akin! NEL: Ano ang natutunan mo sa karanasan mong iyon! MIKE: Di na po ako mangongopya! NEL: Mabuti iyan, anak! POL: Kung naparatangan ka … Lalo na si Jesus. Pinaratangan siyang masgrabe pa sa isang nagnakaw at nakapatay nang hiniling ng mga tao na palayain iyon at ipapako siya sa krus (Marcos 15:6-15; Juan 18:40). Sino sa inyo ang napagtawanan para sa kalagayang di niya maiayos? ARIS: Noong nasa high school pa ako, second ako sa chess tournament. Minsan, nakatipon lahat ng estudyante sa quadrangle ng school. Nang tinawag ako ng kaibigan kong titser, palakpakan ang mga tao at akyat naman ako, nakipagkamay sa kanan at inabot ko ang trophy na nasa kaliwang kamay niya. Ayaw niyang ibigay … para sa first place winner pala iyon! Kaya binitawan ko ang kamay niya at nauntog ako sa poste ng stage! (Tawanan na naman sa grupo.) POL: Di bale, gumagaling naman ang kahihiyan. Ano ang wala sa kontrol ng mga bata na dahilan na pinagtawanan sila? ZAC: Ang ilan ay napagtawanan sa kapansanan nila. EMY: Pinagtawanan ako dahil ampon lang daw ako. POL: Sino sa inyo ang pinandirihan? MANNY: Nang bumaba ako sa bundok para mag-aral, pinagtawanan ako ng mga taga-baba. POL: Sino sa inyo ang nakakita ng inuuod na bangkay? (Ang ilan ay nagtaas ng kamay nila.) POL: Ano ang ginawa ‘nyo nang makita ‘nyo iyon?
63 MARY: Nang makita ko ang bulate sa patay na pusa sa daan, nandiri ako! EMY: Ako, halos maduwal! POL: Isipin mo na lang kung iyon ang reaksiyon ng iba pag ikaw ay makita! … Gayun ang tugon nila kay Jesus! Pinagtawanan siya at pinandirihan tulad ng uod sa katawan ng naagnas na bangkay. Sabi niya, “Tila ako’y isang uod at hindi isang tao, kung makita’y inuuyam, nagtatawa kahit sino.” (Awit 22:6). POL: Sino sa inyo ang iniwanan ng mga kaibigan niya? (Nagtaasan ng kamay sina Mary at Emy. Para makaiwas sa puwedeng pag-aaway uli, ipinagpatuloy ni Pol ang talakayan. POL: Gayun din si Cristo! Iniwanan din siya ng mga kaibigan Niya (Mateo 26:56). LINDA: Sinabi ng isang bakla na hinubaran daw siya. Isang kaibigan ko nama’y na-rape ng tatay niya! Isa nama’y nagamit ng kaklase niyang bakla. Naiintindihan ba ni Cristo iyon? POL: Pakibasa mo nga ang “Nang ipako…” sa notes mo. LINDA: Nang ipako naman si Jesus, 23… kinuha nila [mga sundalo] ang kanyang kasuutan [damit panlabas] at pinaghati-hati sa apat. Kinuha rin nila ang kanyang tunika [damit panloob]… (Juan 19:23-24) POL: Kung kinuha nila ang damit panlabas at panloob, ano ang natira sa katawan ni Jesus? LINDA: Wala! MIKE: Kung gayon, walang crucifix ang nagpapakita ng tunay na nangyari sa krus! POL: Oo, “ … hindi niya ikinahiya” (Hebreo 12:2) ang ipako sa harapan ng maraming tao nang walang saplot sa katawan. Ginawa niya ito upang di ka na mapahiya (Roma 9:33 BK) at pwede ka nang lumapit sa Diyos nang may kalayaan (Hebreo 10:19)! Mayroong isa pang mabuting resulta ng pagdurusa ni Cristo… ÿ KAGALINGAN SA MGA SAKIT AT KARAMDAMAN Ngayon, 5. Ano ang pinakamasakit na naranasan mo sa katawan? LINDA: Ang panganganak ang pinakamasakit sa akin! ROMAN: Nagkasakit ako sa bato. Nagpagulong-gulong ako sa sakit bago iyon natanggal! POL: Ikumpara ninyo iyon sa naranasan ni Jesus… Roman, pakibasa nga… ROMAN: Maraming nagitla nang siya’y makita, dahil sa pagkabugbog sa kanya’y halos di MAKILALA kung siya’y tao… (Isaias 52:14). POL: Gaano daw kagrabe ang pagkabugbog kay Jesus? ROMAN: Halos di na makilala kung siya’y tao. POL: Tulad ba nito ang naranasan mo? … JON: Minsan nagulpi ako sa fraternity na sinamahan ko. Ilang araw ding sumakit ang katawan ko!
64 PETE: Mukhang grabe nga ang pagkagulpi mo noon! Hanggang ngayon kita pa rin sa mukha mo! (Tumawa ang grupo.) JON: Gumaganti ka ha! POL: Kinuha niya ang ating mga kahinaan at binata ang ating mga C KARAMDAMAN. (Mateo 8:17). Dahil sa ating mga kasalanan kaya siya nasugatan; siya ay binugbog dahil sa ating kasamaan. Tayo ay D GUMALING dahil sa pahirap na tinamo niya at sa mga hampas (na lumalatay, Kawikaan 20:30) na kanyang tinanggap. (Isaias 53:5). Ang salitang ‘hampas’ ay isinalin na ‘latay’ sa Kawikaan 20:30. Dahil dito, ang hampas ay tumutukoy sa “itim at bughaw na marka ng pagdurugo sa ilalim ng balat” tulad ng sa “black eye”. Inilarawan ang kalagayan ng Israel sa ganitong paraan, “Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nagnananang sugat: hindi natikom, o natalian man, o napahiran man ng langis.” (Isaias 1:6). Sabi naman sa Isaias 52:14, “Kung paanong marami ang namangha sa kanya---ang kanyang anyo ay napinsalang lubha, halos hindi na anyo ng tao, na hindi makilalang tao, at ang kanyang hugis ay higit kaysa sa mga anak ng mga tao.” Makikita natin dito na mula sa ulo hanggang talampakan, puro pasa at sugat si Jesus. Kaya nga, nang ang “mga kawal ng gobernador” na mga 400-600 ang bilang (ayon kay Barnes tungkol sa Mateo 27:27) ay lumura kay Jesus, lahat ng sakit na makukuha sa lura ay natanggap Niya rin! 25. Ano ang binatâ ni Jesus sa krus? LAHAT: Ang ating karamdaman! POL: Dahil doon, ano ang pwedeng mangyari kung ikaw ay may sakit? LINDA: Pwede na akong gumaling. POL: Sino sa inyo ang may sakit? (Nagtaas ng kamay sina LInda at Mary.) POL: Hinihiling ko ngayon na ang lahat ay lumapit sa kung sino ang mas kilala mo—si Mary o si Linda. Kung pareho, lumapit ka lang sa isa. (Lumapit si Emy at Pete kay Mary at ang natitira kay Linda…) POL: Ngayon kung mayroon sa inyong kailangang magpatawad sa sino man sa kanila, gawin na niya, para masagot ang panalangin niya (Santiago 5:14-18). (Naghingian ng tawad sina Emy at Mary sa isa’t isa habang nagiiyakan sila. Aambang makikiyakan din si Pete pero tinitigan lang siya ni Emy at Mary. Hinawakan ni Nel ang kamay ni Linda at humingi siya ng tawad dito sa di niya pagiging trinato ito nang may pakundangan minsan (1Pedro 3:7)
65 Ngayon naman, gusto ko ang mga tiyak sa iniyo na ligtas na ay magpatanong ng inyong kamay sa kanila at sumunod sa panalanging ito: “Ama sa langit, salamat po at inako na ni Cristo sa krus ang mga sakit niya. Habang ipnapatong namin ang kamay namin sa kanya sa ngalan ni JesuCristo, gagaling siya (Marcos 16:16-20) at maluluwalhati ka. Dahil dito, inuutusan namin ang sakit na ito na umalis sa kanyang katawan ngayon, sa ngalan ni Jesus (Juan 14:12-13).” Mary at Linda, idalangin ninyo ng malakas ang dalangin sa gabay ngayon. Jesus, salamat po at inako mo ang mga kahinaan at karamdaman ko dahil sa mga kasalanan. Pagalingin mo na po ako ngayon sa ________________.
ÿ PALAGIANG PAGSÂMA NG DIYOS! 26. Naranasan mo na bang maging ang inaasahan mo’y iwanan ka? (Ang ilan ay tumango.) POL: Ano ang nangyari? MARY: Nang iwanan ako ng una kong boyfriend dahil may nakita siyang iba, malayo ako noon sa pamilya ko. Di pa kaaagad dumating ang sustento nila sa pag-aaral ko. Bumaba ang mga grade ko. Minsan mag-isa ako sa kwarto at napasigaw ako, ‘Diyos ko, nasaan ka na?’ Kaya binalak kong magpakamatay. PETE: Buti na lang di ka nagtagumpay sa tangka mong iyon! MARY: Sa oras na iyon, bigla na lang tumawag si Emy at inilibre niya ako ng hapunan! POL: Bago dumating si Emy, naiwanan ka ng tao. … Gayun din si Jesus. Nang hinuli siya, “Tumakas ang mga alagad at iniwan siyang mag-isa.” (Mateo 26:56). Sa naramdaman mo, Iniwanan ka ba ng Diyos?… Gayun din si Jesus. … Nang mag-iikalabingdalawa ng tanghali, nagdilim ang buong lupain hanggang sa ikatlo ng hapon. (Lucas 23:44; Mateo 27:45; Marcos 15:33) Nang mag-iikatlo ng hapon, sumigaw si Jesus, “… Diyos ko! Bakit mo ako E PINABAYAAN? (Mateo 27:46 Marcos 15:34). 27. Gaano katindi ang pag-iisa ni Jesus? MARY: Maging ang Ama Niya’y pinabayaan Siya. (Sa pagsagot nito, naging maaliwalas ang mukha ni Mary!) POL: Tim, pakibasa mo nga ang nasa kahon. Namnamin mo ang masaganang habag ng Diyos: Nagdusa ang isip at damdamin ni Jesus upang maging mapayapa ang sa iyo. Napahiya siya sa harapan ng marami upang di ka mapahiya sa harapan ng Diyos. Naranasan niya ang mga sakit upang pwede ka nang
66 gumaling. Pinabayaan siya ng Diyos upang masabi sa iyo ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man” (Hebreo 13:5). POL: Manny, pakibasa nga ang Roma 12:1-2 sa iyong gabay. MANNY: “Kaya nga … alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin … ialay ninyo ang inyong F SARILI bilang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa kanya…. Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip….” POL: Ano daw ang ipinakikiusap ni Pablo? MANNY: Ialay ko ang aking sarili bilang handog na buhay. POL: Nais mo bang gawin ito? MANNY: Siyempre. POL: Kung gayon, makinig habang binabasa ang “Nagdusa si Jesus para sa Iyo!” ni Tim nang mabagal. Nagdusa si Jesus Para sa Iyo! Bakit? Tulad rin ng dahilan kung bakit siya nagdusa para sa akin: Bago ko tinanggap si Jesus, makasalanan ako, alipin ng kasalanan at ni Satanas, ang dati kong ama. Para sa bawa’t isang kasalanang nagawa at magagawa ko, dapat sana akong tumanggap ng poot ng Diyos at mahiwalay sa kanya at magdusa sa lugar na may apoy at malalim na kadiliman. Subali’t gayon na lamang ang pagmamahal sa akin ni Cristo kaya’t iniwanan niya ang lahat ng kaniyang kaluwalhatian sa langit, nag-anyo siyang alipin at nagdusa para sa akin sa isip, sa damdamin, sa sosyal, pisikal at espirituwal na kalagayan. NAGDUSA SIYA SA ISIP AT DAMDAMIN. Makikita ito sa panalangin niya bago siya ipinako, nang sinabi niyang, “Ama... alisin mo ang sarong ito sa akin: gayon pa ma’y di ang kalooban ko...” At sa pagdurusa, nanalangin siya nang matindi; at naging tulad ng dugo ang pawis niya, na pumapatak sa lupa. NAGDUSA RIN SIYA SA SOSYAL NA KALAGAYAN. Ibinigay siya ng sarili niyang kababayan sa mga Romanong sundalo na walang dinidiyos. Iniwanan siya ng mga kaibigan niya. Pinahiya siya sa harapan ng maraming tao. Ipinako siyang walang saplot sa katawan. NAGHIRAP DIN SIYA SA PISIKAL NA NANGYARI SA KANYA. Di siya binigyan ng pagkakataon na matulog. Pinuwersa siyang lumakad mula sa Getsemane patungo kay Anas, kay Caifas, sa Sanedrin, kay Pilato, kay Herodes, balik kay Pilato, at sa dulo, 650 yarda tungo sa Bungo. Piniringan pa siya, pinagsusuntok, pinagsasampal.. Hinagupit siya ng latigo na ginawa sa mahahabang balat na may buto at bakal sa dulo. Pinaghahampas siya nito hanggang nakalaylay na ang balat niya sa likod, nakalitaw at tumutulo sa dugo ang mga ugat niya, at kita na ang mga dumi niya. Patuloy na pinaghahampas ng mga Romanong sundalo sa pamamagitan ng tambo ang ulo niya (na
67 kinaroroonan ng koronang tinik!). Pinaglulurhan siya ng 400-600 na mga sundalo. Madumi ang lura kaya’t lumala ang impeksiyon sa katawan niya. Panandalian niyang pinasan ang troso na isang daan at sampung libra, subali’t napakahina na niya noon kaya’t ang isang tao sa daan ang napilitang buhatin iyon para sa kanya. Tinanggihan niyang uminom ng nakapamamanhid na alak na hinaluan ng apdo at mira ... upang maranasan niya nang lubusan ang karapat-dapat ko sanang tanggapin dahil sa mga kasalanan ko. Pinalagos sa mga kamay at paa niya ang mga pako na di-siyete. Sa krus, naranasan niya ang pagkangalay ng mga kamay. May matitinding pulikat na kumakalat sa mga laman niya, kaya’t sukdulan, walang tigil at pabugso-bugso ang sakit noon. Nahihilo siya … nauuhaw … nagugutom … may matinding lagnat at tetano. Dahil sa alanganing posisyon niya, naging masakit ang bawa’t galaw niya. Ang nahiwang mga ugat at ang mga nadurog na dugtungan ng mga buto nama’y walang patid na nagsisakitan. Ang mga sugat na napalala dahil sa pagkalantad, ay unti-unting namatay. Namaga at nahirapan ang mga ugat, lalo na sa ulo at sa sikmura. Habang patuloy na tumitindi ang bawa’t pagdurusa niya, nadagdag pa ang di matiis, nagliliyab at bayolente na pagkauhaw. Nanikip ang puso niya kaya’t sa katapusa’y ibinigay niya ang buhay niya nang pumutok ang puso niya. Ito ang dahilan kung bakit, nang sinaksak siya sa tagiliran, lumabas ang dugo at tubig. Higit sa lahat, NAGDUSA RIN SIYA SA KANIYANG ESPIRITWAL NA KALAGAYAN. Bago siya pisikal na namatay sa krus, mula tanghaling tapat hanggang ikatlo ng hapon, inako niya ang mga kasalanan ko. Bilang isang Cristiano, may katangian na akong namumuhi sa kasalanan. Binibigyan ako nito ng ideya kung gaano ang pagdurusang tinanggap niya para sa akin, siya na walang sala, nang dinala niya ang lahat ng mga kasalanan ko! Hindi lamang ang kasalanan ko ang pinasan niya, kundi niyaong sa buong mundo sa lahat ng kapanahunan!! Ang maaaring tugon lamang ng Ama at ng Banal na Espiritu ay walang iba kundi iwanan siya at ilagay sa kanya ang buong galit ng Diyos!!! Binata niya ang lahat ng ito dahil sa kagalakang makita ang mangyayari sa akin sa pagtanggap ko sa kanya. Ngayon, lahat ng mabubuting espiritwal na masasabi sa akin ay nasabi na! Pinatawad na ako sa lahat ng mga kasalanan ko! Ang turing sa akin ng Diyos, kasingkatuwid ko na si Cristo! Anak na ako ng Diyos! Malaya na ako sa kasalanan at kay Satanas! Nakaupo na ako kasama ni Cristo sa sangkalangitan na higit sa posisyon ng mga demonyo, ni Satanas, ng mga anghel at mga arkanghel! Bilang isang bagong nilalang, pwede ko nang maranasan ang puno at makabuluhang buhay! Sa katunayan nga, nagiging mas katulad na ako ni Jesus sa ugali ko at magiging walang sala na rin ako tulad niya doon sa langit!! Maging sa bagong katawang tatanggapin ko, di ko na mararanasan ang kalungkutan, sakit at kamatayan kundi ang walang hanggang kaligayahan sa piling niya at ng iba pang nagtiwala sa kanya para sa kaligtasan!!! (Habang binabasa ni Tim ang sa itaas, naobserbahan ni Pol ang epekto nito sa puso ng mga naroon. Ang ilan ay maluha-luha. ….)
68 Ang ginawa niya para sa akin ay ginawa niya rin para sa iyo. … Lubusan ka na bang nagtiwala sa kanya para sa iyong kaligtasan? … Kung hindi pa, manalig ka na sa kanya... (Ipinabahagi ni Pablo sa mga datihan ang Mabuting Balita sa mga baguhan sa pamamagitan ng paggamit ng ‘Nais Mo Bang Laging Makasama ang Diyos?’ Naghiabilin din siya.. POL: Pagkaraan ng 10 mnuto, babalik tayo para idalangin ang huling panalangni at may ‘announcement’ ako. (Nagtanggapan kay Cristo nang may galak ang mga baguhan. Nang bumalik na ang lahat sa grupo) POL: Ang katawan mo ba ay inihandog mo na sa kanya? … (Ang ilan ay tumango; ang iba’y tahimik lang.) POL: Kung hindi, ISUKO MO ANG IYONG BUONG BUHAY SA KANYA. Sabihin mo sa kanya ang dalanging ito: “Panginoong Jesus, dahil sa ginawa mo para sa akin, Ikaw na po ang maghari sa buhay ko. Ang aking katawan, mga pagaari, mga pagnanasa at mga pangarap ay sa Iyo na. Upang magamit Mo ako sa kabutihan ng iba, patuloy akong magbabasa ng Biblia, mananalangin at sasama sa isang bahay-dalanginan. Kung may maling magagawa sa akin ang sinoman sa kanila, tatanggapin ko siya tulad ng pagtanggap Mo sa akin. Tatandaan ko na pinapahintulot ng Diyos ang lahat para kami ay matulad sa Iyo. Dahil alam ko na ang grupong iyon ay makatutulong sa akin o sa ibang tao, tutulong ako sa mga gawain nila. Sa kakayahang ibinibigay Mo, papagamit ako sa Iyo upang ang iba ay maligtas, gumaling, lumaya, at magbalik-loob sa Iyo.” POL: Ang dalanging ito ay kapahayagan ng pagnanasa mong maghari si Jesus sa bawat bahagi ng buhay mo at makisama sa grupong ito at sa layunin natin na tulungan din ang iba. Kaya kung gusto mong idalangin ang panalanging ito, tumayo kang kasama ko at sumunod sa panalangin habang inuulit ko ito ng putol-putol. (Sumunod ang halos lahat habang inuulit ni Pol ang panalangin ng putol-putol.) POL: Sa darating na mga araw, tapusin nating basahin ang Juan 1721. Sa susunod na Biyernes hanggang Sabado, magkakaroon tayo ng retreat kung paano susundin ang Sampung Utos ng Diyos. Sino ang puwedeng sumama?’ (Halos lahat nagtaas ng kamay.) EMY: Puwede ko bang dalhin ang kaibigan ko? POL: Puwedeng-puwede! … Eh di magkita na lang tayo dito alas 7 ng gabi sa Biyernes? PETE: Sige! (Tumango ang marami.)
69
70
71
72
Pagpapatotoo sa Bagong Berea Mula pa noong 1980, nangangaral na ang may-akda sa mga bus, jeepny, tren, palengke at kalye. Itinuturo ng librong ito ang mas mabuting paraan sa pageebanghelyo kaysa sa nabanggit. Ang paraang iyon ay ang pag-abot sa mga kapitbahay ng anak ng kapayapaan sa pamamagitan ng pag-aaral ng Mabuting Balita sa bahay dalanginan sa kapangyarihan ng Espiritu. Pinagsama ni Jun dito ang mga natutunan niya bilang isang ebanghelista sa loob ng 27 taon. Sasanayin ka ng librong ito (Efeso 4:11-16) na gawin ang gawain ng isang ebanghelista (2Timoteo 4:5) na tumulong magpangaral ng mabuting balita sa lahat ng tao sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Marcos 16:15-18; Gawa 1:8) nang buong katalinuhan (Colosas 1:2829) upang makatulong ka sa pagliligtas ng pinakamarami (1Corinthians 9:19-23), sa ikaluluwalhati ng Diyos! Sa pagbasa mo ng librong ito, makikita mo sa ginawa ni Pol at Tim kung paano sila nagturo si Pol at Tim. Masasanay ka dahil galing sa iba’t ibang relihiyon ang aabutin nila. Matutunan mong sagutin ang mahihirap na tanong habang naaliw kang basahin ang kwento. May halong patawa habang natututo ka ng mga bagong bagay…. Isa sa nagdudulot ng galak sa pagtulong sa iba ay ang makita silang namumuhay sa katotohanan (3Juan 1:4). Ang kasunod ng librong Pagpapatotoo sa Bagong Berea—Tungo sa Pagbabago—ay makatutulong sa iyo na magturo sa mga alagad mo sa kaparaanang matutulungan silang sundin ang lahat ng utos ni Cristo (Mateo 28:19) na utos din ng Diyos (Juan 12:49). Pag ginawa nila ito, magpapakilala si Jesus sa kanila (14:21) at makikilala rin nila ang Ama (14:7). Kung nais mo ng malinaw na kopya ng mga materyales na puwede mong kopyahin, kontakin ang HELP (His Equippers for Life Purposes website: www.equippers.spaces.live.com cell. phone: (+63917) 848-1928; email:
[email protected]