PAG-AARAL
Ayon kina, Inocencio, Amurao, at Felomina, 2017 ang maaaring epekto ng pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral na Pilipino at maging sa bansang Pilipinas ay nananatili pa ring hati. May ilang nagsabi na magiging daan ito upang umunlad ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Dahil sa pamamagitan nito, mabibigyang daan ang iba pang mga asignaturang mas kakailanganin natin para tayo ay makasabay sa mga mauunlad na bansa. Ngunit marami namang nagsabi na makakaapekto ito sa negatibong paraan para sa ating bansa. Kung aalisin ito sa kolehiyo, unti-unting mawawala ang pagkamakabayan natin dahil hindi ito mabibigyang pansin, lalo na sa mga taong magiging susunod na tagapagtaguyod nito. Maaaring ang susunod na henerasyon ay maging hindi na mulat sa tamang paggamit wikang Filipino dahil hindi na nila ito naabutan sa curriculum ng kolehiyo.
Para sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Sa pagpapatanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, dapat na itatak natin sa mga sariwang isipan ang wikang Filipino na ipinamana pa sa atin ng ating mga ninuno. Walang masama na tumangkilik sa wikang Ingles, ngunit dapat na mas pahalagahan natin ang wikang sariling atin. Kung mawala man ito sa kurikulum, huwag dapat nating limutin ang mga aralin na itinuro sa atin patungkol sa wikang Filipino. (Felomina,2017) Para sa mga kabataang hindi pa tumutungtong ng kolehiyo. Pahalagahan at bigyang pansin ang asignaturang Filipino hangga’t ito ay nasa kurikulum nila. Itanim sa isip na kahit ito ay isa lamang na minor subject, mahalaga pa rin ang asignaturang Filipino dahil ito ang humuhubog sa pagiging Pilipino natin. (Francisco,2017)
Para sa mga kasapi ng pamahalaan. Pakinggan ang saloobin ng mga mag-aaral at isaalang-alang din ang kaunlaran ng wikang kinalakhan. Irebisa ang pag-aayos ng kurikulum kung saan ang mga kabataan ay magiging globally competitive nang walang natatapakan, o natatanggal na asignaturang maaaring makaapekto sa lagay ng wika ng sariling bayan. (Tenorio, 2017)
Ayon kina Bugarin, Cañanao, Cap-atan, Cervantes at Clave sa kanilang pananaliksik na pinamagatang (Kahalagahan ng Pagpapanatili ng Aisgnaturang Filipino sa Kolehiyo) ang asignaturang Filipino ay mahalagang pagaralan ng mga estudyante daahil ito ay ang ating sariling wika at ito ay magmumulat sa mga mata ng mga kabataan patungkol sa ating wika at literatura.
LITERATURA ayon kay Bienvenido Lumbera, "Ang wikang Filipino ay di lamang isang simbolo ng ating pagiging bansa." Dahil sa wika natin nakatuon ang asignaturang Filipino, ito na rin ang pagkilala natin na nabibilang tayo sa iisang nasyon at ito ang ating pangangailangan upang mahubog ang bawat isa tungo sa iisang sistema ng edukasyon.