LUNTIANG KALIKASAN, MERON PA NGA BA? Sabi nila nung nagsaboy ng biyaya ang Diyos sa sanlibutan, isa ang ang Pilipinas sa mga sumalo nito kaya tinagurian itong Pearl of the Orient Seas. Napakasarap isipin na may paraiso pala sa Timog - Silangan ng Asya, subalit hanggang sa ngayon ba ay maituturing pa rin ba nating Pearl of the Orient Seas ang Pilipinas. Ikaw sa tingin mo? Karapat - dapat pa bang itawag iyon sa ating Inang Bayan? Hawak pa ba natin ang titulo na yun? Nakakalungkot isipin ngunit parang untiunti na itong nawawala sa imahe ng ating bayan. Huwag naman sana. Hindi man tayo ganun kayaman na bansa at hindi man tayo ganun kasabay sa daloy ng modernisasyon buhat ng teknolohiya, mayaman naman tayo sa likas na yaman. Kung ating iisipin, napakabait ng ating Panginoon sapagkat malaking porsyento ng likas na yaman ang ipinagkatiwala at ipinagkaloob niya sa atin. Sa kabilang banda, napakasakit isipin na unti-unti na itong naglalaho sa kadahilanan na ang mga nakikinabang nito ang siyang tumutuldok sa buhay ng mga ito. Tayo! Tayong mga makasarili at mga mangmang ang may kasalanan sa pagkasira ng mga kaloob na yaman mula sa Diyos. Kung ating papansinin, buhay lang natin ang ating iniisip at pagkatapos pakinabangan o kunin ang intensyon mula sa kalikasan ay wala na tayong pakialam kung anong mangyayari. Kasakiman ang ating pina-iiral, hindi man lang natin naisip na may buhay din ang kalikasan. Sa mga nagdaang oras, araw, linggo, buwan, taon at panahon na may masaklap na kaganapan buhat ng higanti mula sa kalikasan ay hindi natin maaaring sisihin ang Diyos na may likha sa lahat. Tila naniningil lang ang kalikasan sa mga kalokohan at kawalang - hiyaan na ginawa ng mga tao sa agos ng buhay niya. Sana isang araw, mula sa malalim na pagkakahimbing natin ay magising tayo sa katotohanan bago pa mahuli ang lahat at tuluyang bawiin ng Panginoon ang lahat ng kanyang nilikha. Sana maisip din natin kung paano magpahalaga sa mga bagay na nasa paligid natin. Maraming paraan para mabago ang lahat, maaari mo itong umpisahan sa wastong pagtatapon ng iyong basura sa tamang lugar. Hindi pa huli ang lahat at sana magising tayo sa katotohanan.
PATAWAD, INANG KALIKASAN
“Mahalin at Pangalagaan ang ating Kalikasan.” Iyan ay isa lamang sa mga linyang binabanggit ng karamihan sa atin ngunit paano kung sa isang iglap ay ang pinangangalagaan mong kalikasan ay unti-unti na palang nasisira?Hahayaan na lang ba natin itong tuluyang mangyari? Pagpuputol ng mga puno, pagsunog sa kagubatan,pagtapon ng mga basura at kemikal sa ilog at mga usok na nanggagaling sa pabrika at sasakyan—iyan ay ilan lamang sa mga karaniwang gunagawa nating mga Pilipino na ang hindi natin alam na tayo pala ang siyang gumagawa ng paraan upang tuluyang masira ang kalikasan at sa simpleng mga bagay na ito ay mayroon pa lang malaking epekto sa atin. Ang halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng bagyo at lindol na siyang kumikitil sa buhay ng libo-libong mga tao dahil sa ating pagwawalang bahala at kapabayaan ang hindi natin alam ay ginagantihan na pala tayo ng kalikasan. Ni minsan ba naisip natin na kung hindi dahil sa atin ay hindi mangyayari ang ganito na sa araw-araw ay sinisisi mo ang sarili mo kung bakit marami ang naghihirap dahil lahat ng ginagawa natin ay siya ring bumabalik sa atin? Sana may paraan pa para maitama natin ang ating mga mali dahil hindi na natin hahayaan na tuluyan pang masira ito. Bilang isang kabataan,mag-aaral o kung sino ka o ano man ang antas mo sa buhay ay sana mapukaw ang inyong mga puso na sa simpleng isinulat kong ito ay makita ng bawat isa sa atin kung gaano kahalaga ang inang kalikasan. Hindi pa huli ang lahat may magagawa pa tayo para muling maibalik sa dati ang lahat simulan natin ito sa pagtutulong-tulong at pagkakaisa sa pamamagitan ng paglilinis at pagtatanim mg mga puno upang sa mga susunod na henerasyon ay makita nila kung gaano kaganda ang kalikasan. May kasabihan nga tayo na, “Save the earth before it’s too late.”
WRONG GRAMMAR Recess na! hmm… maglibot kaya ako? Sa aking paggala, kalat…… -kalat ang mga estudyante. Halakhakan sila. Ouchness! Yun ang biglang nasabi ng isang estudyante dahil sa nabangga siya ng mga naghahabulang mga bata. Sa isang banda naman, nagaaway ang dalawang binabae, parang may liveshow..posturang postura ang dalawang labanera. Pinagtaasan ng kilay ang isa! “ natawa na lang ako sa narinig ko. Ganiyang-ganiyan din ang eksena sa library, sa c.r, sa canteen,sa waiting shed, sa computer room, sa reading corner at kung saan-saan pang parte ng school. Katunayan, sa salamin ng C.R. habang tinitignan ng isang girl ang sarili niya. Maganda siya, makinis at ang haba ng buhok. Marahil ay tuwang-tuwa siya sa kaniyang mukha dahil ayaw na niyang umalis sa harapan ng salamin. “ I’m a pretty girl woman talaga”. Ano ?? girl na nga, woman pa! nakakaloka! Sa reading corner, inis na inis ang lalake dahil hindi niya maintindihan ang sulat ng kaklase niya.”ang gulo! Parang kinalkal ng manok! “di naman sinasadyang narinig ito ng kaklase niya. Nilapitan niya ito at isinigaw sa kaniyang “don’t reclaime!” ang ibig pala niyang sabihin ay wag kang magreklamo. Hay! Ang mga kabataan nga naman..matatawa ka na lang sa pagsasalita nila. Sa library naman, paa naman ang usapan. Kagagaling kasi nilang magpraktice ng sayaw at kuminang ng alikabok ang mga paa nila. “ang dirty na nang paa ko…” sabi ng isa, sumagot naman ang isa ng “my feets is more dirty”...mga mala-maling grammar at salita o isinusulong yata ng mga pasosyal na kabataan. Para sa iba, katuwaan lang ito pero kung iisipin mo, maaaring hudyat na ito ng paguumpisa ng mali-maling ingles ng modernong kabataan. Tila naiisantabi na ang wikang pambansa. Alalahanin nating ang Filipino ang ating panbansang wika na siyang dapat kalalanin at pagyamanin. Ngunit, ang ingles bilang isang pandaigdigang lengwahe, bigyan naman din sana natin ng hustisya. Kung magsasalita tayo, yung wasto na at totoo. Ikaw, kabataan Ingles man o Filipino ang gamitin mo.’Wag ka lang sanang makalimot na marami pang kabataang susunod sa iyo. At bilang nakatatanda sa kanila, ngayon pa lang…Wasto na dapat ang grammar mo upang ang mga makakarinig sayo, tularan ka at maituturing huwaran na kabataang Pilipino.