Halimbawa Ng Sulating Pananaliksik

  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Halimbawa Ng Sulating Pananaliksik as PDF for free.

More details

  • Words: 2,613
  • Pages: 19
MGA PARAAN NG PAGLULUTO NG PAGKAIN PINOY Isinulat ni: Brishnyff Gervacio Ipinasa kay: Jonalyn Ogayre Guro – Filipino IV

March 2009

Dedikasyon Ito ay aking inihahandog sa mga tao na di pa nakakakain o nakakapagluto ng pagkaing pinoy. At sa mga kakilala ko na hindi nakaka-alam ng mga pagkain na ito.

ii

Pasasalamat Nagpapasalamat ako sa aking Ina na hindi nagkulang sa pagsuporta upang magawa ko ang salitang ito. Salamat din sa mga taong tumulong sakin na gawin itong sulating pananaliksik. At sa mga taong gumawa at nakaimbento ng mga pagkaing pinoy, sana ay magustohan niyo ang aking gagawing sulating pananaliksik tungkol sa mga paraan ng pagluluto ng pagkaing pinoy. Maraming salamat at pagpalain kayo ng Panginoon.

ii Talaan ng nilalaman Dedikasyon . . . . . . . . . . . . . . . . . . i Pasasalamat . . . . . . . . . . . . . . . . . ii Layunin . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 1 Paunang salita . . . . . . . . . . . . . . .2 Pinagmulang kasaysayan. . . . . 3 Nilalaman . . . . . . . . . . . . . . . . . . .4-11 i.

Puto’t dinuguan ii. Kinilaw iii. Balut iv. Bibingka’t at puto bumbong v. Bicol express vi. pinakbet Paglalahat . . . . . . . . . . . . . . . . . . .12 Konklusyon. . . . . . . . . . . . . . . . . .13 Bibliografi . . . . . . . . . . . . . . . . . . .xi

iii

I. Layunin ● Makapagbigay kaalaman sa mga magbabasa ng aklat na ito ● malaman kung paano iniluluto ang mga ilang pili Pagkaing Pinoy ● Upang maipagmalaki ang mga Pagkaing Pinoy ng pilipinas dahil sa masarap na mga putahe ng pinoy

1

II. Paunang salita Sa mga magbabasa ng mga nilalaman nito. Ito ay tungkol sa mga pagkaing pinoy. Dito din malalaman kung paano gawin ang mga piling na pagkaing pinoy. At ang mga nilalaman ng sulatin na ito ay nanggaling sa tanyaang libro at tagapagluto kaya tama at sakto ang mga impormasyon ng nilalaman nito. Kaya sa mga taong maaabot nito nawa ay nakapagbigay ako ng konting impormasyon at pamibagong kaalaman.

2

III. Pinagmulang Kasaysayan Ito ay gawang Pilipino at noon pa lang ay magaling na ang mga Pilipino sa pagluluto ng iba’t ibang pagkain. Kaya nagawa ang mga pagkain n ito dahil sa galling ng mga Pilipino.

3

IV. Nilalaman Puto't Dinuguan

Puto't Dinuguan Ang Puto't Dinuguan ay isa sa mga pamosong merienda ng mga Pilipino. Ito ay ang pinagsamang dinuguan at puto. Ang salitang dinuguan o pork blood stew ay hango sa salitang "dugo," kung saan ang sarsa nito ay gawa sa sariwang dugo ng baboy. Ang tradisyonal na pagluto nito ay sinasamahan ng lamang-loob ng baboy. Ang puto naman o rice cakes ay gawa sa bigas na pinasingawan. Isa ito sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy dahil sa kakaiba at masarap na kumbinasyon ng maasim-asim at malapot na sarsa ng dinuguan at matamis-tamis at malambot na puto.

Pagluto ng Dinuguan Resipi • • • • • • • • •

1 kilong baboy,hiniwa ng maliliit 2 kutsarang mantika 1 sibuyas, hiniwa ng maninipis 2 butil ng bawang, tinadtad 1/4 na atay ng baboy, hiniwa ng maliliit 1/2 tasa ng suka 2 kutsarang patis 1 kutsaritang asin 1/4 kutsaritang MSG

• • • • •

1 1/2 tasa ng pinagpakuluan ng baboy 1 tasa ng sariwang dugo ng baboy 2 kutsaritang asukal 1/4 kutsaritang Oregano (opsyonal) Sili 4

Pakuluan ang baboy ng mga 30 minutos o hanggang sa ito'y lumambot. Ihiwalay ang tubig na pinagpakuluan ng baboy at hiwain ng maliliit ang laman ng baboy. Lagyan ng mantika ang kawali hanggang sa uminit ito, igisa ang bawang at sibuyas ng ilang minuto. Isama ang laman ng baboy, atay, patis, asin at MSG. Gisahin ng 5 minuto. Sa mahinang apoy, lagyan ng suka at hintaying kumulo nang hindi hinahalo hanggang sa matuyuan. Ilagay ang pinagpakuluan ng baboy at hintaying kumulo. Ihalo ang dugo ng baboy at asukal; ihalo hanggang sa lumapot. Isama ang oragano at pakuluan muli ng 5 minuto. Habang mainit pa, ihanda ito ng may kasamang puto.

Paggawa ng Puto Resipi • • • • •

2 tasa ng puting bigas 1 1/2 tasa ng tubig 1 1/2 tasa ng asukal 3 kutsaritang lebadura 1/2 kutsaritang asin

Ibabad ang bigas ng ilang oras pagkatapos ay gilingin at lamasin. Ihalo ang asukal, lebadura at asin. Tapos ay isalin sa isang moldehan at i-steam ng kalahating oras. Baliktarin ang nalutong puto. Pwede na itong ihanda. Maari itong lagyan ng keso sa ibabaw o di kaya ay maninipis na hiwa ng itlog na pula.

Kinilaw

Ang Kinilaw ay pagkaing hindi niluluto sa apoy. Ito'y katulad ng sashimi ng mga Hapon at ng Ceviche ng Timog-Amerika. Ang kilawin ng mga Bisaya ay gumagamit ng sariwang isda samantalang ang sa mga Ilokano at Kapampangan ay kambing.

5

Ang Kinilaw ay maaaring ang pinakalumang kilalang paraan ng pagluluto na ginamit ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Ngayon, ang ilang rehiyon sa Visayas at Mindanao ay gumagamit pa rin ng mga prutas na tulad ng tabon-tabon at dungon; ginagayat, pinipiga at binababad ang gitna ng prutas sa tubig at pagkatapos ay lilinisin ang isda sa pinagbabarang tubig bago ito ihalo sa iba pang mga sangkap, isang proseso na sinasabi ng ilan na lalong nagpapasarap sa kinilaw.

Sangkap ng Kinilaw Ang mga sangkap na ginagamit sa kinilaw ay maaaring mag-iba-iba, depende sa panahon at rehiyon. Ngunit ang mga sumusunod, ay ang mas malimit na gamitin: • • • • • • • •

Pagkaing-dagat: talaba, tulya, alimango, maliliit na hipon o suaje, sea cucumber, pusit at sea urchin Isda: bangus, tanigue, malasugi, pompano, tuna, kingfish, at dorade Suka: tuba at paombong Iba pang pampaasim: kalamansi, dayap at kamias Pangunahing sangkap: asin, luya, sili, sibuyas, gata ng niyog Prutas: hilaw na mangga, papaya, pipino, sinigwelas, star fruit Gulay: labanos, jicama, sea weeds Iba pang sangkap na maaaring idagdag: kamatis, tausi, bawang

Balut Ang Balut ay isang nilagang itlog ng itik na naglalaman ng sisiw na 18 na araw ang gulang, mayaman sa protina, bitamina, at mineral ang balut kaya itinuturing ng mga Filipino bilang pagkaing pampalakas.

Pinagmulan Magpasahanggang ngayon wala pa ring makakapagsabi kung saan o kailan nagsimula ang pagkain ng balut. Ayon sa mga siyentipiko, ang pagkain ng balut ay nagsimula na bago pa man dumating ang mga dayuhang kastila. Dahil sa mga ginawang pagsunog ng mga prayle sa mga mahahalagang dokumento ukol sa Pilipinas, kailanman ay di na mahanap kung

saan nagsimula ang tradisyong ito. Ayon sa ilang mga dalubhasa, ang pagkain ng balut ay nagsimula ng magkaroon ng kalakalan ang mga Tsino at Filipino. May mga sinaunang libro sa Tsina na nagbanggit ng pagkain ng isang pinaalat na itlog ng itik na pinaalat. Ayon naman sa isang alamat, nasunog ang limliman ng itlog ng pato ng isang Tsino at nang mailigtas ang mga itlog, natuklasan na pinakamasarap kainin ang nalutong itlog, lalo na ang may gulang na 18 araw. 6

Pagbabalut Sa Pateros unang umunlad ang industriya ng balut. Dahil sa pagkawala ng mga ilog sa Pateros, kumalat ang paggawa ng balut sa Binangonan, Isla ng Talim, Sta. Cruz, Laguna, at iba pang bayan sa paligid ng Laguna de Bay. Sa ngayon ang karamihan ng balut ay ginagawa sa Barangay Aguho. Ang mga pagawaan ay mga gusaling gawa sa kawayan at may pawid o yerong bubong ang gawaan ng balut. Maliit ang bintana at pinto nito upang hindi pasukin ng hangin. Nakalatag sa sahig ang kusot o ipa.

Pamamaraan Tatlo o limang araw na ibinibilad sa araw ang itlog ng itik at pagkaraa'y isinisilid sa bandana o malaking supot ang 100-125 itlog. Salitan ang pagsasalansan sa isang malaking buslo ng mga bandana ng itlog at latag ng ipa na pinainitan nang 42-42.5 digri sentigrado. Pinipihit ang mga itlog nang dalawa o tatlong beses sa isang araw at iniinit ang kusot sa umaga at sa hapon sa mga araw na malamig. Sinisilip sa liwanag ng kandila ang mga itlog sa ika-pito, ika-14, at ika18 na araw. Sa pamamaraang ito ay maihiwalat ang mga bugok at hindi na mabubuong sisiw. Malalaman kung bigok ang itlog kapag wala nang maaninag na buhay o pulang ugat sa loob ng itlog. Ang mga itlog na normal ay inilalaga.

Bibingka't Puto Bumbong Tuwing sasapit ang Kapaskuhan sa Pilipinas, hindi mawawala ang mga kaugaliang katangi-tanging Pinoy tulad ng mga simbang gabi, pagsabit ng parol, pangangaroling, Noche Buena, at mga tradisyonal na pagkain tulad ng Bibingka't Puto Bumbong gayun din ang mga kagaliang banyaga tulad ng paglalagay ng Christmas Tree at pagkakaroon ng Santa Claus. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin at masayang kapaligiran dahil sa mga kumukuti-kutitap ng mga christmas lights sa paligid, ang dalawa sa pinakasikat na tradisyonal na pagkain tuwing Pasko, ang bibingka at puto bumbong ay malapit na

iniuugnay sa simbang gabi, na kilala din sa tawag na misa de gallo. Ito ay nag-uumpisa tuwing Disyembre 16 at nagtatapos tuwing ika-24 ng Disyembre. Ang mga nagtitinda ng nasabing mga kakanin ay makikitang nakahilera sa labas ng mga Katolikong simbahan. Pagkatapos ng simbang gabi, madalas na makikita na dinudumog ito ng mga parokyano upang pagsaluhan ng bawat pamilya. 7

Puto Bumbong Ang puto bumbong ay isang kilalang pagkaing Filipino at bahagi din Pamaskong tradisyon sa Pilipinas. Ito ay isang kulay lila/ubi na kakanin na gawa sa giniling na pirurutong (malagkit) na bigas. Ang salitang "puto bumbong" ay hango sa mga katagang "puto" (pinausukan na malagkit na bigas) at "bumbong" (silindrong kawayan}.

Paraan ng Pagluto Hugasan ang malagkit at ordinaryong bigas at ibabad sa tubig na may asin, gayun din ang kulay ubi na pangkulay sa pagkain ng 3-4 na oras. Patuyuin ito sa bilao ng buong magdamag, pagkatapos ay lamutakin para maghiwalay. Pinapasingawan ito gamit ang “lansungan,” isang heat steamer o lutuang pasingawan o pakuluan na nakapatong sa isang bandihadong puno ng kumukulong tubig. Ito ay may dalawang maliit na tubong kawayan sa ibabaw kung saan ipinapasok ang mga sangkap sa paggawa ng puto bumbong. Kapag lumalabas na usok mula sa bumbong, tandana ito na luto na ang mga puto bumbong. Para madaling matanggal ang puto, ihanda ang pasingawan ng puto bumbong at lagyan ng kaunting mantikilya ang lalagyan ng bumbong. Ang mga nalutong puto bumbong ay ibinabalot sa sariwang dahon ng saging, pinapahiran ng matikilya at nilalagyan ng kinudkod na niyog at asukal sa ibabaw bago ito ihain.

Bibingka Ang bibingka naman ay isa din sa mga tradisyonal na Pamaskong pagkain na gawa sa galapong, gata, itlog, asukal at, sa kasalukuyan, baking powder. Maaari itong lagyan ng kesong puti at itlog na maalat habang niluluto. Kinakain ito kasama ang kinudkod na niyog, mantekilya, at asukal; at malimit tuwing almusal o meryenda. Kapag panahon ng Kapaskuhan, karaniwang ibinebenta ito, kasama ng salabat, sa labas ng mga simbahan para sa mga galing ng simbang gabi. Ang bibingka at puto bumbong ay hindi lamang ibinibenta sa labas ng mga simbahan tuwing Kapaskuhan kung hindi ay inihahanda din sa mga five-star hotels at madalas ay nagiging paboritong mga dayuhan dahil sa kakaibang lasa at paraan ng pagluluto ng mga ito na tunay na katangi-tanging Pinoy. May mga tindahan at restoran din na nagbebenta ng mga nasabing kakanin kung saan makakabili ang mga may hilig dito hindi lamang tuwing Pasko kundi sa buong taon tulad ng Ferinos Bibingka.

8

Paraan ng Pagluto Ihalo ang harina at asin. Isama dito ang mantika gamit ang tinidor. Lagyan ng kaunting tubig. Ituloy ang paghalo gamit ang tinidor at isalin sa isang mangkok. Isalin ang buong mixture sa isang clay pot na may dahon ng saging sa ilalim upang hindi manikit kapag ito ay luto na. Pagkatapos ay lutuin ito sa hurno o pugon na may baga sa ilalim at sa ibabaw upang maging pantay ang luto. Habang ito ay niluluto, lagyan ng hiniwang kesong puti at itlog na maalat sa ibabaw para sa mas malasang lutuin. Pahiran ng mantikilya ang bagong lutong bibingka at budburan ng kinayod na niyog sa ibabaw.

Bikol Express Ang pangalan na Bikol Express ay hinango mula sa tren na tumatakbo mula Maynila patungong Bikol. Ito ang isa sa mga pinakakilalang pagkain na nagmula sa Bikol. Ang Bikol ay kilala sa kanilang mga pagkain tulad ng pili na ginagawang suspiros, masapan, pastilyas at brittle, at mga putahe na ginataan at pinaanghang ng maliliit na siling labuyo na tulad ng Laing at Bikol Express. Ang Bikol Express ay binubuo ng apat na mahahalagang sangkap: gata ng niyog, bagoong, karne ng baboy o manok, at maraming pulang siling labuyo. Maaaring timplahin ang anghang nito sa pamamagitan ng paglalagay ng sili ng paunti-unti hanggang sa makuha ang ninanais na anghang.

Paraan ng Pagluluto Sangkap • • • • • • • • •

4 na tasang hiniwang siling haba 1 kutsarang asin 2 tasang gata 1 ½- 2 tasang sariwang alamang ¼ kilong liempo, hiniwang manipis at paakuwadrado 3 butil ng bawang, tinadtad 1 sibuyas, tinadtad asin pantimpla 1 tasa ng kakang gata

9

Proseso

1. Ibabad ang sili sa tubig na inasnan. Itabi nang 30 minuto at pagkatapos ay hugasang maigi. Patuluin. 2. Sa kawali, paghaluin ang gata, alamang, karne, bawang, sibuyas at asin. Pakuluin. 3. Hinaan ang apoy at isalang pa nang 10 minuto. 4. Idagdag ang sili at lutuin hanggang halos matuyo. 5. Ibuhos ang kakang gata at hayaang magmantika.

Pinakbet

Pinakbet (Picture from ([1]). Ang Ilokos ay kilala dahil sa kanilang masarap na Pinakbet na sinangkapan ng bilog na talong, maliliit na ampalaya at bagoong isda. Sa Vigan, ito ay sinasahugan pa ng hiniwang bagnet (ang lechon kawali ng mga Ilokano). Ang Pinakbet ay ang tradisyonal na pagkain ng mga Ilokano.

Pagluluto Sangkap • • • • • • •

1 tasang liempo na hiniwang pakuwadrado mantika 2-3 kutsarang bagoong isda o ayon sa panlasa 1 tasang tubig 1 katamtamang laki na ampalaya, inapat na hiwa 3 pirasong talong, inapat na hiwa 5 pirasong okra, hinati

• • •

4 na pirasong kamatis, hiniwa 1 maliit na sibuyas, hiniwa 1 maliit na luya, hiniwa 10

Proseso

1. 2. 3. 4.

Pagmantikain ang liempo sa kawali at itabi pansamantala. Sa kaserola, pakuluin ang bagoong isda at tubig. Idagdag ang baboy at mga gulay. Lutuing maigi.

11

V. Paglalahat Ang mga Pilipino ay likas na malikhain at masipag. Ang mga sumusunod na impormation at proseso ng sumusunod na Pagkaing Pinoy. Paano nila nagawa ang mga Pagkaing pinoy? Sadyang matalino at malikhain ba ang mga pinoy?

12

VI. Konklusyon Ang mga pagkaing pinoy ay isang tradisyon nakahiligan na ng mga pinoy. Ang mga pinoy ay sadyang malikhain at maipagmamalaki ang mga pagkaing pinoy. Ang mga pagkain ng mga Pinoy ay napakasarap at nakasanayan na ng mga Pilipino. Pinoy ang lahi natin, at Pinoy ang puso natin. Ipagmalaki ang ating lahi dahil sa sipag at malikhain ng mga pinoy.

13

VII. Bibliografi •

Harris, John. “Oral and Olfactory Art.” Journal of Aesthetic Education 13.4 (2009): 5-15.



Lacey, Hugh. “Investigating the Environmental Risks of Transgenic Crops.” Transformacao: Revista de Filosofia 27.1 (2009): 111-31.



Belasco, Warren. “Thoughts on the Meal-in-a-Pill.” Agriculture, Food & Human Values. University of Wisconsin, Madison, 1997.



Korthals, Michiel. “The Struggle over Functional Foods: Justice and the Social Meaning of Functional Foods.” Journal of Agricultural and Environmental Ethics 15.3 (2009): 315-24.



Cafaro, Philip. “Less Is More: Economic Consumption and the Good Life.” Philosophy Today 42.1 (2009): 26-39.

iv

Related Documents