27 - Sa gitna ng kahirapan ni Florante, ang ala-ala ni Laura ang bumubuhay sa kanya.
28 - Matutuwa si Florante nang lubos basta isipin siya ni Laura. Yun nga lang, nalulungkot siya nang lubos gawa ng pagtataksil.
29 - Iniisip ni Florante na patay na siyang nakagapos dun sa puno.
30 - Kung hanapin ni Florante sa kanyang isipan ang ala-ala ng mga nakaraan nila ni Laura, yung mga dati niyang luha sa bawat sugat ni Florante ay ginagawang kasiyahan ang kanyang kahirapan.
31 - Sabi ni Florante para saan pa ang pag-ibig, ngayon na tahimik na si Laura at may kasama nang iba.
32 - Gusto nang mamatay ni Florante dahil naiisip niya na magkayakap sina Konde Adolfo at Laura.
33 - Hinimatay si Florante.
34 - Makikita sa buong katawan ni Florante ang mga marka ng pagpapahirap. (Naranasan mo nang umiyak nang umiyak? Diba may mga maraming pulang tuldok sa mukha mo? Paano pa kaya kung buong katawan mo ay ganun?)
35 - At kapag nakita si Florante ng pinakamarahas na magpaparusa, maawa yun sa itsura ni Florante.
36 - Kahit yung taong tuyo na ang mga mata sa kaiiyak, maiiyak muli kung makita nila si Florante.
37 - Malalim na awa ang mararamdaman ninumang makarinig sa mga daing at tunog na galing kay Florante.
38 - Rinig sa buong gubat ang mga ungol ni Florante. Ang sumasagot lang sa kanya ay ang mga alingawngaw (echoes).
39 - Tinatanong ni Florante sa hangin kung bakit kinalimutan ni Laura ang kanilang pagmamahalan.
40 - Sinusumbat ni Florante kay Laura ang sumpa ng kanilang pagmamahalan. Naging tulala si Florante. Hindi niya naiisip na ganito ang mangyayari sa kanila. Hindi niya naisip na darating ang araw na magtataksil sa kanya si Laura.
206 - Halos isang buwan hindi makakain si Florante, dala ng matinding kalungkutan.
207 - Kaklase ni Florante si Adolfo, anak ni Konde Silenus.
208 - 11 taong gulang si Florante. Si Adolfo ay 13. Si Adolfo ang pinakamatalino sa klase, at tinitingalaan siya ng madla.
209 - Mabait si Adolfo. Mahinahon. Hindi nakikipag-away. Hindi mayabang.
210 - Si Adolfo ang huwaran o model student.
211 - Hindi maarok ng kanilang guro ang mga sikretong nilalaman ng puso ni Adolfo.
212 - Itinuro ng ama kay Florante na ang talino ay kailangan maging magpakumbaba.
213 - Nagtaka ang mga kaklase ni Florante kung bakit hindi natutuwa si Florante sa asal ni Adolfo.
214 - Hindi maintindihan ni Florante kung bakit niya iniiwasan si Adolfo.
215 - Sa mga nadgaang araw, lalung tumalino si Florante.
216 - Pinag-aralan ni Florante ang pilosopiya, astrolohiya, at matematika.
217 - Sa loob ng anim na taon, naging dalubhasa si Florante sa mga tatlong dunong na yun.
218 - Parang milagro, nahigitan ni Florante ang talino ni Adolfo.
219 - Si Florante na ang naging sikat sa Atenas.
220 - Nabuking ang pagbabalat-kayo ni Adolfo. Hindi pala siya talagang mabait.
221 - Nahalat ng madla na peke pala ang pagiging mahinahon ni Adolfo.
222 - Nakita ang katotohanan nung oras ng paghahanda ng mga bata sa kanilang paligsahan.
223 - Nagsimula sila sa awitan, kantahan, at pati na rin sa arnis.
11 – ang ipinahihiwatig ng ika labing-isang saknong ay sa bingit ng kahirapang kanilang nararanasan sa kamay ng mga Harpias, walang mga nimfa o mga bathalang kanilang sinasamba ang maaaring tumulong sa kanila. Ang bayan ng Albanya ay napasakamay ng mga mababangis na diyosa ng Hentil o ang mga Harpias.
12 – Sa saknong na ito ay lumuluha si Florante, tumingala siya sa kalangitan at hinanda ang sarili upang makapag-salita.
13 - Tinatanong ni Florante ang Langit kung nasaan ang ganti nito para sa lapastangang ginawa laban sa bayan ng Albanya.
14 - Kalat na kalat na ang kasamaan sa kanilang kaharian.
15 - Lahat ng mabuti ay kinakawawa at binabastos.
16 - Samantalang ang mga masasama ay angat na angat.
17 - Naghahari ang kataksilan at kasamaan.
18 - Yung mga magsasalita laban sa kasamaan ay pinapatay.
19 - Yung mga ambisyosong taksil ang dahilan ng kasawiang palad ni Florante.
20 - Ginamit ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linceo (ama ni Laura) at ang kayamanan ng ama ni Florante, para kawawain ang buong Albanya.
21 - Tinatanong ni Florante ang Langit kung bakit nito hinayaan ang mga pangyayaring ito.
22 - Inuudyok ni Florante ang Langit na lipulin ang kasamaan sa Albanya.
23 - TInatanong ni Florante ang Langit kung bakit ito bingi sa kanyang mga hiling.
24 - Hindi maunawaan ni Florante ang Langit. Hindi raw mananaig ang kabutihan sa mundo kung pumayag ang Langit na mangyari ito.
25 - Sino ang lalapitan na ngayon ni Florante, gayong hindi siya pinakikinggan ng Langit?