Filipino

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 2,161
  • Pages: 4
Stephanie Janel Y. Co

Isang linggo na ang nakakaraan nang si Daniel “Dan” Garde ay nagtapos sa pag-aaral sa kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas bilang isang abogado at siya ay cum laude. Magaling din siya pagdating sa labanan dahil nag-aral siya noong siya ay nasa kolehiyo pa. Bukod sa matalino siya ay makisig, gwapo at mabait din siya. Dahil walang panahon ang kanyang mga magulang, si Austin Irao, isang pulis at kaibigang matalik ni Daniel, ang nagasikaso para sa parti na magaganap sa linggo. Silang dalawa ay parehong mayaman. Parehong magkaibigan ang pamilya dahil na rin sa negosyo. Si Austin ang nag-imbita ng mga bisita, ang pag-aayos sa parti at sa lahat ng iba pang kailangan para maging bongga ang parti. Nang dumating na ang linggo ng gabi, marami ang dumating na mga bisita, isa sa mga bisita ay si Erika “Ika” Gaite at kasama nya ang kanyang matalik na kaibigan na si Andrea Lague. Si Andrea Lague ay kakilala ni Austin at Daniel. Gusto ni Andrea na may makakasama siya kaya naisip niyang isama si Erika( tulad ni Daniel, kakatapos din lang ni Erika sa kolehiyo). Nang nagkita na si Andrea at sina Austin at Daniel ay ipinakilala ni Andrea si Erika. Hindi pa nakatingin si Daniel kaya biglang tinawag ni Austin ang kanyang pansin. Nang lumingon si Daniel, ay parang umalab ang kanyang dibdib ng makita niya si Erika. Hindi kaagad nakapagsalita si Daniel, gayon din naman si Erika. Tinawag ulit ni Austin si Daniel dahil parang wala ito sa sarili. Kahit si Erika ay tinawag din ang pansin dahil parang nawala ito sa sarili. Nang nagbalik na sa sarili. Nagkamayan sila at nagkatitigan. Nakilala nila ang isa’t isa at napag-usapan na tatawagin nila ang isa’t isa sa kani kanyang palayaw. Ang kanila namang mga kaibigan ay nag-uusap din. Hindi pa natatapos ang kanilang pag-uusap ay biglang nabuhusan ng malamig na tubig si Ika ng isang waiter. Agad namang sumaklolo si Dan at pinaalis ang waiter. Pinapasok nya si Ika na basang basa at sumunod naman si Andrea at Austin. Pinaupo ni Dan si Ika sa sofa sa kanilang sala at dali daling kumuha ng twalya at damit na pwedeng gamitin. Nagpasalamat si Ika at dali daling pumunta sa banyo. Paglabas niya ay nakapagpalit na siya ng damit. Tinanong ni Dan kung ayos lang ba siya. Iba ang sinabi ni Ika, tinanong niya si Dan kung papaano yung damit na pinahiram sa kanya. Dahil naman sa mabait si Dan ay sinabi niya na ayos lang kahit hindi na isauli. Nagpaalam si Ika bigla na aalis na siya kasama si Andrea. Pero bago umalis ay hiningi na muna ni Dan ang kanyang cellphone number. Nang makauwi na si Ika ay nagpaggawa na siya ng mainit na tsokolate sa kanilang katulong. Tinanong naman ulit ni Andrea kung okay lang si Ika. Sabi naman ni Ika okay lang. Sabi pa niya kailangan niya lang ng mainit na tsokolate para uminit naman ang kanyang katawan. Sabi ni Andrea, o sige, kailangan ko ng umalis, magpahinga ka na. Pahayag naman ni Ika, Sige, mag-ingat ka sa pag-uwi. Sabi naman ni Andrea, ano ka ba eh ang lapit lapit lang naman ng bahay namin sa inyo! Sagot naman ni Ika, syempre kailangan mo pa rin magingat! Pagkaalis na pagkaalis ni Andrea ay bigla namang may natanggap na text si Ika. Nakasaad sa text na humihingi ulit ng tawad si Dan sa nangyaring kapalpakan ng waiter at tinanong naman siya ulit ni Dan kung maayos na ba siya. Sagot naman ni Ika, ayos lang,

Stephanie Janel Y. Co

bukas maayos na ako. Sabi naman ni Dan, Sana maayos na ang pakiramdam mo paggising mo bukas, magpahinga ka na. Goodnight. Pag kagising ni Dan ay maganda ang kanyang pakiramdam dahil sa babaeng kanyang nakilala ngunit nag-aalala pa rin siya kaya muli siyang nagtext. Kakatapos lang maligo ni Ika nang kanyang matanggap ang text na naglalaman ng pagkukumusta ni Dan kay Ika. Ang reply naman ni Ika ay ayos na raw siya. Kanya pang dinagdag, papunta na ako sa banko para mag-umpisang magtrabaho. Bigla namang nalungkot si Dan dahil naisip niya tiyak marami siyang magiging karibal sa puso ni Ika dahil maraming pumupunta sa banko. Si Dan naman ay nag-umpisa na rin magtrabaho bilang abogado, ang una niyang kaso, ipagtanggol ang babaeng ginahasa ng isang mayamang lalaki na si Dennis Sultan. Mas pipiliin ni Dan na ipagtanggol ang mga sa tingin niya ay naaapi dahil gusto niyang makatulong. Hindi niya na rin naman kailangan ng malaking pera dahil mayaman na sila. Pinag-aralan niya ang kaso at sa tingin niya ay malaki ang chance na maipanalo niya ang kaso dahil sa mga nakalap na ebidensya. Tatlong buwan na ang nakalilipas ng sila ay magkakilala ni Ika. Nagtetext sila sa isa’t-isa. Isang beses inimbitahan ni Dan si Ika na kumain sa restawran. May sinabi si Dan. Sabi ni Dan, ang pagkakakilala ko sa iyo ay isang tadhana, at ang pagiging magkaibigan natin ay isang pagpili, kung liligawan ba kita ay papayagan mo ba ako? Hindi nagpahalata si Ika na gusto niya rin ang sinabi ni Dan kaya nagpanggap siya na nabigla siya. Tinanong naman ni Dan kung bakit at kung may boyfriend na ba siya. Sabi ni Ika wala kaya masaya si Dan. Nang umuwi na sila. Nagtext na naman si Dan. Sabi niya, kapag nilagay daw niya ang kamay niya sa mainit na stove sa isang minuto ay parang isang oras ng nakalagay pero kapag kasama niya si Ika sa isang oras, parang isang minuto lang ang oras na kanilang pinagsamahan. Naging madalas ang kanilang pag-uusap. Pagkaraan ng dalawang buwan ay pumunta siya sa korte para sa kaso na kanyang hinawakan. Nanalo ang kanyang kampo at hinatulang mabilanggo si Dennis. Masayang masaya siya dahil naipanalo niya ang unang kaso kaya masaya siya kaya muli niyang inanyayahan si Ika para magdiwang ngunit nalungkot siya dahil hindi pumayag si Ika. Pakiramdam tuloy ni Dan may nanliligaw pang iba kay Ika kaya nagpasya siyang pumunta sa bahay ni Ika, at tama nga siya, hindi lang isa kundi tatlo pa ang nanliligaw kay Ika! Nag-init ang kanyang ulo pero sinabi niya sa sarili na kailangan maging mahinahon siya dahil wala pa naman siyang karapatan para magalit. Inaamin niya nagseselos siya. Pinauupo ni Ika si Dan sa katabi ng iba pang mga lalaki pero umalis na lang si Dan. Sinundan naman ni Ika si Dan. Dan! Tumigil ka muna, kaya sila nandirito lahat ay dahil sasabihin ko sa kanila na itigil na nila ang pagsuyo sa akin dahil may napupusuan na ako at ikaw yun. Sabi ni Dan, talaga Ika? Biglang nagsilabasan ang iba pang lalaki at binanatan si Dan, syempre hindi magpapatalo si Dan. Tutal naman ay magaling siya sa labanan, pinagususuntok niya ang iba pang manliligaw ni Ika hanggang sa tumakbo na ang mga lalaking iyon. Tinanong ni Ika kung ayos lang ba si Dan. Sabi ni Dan na ayos lang siya. Bumalik sila sa paksa, Ika, sasagutin mo na ako? Sabi ni Ika, grabe ang pag-aalala ko sa iyo habang ikaw ay wala sa aking tabi. Ngayon ay napag-isip isip ko na nakaramdam na pala ako ng pagmamahal sa katauhan mo. Nagtatalon si Dan sa kagalakan. Sabi ni Ika, simula ngayon ay sa iyo na ang aking puso, sana ay ganoon din ikaw.

Stephanie Janel Y. Co

Sabi naman ni Dan. Oo, pangako ko sa iyo! Lagi lagi na silang lumalabas at napapansin naman ni Ika na sa tuwing lalabas sila ay laging may tumitingin kay Dan na mga babae. Hindi nga naman maiiwasan iyan. Napansin din ni Dan ang pagkabalisa ni Ika. Tinanong ni Dan kung anong problema. Sabi ni Ika, bakit parang may umaaligid sa iyong mga babae?. Sagot ni Dan, Wala yan, ikaw naman, wag ka ng magselos. Sabi ni Ika, Hindi ako nagseselos nohh! Pagkatapos ng apat na buwan ay naging busy si Ika sa kanyang trabaho kaya hindi sila masyadong nakakalabas ni Dan. Naiintindihan naman ni Dan iyon dahil busy rin naman siya. Gayun pa man ay hindi niya nalilimutang magpadala ng bulaklak at tsokolate kay Ika kaya kahit busy si Ika ay masaya pa rin siya. Nakasaad sa love card na dapat laging magingat si Ika at may mga nakasaad na quotes, isa sa mga quotes ay ang sabi ni Dan na sa tuwing namimiss kita ay nahuhulog ang tala sa langit kaya kapag tumingin ka sa langit at wala kang nakita kundi ang madilim na langit na walang mga tala, kasalanan mo yan! Napabungisngis si Ika ng malakas. Nabalitaan naman ni Dan na nakatakas si Dennis Sultan kaya nag-alala siya. Ang kanyang matalik na kaibigan ang naatasang maghanap kay Dennis. Nais niya rin namang tumulong ngunit may kaso na naman siya. Magaan lang naman, pagnanakaw lang, kaya madali niyang natapos ang kaso pagkatapos ng isang buwan. May nakuha silang balita sa isang source na kung saan ay makikipagkita si Dennis sa isang tao na kagaya niya ay drug lord din sa makalawa sa isang bodega sa Pasay City. Nagpunta si Austin kasama ng iba pang mga pulis ng hindi alam ni Dan kaya ng alala siya. Habang hinihintay nila ang pagdating ng dalawang drug lord. Nagnenegosasyon na ang dalawa ng kanilang mahalata na may mga pulis pala. Kaya nagkaroon ng maraming putukan. Napagtanto ni Austin na kailangan niya ng tulong kaya dali dali niyang tinawagan ang kanilang heneral ngunit walang sumasagot kaya tinawagan niya si Dan. Si Ika naman, nabalitaan na may kanegosasyon na naman ang kanyang papa pero hindi niya alam kung ano talaga ang trabaho ng kanyang papa dahil hindi na siya nakatira sa papa niya. Nakatira siya sa kanyang lola nang mamatay ang kanyang mama dahil sa sama ng loob sa kanyang papa. Kaya simula nang mamatay kanyang mama, ay hindi na siya nakikipag-usap sa kanyang papa. Sinabihan ng katulong si Ika na kailangang pumunta ni Ika kung nasaan ang kanyang papa dahil may mga pulis din doon kaya dali dali siyang pumunta. Nauna si Dan sa bodega at nakita niyang binaril ng isa sa drug lord si Austin. Nakahandusay na sa lupa ang katawan ni Austin at galit na galit na si Dan. Akmang babarilin ni Dan si Eric nang biglang dumating si Ika. Nabigla si Eric at Dan. Sabay silang napabulaslas ng anong ginagawa mo rito? Sabi naman ni Ika, huwag mong papatayin ang aking papa. Papa, huwag mong hayaang maulit at madoble pa ang sama ng loob ko sa iyo. Siya ang aking minamahal na lalaki. May dumating ng ambulansya para dalhin sa ospital si Austin. Hindi pinansin ni Dan ang ambulansya at nakatutok pa rin ang baril kay Eric. Sumigaw si Ika ng Dan! Hayaan mo na sa mga awtoridad ang aking ama. Tyempo namang dumating at hinuli nga si Eric ng mga awtoridad. Hinagkan ni Ika si Eric para mawala na ang poot na nararamdaman. Ipinahayag ni

Stephanie Janel Y. Co

Ika kung mawawala ka sa buhay ko ay wala akong meron ngayon pero kung mananatili ka at mamahalin mo pa rin ako ay meron akong lahat sa ibabaw ng mundong ito. Dinagdag pa ni Ika habang umiiyak siya na mahal niya si Dan hindi dahil kailangan niya si Dan ngunit kailangan niya si Dan dahil mahal niya ito. Sabi ni Dan tahan na aking mahal, huwag ka ng umiyak, hindi na mauulit pa ang nangyari. Pumunta sila parehas sa ospital at napag-alamang hindi naman masyadong delikado ang kalagayan ni Austin kaya nakahinga na sila ng maluwag. Pagkatapos ng ilang araw ay nakalabas na si Austin sa ospital at alagang alaga naman siya ni Dan dahil matalik niya itong kaibigan. Siya na rin ang nagmaneho. Hindi hinayan ni Dan na mag-isa si Austin sa pag-uwi. Dumalaw naman si Ika sa kulungan para makita ang kanyang ama. Habang si Dan naman ay naatasan para sa gagawing mga hakbang para makulong ng matagal si Eric at Dennis. Nagkaroon ng mga hearing para sa pagpapakulong sa dalawang drug lord. Pagkatapos ng isang taon ay nakulong nga ang dalawang drug lord. Syempre maligaya si Dan. Sa parte naman ni Ika, may bakas ng kalungkutan sa kanyang mukha Sinabi niya na lang sa kanyang sarili na kailangan tanggapin niya ang nangyari. Umalis na sila at ang mga tao. Pagkaraan ng ilang buwan ay inanyayahan niya si Ika na manood ng kwento ng pagibig sa sinehan. Sa kalagitnaan ng kwento, tinanong ni Dan kung gusto bang kumain ni Ika ng popcorn at softdrinks. Habang kumakain si Ika, may nakuha siyang nakalagay sa papel na me, tapos hinalungkat niya ang popcorn. Nabuo na ang mga katagang. Will You Marry Me? Sabay na ipinakita ni Dan ang singsing. Sinabi ni Ika na oo kaya nilagay ni Dan ang singsing sa kamay ni Ika. Sabi ni Dan, simula ngayon ang aking puso ay maging iyo, tanging iyo lamang. Sagot naman ni Ika, andito lamang ang aking puso na tumitibok para lamang sa iyo hanggang magpakailanman. Natapos na pala ang palabas may mga nakakita sa kanyang pagpapahayag ng kanyang pag-ibig. Nagsipalakpakan ang mga tao sa sinehan.

Related Documents

Filipino
November 2019 31
Filipino
June 2020 24
Filipino
November 2019 34
Filipino Research.docx
April 2020 5
Filipino 3
November 2019 16