Filipino

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino as PDF for free.

More details

  • Words: 409
  • Pages: 2
Lalong dapat tutulan Mainit na mainit pa rin ang usapin ng ancestral domain na ipinagkaloob ng pamahalaang Arroyo sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa nabuong memorandum of agreement on ancestral domain (MOA-AD).Bakit hindi iinit ang usaping ito e napakaraming katanungang bumabalot sa kasunduang ito. Una, ni ayaw nilang ilabas ang kabuuan ng MOA-AD kahit na nga kaliwa’t kanan ang batikos dito. Kung wala kasing itinatago, dapat ay mabilis sa alas-kuwatro itong isinapubliko para mapahiya ang mga kumukontra. Ikalawa, lalong umigting ang pagdududa dahil may probisyon para sa kasunduan na gagawing pederalismo ang sistema ng gobyerno sa ancestral domain na ibibigay sa MILF. Para sa mas malinaw na paglalarawan, ang teritoryong masasakop sa poder ng MILF ay ang tinatawag ngayong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) at dadagdagan pa ng ilang barangay at bayan mula sa mga katabing lalawigan. Sa kabuuan ay tatawagin itong Bangsamoro Juridical Entity (BJE). Biruin mong basta pumasok sa ganitong kasunduan ang gobyernong Arroyo samantalang hindi naman ito puwede nang hindi inaamiyenda ang Saligang Batas. Idagdag pa ang kuwestyon kung bakit magkakaroon ng sariling gobyerno sa BJE. Ibig sabihin ba nito ay hiwalay na bansa na ito at hindi na sakop ng Pilipinas at ng Philippine Law?Ang mangyayari, bubuksan pa ang Konstitusyon para lang makatupad sa pinirmahang kasunduan ang pamahalaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Aba, ngayon lang yata mangyayari na ang Saligang Batas ang babaguhin para bigyan-daan ang isang kasunduan? Ikatlo, nagpalabas ng temporary restraining order (TRO) noong Lunes ang Korte Suprema para pigilin ang pirmahan sa kasunduan na itinakda noong Martes sa Malaysia. Iyon pala’y matagal nang ‘sinelyuhan’ ni presidential peace adviser Hermogenes Esperon at ng peace negotiators ng gobyerno ang kasunduan noong Hulyo 16 sa Malaysia rin. At panghuli, may pananakot pa palang ginagawa itong si Esperon sa mga kumukontrang local officials sa MOA-AD. Kundi raw sila papayag sa kasunduan ay hindi raw sasaklolohan ng militar ang kanilang lalawigan, distrito o bayan oras na salakayin sila ng mga rebelde at masasamang elemento. Ano bang pakiramdam ni Esperon sa kanyang sarili? Na heneral pa rin siya ng AFP at sa isang kumpas niya lang ay makokontrol niya ang buong hukbong sandatahan?At bakit may takutan? Malinaw na blackmail ito? Kumbaga, kailangang umayon ang lahat kapalit ng seguridad ng kanilang lalawigan o bayan? Bakit pinapayagan ng gobyernong Arroyo na may ganitong diktador sa kanilang hanay? Kunsabagay, hindi na nakakapagtaka dahil matagal na ang ganitong istilo ng pamamalakad, mula pa kay MMDA Chairman Bayani ‘BF’ Fernando. http://www.abante.com.ph/issue/aug0708/op_edit.htm

Related Documents

Filipino
November 2019 31
Filipino
June 2020 24
Filipino
November 2019 34
Filipino Research.docx
April 2020 5
Filipino 3
November 2019 16