CLACI
PERIODICAL EXAMINATION REVIEWER IN FILIPINO 6 =========================================================================
Talambuhay 1. Ito ay tala ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao Pansarili 2. Pagsulat ng makatotohanan at detalyadong tala ng may-akda tungkol sa kanyang sarili Pang-iba 3. Pagsulat ng isang tao tungkol sa buhay ng iba sa pamamagitan ng pananaliksik . Piksiyon 4. Ito ay mga babasahin tungkol sa mga tao at mga pangyayaring gawa-gawa lamang Di-piksiyon 5. Ito ay mga babasahin tungkol sa mga tunay na tao Payak 6. Pangungusap na iisang diwa lang ang tinatalakay Tambalan 7. Pangungusap na nagtataglay ng dalawang kaisipan o sugnay na makapag-iisa o higit pa. Hugnayan 8. Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapagiisa at sugnay na di makapagiisa Langkapan 9. Pangungusap na binubuo ng dalawang sugnay na makapagiisa at sugnay na di makapagiisa Dula 10. Ito ay anyo ng panitikang naglalayong itanghal sa entablado Tagpo 11. Ito ay ang paglabas-pasok sa tanghalan ng bawat tauhan Reader’s theater 12. Ito ay malikhaing pagbigkas ng mga mambibigkas ng hindi nila kailangang isaulo Balo 13. Ito ay tawag saw ala nang asawa o namatay na ang kabiyak? Bilas 14. Ang tawag sa isa’t isa ng mga asawa ng magkakapaid Biyenan 15. Ang tawag ng asawa sa magulang ng kanyang kabiyak Manugang 16. Ang tawag ng magulang sa asawa ng kanilang anak Pahapyaw 17. Ito ay mabilis na pagbabasa na kayang gawin ng isang tao Palaktaw 18. Ito ay pagbabasa nang mabilis kung may hinahanap na tiyak na impormasyon Liham- pangkaibigan 19. Ito ay madalas gamitin sa pakikipagugnayan sa malalayong kamag-anak/kaibigan Liham-pangungumusta 20. Isinusulat ito upang alamin ang kalagayan ng isang kamag-anak o kaibigan Liham-pasasalamat 21. Ipinahahatid nito ang mensahe ng pasasalamat sa kabutihan ng isang tao Liham-paanyaya 22. Ito ay naglalayong imbitahin ang kamag-anak, kaibigano kakilala sa isang pagtitipon Liham-pagbati 23. Ito ay nagpapabatid ng kaligayahan sa kamag-anak,kaibigan,o kakilala. Liham-paghingi ng payo 24. Ito ay nanghihingi ng tulong o payo tungkol sa suliranin. Liham-pakikiramay 25. Ito ay isinusulat upang ipaabot ang pakikidalamhati sa isang kamag-anak o iba pa. Pamuhatan 26. Nagsasaad ng pinanggalingan ng sulat petsa ng pagkakasulat. Bating Panimula 27. Ito ay nagsasaad ng pagbati sa sinusulatan. Katawan ng Liham 28. Dito isinusulat ang dahilan ng pagliham. Ito ay patalata. Bating Pangwakas 29. Maikli at magalang na pamamaalam pagkataposng liham.Nilalagyan ito ng kuwit. Lagda 30. Isinusulat ang pangalan o palayaw ng sumulat sa ilalim ng bating pangwakas. TUKUYIN ANG TAMANG SAGOT _______1. Ito ay isang liham na nagsasaad ng intensiyon upang makapagtrabaho. a.Liham Paanyaya c.Liham Pamimili b.Liham Pagbati d.Liham ng Aplikasyon _______2. Ito ay bahagi ng liham na nagsasaad ng dahilan ng pagsulat. a.Pamuhatan c.Katawan ng Liham b.Bating Panimula d.Bating Pangwakas _______3. Ito ay liham na nagpapahatid ng pakikidalamhati sa kasawian ng iba. a.Liham ng pagbati c.Liham ng paanyaya b.Liham ng pangungumusta d.Liham ng pakikiramay _______4. Ito ay liham ng humihingi ng impormasyon. a.Liham ng pamimili c.Liham ng nagtatanong b.Liham ng aplikasyon d.Liham ng suskripsiyon _______5. Ito ang bantas na ginagamit sa bating panimula sa liham-pangalakal. a.tuldok(.) c.kuwit(,) b.tutuldok(:) d.gitling(-) _______6. Ito ang wastong pagkakasulat ng pamuhatan sa liham-pangkaibigan. a.Mahal kong Raquel. C Mahal kong Raquel: b.Mahal kong Raquel, d. Mahal kong Raquel; _______7. Ito ang wastong pagkaksulat ng pamuhatan sa liham-pangkaibigan. a.Aug. 15,2016 c.123 Burgoz St. Lopez, Quezon Aug. 15, 2016 123 Burgoz St. Lopez, Quezon b.Lopez, Quezon Aug. 15, 2016 123 Burgoz St.
d.123 Burgoz St. Lopez, Quezon Aug. 15, 2016
________8.Ito ay liham na nagpapabatid ng kaligayahan sa tagumpay ng sinusulatan a. Liham ng pagbati c. Liham ng pangungumusta b. Liham ng paanyaya d. Liham ng pakikiramay ________9. Ito ay liham pangkaibigan ng nanghihingi ng payo a. Liham ng pagbati c. Liham ng pangungumusta b. Liham ng paanyaya d. Liham ng paghingi ng payo ________10. Sa bahaging ito ng liham isinusulat ang pangalan ng sumulat a. Pamuhatan c. bating panimula b. Patunguhan d. lagda
SUMULAT NG LIHAM- Sumulat ng liham paanyaya para sa iyong mga kaibigan para sa selebrasyon ng iyong kaarawan.
______________ ______________ ______________ ___________________ ___________________ ___________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________ __________________