“EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAMUMUHAY NG MGA MAG-AARAL NG LAGUNA STATE POLYTECHNIC UNIVERSITY – SCC”
KABANATA I
Panimula “I love the Internet because it helped me discover everything that matters to me. But I also hate the Internet because every piece of true pain I’ve experienced as an adult – with the exception of death in the family and breakups – has come from it.” -Lena Dunham Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalinsabay nito ay patuloy din tayong binabago nito. Hindi natin mapagkakailang hinaplos nito and pang-araw-araw nitong pamumuhay. Masasabi ng isa sa mga may pinakamalaking impak sa ating buhay ay ang social media (sosyal midya). Ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at maging sa mga hindi natin kakilala. Ilan sa mga nauusong social media sites ay ang Facebook, Twitter, Snapchat, Instagram, at Tumblr. Nakatutulong ito sa atin, ngunit madami rin itong hindi magandang epekto sa bawat isa. Bilang isang mag-aaral, alam naming isa ito sa mga salik na nagiging dahilan ng pagiging wala sa pokus ng mga kamag-aral naming. Maaaring maging adbanteyj and social media bilang portal ng madaling paraan ng pagpapasa ng mga fayls, reports, mensahe, at ideya. Ngunit maaari rin nitong kainin ang ating oras sa mga hindi produktibo at hindi kapaki-pakinabang na bagay. Sa puntong ito ay nais naming malaman kung nakatutulong ba o hindi ang social media sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus.
Balangkas na Teoretikal Ang pag-aaral na ito ay ibinatay sa isang mananaliksik sa itinatagong pangalan na Resident Patriot sa kanyang artikulo na Social Media at and Modernong Pilipino na nagsasaad ng mga naging epekto sakanya at sa ibang tao ng social media. Sinasabi dito na ang social media ay isang tulay na maaaring magdugtong sa ating nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap na sitwasyon o kaisipan. Ang pag-aaral na ito ay masasabi ring kritikal sapagkat malaki ang impak sa isipan at pamumuhay ng isang tao ang social media. Nais ng mananaliksik na mapag-aralan kung pano nga ba ito nakaaapekto sa pamumuhay at pagaaral ng mga mag-aaral ng LSPU at kung ano ang kahalagan nito. Paradima ng Pag-aaral INPUT Mga uri ng social media: 1. Facebook 2. Instagram 3. Twitter 4. Snapchat 5. Tumblr
PROCESS Pagsasarbey ukol sa nasabing input Pagsasama-sama ng mga tala ng nakuhang sagot sa sarbey Pag-aanalisa ng mga kasagutan
OUTPUT Pamumuhay ng mga magaaral: 1. Pag-aaral 2. Grado
Layunin ng Pag-aaral Nais ng mananaliksik na matuklasan kung naapektuhan ng social media ang pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Santa Cruz Campus. Isinasagawa ang pag-aaral na ito upang malaman kung malaki ang epekto ng mga social media sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Santa Cruz Campus.
Paglalahad ng Suliranin 1. Ano-ano ang maaaring epekto sa pamumuhay ng mga mag-aaral ang mga iba’t ibang uri ng sosyal midya gaya ng: a. Instagram; b. Facebook; c. Twitter; d. Snapchat; at e. Tumblr? 2. Paano nakakaapekto ang paggamit ng sosyal midya sa pag-aaral ng mga estudyante? 3. May kahalagahan ba ang pagiging aktibo sa sosyal midya sa pangaraw-araw na gawain ng isang mag-aaral?
Haypotesis Nakatutulong at positibo ang epekto ng social media (sosyal midya) sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito, ating malalaman kung ano at gaano kalaki ang epekto ng social media sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – Sta. Cruz Campus. Saklaw nito ang mga mag-aaral ng LSPU-SCC at ang matugunan kung ano ang maaaring epekto ng sosyal midya sa mga estudyante at kung may kahalagahan ba ang pagiging aktibo dito. May kabuuang limampung mag-aaral mula sa Laguna State Polytechnic University – SCC ang naging tagatugon ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Aalamin ng mga mananaliksik kung gaano kadalas ang paggamit ng mga mag-aaral sa iba’t ibang uri ng social media, kung may kahalagahan ba ito para sa kanila, at kung ano ang epekto nito sa pamumuhay ng mga magaaral negatibo man o positibo.
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang social media ay hindi maituturing na maliit na bagay sapagkat mahigit 70 porsyento ng mga tao sa ating mundo ay nagamit ng iba’t ibang uri ng mga social networking sites. Sa pagiging aktibo ng maraming tao rito, ito ay nakakabuo ng komunidad na itinatawag na “virtual community” na kung saan ito ay binubuo ng mga globalisadong tao na aktibo sa mga social networking sites. Kung ating papansinin, masasabi natin na mas marami ang bilang ng kabataan na nag-so-social media kaysa bilang ng matatanda. Dahil dito, naisipan ng mga mananaliksik na bigyang pansin ang mga mag-aaral na kabataan mula sa kanilang unibersidad. Ang kahalagahan ng pananaliksik na ito ay makahanap ng solusyon para sa mga mag-aaral na labis na naapektuhan ng social media. Nais ng mga mananaliksik na makapag-ambag ng mga solusyon o rekomendasyon para sa mga kabataan ngayon at para na rin sa mga susunod pang henerasyon. Ang kahalagahan nito ay magkakaroon ng kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa maaaring maging epekto ng social media sa kanila at sa kanilang pamumuhay.
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Kaugnay na Literatura Ayon sa Wikipedia, ang social media ay isang strakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling sabi ay mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at sekswal na relasyon. Hindi natin maipagkakaila na patuloy na lumalawak ang mundo ng social media, lahat tayo ay kailangan ito hindi lamang bilang pakikipagkapwa kundi pati narin sa ating pag aaral. Sa katunayan, patuloy ang pagdami ng mga estudyanteng mayroong account sa mga social media sites. “As of 2015 the world’s largest social networking company, Facebook, has 1.49 billion active users, and the number of users is increasing every year. One of the most interesting things to look at is the increasing number of student users on such social networking sites. As per the survey conducted by Pew Research Center, 72 percent of high school and 78 percent of college students spend time on Facebook, Twitter, Instagram, etc. These numbers indicate how much the student community is involved in this virtual world of social networking.” -TECHNICIAN, The Student Newspaper of North Carolina State University, February 17, 2016 issue, Abhishek Karadkhar, correspondent Napatunayang lumalago ang bilang ng mga estudyante sa mundo ng netizens, ibig sabihin malaki ang nagiging bahagi nito sa pang araw –araw nating pamumuhay. At ang ating buhay ay halos umiikot sa pag-aaral, ngayon,paano nga ba ito (social media) nakakaapekto sa ating pag-aaral.
Kaugnay na Pag-aaral Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban,PhD (2013), ang social media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaring magbigay ito ng oportunidad sa mga guro upang komonekta sa kaniyang mga mag aaral. Sinasabing hindi lamang sa mga mag aaral mayroong advanteyj ang social media,kundio maging sa mga guro. Batay naman sa mga pagaaral ni Fionamae Abainza 2014,ang social media katulad ng facebook ay isang daan na maaaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan. Isa na dito ay ang maaring magkaroon ng malayong ugnayan ang bawat tao para magkaroon ng komunikasyon dahiul sa paggamit nito.Isa ring dulot ng mga social media ayon sa mga pag aaral ay ang pagpapadali nito sa pangangalap ng mga impormasyon . Ito ay maoobsebahan kahit sa grupo ng aming pangkat sa paaralan,dito nagpapahatid ng mga mahahalagang impormasyon ang pangulo ng aming klase ukol sa mga mahahalagang paalala sa aming mga kamag-aral. Ang mga naturang impormasyon ay naipapahatid ng mas mabilis at sa mas medaling paraan. Naging malaking tulong talaga at kaagapay sa mga magaaral ang social media, huwag lamang itong aabusuhin at ito na ang kumain sa ating mahalagang panahon. Marami ang nagpahayag na mabuti ang dulot ng social media sa ating mga pamumuhay bilang estudyante.
KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik Ginamit sa pag-aaral na ito ay ang palarawang pamamaraan o deskriptibong pamamaraan. Ang pamamaraang ito’y mabisa sa paglalarawan ng kasalukuyang sitwasyon ng mga bagay (Walliman 2002). Karaniwan itong ginagamit sa pananaliksik ukol sa linngwistika, agham panlipunan, at panitikan. Gumamit ng sarbey ang mananaliksik sa pamamagitan ng talatanungan upang malaman kung may mayroon bang epekto ang iba’t ibang uri ng social media gaya ng; Instagram, Facebook, Twitter, Snapchat, at Tumblr sa pamumuhay ng mga mag-aaral ng Laguna State polytechnic University – SCC.
Populasyon at Tagatugon ng Pananaliksik Ang mga ginamit na tagatugn ay mga mag-aaral mula sa iba’t ibang kolehiyo na may bilang na limampung (50) mag-aaral mula sa Laguna State Polytechnic University – SCC. Dahilan na ang binuong glosaryong ito ay nakatuon sa mga epekto ng social media sa pamumuhay ng mga mag-aaral kaya ang mga napiling tagatugon ay mga mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang kolehiyo sa Laguna State Polytechnic University – SCC.
Instrumento ng Pananaliksik Isinagawa ng mananaliksik ang mga sumusunod na hakbang upang maisakatuparan ang kasalukuyang pag-aaral: 1. Pagkalap at pagbasa ng mga aklat sa riserts o pananaliksik Ang mananaliksik ay naglikom at nagbasa ng mga aklat tungkol sa riserts o pananaliksik sa wikang Ingles at Tagalog upang malaman ang mga
karaniwang terminong ginagamit sa pananaliksik at mapalawak pa ang corpus na maaring pagkunan ng glosaryo ng mga terminolohiya. 2. Pagbuo ng Talatanungan Bumuo ng talatanungan ang mananaliksik batay sa limang uri ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, at Tumblr) na maaaring mayroong epekto sa pamumuhay ng mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC. Ang talatanungan ay isang talahanayan ng limang uri ng social media kasama ang opsiyon sa paglalarawan ng kasagutan. Bahagi ng pagsagot ang paglagay ng tsek sa bawat katanungan sa limang uri ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, at Tumblr) at maaaring epekto nito sa pag-aaral/grado ng mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC batay sa opsiyon ng paglalarawan ng kasagutan. 3. Pagbuo ng Talatanungan Batay sa Limang Uri ng Social Media Gumawa ng talatanungan ang mananaliksik na kinapapalooban ng dalawampung (20) katanungan na nakaugnay sa mga baryabol (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, Tumblr, at Pag-aaral/Grado). Pumili ang mga tagatugon ng kanilang kasagutan sa panukatang ibinigay ng mananaliksik batay sa limang uri ng social media (Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, at Tumblr) at maaaring epekto nito sa pagaaral/grado ng mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC. Panukatan sa Paglalarawan ng Kasagutan 3 Oo 2 Minsan 1 Hindi
KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Sa kabanatang ito isinaad ang mga datos at interpretasyon na nakalap ng mga mananaliksik mula sa kanilang pagsasarbey sa kabuuang limampung (50) mag-aaral.
Talahanayan 1. Positibo at Negatibong Epekto ng Facebook sa mga Mag-aaral Pahayag: 1. Nakakausap ko ang aking mga kamag-anak sa malalayong lugar.
Oo
Minsan
Hindi
66%
34%
0
2. Nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan.
64%
28%
8%
3. Inuuna ko ang pagpopost dito bago gumawa ng gawaing bahay/asignatura.
10%
44%
46%
Interpretasyon: Ayon sa Talahanayan 1, masasabi na maraming mag-aaral ang sumang ayon sa mabuting epekto ng Facebook sa kanilang pamumuhay kaysa masamang dulot nito. Dahil dito, napatunayang ginagamit ng mga mag-aaral ang Facebook bilang portal ng komunikasyon at hindi lamang para gamiting libangan. Sa kabila nito, mayroon pa ring iilang mga estudyante na inuuna ang paggamit nito bago gumawa ng mga mas importanteng gawain gaya ng gawaing bahay at asignatura.
Talahanayan 2. Positibo at Negatibong Epekto ng Instagram sa mga Mag-aaral Pahayag: 1. Palagi ko itong tsinetsek kapag may internet ang aking gadyet. 2. Nahiligan kong mag-post ng litrato/piktyur ng iba’t ibang bagay o pangyayari sa aking buhay. 3. Nagagalak ako dahil nasusubaybayan ko ang mga post ng aking idolo/crush.
Oo
Minsan
Hindi
28%
32%
40%
24%
34%
42%
32%
20%
48%
Interpretasyon: Batay sa Talahanayan 2, mas marami ang hindi sumang ayon sa mga negatibong dulot o epekto ng Instagram. Ibig sabihin, hindi gaanong naaapektuhan ang kanilang pamumuhay. Ngunit ilan sa mga mag-aaral ang madalas rin gumamit ng uri ng social media na ito (ipinapakita sa hanay ng ‘Minsan’). Sa madaling sabi, hindi gaanong negatibo ang epekto ng Instagram sa limampung mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC.
Talahanayan 3: Positibo at Negatibong Epekto ng Twitter sa mga Magaaral Pahayag: 1. Nailalabas ko ang aking saloobin at hinaing. 2. Nakakasabay ako sa kung anong trending sa mundo. 3. Nababawasan ang komunikasyon ko sa aking pamilya.
Oo
Minsan
Hindi
34%
24%
42%
30%
40%
30%
6%
32%
62%
Interpretasyon: Isinasaad naman sa Talahanayang ito na nakatutulong ang Twitter sa pamumuhay ng mga mag-aaral sa aspetong paglalabas ng sariling damdamin, ideya, at ito ay nakapagbibigay ng impormasyon ukol sa kasalukuyang mga isyu sa loob at labas ng bansa. Makikita rin na may kakaunting bilang lamang ng mga mag-aaral na nababawasan ang komunikasyon sa kanilang pamilya. Ibig sabihin, hindi negatibo ang epekto ng Twitter sa mga mag-aaral.
Talahanayan 4: Positibo at Negatibong Epekto ng Snapchat sa mga Mag-aaral Pahayag: 1. Madali kong malaman ang iba’t ibang pangyayari na nagaganap sa ibang bansa. 2. Inuuna kong kuhanan ng bidyo ang mga pangyayari sa aking buhay bago ko ito ienjoy. 3. Aktibo ako dito.
Oo
Minsan
Hindi
20%
44%
36%
8%
32%
62%
6%
30%
64%
Interpretasyon:
Ayon naman sa ika-apat na talahanayan, ang Snapchat ay walang negatibong epekto sa mga estudyante ng Laguna State Polytechnic University – SCC. Base sa hanay ng mga sumagot ng ‘Oo’, maliit na bilang lamang ng mga mag-aaral ang aktibo sa nasabing uri ng social media.
Talahanayan 5: Positibo at Negatibong Epekto ng Tumblr sa mga Magaaral Pahayag: 1. Nauubos ang oras ko paggamit nito. 2. Marami akong natututunan mula sa mga blogger dito. 3. Nagiging habit ko ang pagpipiktyur para sa ipopost ko dito.
Oo
Minsan
Hindi
10%
22%
68%
16%
38%
46%
8%
22%
70%
Interpretasyon:
Ipinapakita naman sa talahanayang ito ang porsyento ng mga mag-aaral na sumang-ayon at hindi sumang-ayon sa maaaring epekto ng Tumblr sa kanilang pamumuhay. Masasabi dito na may pinakamalaking porsyento ng mga mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa mga nakasaad na pahayag. Iniindika lamang nito na hindi nakakaapekto ang social media na Tumblr sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC.
Talahanayan 6: Positibo at Negatibong Epekto ng Social Media sa Pagaaral at Grado ng mga Mag-aaral Pahayag: Oo 1. Bumababa ang aking grado dahil sa pagiging aktibo ko sa social media. 2. Nawawala ako sa pokus sa aking pag-aaral. 3. Mas ginaganahan ako sa pag-aaral dahil sa mga nakikita ko sa social media. 4. Tinatamad akong pumasok dahil mas gusto at mas interesado akong maginternet. 5. Malaki ang tulong sa akin ng social media sapagkat nagkaroon kami ng mabilis na komunikasyon ng aking mga kaklase.
Minsan
Hindi
0%
36%
64%
8%
52%
40%
12%
62%
26%
2%
24%
74%
88%
10%
2%
Interpretasyon: Kung titignan naman kung positibo o negatibo ang epekto ng social media sa pag-aaral at grado ng mga mag-aaral, masasabi na maaaring mapabuti ng social media ang pag-aaral ng mga estudyante ng Laguna State Polytechnic University – SCC. Makikita sa talahanayan na malaking porsyento ng mga
mag-aaral ang hindi sumang-ayon sa mga negatibong epekto nito (social media) sa kanilang pamumuhay. May iilang nawawala sa pokus sa pag-aaral dahil dito ngunit mas lamang ang bilang ng mga estudyante na nagsabing malaki ang naitulong ng social media sa kanilang pag-aaral.
KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON Lagom A. Dito nakapaloob ang naging resulta ng mga kinalap na datos at infomasyon ng mga mananaliksik. Ito ay kaugnay ng Kabanata 3. Kabuuan Nilalayon ng pananaliksik na ito na mahinuha ang mga detalye ukol sa kung ano nga ba ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC P.T. 2015-2016. Binigyang diin sa pag-aaral na ito ang iba’t ibang kahalagahan at epekto ng social media sa mga estudyante sa nasabing paaralan. Ito ay sumagot sa mga sumusunod na pahayag: Nakakausap ko ang aking mga kamag-anak sa malalayong lugar, nagkakaroon ako ng mga bagong kaibigan, inuuna ko ang pagpopost dito bago gumawa ng gawaing bahay/asignatura, palagi ko itong tsinetsek kapag may internet ang aking gadyet, nahiligan kong mag-post ng litrato/piktyur ng iba’t ibang bagay o pangyayari sa aking buhay, nagagalak ako dahil nasusubaybayan ko ang mga post ng aking idolo/crush, nailalabas ko ang aking saloobin at hinaing, nakakasabay ako sa kung anong trending sa mundo, nababawasan ang komunikasyon ko sa aking pamilya, madali kong malaman ang iba’t ibang pangyayari na nagaganap sa ibang bansa, inuuna kong kuhanan ng bidyo ang mga pangyayari sa aking buhay bago ko ito ienjoy, inuuna kong kuhanan ng bidyo ang mga pangyayari sa aking buhay bago ko ito ienjoy, marami akong natututunan mula sa mga blogger dito. Ginamit ng mga mananaliksik ang paraang diskriptib o palarawan upang mabuo ang isang mahalaga at makatotohanang impormasyon. Mga mag-aaral na may kabuuang bilang na limampu (50) ang tumugon sa pagsasanay.Sila ay mula sa iba’t ibang kurso at antas sa tersarya ng Laguna State Polytechnic University –Santa Cruz Main Campus.
Ang instrumentong talatanungan ang ginamit ng mga mananaliksik. Ito (talatanungan) ay binubuo tatlong (3) katanungan sa bawat bahagi, at mayroong limang (6) bahagi. Sa kabuua’y mayroong dalawampung katanungan o pahayag.
Ang mga kasagutan sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod: 1) Pinapakita ng mga porsyento sa pagsusurvey na positibo ang naging epekto ng Facebook sa mga piling mag aaral ng Laguna State Polytechnic University –SCC. Malaking bahagdan ang 66% sa bilang ng mga estudyante ang gumagamit ng Facebook bilang debays sa komunikasyon. 2) Hindi naging negatibo ang naging resulta ng instagram sa mga mag aaral ayon sa pagsasaliksik. Naging matalas ang isip ng mga mag-aaral sa tamang paggamit ng nasabing uri ng social media. 3) Masasabing nakatulong ang Twitter sa mga mag-aaral. Nakapagbigay ito ng mga impormasyon ukol sa mga kasalukuyang pangyayari sa mundo. At kakaunting bilang lamang ng mga mag aaral ang nagiging hadlang ang Twitter sa komunikasyon sa kanilang pamilya. 4) Walang negatibong epekto ang Snapchat sa mga mag-aaral, malaki rin ang naging epekto sa naging resulta ng mga sagot ang pagiging hindi aktibo ng mga mag aaral sa Snapchat. 5) May pinakamalaking bahagdan ang mga hindi sumangyon sa mga nakasaad na pahayag, dahil dito’y masasabing hindi nakaaapekto ang social media application na Tumblr. a.) Konklusyon at rekomendasyon Mula sa mga nakalap na mga datos, nabuo ang konklusyon ukol sa tinalakay na pananaliksik: 1. Batay sa mga nakalap na datos, nalalaman ng mga mag-aaral ang magiging resulta ng labis na pag gamit ng social media. Kapansin pansin ang naging positibong kinalabasan ng nasabing pananaliksik. 2. Matalino ang nagiging mga paggamit ng iilang bilang ng mga estudyante sa Laguna State Polytechnic University-SCC sa iba’t ibang uri ng social media.
2.1
2.2
Batid nila ang magiging epekto nito sa kanilang di lamang pag-aaral kundi pati na rin sa kanila pamumuhay kung sila ay magpakalulong dito. Alam nila kung ano ang dapat iprayoridad at hindi ang social media ang nararapat unahin.
3. Hindi lahat ng mga estudyante ay ginagamit ang lahat ng nailathalang mga uri ng social media. b.) Rekomendasyon Rekomendasyon Batay na rin sa nagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay nagmumunkahing: 1. Ipagpatuloy ang ginawang pag-aaral para sa pag monitor ng asal ng mga mag-aaral patungkol sa social media. 2. Mas palawakin ang pananaliksik, kung maari kalapan ng datos ang buong bilang ng mga mag-aaral ng Laguna State Polytechnic University – SCC. 3. Kasabay ng pag aapdeyt ng mga uri ng social media’y gawing kaalinsabay rin ang pagkalap ng kanilang reaksyon ukol dito, kung ito ba’y mas naging kapikipakinabang o ito’y nawalan ng halaga.
EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO. DOMINGO KABANATA I ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO
Introduksyon Tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga. 1 Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika
ang
kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali. Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account , malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral. Kadalasan naman,
nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante. Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral. 2 Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili. Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito. Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.
Rasyunal/Layunin ng Pag – aaral Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa larangang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay isang uri ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol sa social media ay mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante. Sapagkat, sa pamamagitan ng napakaraming sites na umuusbong, napakarami ring impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa sites na ito. Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.
Kahalagahan ng Pag – aaral Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging kapaki – pakinabang sa mga sumusunod: Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa Social Media.
Makatutulong din ito
upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng social media
bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili. Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.
Tagapangasiwa ng Paaralan Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa dito. Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman. Sa mga kasalukuyang kumukuha ng kursong BEED at BSED. Bilang mga guro sa hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga ideya at mga posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap. Sa ganoong paraan makapaghahanda sila upang gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo. Saklaw at Limitasyon ng Pag – aa
Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng social media sa mga estudyante ng ESEP sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo mula ikapitong baitang hanggang sa ikaapat
na taon sa akademikong taon 2014-2015. Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng ESEP ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.
Depinisyon ng mga Terminolohiya Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito: Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar. Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan. Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin. Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost. Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga
aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o madiskubre.