Filipino-ii_prelims.pdf

  • Uploaded by: christian talosig
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino-ii_prelims.pdf as PDF for free.

More details

  • Words: 7,993
  • Pages: 25
FILIPINO II © angelica garcia THIS REVIEWER IS NOT FOR SALE.

Kasaysayan ng Ortograpiyang Pambansa • Ang Gabay sa Ortograpiya o palatitikan ng wikang Filipino ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumulat gamit ang wikang Filipino. Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersiyal na usapin sa ispeling (Almario, 2014). • OR•TO•GRA•PÍ•YA [Esp ortografía] – sining ng tamang pagbaybay at pagsulat ng mga salita ayon sa tamang pamantayan o gamit. 1. Baybayin Ø Katutubong paraan ng pagsulat ng mga Filipino. Sinasabing dito maaaring ugatin ang kasaysayan ng ortograpiya ng wikang Filipino. Ø Sinaunang Paraan ng Pagsulat Ø Tatlong (3) Patinig at Labing-apat (14) na Katinig

Doctrina Christiana à Nailimbag noong 1593 à Hudyat ng Romanisasyon ng Alpabetong Filipino à Pinakaunang aklat na nalathala sa Filipinas à Dasal: “Ama Namin,” “Aba Ginoong Maria,” “Sampung Utos ng Santa Iglesya,” “Pitong Sakramento,” “Tanungan” à Nakasulat sa Español at Tagalog (alpabetong Romano at Baybaying Tagalog) Estudios Sobre la Lengua Tagala à Sinulat ni Rizal na nalathala noong 1899 à Kasama sa panukala niya sa ortograpiyang Tagalog ang 5 patinig at 15 katinig. Balarila à Aklat ni Lope K. Santos na nalathala noong 1940 à Naging batayan ng kaniyang ABAKADA. 2. Abakada [Alpabetong Pilipino] Ø Lope K. Santos – Ama ng Balarilang Filipino Ø Balarila (1940)

Ø 20 titik – 5 patinig at 15 katinig Ø Bawat katinig ay binabasang may kasamang “a”

Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Caftilla à Aklat ni Tomas Pinpin na nailimbag noong 1610. à Ipinaliwanag na kailangang matutuhan ng mga kababayan niya ang pagkilála sa magkaibang mga tunog ng E at I at ng O at U dahil may mga salita sa Espanyol na magkatulad ng ispeling ngunit nagkakaroon ng magkaibang kahulugan dahil sa mga naturang titik. à Hal: Pesa (Timbang) – Pisa (Dapurakin); Rota (Pagkatalo) – Ruta (Direksiyon) à Sa kabilâ ng pangyayaring lubhang naimpluwensiyahan ng wikang Espanyol ang mga wikang katutubo sa Filipinas, hindi isináma sa abakada ang mga letra para sa mga tunog na C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z. o Nanatili ang mga ito sa mga pangngalang pantangi, gaya sa Carmen, Pacheco, Fullon, Jaro, Magallanes, Cariño, Quirino, Barrameda, Vizcaya, Maximo, at Zamboanga. o Ngunit marami sa mga salitang hiram sa Espanyol at nagtataglay ng naturang mga titik ay tinapatan ng mga tunog sa mga titik ng abakada, gaya ng nagaganap na noong paghiram sa mga naging palasak na salitang Espanyol (Almario, 2014) 3. Bagong Alpabetong Filipino Ø Hindi sapat ang pagpapangalan na sa wikang pambansa na “Pilipino” noong 1959 dahil sa pagiging purista nito sa Tagalog. Ø Nagkaroon ng pagsusuri sa wikang pambansa kaya noong 1973 kasabay ng pagbabago ng konstitusyon, tinawag na “Filipino” ang wikang pambansa. Ortograpiyang Filipino • 1977: Inilathala ang Mga Tuntunin ng Ortograpiyang Filipino, may 31 titik ("Pinagyamang Alpabeto" – 20 titik ng Abakada at dagdag na 11 titik: C, Ch, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z) •

1987: Pinagtibay ang Filipino bilang Wikang Pambansa - “Ang pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino. Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.” (Art. XIV, Sek. 6) - Inilathala sa Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na may 28 titik (15 katinig, 3 patinig; Dagdag na walong letra: C,F,J,Ñ,Q,V,X,Z) - Binibigkas sa tunog Ingles maliban sa Ñ



Kaugnay nitó, itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong 1991 mula sa binuwag na Linangan. Ito ang nagpalabas ng 2001 Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino na sa halip magpahupa ay lalòng nagpaalab sa mga alingasngas sa ispeling. - “Kung ano ang bigkas, siyang baybay”

-

Sinikap mamagitan ng Pambansang Lupon sa Wika at Salin, National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa pagdaraos ng isang serye ng forum noong 13 Agosto 2005, 3 Marso 2006, at 21 Abril 2006. Naging patnubay ang mga ito sa muling pagsasaayos ng inilathalang Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (2004 at nirebisa noong 2008) ng Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, Unibersidad ng Pilipinas gayundin sa rebisyon ng mga patnubay pang manunulat na gaya ng Filipino ng mga Filipino (ikalawa at binagong edisyon, 2009) ng Anvil Publishing (Almario, 2014).



2009 – Naglathala ang KWF ng bagong gabay na may ikaapat nang edisyon noong 2012.



2013 – Nagdaos ng pambansang forum noong 11-13 ng Marso. - Mabilis na pagsasanib ng mga katutubong salita sa Pilipinas - Mga problema sa panghihiram mula sa Ingles. - Pagsasaalang-alang sa kasaysayan bilang pagtingin sa paraan ng pagbabaybay ng mga salita (eksperimental na alpabetong Romano + mungkahi ni Rizal na Abakada + Modernisasyon)

Figure 1 Alpabetong Filipino na may 28 titik 2013 Pambansang Forum sa Ortograpiya 1. Ang pagbuo ng panuto ay kailangang patnubayan ng matiyagang paglingon sa kasaysayan upang masipat ang anumang tradisyon ng nagdaang paraan ng pagsulat sa wika, mula sa panahon ng baybáyin, sa panahon ng pagpapalaganap sa alpabetong Romano, sa panahon ng abakada, at hanggang sa paggamit ng modernisadong alpabetong Filipino. 2. Kailangang ibatay ito sa mataas na modelong paggamit ng wika. 3. Kailangang episyente/mabisa ang ortograpiya o kailangang nakatutugon ito sa mga pangangailangan sa pagsulat. 4. Kailangang pleksible ang ortograpiya upang magampanan ang lumalawak (pambansa) na gamit ng wikang Filipino. 5. Kailangang madalî itong gamitin. Tuntunin ng Ortograpiyang Pambansa 1. Mga Grafema 2. Pantig at Palapantigan 3. Pagbaybay na Pasalita 4. Pagbaybay na Pasulat 5. Kasong Kambal-Katinig

6. 7. 8. 9.

Palitang E/I at O/U Kailan NG at kailan NANG Pagbabalik sa Tuldik Gamit ng Gitling

Mga Grafema • Pinakamaliit na yunit o bahagi ng isang sistema ng pagsulat • Binubuo ng titik at di-titik 1. Titik Ø Ang títik o létra ay sagisag sa isang tunog sa pagsasalita. Binubuo ito ng mga patínig o bokablo (vocablo) at ng mga katínig o konsonante (consonante).

Ø Dalawampu't walong (28) titik Ø Binibigkas o binabása sa tunog-Ingles maliban sa Ñ 2. Di-Titik Ø Binubuo ng tuldik at bantas Ø Tuldík / Asénto – gabay sa paraan ng pagbigkas ng mga salita a. Pahilis (‘) – Diin at/o haba c. Pakupya (^) – Impit b. Paiwa (`) – Impit d. Patuldok (¨) – Schwa Ø Bantás – kumakatawan sa mga patlang at himig ng pagsasalita sa pagitan ng titik at pantig a. Kuwit (,) e. Tuldok-kuwit (;) b. Tuldok (.) f. Tutuldok (:) c. Pananong (?) g. Kudlit (‘) d. Padamdam (!) h. Gitling (–) Pantig at Palapantigan • Pantíg – yunit ng tunog na binubuo ng isang patinig o kambal-patinig at isa o mahigit pang katinig. • Págpapantíg – paraan ng paghati sa isang salita alinsunod sa mga pantig na ipinambuo dito 1. Kayarian ng Pantig

2. Pagpapantig ng mga Salita a. Kapag may magkasunod na dalawa o mahigit pang patinig sa posisyong pang-una, panggitna, at pandulo, ito ay inihihiwalay na pantig. Aakyat Alaala Totoo

A‧ak‧yat A‧la‧a‧la To‧to‧o

b. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang una ay isinasama sa sinundang patinig at ang ikalawa ay isinasama sa kasunod na pantig. Espesyal Aklat Ospital Pansit

Es‧pes‧yal Ak‧lat Os‧pi‧tal Pan‧sit

Kataliwasan/Eksepsiyon à Karaniwan, kung hiram sa Español ang mga digrapo gaya sa BR, TR, KR, at iba pa, magkasama ito sa isang pantig at hindi pinaghihiwalay. Sobre

So‧bre

Litro Okra Libro

Li‧tro O‧kra Li‧bro

c. Kapag may tatlong magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay sumasama sa sinundang patinig at ang ikatlo ay napupunta sa kasunod na pantig Eksperto Transfer Inspirasyon

Eks‧per‧to Trans‧fer Ins‧pi‧ras‧yon

d. Kataliwasan / Eksepsiyon – Kapag ang una sa tatlong magkakasunod na katinig ay M/N at ang kasunod ay alinman sa BL, BR, DR, PL, at TR, ang unang katinig ay isinasama sa unang patinig at ang sumunod na dalawang katinig ay napupunta sa kasunod na pantig. Timbre Templo Sentro

Tim‧bre Tem‧plo Sen‧tro

e. Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, isinasáma ang unang dalawang katinig sa sinusundang patinig at isinasáma ang hulíng dalawang katinig sa kasunod na pantig. Eksplosibo Transplant

Eks‧plo‧si‧bo Trans‧plant

3. Pantig na Inuulit a. Kapag ang salita ay nagsisimula sa patinig, ang patinig lámang ang inuulit. A‧a‧kyat I‧i‧big U‧u‧bu‧hin o

Kapag nagsisimula sa kayariang KP ang salita, ang unang pantig lámang ang inuulit. Nangyayari rin ito kung may panlapi ang salitang ugat. La‧la‧kad Ba‧ba‧lik Mag‧la‧la‧kad Pag‧ba‧ba‧lik

b. Kapag nagsisimula ang salita sa kambal-katinig o kumpol-katinig (consonant cluster), ang unang katinig at patinig lámang ang inuulit. I‧pa‧pla‧no Mag‧ta‧trans‧port Pi‧pri‧tu‧hin c. Gayon din ang ginagawa sa kaso ng hindi nakareispel na salitang banyaga.

mag‧be‧blessing i‧pa‧ko‧close i‧se‧share o

Gayunman, maaaring ituring na varyant ang pag-uulit ng dalawang katinig at patinig, gaya sa: i‧pla‧plano mag‧ble‧blessing

Pagbaybay na Pasalita • Isa-isang binibigkas sa maayos na pagkakasunod-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, akronim, daglat, inisyals, simbolong pang-agham, atbp 1. Pantig

2. Salita

3. Akronim

4. Daglat

5. Inisyals a. Mga Bagay/Tao

b. Mga Samahan/Institusyon/Pook

6. Simbolong Pang-Agham/Matematika

Pagbaybay na Pasulat • Sa pangkalahatan, natutupad pa rin ang payak na tuntuning “Kung ano ang bigkas, siyáng sulat/baybay” sa pagbaybay na pasulat. 1. Gamit ng Walong Bagong Titik (C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z) - Radikal na pagbabago sa pagbaybay - Titik na mula sa mga wika ng ibang bansa - Titik na mula sa mga wika sa Filipinas - Dagdag sa dating 20 titik ng abakada - Kahawig na tunog sa pagsulat ng salita mula sa katutubong wika sa Filipinas Feyu (Kalingga) – pipa (pipe) na yari sa bukawa o sa tambo Jambangan (Bahasa Sug) – halaman Zigattu (Ibanag) – silangan Falendag (Tiruray) – plawtang pambibig Vakúl (Ivatan) - pantakip sa ulo na yari sa damo na ginagamit

Futág (Yog) - pusod

Jábjab (Iby, Î-wak) – pamaypay

Fungán (Yogad) - unan

Jófan (Gad) – hipan

Fúfulaót (Ayg) - butiki

Fidjáw (Gad) – sipol

Folóy (Ayg) - kubo

Badjáw (Itw) – bagyo

Fánga (Ayg) - palayok

Pádjanán (Itw) – tirahan

bílang pananggalang sa ulan at init ng araw Kuvát (Ibaloy) - digma Vuyú (Ibanag) - bulalakaw Zinága (Ibanag) - dinuguan Zinanága (Ibanag) - pamana

Fungál (Gad) - punò Fúllit (Gad) - gupit Fuút (Gad) - tanong Fúwab (Gad) - hapon

Majáw (Butuan) - maganda

Bádju (Itw *Itawes) – bagyo

Marajáw (Surigao) - maganda Féffed (Gadang, Yogad) pamaypay

Ju (Itw) – dito

Jan (Itw) – saan zipíng (Iba *Ibanag) – kambal Zitá (Iba) – timog Kazzíng (Iba) – kambing Zizzíng (Iba) – dindging na yari sa kawayan Zinágan (Iba) – dinuguan

Pádjanán (Itw) – tiráhan

Ziwanán (Iba) – kanan

Jásjas (Iby *Ibaloy, Î-wak) – hinga

Zigû (Iba) – ligo

Futú (Ibanag Yogad) - pusò

2. Bagong Hiram na Salita - Ginagamit din ang walong dagdag na titik sa mga bagong hiram na salita mulang Espanyol, Ingles, at ibang wikang banyaga. Tandaan: mga bagong hiram. Ang ibig sabihin, hindi kailangang ibalik sa orihinal na anyo ang mga hiram na salitang lumaganap na sa baybay ng mga ito alinsunod sa abakada. Firma Ventana Calle Cheque Jamon Ekistencia Zapatos

Pirma Bintana Kalye Tseke Hamon Eksistensiya Sapatos

3. Lumang Salitang Espanyol - Mga lumang salita mulang Espanyol ang mga nakalista sa Diccionario Tagalog-Hispano (1914) ni Pedro Serrano-Laktaw hanggang sa mga entri sa Diksyunaryo Tesauro PilipinoIngles (1972) ni Jose Villa Panganiban - Nakatanghal sa inilistang mga lumang hiram na salita mulang Espanyol ang naganap na pagsasaabakada ng mga tunog na banyaga gayundin ang pagbaluktot sa anyo ng mga orihinal na salita - Hal: bakasyón (vacacion), kabáyo (caballo), kandilà (candela), puwérsa (fuerza), letsón (lechon), lisénsiyá (licencia), sibúyas (cebolla+s), siláhis (celaje+s), sóna (zona), kómang (manco), kumustá (como esta), pórke (por que), at libo-libo pa sa Bikol, Ilokano, Ilonggo, Kapampangan, Pangasinan, Sebwano, Tagalog, Waray, at ibang wikang katutubo na naabot ng kolonyalismong Espanyol. 4. Di Binabagong Bagong Hiram - Pigilin ang pagbaybay paabakada sa mga idinadagdag ngayong salita mulang Espanyol. Maituturing na bagong hiram ang mga salita na hindi pa matatagpuan sa dalawang binanggit na diksiyonaryo sa seksiyong 4.3 - Halimbawa, maaaring hiramin nang buo at walang pagbabago ang fútbol, fertíl, fósil, vísa, vertebrá, zígzag. Samantala, dahil sa walong dagdag na titik, maraming salita mulang Ingles ang maaaring hiramin nang hindi nangangailangan ng pagbago sa ispeling, gaya ng fern, fólder, jam, jar, level (na hindi dapat bigkasing mabilis—“lebél”—gaya ng ginagawa ng mga nag- aakalang isa itong salitang Espanyol), énvoy, devélop, ziggúrat, zip.

5. Problema sa C, Ñ, Q, X - Isang magandang simulaing pangwika mula sa baybáyin hanggang abakada ang pangyayaring iisang tunog ang kinakatawan ng bawat titik. - Sa kaso ng C, problema ang pangyayari na may dalawang paraan ito ng pagbigkas na maaaring katawanin ng K o S. Halimbawa, K ang tunog nitó sa unang titik ng coche (kótse) ngunit S naman ang tunog sa unang titik ng ciudad (siyudád). - Sa kaso ng Ñ, napakalimitado kahit sa Espanyol ang mga salita na nagtataglay ng titik na ito. Ang ilang salitang pumasok na sa Filipino ay natapatan na ng NY, gaya sa dónya (doña), pinyá (piña), bányo (baño). - Sa kaso naman ng Q at X, may palagay na hindi isahang tunog ang mga nabanggit na titik—nagiging kw o ky ang Q at ks ang X. Sa gayon, tulad ng babanggitin sa 4.6, ginagamit lámang ang mga ito sa mga pangngalang pantangi (Quintos, Xerxes) at katawagang teknikal at pang-agham (Q clearance, X-ray). Kapag humiram ng pangngalang pambalana at nais ireispel, ang ginagamit noon pa sa paabakadang pagsulat ay ang katumbas ng tunog ng Q at X. Ang Q ay nagiging K sa mulang Espanyol na késo (queso) at KW sa mulang Ingles na kwit (quit) o KY bárbikyú (barbeque). Ang X naman ay tinatapatan noon pa ng KS gaya sa ékstra (extra). 6. Panghihiram Gamit ang Walong Bagong Titik - Sa kasalukuyan, sa gayon, ang lahat ng walong dagdag na titik sa alpabeto ay ginagamit sa tatlong pagkakataón ng panghihiram mula sa mga wikang banyaga. Pangngalang Pantangi na Hiram Sa Banyaga Charles Catherine Feliza San Fernando Zenaida Quirino Jupiter Beijing

Katawagang Siyentipiko at Teknikal Carbon dioxide Jus Sanguinis Zeitgeist Oxygen Zero Axis

Mga Salitang Mahirap Dagliang Ireispel Queen Mix Pizza Zebra

7. Panghihiram/Eksperimento sa Ingles - Sa pangkalahatan, ipinahihintulot at ginaganyak ang higit pang eksperimento sa reispeling o pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram sa Ingles at ibang wikang banyaga - Ang ganitong reispeling ay malaking tulong sa mga mag-aaral dahil higit na madalî niláng makikilála ang nakasulat na bersiyon ng salita. Standby School Police Boxing Traffic Corny Fishball

Istambay Iskul Pulis Boksing Trapik Korni Pisbol

Kataliwasan/Eksepsiyon - Tinitimpi ang pagsasa-Filipino ng ispeling ng mga bagong hiram kapag: a. Nagiging kakatwa o katawa-tawa ang anyo sa Filipino, b. Nagiging higit pang mahirap basáhin ang bagong anyo kaysa orihinal, c. Nasisira ang kabuluhang pangkultura, panrelihiyon, o pampolitika ng pinagmulan,

d. Higit nang popular ang anyo sa orihinal, at e. Lumilikha ng kaguluhan ang bagong anyo dahil may kahawig na salita sa Filipino.

Coke Baguette Bouquet Duty-free

Kailan Hindi Pa Maaari ang Reispeling Habeas Corpus Feng-shui Pizza

8. Espanyol muna bago Ingles - Dahil sa mga naturang problema, iminumungkahi ang pagtitimpi sa lubhang pagsandig sa Ingles. Sa halip, maaaring unang piliin ang singkahulugang salita mulang Espanyol, lalò’t may nahahawig na anyo, dahil higit na umaalinsunod ang wikang Espanyol sa bigkas at baybay na Filipino kaysa Ingles. Espanyol – Filipino Estandardizacion Estandardisasyon Virtud Birtud Bagaje Bagahe

Ingles – Filipino Standardization Istandardiseysiyon Virtue Virtyu Baggage Bageyds

9. Ingat sa Siyokoy - Mag-ingat lang sa mga tinatawag na salitang siyókoy ni Virgilio S. Almario, mga salitang hindi Espanyol at hindi rin Ingles ang anyo at malimit na bunga ng kamangmangan sa wastong anyong Espanyol ng mga edukadong nagnanais magtunog Espanyol ang pananalita. - Hal: a. Konsernido (mula sa Ingles na “concerned”) b. Imahen (dapat “imahe”) c. Aspeto (dapat “aspekto”) d. Kontemporaryo (dapat “kontemporaneo” - PAYO: Kumonsulta sa mapagkakatiwalaang diksiyonaryo sa Espanyol; gamitin na lang ang Ingles kung ito ang mas alam gamitin 10. Eksperimento sa Espanyol - Iba sa salitang siyokoy ang sinasadyang eksperimento o neolohísmo sa pagbuo ng salitang pa-Espanyol. Nagaganap ito malimit ngayon sa paglalagay ng hulaping pangkatawagan, na gaya ng -ismo, -astra (astro), -era (ero), -ista (isto), -ica (ico), -ia (io), - ga (go). Pinapalitan o pinagpapalit ang mga ito sa ilang eksperimento kung kailangan at nagbubunga ng salita na iba sa orihinal na anyo ng mga ito sa Espanyol. 11. Gamit ng Espanyo na Y - May espesyal na gamit ang titik na Y—na binibigkas na katulad ng ating I, gaya sa “Isulat,” at kasingkahulugan ng ating at—na mungkahing ipagpatuloy ang gamit sa Filipino. a. Isulat nang buo ang pangalan ng lalaki kasama ang apelyido ng Ina Emilio Aguinaldo Y Famy Marvin Zapico Y Monares b. Sa pagbibilang sa Espanyol at Binabaybay Alas-dos y medya (ikalawa at kalahati) Ala-una y kuwarto (ikaisa at labinlima)

Alas-singko y beynte (ikalima at dalawampu) Kuwarenta y singko (apatnapu’t lima) Singkuwenta y tres (limampu’t tatlo) Treynta y siyete (tatlumpu’t pitó) 12. Kaso ng Binibigkas sa H sa Hiram na Espanyol - Sa wikang Espanyol, ang titik H (hache) ay hindi binibigkas. Kayâ ang hielo ay yélo; hechura, itsúra; hacienda, asyénda; heredero, eredéro; hora(s), óras; at habilidad, abilidád. - Ngunit may ilang salitang Espanyol na kailangang panatilihin ang H dahil may kahawig ang mga ito na salitang iba ang kahulugan. Halimbawa, ang humáno (tao) na kapag inalisan ng H ay makakahawig ng katutubong umanó. Sa gayon, kahit ang mga deribatibo ng humáno na hiniram na ngayon sa Filipino, gaya ng humanísmo, humanísta, humanidád (es), humanitáryo, ay hindi pinupungusan ng unang titik. 13. Gamit ng J - Sa pangkalahatan, ang bagong titik na J ay ginagamit sa tunog na /dyey/. Ibig sabihin, hindi na ito gagamitin sa panghihiram mulang Espanyol ng mga salitang ang J ay may tunog na /ha/ at tinatapatan ng H, gaya ng ginawa noon sa justo at juez na may anyo na ngayong hústo at huwés. Dagdag na Talakayin – Panghihiram na Salita: Paraan ng Pagsasalin • Modernisasyon ng Filipino • Paraan ng pagsasalin • Pagpapahalaga sa pagbabaybay • Suporta sa kodipikasyon at elaborasyon • Pagkilala sa alpabetong Filipino na binubuo ng 28 ponema: A,B, C, D, E, F, G, H, I , J , K, L, M, N, Ñ, NG ,O, P,Q, R, S, T, U, V, W , X , Y, Z 1. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga. Hiram na Salita Attitude Rule Ability Wholesale West

Filipino Saloobin Tuntunin Kakayahan Pakyawan Kanluran

Mga Tunog na Katutubo sa Pilipinas F- uffun (tulong), inafi (bigas) J-bajaw (kaning panis), madjan (kasambahay) V-vukat (bukas), vulawan (ginto), bavi (baboy), mavid (maganda) Z-ziraya (timog), gazzit (gulat), zizig (bangin) 2. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansa. Hiram na Salita Hegemony Imagery Husband Muslim Priest

Filipino Gahum (Cebuano) Haraya (Tagalog) Bana (Hiligaynon) Imam (Tausug)

3. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino. Hiram na Salita Centripetal Commercial Radical

Filipino Sentripetal Komersyal Radikal

Espanyol Cheque Litro Liquido Quilates

Filipino Tseke Litro Likido Kilates

Iba pang Wika Coup d’etat (Pranses) Chinelas (Espanyol) Kimono (Hapon) Glasnost (Russian) Blitzkrieg (German)

Filipino Kudeta Tsinelas Kimono Glasnost Blizkrieg

Kasong Kambal-Katinig • Mahihinang patinig: i/u • Malalakas na patinig: a/e/o • Sa pangkahalatan, nawawala ang unang patinig sa mga kambal patinig na I+(A,E,O) at U+(A,E,O) kapag nasisingitan ng Y at W sa pagsulat. acacia teniente beneficio aguador genuino

akasya tenyente benepisyo agwador henwino

Problema: Ø INFLUENCIA [Esp] IM‧PL‧WEN‧SYA IM‧PLU‧WEN‧SI‧YA Mga Kataliwasan/Ibang Tuntunin 1. Kapag sumusunod ang kambal-patinig sa katinig sa unang pantig ng salita, sinisingitan iyon ng Y o W. tia tíya pieza piyesa kiosko kiyosko viuda biyuda toalla tuwalya cuento kuwento 2. Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa dalawa o mahigit pang kumpol-katinig (consonant cluster) sa loob ng salita. hostia ostiya infierno impiyerno

eleccion accion Lenguaje encuentro biscuit

eleksiyon aksiyon lengguwahe engkuwentro biskuwit

3. Huwag alisin ang unang patinig kapag ang kambal-patinig ay sumusunod sa tunog na H. estrategia estratehiya colegio kolehiyo region rehiyon 4. Kapag nasa dulo ng salita ang kambal-patinig at may diin ang bigkas sa unang patinig ang orihinal. e- co- no- mí- a ekonomiya fi- lo- so- fí- a pilosopiya ge- og- ra- pí- a heograpiya Pansinin: Kapag nagkasunod ang malalakas na patinig (a, e, o), hindi na nasisingitan ng y o w ang mga ito aorta aórta faraon paraón teatro teátro leon león teorya teórya idea ideá (ideya) Pagpapalit ng E/I at O/U mésa téla ten méron

mísa tíla tin mirón

róta Diyósa bóto bola bóte tóyo

rúta dúsa búto, bútu, butù búla, bulâ Búti tuyô Politika vs pulitika Politica [Esp] à Politika

1. Senyas sa Espanyol o sa Ingles - Sa kaso ng E/I, magiging senyas ang E sa mga salitang Español na nagsisimula sa ES upang ibukod ang salitang Ingles na halos katunog ngunit nagsisimula sa S

2. Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag sinundan ng pang-ugnay na (-ng). a. Babaing masipag – Babaeng masipag b. Birung masakit – Birong masakit 3. Hindi kailangang baguhin ang E at O kapag inuulit ang salitang-ugat. a. babáeng-babáe at hindi “babainge. taón-taón at hindi “taun-taon” babae” f. píso-píso at hindi “pisu-piso” b. birò-birò at hindi “biru-biro” g. pitó-pitó at hindi “pitu-pito” c. anó-anó at hindi “anu-ano” h. pátong-pátong at hindi “patungd. alón-alón at hindi “alun-alon” patong” Mag-ingat dahil may magkaibang kahulugan! a. sálo-sálo—magkakasáma at magkakasabay na kumain b. salusálo—isang piging o handaan para sa maraming tao c. bató-bató—paglalarawan sa daan na maraming bato d. batubató—ibon, isang uri ng ilahas na kalapati e. halo-halo—pinagsama-sama f. haluhalo—pagkaing may yelo at iba pang sangkap 4. Kapag nagbago ang katinig a. kumbensiyon (convencion) b. kumpisal (confesar)

c. kumbento (convento) d. kumpiska (confisca)

Sa kaso ng O/U, ipinapahintulot ang pagpapalit ng O sa U kapag nagbago ang kasunod na katinig sa loob ng pantig. Nagaganap sa pagpapalit ng N sa M kapag nag-uumpisa ang kasunod na pantig sa B/V at P/F Hal: Kumpisal vs konpisal à confesar [Esp]; kumbiyente à convenient; completo à kompleto, hindi kumpleto (pareho ang kaso sa kompanya, kontrata, konsumo) 5. Epekto ng Hulapi a. balae – balaihin hindi balaehin b. babae – kababaihan hindi kababaehan

c. abo – abuhin hindi abohin d. takbo – takbuhan hindi takbohan

6. Mga salitang hiram mula sa Español na nagtatapos sa "e" a. sine – sinehan hindi sinihan c. base – basehan hindi basihan b. onse – onsehan hindi onsihan d. bote – botehan hindi botihan 7. Huwag baguhin ang dobleng “O” a. nood – panoorin b. poot – kapootan c. doon – paroonan

d. buo – kabuoan e. suot – kasuotan f. salimuot – kasalimuotan

Kailan NG at kalian NANG Gamit ng “NANG” • Ginagamit ang “nang”na kasingkahulugan ng “noong”. - “Umaga nang barilin si Rizal. - “Nang umagang iyon ay lumubha ang sakit ni Pedro.” • Ginagamit ang “nang” na kasingkahulugan ng “upang” o “para”. - “Dinala si Pedro sa ospital nang magamot.”

• •

-

“Matulog ka na nang maaga kang magising bukas.” Ginagamit ang nang bílang pang-angkop ng inuulit na salita - “Barilin man nang barilin si Rizal ay hindi siyá mamamatay sa puso ng mga kababayan.” - “Siya ay umawit nang umawit.” Ginagamit ang nang para sa pagsasabi ng paraan - “Tumakbo siya nang mabilis.”

Gamit ng “NG” • Ginagamit para maipakilala ang tagatanggap ng kilos - Bumili [ng ano?] ng pagkain ang babae. - Si Elena ay nagluto [ng ano?] ng manok. • Ginagamit upang tukuyin ang ugnayan o relasyon - Ang ina [nino?] ng bata ay nagpunta sa palengke. - Ang bahay [nino?] ng lalaki ay bago. • Para matukoy o makilala ang gumagawa ng kilos na balintiyak [passive action o tagatanggap ng kilos] - Kinain [nino?] ng aso ang tinapay. - Binili [nino?] ng batang babae ang aklat. Pagabalik sa Tuldik pahilís ( ́ ) paiwà ( ̀ ) pakupyâ ( ̂ ) patuldok ( ¨ ) 1. Malumay Nagtatapos sa Patinig dalága babáe saríli táo sampalatáya

diin at/o haba impit impit schwa

Mabilís/malumay Malumì Maragsâ Schwa (Mëranaw, Ilokano,

Pangasinan, Ibaloy, Kankanay, Kuyonon, Kinaray-a)

Nagtatapos sa Katinig nánay silángan kilábot tahímik kapisánan

Dagdag na Gamit ng Pahilis: Para sa mahahabang salita: páligsáhan, nagkálitúhan, báligtáran, pasíntabì, namímintanà 2. Malumi batà (child) talumpatì dambuhalà

dalamhatì kulasisì labì

Dagdag na Gamit ng Pakupya: Simbolo sa impit na tunog sa loob ng isang salita na nagaganap sa Bikol at mga wika sa Cordillera. a. Lîmuhen (Tiboli) ibong nagbibigay ng babala ang huni b. Tîsing (Tiboli) singsing c. Bûngaw (Bikol) bangin, na iba sa búngaw, Bikol din para sa sakit na luslós. d. Kasâlan (Bikol) kasalanan e. Bâgo (Bikol) bágo f. Hûlung (Ifugaw) patibong sa daga g. Mâkes (Ibaloy) pagbatì h. Sâbot (Ibaloy) dayuhan

3. Mabilis Nagtatapos sa Patinig takbó isá malakí batubató

Nagtatapos sa Katinig bulaklák katawán alagád alitaptáp

4. Ang Schwa - Tunog na matatagpuan sa Mëranaw, Pangasinan, Ilokano, mga wika sa Cordillera, Akëanon, Kinaray-a at iba pang wika sa bansa. - ë; Dagdag ito sa mga tuldik na paiwà (`), pahilís (ˊ ), at pakupyâ (ˆ) a. wën (Ilokano) katapat ng oo g. matëy (Mëranaw) katapat ng b. kën (Ilokano) katapat ng din/rin matagal c. këtkët (Pangasinan) katapat ng h. sëlëd (Kinaray-a) katapat ng kagat loob d. silëw (Pangasinan) katapat ng i. yuhëm (Kinaray-a) katapat ng ilaw ngiti e. Panagbënga (Kankanaëy) j. gërët (Kuyonon) katapat ng panahon ng pamumulaklak hiwa f. tëlo (Mëranaw) katapat ng tatlo Gamit ng Gitling 1. Sa inuulit na salita a. anó-anó b. aráw-áraw c. gabí-gabí d. sirâ-sirâ e. ibá-ibá f. maya-maya g. pali-palíto Sobra sa Gitling a. kili-kili – kilikili b. ala-ala – alaala c. gamu-gamo – gamugamo

h. i. j. k. l. m.

kani-kaniya balu-baluktót pabálik-bálik nagkawasák-wasák pagbali-baligtarín pabula-bulagsák

d. ipu-ipo – ipuipo e. dib-dib – dibdib

Karaniwang mali a. Nag puntá – Nagpunta b. Pinag-sáma – Pinagsama c. Nagibá – Nag-ibá (iba ang nagibâ!) 2. Kapag Innuunlapian ang pangngalang pantangi a. pa-Mandaluyong b. taga-Itogon

c. maka-Filipino d. nag-McDo

3. Kapag salitang banyaga at nasa orihinal ang kasunod a. pa-cute o pakyut c. ka-volleyball o kabalibol b. mag-swimming o magswiming d. nag-spaghetti o nag-ispageti 4. Kasunod ng “de” a. de-kolór b. de-máno c. de-kahón

d. de-bóla e. de-láta f. de-bóte

g. de-kalidad 5. Kasunod ng “di” a. di-mahapáyang-gátang b. di-mahipò c. di-maitúlak-kabígin

d. di-mahúgot-húgot e. di-kágandáhan f. di-maliparáng-uwák

Mag-ingat a. iba-iba, iba’t iba – Iba’t-iba b. Isa’t isa – Isa’t-isa c. Samot-sari – Samo’t-sari Pagsasalin Mga Depinisyon ng Pagsasalin mula sa iba’t-ibang mga diksiyonaryo 1. Leo James English. 1986. Tagalog-English Dictionary. Manila: National Book Store and Congregation of the Most Holy Redeemer. - salin n. (1) translation. Syn. saling-wika; salinwika, Traduksiyón, Translasyón (Sp. translacion); (2) copy; copying - magsalin; isalin v. (1) to translate; to change from one language to another; to render; (2) to transcribe; to put shorthand into regular writing or typewriting - pagsasalin n. act of translating. syn. Pagsasaling-wika. Paghuhulog sa ibang wika. - tagasalin, tagapagsalin n. translator; interpreter. Syn. Tagapagsaling-wika. Tagasalin sa ibang wika Ano ang kahulugan ng salitang salin, pagsasalin sa ibang konteksto o lawak ng kahulugan: 1. salin, pagsasalin n. pouring of liquid, grain or the like from one container to another. syn. Buhos. 2. salin, pagsasalin n. (1) endorsement of a document from one person to another; (2) turnover of an office or function to a successor. 2. Vicassan’s Pilipino-English Dictionary ni Vito S. Santos na may introduksiyon ni Teodoro A. Agoncillo (Philippine Graphic Arts, Inc. 1978) - salin (sa – lin), n. act of pouring something from one container to another. Syn. liwat; pagliliwat. - act of making a copy of something by typing or writing Syn. kopya, sipi, pagsisipi (b) such a copy or copy made. - (a) act of translating a text from one language to another. Also pagsasalin. (b) translation thus made. - a turning over or relinquishment of an office or position to another. 3. Almario S. Virgilio (Punong Editor). 2010. UP Diksiyonaryong FILIPINO. (Binagong Edisyon, UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Anvil Publishing Inc.) - paglilipat mula sa isang sisidlan tungo sa iba. - pagkopya ng isang bagay mula sa orihinal. - Lit. pagtutumbas sa isang salita, parirala, o pangungusap mula sa orihinal na wika patungo sa ikalawang wika. - pag-endorso ng isang dokumento mula sa isang tanggapan tungo sa iba. - pagbibigay ng isang katungkulan tungo sa iba bilang promosyon sa trabaho o anumang katulad. 4. Norlina P. Mama-Paguio, (Tagapamahalang Editor). 1998. Diksyunaryo ng Wikang Pambansa. Sentinyal Edisyon. Lungsod ng Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino. [Inihanda ng Dibisyon ng

Leksikograpiya, KWF sa subaybay nina Josefina M. Cando, Elvira B. Estravo, at Estrella G. Herrera, Mananaliksik- Editoryal; Pineda, Poncino B.P. (Konsultant)] - Paglilipat ng laman ng anuman sa isang sisidlan - Paggawa ng bagong sipi o kopya ng isang sulat . ;arawan, atb. o ang sipi o koya na nga - Pagsasalbang wika ng anumang kasulatan o katha - Paglilipat ng tungkulin sa iba - Paglilipat ng mga pasahero o argada - Indorso o paglilipat ng dokumento - Lipi o angkang nagbubuhat sa isang matandang lahi o henerasyon Kahulugan ng salitang salin/pagsasalin mula sa iba’t-ibang dalubwika sa iba’t-ibang panig ng mundo: (Batnag at Petras, 2009) Ang “translation” sa wikang Ingles ay nagmula sa salitang Latin na “translatio” na nangangahulugang “pagsalin.” • Sa wikang Griyego, tinatawag nila itong “metafora” o “metaphrasis” na siyang pinagmulan ng salitang Ingles na “metaphrase” o “salita-sa- salitang pagsalin” (Kasparek 1983). • Ito ang maituturong dahilan kung bakit palagiang inaakala na ang pagsasalin ay pagtatapatan lamang ng mga salita ng dalawang wika. Marami ang naniniwalang ang pagsasalin ay kasintanda ng panitikang nakasulat. Ayon kay Cohen (1986), ilan sa mga bahagi ng epikong Gilgamesh ng Sumeria ay kinatagpuan ng salin sa iba’t ibang wikang Asiatiko noon ikalawang milenyo B.K. Sa Pilipinas, kasintanda na rin ang pagsasalin ng limbag na panitikan (Almario et.al. 1996) ang unang aklat na nailimbag sa Pilipinas ang Doctrina Christiana (1593), ay salin ng mga pangunahing dasal at tuntunin ng simabahang Katoliko. Nasundan pa ito ng mga akdang tulad ng Meditaciones Cun Manga Mahal na Pagninilay na Sadia sa Sanctong pag Eexercisios (1645) ni Fray Pedro de Herrera na unang salin sa Tagalog ng mga gawaing espiritwal o Exercitia Spiritualia ni San Ignacio de Loyola mula sa Espanyol ni Fray Francisco de Salazar Manga Panalanging Pagtatagobilin sa Caloloua nang Tauong Naghihingalo (1703) ni Gaspar Aquino de Belen na salin ng Recomendacion de alma (1613) ni Tomas de Villacastin; at Aral na tunay na Totoong Pagaacay sa Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga Maloualhating Santos na si Barlaan ni Josaphat (1712) na salin ni Fray Antonio de Borja sang-ayon sa teksto ni San Juan Damaceno. Sa kasaysayan ng pagsasalin, hindi lamang miminsang nabanggit ng mga naunang pag-aaral at ng mismong karanasan ng mga tagasalin ang pagiging masalimuot ng prosesong ito. Sa katunuyan, isang matandang kawikaang Italyano ang “tradduttore, traditore” na tumutukoy sa pagsasalin bilang isang pagtataksil at isang hamak na gawain sa sinaunang lipunan. Marahil ang ganitong pagtingin sa gawain ng pagsasalin bilang kataksilan ang pinag-uugatan ng paniniwalang nawawala ang pagiging tula ng isang tula kung ito ay isinasalin. Kakaiba ito sa pananaw nina Ezra Pound at W.H. Auden na nagsasabing napananatili ang isang tula sapagkat tanging ang tinig ng isang makata ang naririnig kahit isalin pa ito sa alinmang wika. (Almario et al 1996,19) Sa pananaw naman ni Chabban (talakay mula sa Abdellah, 2002), isa itong mabubusising trabaho sapagkat hindi pa ito natatakdaan ng istriktong siyentipikong panuntunan at patuloy na tumatanggap ng iba’t ibang anyo ng salin ng isang teksto, dagdag pa niya, isa itong lubhang subhetibing sining na kaiba sa agham kung saan may tiyak na termino sa mga tiyak na konsepto.

Sa paliwanag ni Liban-Iringan (2005-2006), sinasabing ang pagsasalin ay naiuugnay sa agham dulot ng pinagdadaanan nitong proseso at sa sining dahil sa mga ginagamit na sangkap upang maipaunawa ag isang akda sa pamamagitan ng muling palikha nito, na kung minsan pa ay itinuturing na hiwalay na sa mismong orihinal na akda. Dagdag pa ni Liban-Iringan: “Ang pagsasalin ay higit pa sa transmisyon ng mga paksa na nalalantad sa panahong ito’y nabubuhat kaya ito’y masasabing umabot sa tugatog ng tagumpay. Ang pagpapanatili sa original ay natatamo sa muling paglikha (ever renewed latest) sa huling sandal na ito’y kinilala.. Ang pagsasalin ay may misyong tapusing ang pagiging isteril ng wika sa pamamagitan ng muling paglikha…” Mula sa nabanggit, makikita ang magkakaibang pananaw hinggil sa pagsasalin na maaaring bunga ng iba’t ibang estilo at layuning kakabit ng pagsasalin. Kaya naman, maging sa mismong pagpapakahulugan sa pagsasalin, mapapansin din ang iba’t-ibang pananaw ng mga dalubhasa: 1. Eugene Nida (1964) – Ang pagsasalin ay pagbuo sa tumatanggap na wika ng pinakamalapit at likas na katumbas na mensahe ng simulaang wika, una ay sa kahulugan at ikalawa ay estilo. 2. Theodore Horace Savory (1968) – Ang pagsasalin ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pagtutumbas sa ideyang nasa likod ng pananalita. 3. Mildred Larson (1984) – Ang pagsaslain ay muling pagbubuo sa tumatanggap na wika ng tekstong naghahatid kahanlintulad na mensahe sa simulang wika subalit gumagamit ng mga piling tuntuning gramatikal at leksikal ng tumatanggap na wika. 4. Peter Newmark (1988) – Ang pagsasalin ay isang pagsasanay na binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika. 5. Basil Hatim & Ian Mason (1990) – Ang pagsasalin ay isang prosesong komunikatibo na nagaganap sa loob ng isang kontekstong panlipunan. Mula sa mga nabanggit na kahulugan, mapuouna ang pagkakasangkot ng dalawang wika sa pagsasalin – ang Simulaang Lengguwahe (SL) at ang target/tunguhang lengguwahe (TL). Gayundin, maliwanag ang pagkakaroon nito ng isnag direksiyon – mula sa SL tungo sa TL (Catford, 1965). Sa kabuuan, batay sa paliwanag ni Santos (1996), ang pagsasalin ay: “ang malikhain at mahabang proseso ng pagkilala at pag-unawa ng mga kahulugan sa isang wika at ang malikhain at mahabang proseso ng paglilipat ng mga ito sa kinilala at inunawang mga kahulugan ng isa pang wika.” Nagkakaisa man ang mga kahulugang nabanggit na ang “mensahe” ng SL ang tiyak na binibigyan pukos sa ginagawang pagsasalin, batid ng sinumang tagasalin at mga dalugbaha sa pagsasalin na hindi ito madaling maisakatuparan. Lagi’t-laging nahaharap ang anumang salin sa katotohanang walang TL na may tiyak na tumbas sa lahat ng mga konsepto ng SL na particular na bahagi ng isip at damdamin ng mga salita nito. Maging ang pagtutumbas sa salitang “translate/translation” ay kinakailangan pang linawin bilang pagsisimula at tiyak na pagkakaisa sa batayang konsepto ng pagsasalin. Sa pananaw ni Almario (1996), isang kalabisan ang tawaging “pagsasaling wika” ang proseso ng pagsasalin. Hindi na kinakailangan ang mapalinaw ngunit mahabang pagdurugting ng “wika” upang maibukod ang nasabing gawain sa iba pang uri ng “translation” (tulad ng tubig, sakit at iba pang naisasalin). Ayon sa kanya, kung titignan sa Vocabulario de la Lengua Tagala nina Noceda at Sanlucar (1754), ang nagungunang kahulugan ay ang transakador o ang paglalapat ng isang salita sa salitang nasa ibang wika. Mula rito, malinaw na ang mismong pagsasalin ay may pagtukoy na proseso ng paglilipat ng wika kung kaya’t hindi na kinakailangan dugtungan pa ng salitang “wika”. Higit pang binusisi ni Lumbera (1995) ang salitang “translate” sa pagbibigay ng dalawang salitang katumbas nito sa wikang Tagalog, ang “salin” at ang “hulog”. Sa literal na pagpapakahulugan, ang

“salin” ay nagsasaad na mayroon nang sisidlan ang binibigyang-diin. Samakatuwid, nasa proseso ng paglilipat ang tuon ng nasabing konsepto. Sa kabilang banda, ang pagbitaw sa isang bagay upang mapunta (o bumaba) sa naghihintay na tao sa sisidlan ang literal na pagkahulugan sa “hulog”. Kung susuriin nagaganap ang “hulog” kung naiiba na ang isang bagay sa dapat nitong tunguhan. Ibig sabihin, nasa kaganapan ng proseso ang diin nito. Mula rito mahihiwatigan sa kabuuan ng naging pag-aaral ni Lumbera ang higit na pagsasaalang-alang sa “salin” o sa mismong proseso. Nasa proseso ng paglilipat ang ikatagumpay ng gawain at hindi lamang sa naging resulta. Kaugnay sa pagbibigay-halaga sa “salin”, sinasabing may dalawang lebel ang isang wika kapag ginagamit ito sa paglilipat sa ibang wika (Lumbera,1995). Una ay ang pagtatapat ng salita sa salita ng SL at ang ikalawang lebel na higit na malalim sa una, kung saan hinahanap ang mga katumbas ng karanasang hatid ng orihinal na wika. Ayon kay Lumbera, sa ganitong paglilipat: “lumulusong ang tagasalin ng akdang pampanitikan upang sa muling pag-ahon niya ay mabigyan ng kaukulang mga salita ang karanasang inihanap niya ng katumbas sa kailaliman.” Malinaw sa puntong ito na ang pagdidiin sa proseso ng pagsasalin na kinakapalooban, hindi lamang sa wika kundi lalo at higit ng kultura, kasaysayan, at lipunan sa mga pahayag ng may-akda upang matiyak na ganap na naisasalin nito ang kabuuang akda, kalakip ang damdamin at kaisipan nito. Sa higit na ikauunawa sa gawain at hamon ng pagsasalin, narito ang ilan sa mga pahayag ng mga manunulat at iskolar hinggil dito: 1. Milan Kundera, Nobelista – “Common European though is the fruit of the immese toil of translators. Without translators, Europe would not exist; translators are more important than members of the European Parliament” 2. (Di-kilala) – “Many critic, no defenders, translators have but two regrets; when we hit, no one remembers, when we miss, no one forgets.” 3. J.B. Goethe, Nobelista – “Say what we may of the inadequacy of translation, yet the work is and will always be one of the weighties and worthiest undertaking in the general concerns of the world.” 4. Anthony Burgess, Nobelista, Kritiko, at Kompositor – “Translator is not a metter of words only: I is a meter of making intelligible a whole culture.” 5. Friedrich Schleiermacher, pilosopo – “Either the translator leaves the author in peace as much as possible, and moves the reader towards him: or he leaves the reader in peace, as much as possible, and moves the author towards him.” 6. Edmond Cary, manunulat – “Translator live off the differences between languages, all the while working toward eliminating them.” – Trivia 1. Fr. Francisco Blancas de San Jose – first Filipino translator 2. Fernando Bagongbanta – second Filipino translator 3. Gaspar Aquino de Belen – third Filipino translator 2.1 Ang pagsasalin ay isang gawaing pangkaisipan • Lagi tayong nagsasalin • Ang pagsaslain ay interpretasyon • Isa itong gawaing pangkaisipan na ipinapahahayag sa pamamagitan ng wikang berbal o di berbal. Mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng salin (Jakobson): 1. Intralingguwal na Salin - Paggamit ng wika ng kabataan para maipaunawa ang mensahe ng matatanda

-

Pagpili sa mga politically correct terms para maisulong ang pagkakapantay-pantay. Rewording; interpretation of verbal signs by means of other signs of the same language.

2. Intersemyotikong Salin - Pagsasapelikula ng nobelang Noli Me Tangere - Pagsasakomiks ng awit na Florante at Laura - Transmutation; an interpretation of verbal signs by means of non-verbal system 3. Interlingguwal na Salin - Pagsasalin mula sa Ingles patungong Filipino, Filipino pa-Ingles - Pagsasalin mula sa Cebuano patungo sa Ilokano, Ilokano pa-Cebuano. - “Ang pagsasalin ay paglilipat ng isang teksto sa pinakamalapit na diwa mula sa Simulaang Lengguwahe papunta sa Tunguhan Lengguwahe.” - Simulaang Teksto (ST) à Tunguhang Teksto (TT) - Simulaang Lengguwahe (ST) à Tunguhang Lengguwahe (TT) - Translation proper; an interpretation of verbal signs by means of some other language 2.5 Kalikasan, Kakayahan ng mga wikang sangkot sa pagsasalin: ugnayan ng Filipino at Ingles • Bago pa magsalin, alamin muna ang uganayan ng mga wikang kasangkot sa pagsasalin. 2.6 Kalikasan ng SL at TL: Ugnayan ng Angkan ng mga Wika • Magkaiba at malayo ang mga angkan ng mga wikang kinabibilangan ng Filipino at Ingles. Interlingguwal na Salin: Filipino at Ingles Kapag magkaiba ang angkan ng wika, mas maraming pagkakaiba sa ekstruktura ng mga wikang ito. 2.7 Pagkakaiba ng katangian ng kayarian ng Filipino at Ingles A. Kayarian ng Salita 1. Payak Ø Isang salita lamang, walang kasamang panlapi o katambal na salita, at hindi rin inuulit ang kabuoan ng bahagi nito. a. Bulaklak – flower d. Asin – salt b. Balak – plan e. Gamot – medicine c. Tagumpay – victory 2. Maylapi Ø Binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi a. Maliit – small b. Pagsulat – writing c. Kapangitan – ugliness

d. Matulungin – helpful e. Bumili – bought

3. Inuulit Ø Inuulit ang salita kung ang kabuoan o bahagi nito ay inuulit a. Araw-araw – daily d. Kani-kanina – just a while ago b. Bayan-bayan – town to town e. Maliit-liit – relatively small c. Magandang-maganda – very pretty 4. Tambalan Ø Binubuo ito ng dalawang magkaibang salitang pinag-isa. Ang dalawang salita sa tamabalan ay parehong makapag-iisa na ginamitan ng pang-angkop na ng.

a. Palarawan Þ Bahay-kubo Þ Daang-bakal Þ Punong-mangga

Þ Tabang-lamig Þ Hanging-amihan

b. Layon Þ Basag-ulo Þ Bayad-utang Þ Biyaheng-Bikol

Þ Hanapbuhay Þ Ingat-yaman

c. Layunin Þ Bahay-aklatan Þ Bahay-kalakal

Þ Mesang-sulatan Þ Silid-kainan

d. Pag-aari Þ Anak-mayaman Þ Matang-lawin

Þ Saligang-batas Þ Tintang – Intsik

e. Pinagmulan Þ Batang-lansangan Þ Bagoong-balayan

Þ Bulateng-laot Þ Dalagang-bukid

Sa Ingles, may iba-iba ring paraan: a. Dalawang elemento, parehong payak Þ Blackboard Þ Hothouse b. Tatlong elemento, lahat ay payak Þ Son-in-law Þ Nevertheless c. Dalawang elemento, isa ay complex Þ Adhesive tape Þ Christmas tree d. Dalawang elemento, parehong complex Þ Elevator-operator Þ Movie-atcor

Þ Drug store

Þ Nonetheless

Þ Postage stamp Þ Tax-collector Þ Cigarette-lighter

e. Dalawang elemento, ang isa o dalawa o pareho ay complex Þ Football player Þ Lookout-tower Þ Tightrope-walker f.

Salitang compound complex Þ Dry-cleaner Þ Folklorist

Þ Moonshiner Þ Ex-housewife

B. Kayarian ng Pangungusap - Batayan ang pangungusap na pinakamaikli at pinapapayak na may kompletong kahulugan sa isang wika. Filipino Paksa/Simuno

Ingles Subject

Panaguri Laging nauuna ang panaguri Naglalaro sa bakuran ang bata. (Naglalaro – panaguri; Bata – simuno) -

Predicate Laging nauuna ang subject The child is playing at the yard. (Child – subject; Playing – predicate)

May pagkakataon na ang paksa ay hindi natutumbasan ng Ingles na subject at vise versa. (Hal: Ginising ng ingay ang bata – A noise awakened the child) Sa Ingles, ang panaguri ay laging may pandiwa; samantala hindi laging ganito sa Filipino. (Hal: Artista ang babae – The woman is an actress)

C. Ayos ng Bahagi Ayos ng Bahagi ayon sa Pangngalan – Ang Filipino ay may tatlong pangkat ng markadong pangngalan. 1. Anyong ang Ø Ang bata ay tumatakbo – the child is running Ø Dumating ang bata – the child came 2. Anyong ng Ø Bago ang damit ng bata – The child’s dress is new Ø Ginupit ng bata ang ribbon – The child cut the ribbon. 3. Anyong sa Ø Sa bata ang bolpen – The ballpen belongs to the child. Ø Pumunta sila sa Amerika – They went to America. D. Ayos ng Bahagi Ayon sa Hinangong Pangngalan - Ang hinangong pangngalan ay salitang binuo ng isang panlapi at isang salitang-ugat na nominal a. Kumpisalan – Confessional d. Kumpunihin – something to repair b. Halamanan – garden e. Katumbas – something of equal c. Bulabugin – scaring away value E. Ayos ng Bahagi Ayon sa Panghalip Panao - Ang panghalip panao sa Filipino ay may tatlong anyo 1. Anyong -ang Þ Ako/kami - I, we Þ Kata/tayo – we, (you and I)

Þ Ikaw/ka/kayo - you Þ Siya/sila – he/she/they

2. Anyong -ng Þ Ko/naming – we, us Þ Nita/natin – us

Þ Mo/ninyo – you Þ Niya/nila – her/him/they

3. Anyong -sa Þ Akin/amin – my, mine/our Þ Kanita/atin – our(ours)

Þ Iyo/inyo – your, yours Þ Kaniya/kanila – their/theirs

F. Ayos ng Bahagi Ayon sa Panghalip Pamatlig Anyong ang Anyong ng Ire Nire Ito Nito Iyon Niyan Iyan Niyon

Anyong sa Dine Dito Diyan Doon

Hal. Umiinom (niyon/noon) ang bata – The child drank some of that Mahirap na kalagayan (ire/ito/iyan/iyon) – This/ that is a different situation G. Ayos ng Bahagi Ayon sa Pang-uri - Maaring salita o pariralang pang-uri na may tungkuling ginagampanan gaya ng: 1. Panaguri ng batayang pangungusap Ø (Mahal/Nasa probinsiya) ang bahay – the house is expensive in the province 2. Panuring sa pangngalang paksa o simuno Ø Binili niya ang (bahay na mahal/mahal na bahay/bahay na nasa probinsiya/nasa probinsiyang bahay) – he bought the (expensive house/house in the province) 3. Kaganapan ng Pandiwa Ø Bumili siya ng (mahal/nasa probinsiya) – he bought the (expensive one/one in the province) H. Ayos ng Bahagi Ayon sa Pagpaparami ng Pang-uri - Maliban sa pang-uuring pamilang, karamihan sa mga pang-uri sa Filipino ay maaring paramihin sa paggamit ng panandang mga a. (Mga tamad/tamad) sila – they’re lazy b. Sila ang (mga tamad/tamad) – there are all lazy ones -

I.

Sa Filipino, ‘di tulad sa ingles, iba-ibang alternatibo ang maaaring gamitin sa kayariang panuring ng pang-uring ma- na may pang-angkop na -na/-ng. a. Mga masisipag na bata/Mga masipag na bata/Masisipag na bata/Masisipag na mga bata ang mga kapatid ko. – My brothers are industrious children

Ayos ng Bahagi Ayon sa Intensipikasyon ng Pang-uri - Ang intensipikasyon o kasidhian ng pang-uri ay karaniwang ipinapakita sa pag-uulit ng pang-uri na may pang-angkop na -na/-ng. Sa ingles, tinutumbasan ang intensipikasyon ng very. a. Pagod na pagod ako – I am very tired b. Sino ang matabang-mataba? – who’s the very fat one? c. May mga batang palabasangpalabasa sa klase – there are some children who are very fond of reading in the class d. Napakaganda – very beautiful

e. Nakita mo ba ang aso na pagkalakilaki? – did you see that very big dog? f. Ubod ng bait – very kind g. Bali-baligtad – all topsy-turvy h. Basag-basag – broken to smithereens i. Butas-butas – full of holes j. Hiwa-hiwalay – thoroughly scattered k. Sira-sira – thoroughly ruined

J. Ayos ng Bahagi Ayon sa Moderasyon ng Pang-uri - Ang moderasyoon ng pang-uri sa Filipino ay naipapakita sa paggamit ng medyo o nang kaunti na katumbas sa ingles rather at somewhat. a. (Medyo gutom/ gutom nang kaunti) ang lahat – everyone is rather hungry b. (Medyo magugulo/magugulo nang kaunti) ang mga bata – the children are somewhat troublesome K. Ayos ng Bahagi Ayon sa Kapantayan at Di-Kapantayan - Ang paghahambing ng kapantayan sa Filipino na tinutumbasan sa Ingles as..as na may iba’t ibang paraan: a. (Ka)sinluma ng bahay natin ang kanila – Their house is as old as ours

b. (Magka)sintalino sina Juan at Pedro – Juan and Pedro are equally intelligent -

Sa Ingles, Ang paghahambing ng di-kapantayan sa Filipino na tinutumbasan sa ingles as..as at salitang not pati na sa ibang pagkakataon ng less, more at hulaping -er na sinusundan ng than a. Hindi kasintalino ni Mary si Juan – John isn’t as intelligent as Mary/John is less intelligent than Mary/John is more intelligent than Mary/John is smarter than Mary.

L. Ayos ng Bahagi Ayon sa Superlatibong Konstruksiyon - Ang superlatibong antas ng pang-uri sa Filipino ay ginagamit ng pinaka-, ka-, at duplikasyon ng pang-uri at -an. - Tinutumbasan ito sa ingles ng most saka pang-uri at pang-uri saka -est a. Pinakamura ang kanilang isda – their fish is cheapest 2.8 Pagtatagpo ng Kayarian ng Filipino at Ingles Bakit may Philippine English? • Intralanguage Phenomenon: Paglalapat ng katutubong pandamdam sa panahunan (tense) ng dayuhang pananalita • Nagkakaroon ng pag-iiba sa paggamit ng Ingles ang mga Filipino kung pagbabatayan ang istandard na Ingles. (panunuri ni Maggay kay Goulet) a. I'll go ahead. (Mauna na ko). b. For a while. (Sandali). c. I'll pass by. (Dadaan ako). Ilang Paliwanag 1. Isa sa malinaw na pagbabago ay ang paglalapat ng pamamagitan ng paggamit ng at pagtutumbas sa “na”: Filipino Tapos na ako. Nakauwi na ako.

Filipino English I’m finished already. I’m home already.

katutubong pandamdam sa Standard English I’m finished. I’m home.

Intralanguage Phenomenon: Sa komunikasyong Filipino kasi, higit na binibigyang-pansin ang naganap na pangyayari at hindi ang haba ng proseso o panahon ng pagsasakatuparan nito. Mapapansin ang ganitong katunayan sa paggamit ng “na” at sa pagtutumbas dito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng “already” sa ating pangungusap sa Ingles. 2. Ginagamit din ang “na” sa pagtukoy sa balak na gawain at naipahihiwatig ng dagdag na “anymore,” o “more” sa mga negatibong pangungusap: Filipino Hindi ko na isusuot ‘yan. Hindi na natin maipagpapaliban ang ating plano.

Filipino English I won’t wear that anymore. We can no more postpone our plan.

Standard English I won’t wear that. We can’t postpone our plan any longer.

More Documents from "christian talosig"

Malamasusing-banghay.docx
December 2019 3
Genogram.docx
December 2019 1
Christian Castro 1
May 2020 38
May 2020 22
December 2019 36