Filipino 1 Pagsasalaysay At Pangangatwiran

  • Uploaded by: Shinji
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Filipino 1 Pagsasalaysay At Pangangatwiran as PDF for free.

More details

  • Words: 713
  • Pages: 25
Ulat sa Filipino 1 Pagsasalaysay at Pangangatwiran

Pagsasalaysa y - Layunin ng pagsasalaysay ang magkwento o mag-ugnay-ugnay ng mga pangyayari . - Layunin din nito ang magbigay ng aliw at magpalipas oras.

Maaaring pagkunan ng paksang isasalaysay ang mga sumusunod:

1. Sariling karanasan na maaaring malungkot o masaya 2. Nakita at napanood 3. Napakinggan o narinig 4. Nabasa

Ang pagsasalaysay ay maaaring gawin sa dalawang paraan 1.Pagsulat 2. Pagbasa

Mga katangian ng pagsasalaysay 1. May maganda at mabuting pamagat 2. May mahalagang paksa o diwa 3. May wasto o maayos na pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari 4. May kaakit-akit na simula 5. Kasiya-siya ang wakas

May maganda at mabuting pamagat - Dapat na ang pamagat ay nakaaakit sa mga babasa at makikinig -Ang mabuti, maganda, at kaakitakit na pamagat ay dapat: a. Maikli b. May orihinalidad at dikaraniwan c. Hindi katawa-tawa d. Lumilikha ng pananabik

May mahalagang paksa o diwa Ang kahalagahan ng diwa ng inyong isasalaysay ay dapat na isaalang-alang kung magsasalaysay. Maging mahalaga lamang ang isang paksa kung ito ay magiging kapaki-pakinabang. At dapat kapulutan ito ng aral.

May wasto o maayos na pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari Ang karaniwang pagsasalaysay ay nag-uumpisa sa simula ng mga pangyayari na sinusundan ng gitna at pagkatapos ay wakas ng pangyayari

May kaakit-akit na simula Ang unang pangungusap ng pagsasalaysay ay dapat kaakit-akit o makalikha ng pananabik sa babasa o makikinig upang makawili sa kanya at magpatuloy siya sa pagbabasa o pakikinig

Kasiya-siya ang wakas Ang wakas ng isang pagsasalaysay ay kailangang sumunod agad sa kasukdulan ng pangyayari. Kung paanong hindi dapat na maging maligoy ang simula ay gayun din ang wakas upang maging kasiya-siya sa babasa o makikinig. Dapat na ang wakas ay nagkikintal ng isang impresyon sa isip ng babasa upang

Pangangatwir an -Ito ay isang paraan na nagpapatunay sa isang paniniwala -Luyunin nito ang manghikayat o kumumbinse -Ang pangangatwiran ay maaring masamahan ng paglalarawan, paglalahad, at pagsasalaysay sapagkat ang mga nabanggit ay tumutulong sa paghihikayat at pagpapaniwala

Mga Hakbangin sa Pangangatwiran 1. Dapat alam kung anong paksa ang nangangailangan ng pangangatwiran 2. Kailangang malaman ang pagsusuri ng isang proposisyon upang sa gayon ay maangkupan ng mabubuting mga argumento 3. Dapat pag-aralan ang paraan ng pangangatwiran upang makatipon ng mga gagamiting katibayan sa pagbuo ng argumento 4. Pag-aralan at suriin ang mga

Tatlong Paraan ng Pangangatwiran 1.Paraang lohikal na maaaring isagawa sa istilong pagtutulad - Ang pagpapahayag na ginagamit na batayan ay nagkakatulad sa ilang mga bagay. Halimbawa: Ang pahayag na “ Ang kapalaran ng tao ay tulad ng gulong na patuloy sa pag-ikot”

2.Paraang Patiyak o Paraang Induktibo

-Ang pagpapahayag ng katwiran sa paraang ito ay mula sa maliit na kaisipan o detalye patungo sa malaking kaisipan o kabuuang kaisipan. Halimbawa: “May Kahirapan ang Buhay Sa Kasalukuyan”

3.Paraang Pasaklaw o Paraang Deduktibo -Ito naman ang kabaligtaran ng patiyak. Dito ang pagpapahayag ng pangangatwiran ay mula sa malaking kaisipan patungo sa paghahati-hati nito sa maliit na kaisipan Halimbawa: “Krimen: Bunga ng mga Suliraning Pang kabuhayan”

Ang mga proposisyon bilang paksa ng pangangatwiran Ano ang proposisyon? Ito ay isang paninindigan sa anyo ng pangungusap na nagsasaad ng mga bagay na maaring tutulan o panigan, kaya nagiging paksa ng pagtatalo. Ang proposisyon ay pinatutunayan sa pamamagitan ng mga argumento

Tatlong Uri ng Proposisyon 1. Pangyayari -Ito ay paninidigan sa katunayan o kabulaanan ng isang bagay na makatotohan. Halimbawa: “Nagkaroon ng lihim na kumperensiya ang mga Pangulo ng iba`t ibang samahang pangmag-aaral sa di malamang mga dahilan”

2. Kahalagahan -Ang paninindigan dito ay kahalagahan ng isang bagay tulad kung tayo ay nangangatwiran at bumubuo ng mga argumento na nagtatanggol sa kabuuan ng isang bagay, isang palakad o isang pagkilos Halimbawa: “Ang pakikiisa ng mamamayan sa pamahalaan ay mahalaga upang malutas ang mga suliranin ng ating lipunan”.

3. Patakaran - Ito ang paninindigang karaniwang ginagamit sa pampublikong pagtatalo. Ito ang isang proposisyong ngahaharap ng isang paraan ng pagkilos o isang binalak na solusyon ng isang suliranin. Karaniwang gumagamit ang proposisyon ito ng salitang dapat Halimbawa: “Dapat Alisin ang mga Dyip at Palitan ng mga Bus”

Ang isang mahusay na Proposisyon ay dapat: 1.Napapanahon ang Paksa 2. Walang kinikilingan 3. Nagtataglay ng isa lamang ideya para sa isang argumento 4. Maari itong patunayan ng mga ebidensya 5. Malinaw at tiyak 6. Ito ay nag-aanyaya ng isang

Maraming Salamat Po!!!!

Related Documents

Filipino
November 2019 31
Filipino
June 2020 24
Filipino
November 2019 34

More Documents from ""