Madulang Pagsasalaysay

  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Madulang Pagsasalaysay as PDF for free.

More details

  • Words: 757
  • Pages: 3
Madulang Pagsasalaysay

Ang maikling kuwento - binaybay ding maikling kwento - ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento."

Layunin Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong magsalaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang.

Kayarian Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

Mga bahagi Ang kasukdulan ang bahagi ng maikling kwentong nagbibigay ng pinakamasidhi o pinakamataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon naman ang kaisipang naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Matatapos basahin ang maikling kwento sa isang upuan lamang. Maaari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhaybuhay ng isang tao. Bagaman mayroon namang kathang isip lamang. Umiinog ang maikling kwento sa mga pangyayari tungkol sa buhay ng mga pangunahing tauhan.

Mga uri May siyam na uri ng maikling kuwento: •

Sa kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.



Sa kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.



Sa'kwentong bayan nilalahad an mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.



Sa kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.



Naglalaman ang kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.



Sa kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.



Sa kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.



Sa kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento.



Nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa ang kwento ng katatawanan.

Tema Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging mga sumusuno ang tema: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

Mga elemento Ito ang mga bahagi at ng sangkap ng isang maikling kuwento:

Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinusino ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Related Documents