Ang Alfabeto at Ortograpiyang Filipino Kalikasan ng Leksikal na Korpus ng FilipinoAng ortograpiya ay ang representasyon ng mga tunog ng isang wika ng nakasulat onakalimbag na mga simbolo tulad ng alpabeto.Bago dumating ang mga Kastila ay may sarili nang alpabeto ang mga lumad sakapuluang ito. Ito ay tinatawag na Alibata o Baybayin na may 14 katinig o konsonant at 3 patinig o vowel. Pinalitan ito ng alpabetong Romano nang dumating ang mga Kastila.Taong 1940 o tatlong taon matapos buuin ang Wikang Pambansa o Wikang PambansaBatay sa Tagalog ayon na rin sa nasasaad sa 1935 Constitution, isinilang ang kauna-unahang ortograpiya. Binuo ni Lope K. Santos, ang Abakada (15 katinig at 5 panitig) namay 20 letra: a b k d e g h i l m n ng o p r s t u w y. N oong Oktubre 4, 1971 o labindalawang taon matapos palitan ng pangalan Pilipino angWikang Pambansa o Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ipinagtibay ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa (ngayon ay Komisyon sa Wikang Pambansa ), angortograpiyang Pilipino na tinaguriang "pinayamang alpabeto" na binubuo ng 31 letra: a bc ch d e f g h i j k l ll m n ñ ng o p q r rr s t u v w x y z . Idinagdag sa 20 letra ng Abakadaang 11 letra at degrapo mula sa Kastila (c ch f j ll ñ q rr v x z). Sa 1973 Constitution, nasasaad ang pagdevelop at pagkakaroon ng pambansang wikangtatawaging Filipino. Sa sumunod na taon, tinawag nang Filipino ang wikang pambansa.Taong 1987 ay ipinakilala ang tinaguriang ortograpiyang Filipino na tinaguriang"makabagong alpabeto" na binubuo ng 28 letra: a b c d e f g h i j k l m n ñ ng o p q r s t uv w x y z. Inalis ang mga degrapong ch ll at rr. N oong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa Filipino. Sarebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang paggamit ng mga letrang c f j ñ q v x z.Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat ng hiram na salita anuman ang barayti nitokasama ang hindi pormal at hindi teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwangsalita. Oktubre 9, 2006 nang pansamantalang ipinatigil ito at ang ikatlong ortograpiya. N oong Agosto 2007, inilabas ng KWF ang draft ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga guro, dalubhasa sawika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong bansa noong 2007. Wala pang pinal na bersyon ng patnubay na ipinalalabas ang KWF hanggang ngayon.