Exam In Filipino By Ommy

  • Uploaded by: Samantha
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Exam In Filipino By Ommy as PDF for free.

More details

  • Words: 1,579
  • Pages: 6
IKAAPAT NA MARKAHAN IKATLONG BAHAGI TAONG PAMPAARALAN 2007-2008 A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng tamang sagot. Gayon pa man, may mga tanong na dapat isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Ang ginawang pagtitipon ng mga taong naniniwala kay Jun Lozada ay idinaos sa EDSA Shrine. Ang pangngalang-diwang pagtitipon ay hinango sa salitang; A. tumpon C. nagtipon B. tipon D. magtitipon 2. Si Cory Aquino'y dumako sa EDSA Shrine para manawagan kay Pres. Arroyo na bumaba na sa pwesto. Ang salitang dumako sa pangngalangdiwa ay: A. pagdadako C. pangdadako B. padadako D. pagdako 3. Tuluyan nang nalungayngay ang mga tao dahil sa matinding pagod. Ang pantig na inuulit sa salitang nalungayngay ay ______. A. lungayngay C. ayay B. nalungay D. ngayngay 4. Alin sa mga salita ang nagsasaad ng tamang pag-uulit? A. bibong-bibo C. bibibo B. bibung-bibo D. bibo na bibo 5. Natulig si Adong sa sobrang lakas ng sampal ni Bruno na dumapo sa kanyang pisngi. A. natulala C. nagalit B. natakot D. nabingi 6-10. Piliin sa loob ng kahon ang angkop na uri ng tayutay sa bawat bilang. Titik lamang ang isagot. A. simile B. metapora

C. Eksaherasyon E. irony D. Personipikasyon

6. Kay bait mong kaibigan. Pagkatapos kitang tulungan sa iyong mga kagipitan ay inagaw mo pa ang aking kasintahan. 7. Isang basag na salamin ang anak ni Aling Pilang. 8. Parang bulkang sumabog ang tinitimping galit ni Ramona. 9. Bunduk-bundok na mga pinggan ang pinagtulungan nilang hugasan. 10. Nagkanlong sa ulap ang araw.

11-14. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga pahayag mula sa mga akda. Titik lamang ang isulat. A. Malaki ang naganap na pagbabago sa dating lugar at sa kanya B. Kalungkutan sa kaibigan ng tao C. Di pagtanggap sa inaasahang balita D. Marami nang dumaan sa kanyang buhay. 11. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan, nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan. 12. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya nakikilala pa ng pook na binalikan niya. 13. "Congratulations!" pilit na pilit ang kanyang pagngiti: Tila s'ya biglang naalinsangan. Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. 14. Sa tuwing ako'y makakakita ng bangkang papel ay magbabalik sa aking gunita ang isang batang lalaki. Isang batang lalaking gumagawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya napalutang sa tubig kailanman. 15. Mga yagit sa lansangan ikaw ang siyang hanap Tanging pag-asa sa abot-langit na paghihirap, Mga kaluluwa naming busog sa pilak Magpupumilit pang mahukay natatago mong kislap. Ano ang teoryang isinasaad ng mga taludtod? A. humanismo C. romantisismo B. naturalismo D. imahismo 16. Dahil doon ay hinubog kayong "Maging musa sa paaralan o pamantasan" "Maging mutya sa pook na sinilangan" " Maging reyna sa mga santakrusan." Dahilang ang akda ng pumapatnubay sa siya'y naroroon ang kinabukan. Ang teoryang isinasaad ay; A. imahismo C. feminismo B. realismo D. dekonstruksyon 17. Napatawa si Fely- kung sa Amerika… nakapunta ako at nakabalik nang magisa, sa Maynila pa? Ilang taon ba akong wala sa Pilipinas? A. naturalismo C. romantisismo B. realismo D. feminismo 18. Sa labindalawang nangapatay kagabi ay kabilang ang kanyang ama… sa labas ng bayan… sa sagupaan ng mga kawal at taong-bayan. A. arketaypal C. realismo B. humanismo D. feminismo

19. Umalis si Tatay. Iniwan kami. Namatay ang solo kong kapatid na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya… Naghahanapbuhay naman ako… Pero… dahil sa barkada'y natuto akong mandukot, mang-agaw, magsugal Naglabas-masok ako sa kulungan. A. naturalismo C.realismo B. dekonstruksyon D. imahismo 20. Ilang araw ang ina ko'y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi't mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan. A. realismo C. humanismo B. pormalismo D. naturalismo 21. "Handa na ba kayo?" anang isang malakas ang tinig. "Ngayon din ay magsialis na kayo. Kayo'y ihahatid ni Kapitan Sidro sa pook na ligtas. Walang maiiwan, isa man. Bago lumubog ang araw sila'y ipapasok dito…kaya't walang maaaring maiwan." Ano ang siyang isinasaaad na tunggalian? A. Tao vs. lipunan C. Tao vs. kalikasan B. Tao vs. Tao D. Tao vs. Kapaligiran 22.'Sang batang lalaking nagising sa isang gabi sa mga dagundong na nakakagulat. Sa ng ilang saglit, ang akala niya'y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit, nagunita niyang noon ay walang maingay sa pumapatak mula sa kanilang bubungan. A. tao vs. kapaligiran C. tao vs. kalikasan B. tao vs. tao D. tao vs. lipunan 23. Bakit tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala ng pook na binalikan ni Fely? A. Nagbago na siya B. Nagbago na ang mga tao sa bayan niya C. Nagbago na ang kanyang kapaligiran D. Nagbago na ang kanyang kamag-anak 24. Bakit di tinanggap ng anak ang pamana ng kanyang ina sa tulang, "Pamana?" A. kulang ang pamana B. iba ang gusto niya C. nanay niya ang nais niyang pamana D. naghihintay pa siya sa tamang pagkakataon 25. Ano ang nais malaman ng anak sa kwentong, "Bangkang Papel"? A. dahilan sa pagpatay ng kanyang ama B. di pag-uwi ng kanyang ama C. kaguluhan sa bayan D. sagupaan ng kawal at ng taong-bayan

26. Di nakikilala at hindi na makikilala si Felly ng pook na binalikan niya, isa na siyang _________ sa sariling bayan. A. abugado C. bisita B. banyaga D. istambay 27. Sino ang naaaalala ng may-akda sa kwentong " Bangkang Papel?" A. matanda C. batang babae B. ina D. batang lalaki 28. Dumalo si Felly sa parangal ng Plaridel High School bilang kauna-unahang __________ ng kanilang bayan. A. guro C. artista B. hukom D. turista 29. Ang itunuturing na buhay ni Adog sa kuwentong, "Mabangis na Lungsod?" A. Bruno C. Simbahan sa Quiapo B. perang nalilimos D. taong nalilimos 30. "Palimos po, ale. Palimos po," pagmamakaaawang sabi ni Adong. Ito'y nagpapakita ng suliraning panlipunan na _________. A. paglaganap ng krimen B. kahirapan C. kawalan ng edukasyon D. karumihan sa paligid 31. Ang patuloy na panlilimos ni Adong ayon sa pag-uutos ni Bruno ay nagsasaad ng paglaganap ng ___________ sa mga bata. A. karalitaan C. takot B. pang-aabuso D. pananakit 32. "Tinungkod po niya ako nang tinungkod," ang pag-uulit ng salitang tinungkod ay nagpapahiwatig ng; A. paulit-ulit na ginagawa C. ilang beses na ginagawa B. isang beses na ginawa D. palaging ginagawa 33. "Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid." Ang ibig sabihin na pahayag ay… A. hinila muli C. binalibag B. binugbog muli D. binatukan 34. Sinapak ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangud-ngod ito. Ang pangyayaring ito ay nagpapatunay; A. pagmamalupit sa kapwa B. pagmamaltrato sa mahino C. pang-aabuso sa kapangyarihan D. panggigipit sa isang tao 35.Ang mga nangyari kay Tata Selo ay karaniwag ding karanasan ng maraming __________. A. mangingisda C. mamamayan B. magsasaka D. manananim

36. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila. Lahat! Ang pahayag na ito ay pinatutungkol ni Tata Selo sa __________. A. may-ari ng lupa nila B. mga pulitiko C. mga taong umabuso sa kahirapan nila D. mga mayayamang nagpahirap sa kanila 37. Si Tata Selo ay simbolo ng _________. A. mga magsasakang may pagpapahalaga sa gawain B. taong may pagpapahalaga sa dangal C. magsasakang may pagpapahalaga sa lupang sinasaka D. amang mapagmahal sa anak 38. Ang tema ng kwentong, "Tata Selo" ay _________. A. pagtupad sa tugkulin B. pagpapahalaga sa mga magsasaka C. pagmamahal sa gawain D. pag-ibig sa bayan 39. "Binabawi po niya ang aking saka," ito ay may himig na; A. nangangatwiran C. nalulungkot B. nagmamakaawa D. naliligalig 40. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Ito ay nagpapakita ng; A. pagkagulat sa ama C. pagkaawa sa ama B. pagmamalasakit sa ama D. pag-ibig sa magulang C. NOLI ME TANGERE Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang maaring sanhi at bunga ng ma pangyayari. Titik lamang ang isulat. Pangyayari/Sitwasyon 41. Pagkasakit ni Maria Clara 42.Pagpasok ni Maria sa Monasteryo 43. Pagpayag ni Padre Damaso sa tanging hiling ni Maria 44. Paglusob ng mga tulisan sa San Diego 45. pagiging mahirap ni Kapitan Tiyago Sanhi A. Pagkamatay ng kasintahan B. magpakamatay C. sobrang pagkapagod sa nagdaang Pista D. maghimagsik E. natuklasan ang kataksilan ng asawa

Sanhi

Bunga

Bunga A. pagkalulong sa bisyo B. pagpasok sa monasteryo C. hindi natuloy ang kasal D. nangayayat at namumutla E. maraming napagbintangan

Pagsulat (5pts.)/ Para sa bilang 46-50 A. Panuto: Iayos ang mga talata ayon sa pormat ng pagsulat ng isang rebyu. Titik lamang ang isulat. Talata A:

Ang programa ay may kakapusan sa oras sa dahilan na rin siguro sa maraming patalastas na pumasok.

Talata B:

Ang Magandang Gabi Bayan ay nagbibigay ng sapat na kaalaman ukol sa mga mahahalagang pangyayari. Iniisa-isa nila ang dahilan at maaaring ibunga ng pangyayaring nababanggit.

Talata C:

Ang Magandang Gabi Bayan ay mapapanood tuwing Sabado sa ikawalo hanggang ikasiyam ng gabi sa Channel 2-ABS-CBN.

Talata D:

Sa kabuuan, ang programa ay kasisinagan talaga ng kaalaman ng mga tagapanood lalo na sa mga pangkasalukuyang problemang kailangang mabigyan lunas o pansin ng pamahalaa. Sana lamang iwasan ang sobrang dami ng patalastas, kung hindi man ito malunasan, dagdagan lamang oras o haba ng programa.

Talata E:

Ang naturang programa ay kinatatampukan ng mga sikat na TV host na sina Catherine De Castro at Erwin Tulfo. Nagpapaloob sa programa ang iba't ibang paksa na kasalukuyang problemang kinahaharap n gating bansa. Inihanda ni: Gng. Mary Jane A Manglar

Related Documents

Filipino
November 2019 31
Filipino
June 2020 24
Filipino
November 2019 34
Lesson Plan In Filipino
August 2019 37

More Documents from "Sheila Posas"

Contract Of Leased 2
June 2020 22
Division Achv
June 2020 17
Contract Of Lease
June 2020 21
20190402100426.docx
October 2019 33