KABANATA 22 “ANG PALABAS”
MGA PANGUNAHING KARAKTER: Ben Zayb Sandoval Isagani Juanito Pelaez Makaraig Pecson
Paulita Gomez Pepay Don Custodio Doña Victorina Kapitan Heneral Padre Salvi Tadeo
Serpolette/Lily Don Primitivo Gertude Padre Irene Simoun
ANG BUOD • Nagsama-sama mula sa iba’t ibang antas ng lipunan ang mga mamamayan sa isang palabas. Muling nailarawan dito ang kaugalian ng mga manonood sa teatro. Maging ang prayle na hindi inaasahan sa ganitong palabas ay aktibong nakiugnay sa entablado. Si Isagani na isa sa mga manonood ay tahimik na nagtitimpi ng kanyang galit at paninibugho nang makita sina Paulita at Juanito Pelaez na magkasama. Samantala, si Doña Victorina ay nagsimula nang magkagusto kay Juanito at iniisip na maging kapalit ng kanyang asawa kung sakaling mamatay ito. Sa kabilang dako ay nadismaya naman ang mga magaaral sa akademya dahil sa kabiguang mapapayag ni Pepay si Don Custodiong maipasa ang isinusulong nilang panukala sa halip ibinigay ng huli sa mga relihiyosong orden ang pagpapasiya sa bagay na ito.
SIMBOLISMO • Ang kaugaliang pagdating nang huli sa takdang oras at hindi taal na sa atin. Ginaya lamang natin ito sa mga Kastila. • Ang mga Pilipino’y mahilig sa mga palabas na buhat sa ibang lupain. Maging ano mang bagay na gawa ng mga dayuhan ay tinatangkilik at hinahangaan natin.
L AG M A N , C A R M E L A P P T, R E S E A R C H , & R E P O RT DE LEON, BIANCA JENEL R E S E A R C H & R E P O RT GRADE 10-DOCILITY