27 Ang Prayle at ang Filipino Narinig ng may karamdamang Padre Fernandez ang mainit na talumpati ni Isagani at ipinatawag niya ito. Nagulat si Isagani dahil si Padre Fernandez ang bukod-tanging kura na modelo sa mabuting ugali. "Alam mo," sabi ni Padre Fernandez, "hanga ako sa mga kabataang malayang nagpapahayag ng kanilang saloobin. Hindi bale kung hindi tulad sa naiisip ko ang kanilang sinasabi. Nabalitaan kung nagkatipon raw kayo sa pansiterya kagabi. Hindi ka ba humingi ng paumanhin?" "Hindi po," sagot na mahinahon ng binata. "Mabuti. Nangangahulugan na tinatanggap mong lubusan ang lahat ng sinabi mo. Karapatan mong magsalita ng naiisip mo tungkol sa mga Dominiko. Kung tutuusin, hindi ka naman purong estudyante ng unibersidad dahil iisang taon ka pa lamang dito. Pero baka hindi ka na pabalikin dito dahil sa mga sinabi mo raw." Nanatiling nakatayo ang binata at matamang pinakikinggan ang sinasabi ng iginagalang na propesor.
~124~
" S a walong taon kong pagtuturo dito sa unibersidad ng higit-kumulang sa mga dalawang libo't limang daang estudyante, naipunla ko sa kanilang kaisipan ang katarungan at dignidad. M a y mga pumupunang mga estudyante sa mga kasama kong kura, may mga nagagalit, ngunit sa harapan ay mga pakitang-tao ang napapansin. Ano sa palagay mo ang dapat naming gawin?" "Hindi lang po ang mga kabataan ang dapat na •sihin. A n g pagiging ipokrito o mapagkunwari ay natutuhan nila sa kanilang mga guro. Natutuhan nila ito sa mga taong umalipin sa kanilang isipan. Sinasabi po ng marami sa inyo na ang pagkakaroon ng malayang : si pan ay pag-aalsa na raw sa simbahan at pamahalaan. Lagi tuloy nabibingit sa pag-uusig at panganib ang snumang magpahayag ng nasaisip." Nabanggit ni Isagani na hindi tulad ng ibang pari si Padre Fernandez dahil ito raw ay nagbigay sa mga estudyante ng karapatang makapag-pahayag ng nasa damdamin. Pinag-usapan ng dalawa ang gusto ng mga estudyante. "Simple lang, Padre Fernandez," sabi ni Isagani, "Hangad naming tumupad sana kayo sa mga obligasyon." "Bakit, hindi ba kami tumutupad dito? Ano ang nga dapat gawin namin?" "Obligasyon ninyong itaguyod ang edukasyon, paunlarin ang kabataan sa mga larangang pisikal, ntelektuwal at moral, akayin kami upang marating ang tagumpay."
~125~
"Bakit, hindi ba nga?" "Mangilan-ngilan po. A n g higit na marami ay nagwawalang-bahala. Maraming kura ang nagbabaon sa amin sa kamangmangan. Malamang po ay para hindi namin makita ang daang tungo sa kaunlaran." Hindi agad makapagsalita ang pari at pinag-isip ang sinasabi ni Isagani. "Sa amin isinisisi ang mga pagkakamali dahil kami ang nakikita ninyo nang malapitan. Kami ay umaalinsunod lamang sa utos, at sapagkat pamahalaan ang may utos natural na parang tupa kaming susunod," paliwanag ni Padre Fernandez. Nagpaalam si Isagani na tutungo raw sa tanggapan ng Kapitan Heneral para makita ang mga paskel. Malungkot siyang tinanaw ng pari habang papalayo. Hinangaan niya ang mga Hesuwitas na malamang ay< naging gabay ni Isagani. Mali siya, dahil hindi ang Hesuwitas ang gumabay kay Isagani upang manindigan sa katotohanan. Likas na handog ito sa binata ng Diyos ng katarungan.
Mga Tulong sa Pag-aaral A.
Talasalitaan 1. 2. 3.
kung tutuusin rrialayang isipan gabay ng mga bata
~126~
iangsod. May mga barkong Aleman pa raw sa daungan. -g mga estudyante raw, kaya napiit, ay mga pndatahan. Samantala ang K a p i t a n Heneral pala ay •akikipagpulong sa mga opisyal ng simbahan—sa Kura Probinsiyal, Bise Rektor ng Unibersidad at Padre Irene. "May ilang dapat ipiit sa kulungan. Mayroon ng dapat barilin para maging duguan ang mga Unsangan. Pag nangyari ito, matatakot ang mga kabataan at magtataguan na sila." Sabi naman ng isa ay dapat munang pagalitan g ang mga kabataan. Kapag may lalaban saka ipakita sa madia na hindi maaari ang ganoon. A n g gwardia dbil ang magpapakita sa kanila kung paano talaga ang labanan. "Layunin nating ipagtanggol ang kahihiyan at tegridad ng Espana, kaya kapag may idineklarang rUg-aalsa, ating dakpin ang lahat ng mayayaman at may pinag-aralan." Lahat ng napag-usapan sa pulong at mga payo ng Kapitan Heneral ay ibinalita ni Padre Irene kay Kapitan Tiago. Nabalitaan ni Kapitan Tiago kay Padre Irene na dinakip din si Basilio at sa sama ng loob ng matanda, natuluyan itong namatay. Nangangatal na bumalik sa simbahan ang pari, at doon sinalubong naman uli ng kaguluhan. May manggagawang nagsabing ang kaguluha'y kagagawan ni Padre Salvi at may nagsabi namang kagagawan ni Intsik QUiroga. Ang maestro platero na nangingilag na tawaging duwag, ay nagkasiya na
~129~
29 Mga Huling Salita Ukol Kay Kapitang Tiago Magarbo ang paghahanda sa kamatayan ni Kapitan Tiago. Tulad din ng mga karangyaang hilig niya nang buhay pa, ganito rin sa pagkamatay niya. Pinagbaha-bahagi ng mga iba't ibang sangay ng simbahan ang kanyang naiwang yaman. Binawi niya pala ang dalawang pisong ipamamana kay Basilio nang malamang kasama ito ng kabataang may rebolusyong layon. Sinabi ng kura paroko kay Padre Irene na hindi man lang nakapangumpisal si Kapitan Tiago. Sinagot naman ni Padre Irene na kahit ganoon, hindi dapat ipagkait sa matanda ang bendisyon at misa rekiyem dahil kahit mga Intsik ay binibigyan nito, siya pa kaya na malakas mag-abuloy sa simbahan. Si Padre Irene, napag-alaman ng mga tao sa bulung-bulungan, ang tagapangasiwa ng mga ari-arian ni Kapitan Tiago. Kaya bilang parangal sa pumanaw na kaibigan, siya ang umawit ng Dios Irae na sa halip raw makalugod sa mga naroong nakikiramay ay lalo pang nakapagpasakit ng ulo.
~132~
A n g katwirang ito ay hindi matanggap ni Aristorenas. Matagal na rin naman siyang nagsasabong nguni't walang nagkakagayon, at mabuti na ang magkapatas sa huli, kung sakali. Nakipagtalo si Don Primitivo sa wikang Latin nguni't walang napala. Umiling lamang si Aristorenas, lalo na nang banggitin ni D o n P r i m i t i v o ang pagkakaroon ng isang talisaing may matalim na tari, at kung ang magiging manok ni San Pedro ay bulik. Nang tila wala pa ring mangyari ay ginamit ni Don Primitivo ang paraang tanging makapagpapasuko sa kalaban. "Magkakasala ka sa D i y o s , Bigang Martin, mahuhulog ka sa erehiya! H i n d i na ako makikipagmonte sa iyo, hindi tayo magbabakas. Pinagaalinlanganan mo ang kapangyarihan ng Diyos. Iya'y kasalanang hindi mapapatawad! Pinag-aalinlanganan mo ang pagkakaroon ng Santisima Trinidad, ang tatlo ay isa at ang isa ay tatlo! Mag-ingat ka! Hindi mo pinaniniwalaang ang dalawang katawan, ang dalawang pag-iisip, at ang dalawang kalooban ay maaaring magkaroon ng iisa lamang na alaala! Mag-ingat ka!"* Pinangatugan ng tuhod at namutla si Martin Aristorenas. Si Quiroga naman na n a k i k i n i g sa pagtatalo, ay lumapit kay Don Primitivo at inalok ng isang mainam na tabako. Maringal ang mga ritwal. Maraming insensong sinunog. Sa karangyaan ng mga seremonya, di-iilan ang nangarap na sana'y mamatay na rin sila at magkaroon din ng mabonggang libing.
~134~
30 Si Juli Sa pagkamatay ni Kapitan Tiago, nabaling ang atensyon at usapan sa inampon na si Basilio. May mga humahatol sa katauhan ng binata—di man lang daw mag-antanda sa simbahan pag marumi na ang tubig at mga iba pang mga pula. Sa Tiyani'y napabalitang ang pinakamagaan na iparurusa sa binata'y ang ito'y ipatapon, at kung magkakagayon ay walang salang sa daan pa lamang ay papatayin na. Hindi nasiyahan ang mga hindi mapagasa. Binanggit nila ang ukol sa mga pagbitay at paglilitis-militar na maaaring mangyari. Pinagbabatayan nila ang pangyayaring ang buwan ng Enero'y madugo. Enero nang magkagulo sa Kabite at ang mga napagbintangan doon, gayong mga pari'y binitay sa garote. Si B a s i l i o pa kayang walang kaibigan ni tagapagtanggol ang hindi magkagayon? "Sinabi ko na sa kanya!" ang himutok ng hukom pamayapang tila ba malimit mangaral sa binata. "Sinabi ko na sa kanya!" " A n g mga nangyari'y siyang dapat asahan," ang puna naman ni Hermana Penchang. "Magsisimba siya at pag nakitang marumi ang agwa bendita'y hindi na ~136~
gagamitin sa pag-aantanda sapagka't may dalang t daw! Iyan ang parusa sa kanya ng Diyos! Iyon nararapat sa kanya. Aba, tila nagdadala ng sakit agwa bendita; Aba! kabaligtaran pa nga!" Isinalaysay pa ng manang kung paano nagamot agwa bendita ang kanyang sakit na di-matunawan. tiyan ito dapat ipahid samantalang inuusal ang "tus Deus." Ipinayo niya ito sa mga kasama kung aling magkakasakit ng disenterya o kung may salot kakalat. Ipinagbilin niyang huwag lamang lilimuting lin sa Kastila ang "Santus Deus". "Santos Dios Santo Fuerte Santo immortal Libranos, Senor, de las peste Y de todo mall" "Iyan ay isang kagamutang di magkakabula kapag agwa bendita'y inihahaplos ninyo sa masakit na agi ng katawan," ang patapos niyang wika. May naniniwala ring ang pagkaaresto kay Basilio di makatarungan. Ang paskel ay di gawa ng kabataan di benggansa ng mga kura para maparusahan ang a estudyante. Litong-lito ang isip ni Juli sa pagkabilanggo ni ilio. May nagmungkahi sa kanyang lumapit kay re Camorra para humingi ng tulong, at ito'y dulot ng pangingilabot sa dalaga. Naranasan na a ang humingi ng tulong dito at alam niya kung ano hinihintay na bayad ng pari. Naghahangad ang ng kanyang kapurihan.
~137~
Pinagpilitan ni Hermana Bali ang paghingi ng tulong kay Padre Camorra at pati ang mahistradong sinangguni ay ganito rin ang payo. Naragdagan ang mga kaba ng dalaga sa mga nababalitang mga pinatay at pinahihirapan. Nalaman din niyang pinakawalan na ang lahat ng estudyante liban kay Basilio na walang padrino. " W a l a kang kaluluwa, J u l i , " pamimilit ni Hermana B a l i . "Matitiis mo bang mamatay ang kasintahan mo gayong wala ka namang ginawa kahit na ano sa kanyang pagkaligtas?" " S i Padre Camorra lang ang makatutulong sa iyo," sabi ng Mahistradong nilapitan nila. Ayaw na ayaw ni Juli na lumapit sa bastos na kurang kung tawagin ay El Cabayo. Pag naiisip lang niya ang kura ay nanginginig na ang buo niyang katawan. "Huwag kang matakot Juli. Sasamahan kita," sabi ni Hermana Bali. "Hindi mo ba nababasa sa aklat ni Tandang Basio na ipinamimigay ng simbahan? Dapat raw dinadalaw ng mga kadalagahan ang mga kura para sabihin sa mga ito ang mga problema nila." "Ikaw, Juli, ang dapat pumunta mismo kay Padre Camorra para pagbigyan ang hiling mo," dugtong pa ng mahistrado. Hindi maunawaan ng mga iba pa ring kamaganak kung bakit ayaw makipagkita ang dalaga kay Padre Camorra gayong balita raw nila ay mabait naman ang kura. Hindi na makatiis si Juli dahil lagi pa niyang napapanaginip na pinahihirapan si Basilio sa kulungan. "Tulungan mo ako, J u l i , tulungan mo ako. ~138~
pagsusumamo ng binata sa kanyang panaginip. Pumunta siya kay Hermana Bali para pasama papuntang kumbento. Nag-atubili na naman uli pagdating doon at nagyakag na uling umuwi. "Tayo na pong umuwi. Ayaw ko na. Parang awa ninyo!" iyak niya kay Hermana Bali. "Huwag kang mag-eskandalo dito. Nagpasamasama ka, bago ngayon ayaw mong tumuloy. Panhik!" "Huwag po, Hermana," hagulgol ng dalaga. "O sige, kung ayaw mo. Hayaan mong ipatapon si Basilio. Hayaan mong barilin siya ng mga gwardia sibil sa bintang na pagtakas. Hayaan mong magkalurayluray ang katawan niya na wala siyang kalaban-laban." N a p i l i t a n g umakyat sa kumbento si J u l i . Kinagabihan nabalita sa bayan na ang dalaga'y tumalon sa bintana ng kumbento. Si Hermana Bali ay parang baliw na nagsisigaw sa lansangan. A n g kawawang Lolo, si Tandang Celo, ay halos madurog ang dibdib na tumungo sa kumbento para humingi ng katarungan. Wala ni isa man siyang natagpuan doon. Umuwi ang matandang nananangis na parang bata sa lansangan. A n g panangis niya'y umaalingawngaw sa katahimikan ng gabi. Napakagat-labi ang mga lalaki. ang mga babai'y nangagdaop-palad samantalang ang mga aso'y bahag ang mga buntot na nagsipasok sa taguan. Nang mag-iikawalo ng gabing yao'y nabalitang mahigit sa pitong prayle ang nanggaling sa mga karatigbayan at nangagtipun-tipon sa kumbento upang mangag-usap-usap. Nang sumunod na araw ay tuluyan
-140-