El Fili Presentation

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View El Fili Presentation as PDF for free.

More details

  • Words: 398
  • Pages: 8
Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora. Tulad ng "Noli Me Tangere", ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas, Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang Nagngangalang Valentin Viola na isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22, 1891. Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

Simoun: ang mapagpanggap na mag-aalahas na nakasalaming may kulay, siya rin si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway. Isagani: ang makatang kasintahan ni Paulita. Basilio: ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Julia. Kabesang Tales: ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga prayle. Tandang Selo: ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sariling apo. Ginoong Pasta: Ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Ben-zayb: ang mamamahayag sa pahayagan. Placido Penitente: ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning pampaaralan. Padre Camorra: ang mukhang artilyerong pari. Padre Fernandez: ang paring Dominikong may malayang paninindigan. Padre Florentino: ang amain ni Isagani Don Custodio: ang kilala sa tawag na Buena Tinta Padre Irene: ang kaanib ng mga kabataan sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila

Juanito Pelaez: ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila Makaraig: ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Sandoval: ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral Donya Victorina: ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Paulita Gomez: kasintahan ni Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito Pelaez. Quiroga: isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Julia: anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio. Hermana Bali: naghimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Hermana Penchang: ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Ginoong Leeds: ang misteryosong Amerikanong nagtatanghal sa perya. Imuthis: ang mahiwagang ulo sa palabas ni G. Leeds

Related Documents

El Fili Presentation
November 2019 11
Buod Sa El Fili
May 2020 10
El Fili Ppt.pptx
June 2020 8
El Fili 2.docx
June 2020 14