El Fili Kabanata 21-26

  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View El Fili Kabanata 21-26 as PDF for free.

More details

  • Words: 4,217
  • Pages: 22
21 Sa Pagkahati ng Maynila Sa dami ng naghahangad manood sa operetang Pranses, maaga pa'y ubos na ang ticket. Ang mga hindi nakabili ay nagkasiya na lang sa pag-aali-aligid at panonood sa mga nakikita sa labas. Ang Kastilang si Camaroncocido na tagapagbalita ng mga itatanghal at tagakabit ng kartel sa dulaan at ang kapatid sa hanap-buhay na si Tio Quiko ay naguusap tungkol sa mga sang-ayon at di sang-ayon sa itinatanghal. D a h i l sa dalawang grupong nag-iiringan, nagkaroon ng pulong at tuligsaan. May sumisigaw pa ng insureksiyon at rebolusyon. Sa wakas ay ibinigay din ang permiso sa pagtatanghal. Nabalita sa bawat tahanan, sa mga opisina, halos lahat ay nag-aaral ng mga salitang Pranses para madaling maunawaan ang panonoorin. Nagmemorya sila ng oui, sil vou plait, monsieur at iba pang mga salita. Pati galaw halos ng mga Pranses ay ginagaya rin. Samantala, balisa naman ang mamamahayag na Ben Zayb dahil sa siya ang pinagagawa ng sinopsis ng pagtatanghal. Naalaala niya nang siya'y may nagawang pagkakamali lang sa baybay ng pangalan ~100~

Dg isang soprano. Pinagsabihan siya ng mga kalabang li) aryo ng ignorante, utak ipa, at kailangang magbasa I £ mga dyaryong Italiano. Kabilang si Padre Camorra sa nagsasabing wala namang masama sa panoorin. Sang-ayon din sa kanya si Ben Zayb, mga ayudante ng Heneral, mga klerk at pasosyal na nais makapanood ng pranses na palabas. Kabilang sa mga sumasalungat ang mga manang na nagbibigay pahalaga sa kapurihan ng mga babae. Nang umalis si Camaroncocido sa lugar ng tanghalan, sa isang eskinita narinig niya ang pagbubulungan ni > moun at ng isang sundalo. "Tandaan mo, ang magiging hudyat ay isang putok," sabi ng mag-aalahas sa sundalo. "Sabihin mo sa mga kasama mo na utos an ng Kapitan Heneral. Kapag nagawa ninyo ang otos, itataas ang inyong ranggo." M u l i n g nakarinig si Camaroncocido ng nagbubulungan sa iba namang eskinita. "Ang mga prayle ang sundin natin. Mas malakas at makapangyarihan. A n g Kapitan Heneral ay pinapalitan at ipinadadala sa malayo." Samantala sa labas ng teatro ay naroon si Tadeo na nagmamalaki sa mga kababayan ng pagkakilala niya sa mga importanteng mga tao. Hangang-hanga naman ang probinsiyano. Namalagi siyang nasa kaliwa ni Tadeo. Ipinakilalang lahat sa kanya ni Tadeo ang mga dumarating at kung hindi niya kilala'y umiisip na lamang ng pangalan at vitakata ukol sa mga iyon. Kung sinu-sinong mga tao ang ipinakilala niya sa kasama. Bawa't isa'y binigyan niya ang kaugnayan la sarili o kung di man ay pinatungkulan ng isang ~101~

pangyayaring lalo at lalong nakabilog sa ulo ng tagalalawigang kasama. "Hayun ang mananayaw, si Pepay," ang turo niya nang makita naman ang dalaga. " H i n d i na iyan nagsasayaw ngayon sapagka't pinagbawalan ng isang ginoong kaibigan ko. Ssh! Tingnan mo ang taong iyong may lapis at papel," at tinuro ang isang Kastila. "Iyon ay si Ben Zayb. Siya'y isang magaling na manunulat at kaibigan ko!" "Siya nga! At ang pandak na iyong may maputing balbas?" "Iyon ang kawaning humirang sa tatlong anak na babae, iyong tatlong kasama, na katulong niya sa tanggapan, upang mapasama sa mga pinasasahod ng Pamahalan. Napakatalino niyon. Kapag nagkamali'y iba ang sinisisi. A n g ginugugol niya sa pamimili ay salapi ng Pamahalaan. Matalino, oo, lubhang matalino." May itinanong na muli ang probinsiyano nguni't hindi siya pinansin ni Tadeo. Ang binata ay matamang nakatingin kay Paulita Gomez na noo'y dumarating na kapiling si A l i n g Victorina at si Juanito Pelaez. Isang palko ang inihandog nitong huli sa mag-ale. Patuloy ang sunud-sunod na pagdating ng mga karwahe. Dumating ang mga Pranses na magsisiganap at pumasok sa isang tanging pinto, kasunod ang kanilang mga tagahangna. Nang makapasok si Paulita sa dulaan ay nagpatuloy sa pagkukuwento si Tadeo. "Hoy! Kilala ko ang ginoong iyon! Si Padre Irene na nakabalatkayo at may bigote. Kilala ko ang kanyang ilong. Laban na laban pa naman siya sa pagtatanghal!"

~102~

Dumating sina Macaraig, Pecson, Sandoval at Isagani at niyaya si Tadeong manood ng opereta.

Mga Tulong sa Pag-aaral -

Talasalitaan 1. grupong nag-iiringan 2. isang eskinita 3. mga ayudante ng heneral 4. nagkaroon ng tuligsaan

B.

Ano ang itatanghal?

C.

Anu-ano ang kuro-kuro tungkol dito?

~103~

22 Ang Pagtatanghal A n g dulaa'y punong-puno ng mga taong sabik makapanood ng palabas. Tatlo o apat na palko ang natirang walang laman, gayong gabing-gabi na. A n g pagsisimula ng palabas ay itinakda sa ikawalo't kalahati nguni't labinlimang minuto na lamang ang kulang upang mag-ikasiyam ay di pa itinataas ang tabing pagka't di pa dumarating ang Kapitan-Heneral. Inip na inip na ang mga tao kaya lumikha sila ng sari-saring ingay at sumisigaw na itaas na ang tabing. A n g lalong pinakamaingay ay mga artilyerong di nasisiyahan sa tugtog ng orkestra. Sa mga luklukang laan na may mangilan-ngilang babai'y naghahari ang bulung-bulungan sa gitna ng halakhaka't makapal na usok ng mga tabako. Pinaguusapan doon ang tungkol sa palabas. Iniisip nila na kung ang Heneral ay nakipagkagalit sa prayle at kung ang pagdalo n i y a ' y pagmamatigas o paglilibang lamang. A n g ibang mga lalaki'y nahuhumaling naman sa pagtawag sa pansin ng mga dalaga. Umuupo silang tila mga busto at buong pagmamalaking ipinamamalas ang mga suot na brilyante, lalo na kung nararamdamang sila ang pinagpapakuan ng tingin ng mga nakalarga~104~

bista. Minsa'y babatiin ng bating tila isang kabalyero ang isang nagdaraang binibini at kapag malayo na'y ibubulong sa katabing, " K a k u t y a - k u t y a siya at nakaiinis!" A n g binibini naman ay ngingiti sa bumati, ipapaypay ang hawak na pamaypay at wiwikain sa kasamang, "Napakamahangin. Nauulol sa pag-ibig!" Bukod ang upuan para sa Kanyang Kamahalan, mayroon ding wala pang laman na hindi malaman ng mga tao kung kanino kaya inilalaan. Maingay na ang mga tao dahil sa pagkainip. May pumapadyak sa sahig. May pumapalo ng tungkod. May pumasok na isang lalaki at naupo sa isang upuang nakareserba. Pagdating ni Don Primitivo, inaangkin ang upuang para daw sa kanya. Nang nagmatigas ang lalaki dahil sa siya raw ang unang dumating, nag-away, naggirian ang dalawa sa malaking katuwaan ng mga tao. Dahil sa pagtatanggol ng lalaki sa kanyang karapatan sa upuan kahit pa nagsumbong ang don sa may-ari ng teatro, hinangaan siya ng mga naroroon at pinalakpakan. Tumigil ang gulo nang tumugtog ang Marcha Real na nagpapahiwatig na dumating na ang Kanyang Kamahalan. Tiningnan ng mga estudyante ang mananayaw na si Pepay dahil ito nga ang pinagbilinan nilang humikayat kay Don Custodio ukol sa kanilang ipinatatayong akademia. Nagkataong nagpaparunggitan sa harapan ni Pepay ang Dakilang Tagapayo at ang kabangga niyang si Don Manuel. Napangiti si Pepay sa sinasabi ng dalawang lalaki at nang makita ito ni Macaraig, inakala ~105~

niyang hudyat ito na sumang-ayon na sa hinihiling nila si Don Custodio. Nakapagdulot ng malaking kasayahan sa mga kabataan ang balita. . Samantala ngitngit na ngitngit naman si Isagani nang nakitang magkasamang nanonood si Paulita at si Juanito. Nagulat siya dahil nauna pa ang dalaga. Ma> usapan silang titingnan daw muna niya kung malaswa o masining ang panoorin. Itinaas ang telon at nagsimula na ang mga mananayaw na Pranses. Galit na galit si Isagani sa karibal at sa panonood ng mahal na mahal na si Paulita na dati'y matapat na kasuyo. Samantala hindi lubos ang ligaya ng mga estudyante dahil ilalagay ang pamamahala ng Akademya sa isang relihiyosong samahan, at ieentrega raw ang mga sisingiling abuloy sa isang tesorerong pinili ng mga mamamatnubay.

Mga Tulong sa Pag-aaral Anu-anong eksena ang naganap sa lugar ng pagtatanghalan? Sabihin ang palagay mo tungkol sa sumusunod: 1. A n g pag-aagawan sa upuan 2. Si Paulita at Juanito 3. Si Pepay at Macaraig 4. A n g pagdating ng Kapitan Heneral

~106~

23 Pumanaw si Maria Clara Maraming nakapansin na wala sa tanghalan si Simoun at si Basilio. Matapos tubusin ni Basilio si Juli Ia pagpapaalila, ipinagpatuloy niya ang pag-aaral at ang pag-aalaga kay Kapitan Tiago. Kinumusta ni Simoun kay Basilio ang matanda at napag-alaman niya a sa pagkahulog nito sa bisyong opyo ay mahinangmahina na ito. Nagtalo uli ang dalawa tungkol sa paghihimagsik na ipinaglalaban ni Simoun at ng kinabukasan namang ailalayon ni Basilio. "Basilio, makinig ka. Mahalaga ang bawat sandali sa ating mundo. Napansin kong ni hindi mo man lamang nabuklat ang mga ibinigay kong babasahin sa o. Tila wala ka yatang pagmamahal sa kalayaan kahit kaunti man lamang." Hindi nagustuhan ni Basilio ang tinuring ng maglahas at siya'y napatindig na nanlalaki ang mata. "Basilio, wala tayong panahon sa pagtatalo. Sa isang udyat ko lang, sasabog na ang rebolusyon. Bukas na kas din wala kang mapayapang lansangan na dadaanan. "Hindi ka na rin makapagtatapos sa Pamantasang inapasukan dahil nakahanda na ang lahat. Sa ~107~

pagtatagumpay namin, lahat ng tumaiikod sa ipinaglalaban ay ituturing na kaaway. A l i n ang pipiliin mo ngayon, kamatayan o kinabukasan?" Nakita ni Basilio na naglilingas ang mata ni Simoun. Parang nakikini-kinita niya ang pagbaha ng dugo sa mga lansangan. "Pagpaliwanagan pa po ninyo ako," sabi niya kay Simoun. "Tunay na ang pamahalaan ay nagpapasasa sa kaban ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit ang pagtatanghal ng mga malalaswang palabas ay pinahihintulutan nila. A k o nga ang nag-utos na tulutan ng Kapitan Heneral at ng mga pari ang pakanang digmaan. Dalawang puwersa ang maglalaban, dalawang lakas na magkakapingkian. " A n g mga tulisan na pinamumunuan ni Cabesang Tales ay nasa ibaba. Sila ang ating panlaban. Ang kawalan mo ng paninindigan ay pagtuligsa mo sa amin at sa pamahalaan. Hindi maaaring pumagitna ka lamang sa dalawang batong nag-uumpugan." "Saan ka papanig, sa amin o sa pamahalaan?" "Kung sasama ako sa inyo, ano ang babalikatin ko para sa grupo?" "Ikaw ang magbubukas ng pinto ng monasteryo at magtatakas kay Maria Clara." "Pero, huli na po tayo. Pumanaw na siya, kaninang alas sais. Binihisan na po siya." "Iya'y isang kasinungalingan!" ang sigaw ni Simoun namumutla at nanlilisik ang mga mata. "Hindi totoo! Buhay si Maria Clara. Dapat siyang mabuhay! Iya'y isang duwag na pagdadahilan! Hindi siya patay. at ngayong gabi'y ililigtas ko siya o bukas ay masasawi kayo!" ~108~

Ikinibit ni Basilio ang kanyang balikat. "May ilang araw pa lamang na naglulubha siya. Nagtungo ako sa kumbento upang makibalita. Tingnan ninyo, narito ang liham ni Padre Salvi na dala ni Padre Irene. Magdamag na nanangis si Kapitan Tiago at hiningang-tawad ang larawan ng anak hanggang sa mahimbing sa apyan. Ngayong gabi'y tinugtog ang kanyang agunyas." " A h , " ang bulalas ni Simoun at sinapo ng dalawang palad ang mukha. Naalaala niyang nakarinig nga siya ng tugtog ng agunyas noong siya'y naglalakad sa may kumbento. "Namatay!" ang bulong niyang tila nangangarap, Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi nalalamang nabuhay ako para sa kanya... namatay!" Naramdaman niya ang tila isang unos na walang ulan, ang isang bulkang ibig magsabog ng poot sa kanyang dibdib. Mabilis niyang nilisan ang silid. Narinig ni Basilio ang papalayo niyang yabag, at ang isang timping sigaw na tulad ng sa isang naghihingalo. Napatindig na namumutla si Basilio, nguni't narinig niyang muli ang mga yabag na lumalayo hanggang sa mawala. "Kahabag-habag na lalaki!" ang bulong ni Basilio at ang mga mata'y nahilam ng luha. Habang tinatanaw ni Basilio ang tumatakbong anino sa lansangan, nagbalik sa alaala niya ang dakilang ragmamahalan ni Crisostomo Ibarra at Maria Clara, isinadlak sa dusa ang magkatipan, at nangibang bansa ang lalaki. Nagbalik siya upang maghiganti. Pilit niyang itinindig ang kasamaan at giniba ang kabutihan para ~109~ *

higit na makita ng mga mamamayan ang tunay na sakit ng lipunan. Si Maria Clara nama'y pumasok sa kumbento dahil sa kabiguan sa pag-ibig at doon siya nagkasakit at pinanawan ng buhay. Maria Clara, alagad ng Diyos na sinasamba ng isang nagmamahal na kaluluwa, matulog ka nang mahimbing. Baunin sa iyong paghimlay ang masaya mong kabataan. Mapalad ka at hindi mo na mauulinigan man lamang ang taghoy ng mga nangamatay sa kawalan ng katarungan. Mapalad ka at may lumuha sa iyong paglisan. Humayo kang may ngiti sa mga labi. Liparin mo ang sariwang hamog ng gabi sa kalawakan, ang asul na ulap sa papawirin, ang sapirang bulubundukin, ang esmeraldang dalampasigan, ang nagtataasang puno ng kawayan, ang mga ilug-ilugang nililiparan ng mga tutubi at paruparong ligaw. Sapagkat dakila ang iyong pag-ibig, maaalala at mapapanaginipan ka namin sa katahimikan ng mga kagubatan, sa awit ng dagat-dagatan, sa liwanag ng sikat ng buwan. Para sa amin, ikaw Maria Clara ang kalahatan ng katotohanan, ng kabutihan at ng kagandahan na magsisilbing Haw sa pagdurusa ng amirig abang katauhan, na tila nahirati na sa kadiliman.

~110-

24 Mga Pangarap Nakipagkayari si Isagani kay Paulita na magkikita sila para pag-usapan ang hindi nila pagkakaunawaan. Maaaring maganda o masama ang mangyayari sa kanilang pag-iibigan. Kung maging matinik man ito, nahahanda siyang tanggapin nang maluwag sa dibdib. Ngunit nakapanghihinayang din ang kanilang pagmamahalan kung mauuwi sa wala. Ginunita niya ang kanilang mga pamamasyal sa mga peryahan, ang mga misa de gallo, ang pagsisimba nang sabay, mga ibang pinag-samahang karanasan. Muling nalungkot nang maalaala ang panonood ni Paulita sa teatro na hindi siya ang kasama. Binuo sa sarili na oras na makita niya si Juanito ay masusuntok niya ito. Nasalubong niya sa paglalakad ang dalawang pari na dating propesor niya, ngunit sa lalim ng kanyang iniisip hindi man lang siya nakapagbigay-galang sa mga ito. Hindi niya napansin ang lahat ng mga nakakasalubong niya sa daan. Nadaanan niya si Ben Zayb na may kausap at narinig niyang maysakit daw si Simoun at ayaw magpadalaw kaninuman. Kahit mga katulong ng

-112-

Kapitan Heneral ay di papasukin. Naisip ni Isagani na mabuti pa ang mag-aalahas at ipinakukumusta ng Kapitan Heneral habang ang mga sundalong sugatan ay di man lang masilip nito. Lalong tumindi ang kalungkutan ni Isagani nang mapasaisip ang mga sinasapit ng mga kawawang kababayan. Siya nga ay natapakan ni Pelaez ngunit ang mas masama, napadpad lamang ang mga Kastila sa dalampasigan, nawalan na ng kalayaan ang mga mamamayan. Hindi lamang sa maikling panahon na nakayuko ang mga katutubo. Tila walang katapusan ang kanilang pagkaalipin sa kamay ng mga dayuhan. May mga bansa naman na pumupunta rin sa ibang bansa na hindi inaagaw ang kalayaan at karangalan ang tinuntungang bansa. "Iaalay ko ang aking buhay alang-alang sa ikararangal ng aking bayang tinubuan," naipangako niya sa sarili. "Kung hindi man ako maging tagumpay sa pag-ibig ng aking minamahal na babae, bibigyan ko naman ng kabuluhan ang pananaw ng aking mga kababayan." Natanaw niyang dumarating ang karwahe ni Donya Victorina at Paulita, at nakitang nakangiti sa kanya ang dalaga. "Kumusta ang ipinahahanap ko sa iyo, Isagani?" bati ni Donya Victorina. "May balita ka na ba sa esposo ko?" "Wala po," pagsisinungaling ng binata. "Ipabalita mo sa kanya na tatawag ako ng gwardia sibil para ipahanap siya. Sabihin mong ipababaril ko

~ 113~

siya. Sampung taon na akong naghintay. Hindi siguro masama na mag-asawa na ako u l i , " sabi ng Donya. "Sino po naman ang mapalad na napupusuan ninyo?" tanong ni Isagani. "Sino pa kaya, e di si Juanito!" Tuwang-tuwa si Isagani nang mabatid na si Juanito pala ay napupusuan ni Donya Victorina at hindi ng pamangkin nitong si Paulita. Nagkita ang magkasintahan at sa katiwasayan ng binata na di pala siya dapat manibugho, ay nasabi niya sa dalaga ang sikreto ni Don Tiburcio. Naihinga rin ni Isagani ang malaking pagmamahal niya sa bayan. "Maswerteng bansa," sabi ni Paulita, "na kahati ko sa pagtatangi mo." "Paulita, lubos ang pagmamahal ko sa lalawigan bago kita nakilala. Kaligayahan ko nang humimlay sa l i l i m ng mga puno habang tinatanaw ko ang Dagat P a s i p i k o at kalikasang kay ganda. T i y a k na magugustuhan mong manirahan doon." "Inaanyayahan mo ako sa iyong lalawigan? Hindi ako sanay sa malayong paglalakbay." "Huwag kang mabahala at malapit nang dumating ang panahong madali kang maihahatid sa anumang lugar na gusto mo. "Hindi mo ba alam na nagkakaugnay na ang mga tinig ng kabataan sa kanilang paninindigan? Iginigiit naming tumindig ang Pilipinas sa tabi ng Espanya bilang isang malayang bansa. Hindi dapat manatiling kolonya lamang ang bansang aking sinilangan at nilakhan."

~114-

"Paano kung mabigo kayo sa i p i n a k i kipaglaban?" "Matutuwa pa rin kami kung may magsasabi sa ibabaw ng aming mga bangkay na 'Diyan nalilibing ang mga bayaning nagmahal sa aming kalayaan.'"

Mga Tulong sa Pag-aaral A.

Talasalitaan 1. matinik na relasyon 2. tumingi ang kalungkutan 3. bigyan ng kabuluhan 4. batid ang laman ng isip 5. hindi dapat manibugho

B.

Mga Tanong 1. Ano ang mga gunita ni Isagani tungkol sa sumusunod? a. Siya at si Paulita b. Ang maysakit na mag-aalahas c. A n g mga sinapit ng mga kababayan 2. Ano ang balitang nakapaglubag ng loob sa kanya? 3. Ipaliwanag ang huling talata. 4. Anong uri ng babae sa palagay mo, si Paulita?

-115-

25 Kasayahan at Kalungkutan Wari'y nagsasaya ang mga binatang nagkakatipon sa Pansiteriya M a c a n i s t a de Buen Gusto. Ipinagdiriwang nila ang pagkasang-ayon ni Don Custodio sa kanilang mungkahi kahit marami sa mga pangakong ibinigay sa kanila ay napapako. Hirati na sila sa mga Kastila na marikit magsalita ngunit nambibilog lang ng kanilang mga ulo. Iba't iba ang pinag-uusapan ng mga kabataang nakaupo sa mga bilog na mesa, apat na katao sa bawat mesa. May bumabanggit ng mga babaeng artista sa teatro. May nagbubulungan tungkol sa pagkakasakit ni Simoun. Iba't iba pa ang bersyon tungkol dito—nagbigti ang mag-aalahas, natagpuang sugatan at bugbog ang katawan, may sumalakay daw sa mag-aalahas na ibig maghiganti. Nasabi tuloy nilang haka-haka raw at pakana lamang ng mga kura ang mga balita. May nabasa silang nakasulat na tula sa isang dingding ng restoran na tila sila'y binabalaan. Huwag raw mag-iiwan ng kahit anong bagay sa kainan. Pinagsaluhan ng labinlimang binata ang mga handa ng Intsik—pansit langlang, sopas, at marami pang iba. Nasabi ng isa na sana raw ay si Basilio, sa ~ 116-

halip na si Juanito, ang kanilang inanyayahan para malaman nila ang ilang mga sekreto—tungkol sa sakristan at sa madreng nawalang parang bula. Habang nagkakaingay ang mga binata, tumayo si Pecson, at ginaya ang isang paring Augustino sa pagsesermon. "Kung ang busog na bituka ay nagpupuri sa Panginoon, ang gutom na bituka naman ay sa mga kura." Ito ang mga banal na salita ni Don Custodio na ipinahayag ni Ben Zayb sa pahayagang El Grito de la Integridad. " M g a Kapatid, nagsisimula nang bigyan-diin ang mga kapintasang ibinabato ng mga pari. Walang araw na pinuri ang mga nakasoot ng sotana at ang korporasyong kinakatawan pila. Totoo ang mga salitang pinupuri ng mga busog ang Panginoon, at pinupuri ng mga gutom ang mga kura." Sa pagtatawanan at pagbibiruan, nabanggit nila ang tungkol sa mga kura. "Ang mga kura ang Simula

at wakas natin," sabi ni Pecson. "Sila ang alpa at omega ng ating pananatili sa mundo. "Mahalaga ang mga kura. Hindi ba ang kura ang manlililok at ang Indio ang estatwang nilililok? Tatlong daang taong patungo-tungo at pa-opo-opo. Tatlong daang taong pang-aalipin at pagpapaalipin...." Ibinalita ni Makaraig, na siyang pumili ng mga pagkain, na may tatlo pang ulam na darating. A n g lumpiyang-Intsik na ang lama'y baboy ay ipinatungkol kay Padre Irene. A n g panyang na a l i m a n g o ' y ipinatungkol sa mga prayle, kaya tinawag na panyang na prayle.

-117-

A n g Ikaapat na ulam na pansit gisado ay ipinatungkol ni Makaraig sa pamahalaan at sa bayan pagka't aniya'y kinakain at nilalasa ng lahat tulad ng pagtalima at paniniwala nila sa bayan at sa pamahalaan. "Ipatungkol!" ang sigawan ng lahat. "Tutol ako!" ani Isagani. Itinaas ni Pecson ang isang buto ng manok at sumigaw: "Igalang ang mga bata at ang mga nasawi!" "Ipatungkol natin ang pansit kay Quiroga na isa sa apat na kapangyarihan sa Pilipinas," ani Isagani. Ang lumpiyang ipinatutungkol kay Padre Irene ay di lumabas na mabuti. Ang panyang na alimango nama'y di pa luto kaya hinihilingan nila si Pecson ng isang talumpati. Si Pecson ay tumayo, nag-antanda, pinilit ang kanyang tawang hangal at ginagad ang isang predikador ng A g u s t i n o n g n o o ' y nababantog. Pinatamaan ni Pecson ang mga prayle sa kanyang talumpati. "Mainam! Mainam!" anang mga kaharap. "Sandali lang!" ang walang katawa-tawang wika ni Isagani. "Dapat ninyong malamang kapag prayle na ang pinag-uusapa'y may isa akong pinagpipitaganan!" N a g s i m u l a nang sumaya si Sandoval kaya umawit. Nagpatuloy si Pecson sa pagtatalumpati. Kunwa'y inilalahad ang kabutihan ng mga prayle bago'y isa-isang binabatikos ang mga pagmamalabis ng mga ito. " K u n g walang prayle at walang i n d i y o sa Pilipinas, ano ang mangyayari sa kahabag-habag na pamahalaang mapapaharap sa mga Intsik?" ang pangwakas niyang pangungusap. ~118~

"Kakain ng panyang na alimango!" ani Isaganing naiinip sa talumpati ni Pecson. "Iyan ang dapat nating gawin! Tama na ang talumpati!" Habang tuloy-tuloy na kinakain ang sunod-sunod na putaheng Intsik, may isang sumilip sa durungawan at takot na bumulong sa mga kasama, " M a y nagmamanman sa atin." "Sino?" Patakbong nag-akyatan ang lahat para silipin kung sino nga ang aninong nagmamanman. Hindi sila makapaniwala nang malaman nilang ang anino ay si Simoun na kanang kamay ng Kapitan Heneral.

Mga Tulong sa Pag-aaral A.

Mga Tanong 1. B a k i t masaya ang mga kumakain sa pansiteriya? 2. Ano ang palagay nila tungkol sa nawawalang mag-alahas? 3. Anu-ano ang mga libak na iniuukol nila sa mga nakasotana? 4. Ano ang ikinasindak nila sa huli?

~119-

26 Mga Paskel Maagang bumangon si Basilio kinabukasan upang tumungo sa pagamutan. Dadalaw siya sa kanyang mga pasiyente, paroroon sa Pamantasan upang pakialaman ang ukol sa kanyang licenciatura, at saka pagkatapos ay magsasadya kay Macaraig upang manghiram ng halagang magugugol niya sa pagkuha ng kanyang grado. May kaunti siyang naipong salapi at ang malaking bahagi nito'y itutubos niya kay Juli at ipagpapagawa ng isang munting dampang titirhan ng magnuno. Hindi siya nangahas na dumulog kay Kapitan Tiago dahil sa pangingilag na baka i t o ' y magpalagay na siya'y nagpapauna sa manang binabanggit-banggit sa kanya. Dahil sa pagkawili sa mga iniisip ay di napansin ni Basilio ang mga pulutong ng mga nag-aaral na papauwing galing sa mga paaralan sa loob ng Maynila at ang tila natutubigang anyo ng ilan sa mga iyon. Nang dumating siya sa San Juan de Dios at tanungin ng mga kaibigan ukol sa isang paghihimagsik ay napalundag siya sapagka't nagunita ang binalak ni Simoun na hindi natuloy dahil sa isang sakunang nangyari rito.

~ 120-

N a i b a l i t a agad kay B a s i l i o na maraming ;>:udyante ang pinaghuhuli dahil nadamay sa :mabalitang himagsikan. Nasalubong ni Basilio ang dalawang propesor na •agtanong sa kanya kung nasa hapunan siya ng mga kabinataan ng nagdaang gabi. Sinabi niyang hindi niya maiwan noon si Kapitan Tiago. Pinagsabihan siya ng dalawa na tumiwalag sa Akademya dahil ang sinisising nagpaskel sa dingding ~g Pamantasan ay mga estudyante. "May kinalaman po ba si Senyor Simoun?" tanong ai Basilio. "Bakit magkakaroon? Nasugatan si Simoun dahil si isang mahiwagang kaaway. Nagpapagaling siya •gayon sa kanyang bahay. May nagsabing kilala raw aaman ang nagsimula ng gulo." " A n g mga tulisan po ba ang utak ng pag-aalsa?" "Walang binabanggit na tulisan. A n g nagplano ng himagsikan ay mga estudyante." "Bakit po sila sinisisi?" "Hindi mo ba alam? Nakakuha ng mga paskel ang mga gwardia sibil sa mismong dingding ng Pamantasan." Wala raw gagawa ng mga paskel kundi ang mga estudyanteng kasapi sa akademia. Napag-alaman ni Basilio pag pasok niya sa pagamutan na ang mga paskel daw ay nakita sa mga pintuan ng unibersidad. Galit na galit raw ang Rektor habang tinatanggal ang mga paskel para ipadala sa Kapitan Heneral. Ang mga paskel pala ay puno ng pananakot, lad ng pagbitay sa mga maykapangyarihan,

~ 121 ~

pagsalakay sa mga gusaling pansimbahan at pagdanak ng dugo sa buong kapaligiran. M a b i l i s na kumalat ang mga opinyon ng pamahalaan. Nanganib ang mga estudyante na bukod sa pagtatakda ng oras ng pagtigil sa lansangan, maraming patatalsiking mag-aaral at ipapakulong kahit walang malay sa pagpapaskel. " A l a m kaya ni Senyor Simoun ang mga nangyayaring ito?" tanong ni Basilio sa sarili. "Kung siya ang may kagagawan nito, humanda siya at maninindigan ako!" Lumabas si Basilio sa pagamutan para pumunta sa Unibersidad kung saan niya uusisain kung inaprubahan na ang sertipiko niya bilang isang lisensiyadong duktor. Nagtaka ang binata nang sa halip na mga maiingay at masisiglang mga mag-aaral ang makikita sa may tarangkahan ng paaralan, mga gwardia sibil ang nangakatayo roon. Natutuwa si Tadeo na ipakukulong na raw silang lahat. Mawawalan ng klase. Si Pelaez naman ay takot na takot at iginigiit na wala siyang kinalaman sa Akademya. Nabuhayan ng loob si Basilio nang marinig niyang kausap ni Isagani ang isang kumpol na mga estudyante. "Hindi tayo dapat magkawatak-watak. Walang dapat humadlang sa ating layunin. Hindi lang ngayon na may napipiit na kabataang nagtanggol sa kalayaan. Dapat nating balikatin ang malaking layunin ng kalayaan." Nagtungo si Basilio sa tahanan ng kaibigang Macaraig at nakita niya rito ang isang pulutong na gwardia sibil. Kasama siyang dinakip at dinala sa tanggapan ng Kapitan Heneral. -122-

Related Documents

2126
May 2020 4
2126
October 2019 15
Buod Sa El Fili
May 2020 10
El Fili Ppt.pptx
June 2020 8