Ang sektor ng Agrikultura sa Pilipinas ay binubuo ng mga sumusunod:
1. Farming (Paghahalaman) – dito nagmula ang mga produktong pangunahing kailangan ng mga Pilipino kabilang na ang palay, gulay, mais, at prutas
2. Livestock (Paghahayupan) – Ito ay binubuo ng pag-aalaga ng mga hayop na pinanggagalingan ng mga karne na binibili natin kabilang na ang baka, kambing, baboy, manok o pato at mga itlog nito.
3. Fishery (Pangingisda) – Isa ito sa hanapbuhay ng mga mamamayang pilipino na malapit sa ilog at dagat. Ang pangingisda ay maaaring sa ilog, dagat o fish pond na ginagamitan ng kaalaman sa aquaculture.
4. Forestry (Panggugubat) – ang sekondaryang sektor na ito ay ang mahalagang pinagkukunan ng iba't ibang klase ng kahoy kabilang na ang mga pangunahing materyales sa paggawa ng bahay at furniture - plywood, tabla, troso, kawayan, at iba pa. Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng agrikultura ng Php1,247 bilyon (current prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking bagay sa Pilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at pagkaing nagmula sa tubig at pagsasaka. Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
Ang sektor ng industriya ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa dahil ito ay lumilikha ng produkto at paglilingkod na kailangan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan. Pinagkukunan din ito ng buwis ng pamahalaan na ginagamit upang matustusan ang mga gastusin, programa, at proyekto para na din sa ikabubuti ng bansa. May 4 na sektor ng industriya: 1. 2. 3. 4.
Pagawaan/Manupaktyur Utilidad/Serbisyo Konstruksyon Pagmimina
MANUPAKTYUR/PAGAWAAN Noong 2004, ang pagmamanupaktyur sa bansa (Pilipinas) ay mayroong kontribusyon na 24% sa GDP ng Pilipinas. Mas malaki ang bahagi ng sektor ng pagmamanupaktyur kaysa sa iba tulad ng agrikultura at pangingisda. Ang tradisyunal na tungkulin ng pagmamanupaktyur sa Pilipinas ay ang proseso ng pagkain. Ang makina na ginagawa ay upang magproseso ng bigas, mais, asukal at iba pang mga pangunahing sangkap sa pagkain.
SERBISYO/UTILIDAD May tatlong pangunahing oportunidad para mapalawak ang sektor ng serbisyo. Una, pagpapalawak sa laki at saklaw ng pang-export para sa modernong serbisyo. Ikalawa, pagpapalawak ng turismo para sa pagunlad ng ekonomiya ng bansa. Ikatlo, pinapaunlad nito ang mga gawain upang ang mga Pilipino ay hindi na magtrabaho sa ibang bansa at manatili na lamang dito. Malaki rin ang kontribusyon nito s bansa dahil natutugunan nito ang pangunahing pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng tubig, pagkain, elektrisidad, at pangangailangan sa kalusugan.
KONTRUKSYON Ayon sa isang artikulo, naging 46% ang bahagi ng konstruksyon sa bansang Pilipinas dahil sa pagdami ng mga malalaking gusali, planta at pabrika. Malaking tulong ito para sa mga mamamayan na ngangailangan ng trabaho. Tulong din ito sa ekonomiya ng bansa anupat darami ang magtatrabaho sa loob mismo ng bansa at hindi na kailangan ng mga Pilipino na dumayo pa sa kabilang mga bansa para lamang makahanap ng pagkakabuhayan. Nasusukat na ngayon ang estado ng bansa sa pamamagitan ng dami ng mga gusali o konstruksyon. Kung patuloy na darami ito ay tiyak na uunlad ang bansa natin sa sektor ng industriya.
PAGMIMINA Bagaman marami tayong makukuha na yamang-mineral sa mga kabundukan at kagubatan sa bansa, napakalaki pa rin ng pinsala nito sa ating kalikasan. Maaaring isa ito sa mga dahilan kung bakit umuunlad ang ating bansang Pilipinas ngunit dumarami ang kalamidad katulad ng landslide na maaaring ikapahamak ng taong bayan. Maituturing na ilegal ang gawaing pagmimina dahil buhay ng tao at kalikasan ang sangkot dito.
Ang apat na sektor ng industriya na ito ay malaki ang maitutulong upang mapaunlad ang ating bansang Pilipinas. May kaniya-kaniya itong tungkulin at paraan ngunit ang lahat ng ito ay tungo sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Sinasabing ang kaunlarang pang-ekonomiya ay nasasalamin sa paglawak at pag-unlad ng kakayahan ng mga kasapi sa lipunan na lumilikha ng iba’t ibang kalakal at paglilingkod na tumutugon sa pangangailangan ng tao. Ang pagdami ng kalakal at paglilingkod sa lipunan ay hudyat na ang mga tao ay makalilikha ng produktong hindi lamang para sa pangkasalukuyang gamit bagkus ay para na rin sa hinaharap.
Kaalinsabay ng kaunlarang pang-ekonomiya ay ang karagdagang pangangailangan para sa mga taong bumubuo sa sektor ng paglilingkod. Ito ang sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. Ito rin ang sektor na umaalalay sa buong yugto ng produksiyon, distribusyon, kalakalan, at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa. Kilala rin ito bilang tersarya o ikatlong sektor ng ekonomiya matapos ang agrikultura at industriya. Sa ekonomiya ng isang bansa, hindi lamang mga produkto tulad ng mga damit, kasangkapan, gamot, at pagkain ang pinagkakagastusan at kinokonsumo ng mga mamamayan. May mga pangangangailangan din sila bukod sa mga produktong agrikultural at industriyal. Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng sub-sektor sa pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga paglilingkod na pampamayanan, panlipunan, at personal. Ang mga sektor na nabanggit ay may mahalagang papel sa kabuuang ekonomiya ng bansa. Importante ang sektor ng kalakalan ng pagtitingi (retail) at pamamakyaw (wholesale) upang tiyaking makarating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa sakahan o pagawaan. Malaki rin ang naiaambag ng sektor ng paglilingkod sa GDP ng Pilipinas. Kapansin-pansin din ang patuloy na pagtaas ng porsiyento ng paglago ng sektor ng paglilingkod sa Pilipinas na nagkaroon lamang ng bahagyang pagbaba noong 2001.
Isa sa mga kilalang nakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang paglakas ng business process outsourcing lalo na ang call center companies na nagkakaloob ng trabaho sa maraming Pilipino. Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto. Ang pormal na industriyang bumubuo sumusunod: • • • • • •
sa sektor ng paglilingkod ay ang
Transportasyon,komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega. Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod. Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa. Paupahang bahayat Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium. Paglilingkod ngPampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito. Paglilingkod ngPampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Sa mga nakalipas na kasaysayan ng tao sa mundo, ipinapakita rito ang malaking pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga lipunan mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa kapaligiran at ekonomiyang agrikultural patungo sa ekonomiyang industriyal. Dahil sa pagbabagong ito, lumawak ang pangangailangan at kagustuhan ng tao para sa paglilingkod. Ang pagkakaroon ng espesyalisasyon sa paggawa sa iba’t ibang larangan ang nagturo ng landas para sa efficient na paraan ng pagbibigay ng paglilingkod sa mga tao. Sa tila napakabilis na takbo ng panahon, kailangang umagapay ang tao sa pagbabago sa kanyang kapaligiran. Maraming gawain ang mga tao ang hindi nila matugunan sa sarili lamang kaya’t malaking tulong ang paghahatid ng iba’t ibang paglilingkod mula sa iba.
Isa sa mga kilalang nakatutulong sa ekonomiya ngayon ay ang paglakas ng business process outsourcing lalo na ang call center companies na nagkakaloob ng trabaho sa maraming Pilipino. Sa pangkalahatan, ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng paglilingkod sa halip na bumuo ng produkto. Ang pormal na industriyang bumubuo sumusunod: • • • • • •
sa sektor ng paglilingkod ay ang
Transportasyon,komunikasyon, at mga Imbakan – binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega. Kalakalan – mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t-ibang produkto at paglilingkod. Pananalapi – kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ng iba’t ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa. Paupahang bahayat Real Estate– mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium. Paglilingkod ngPampribado – lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor ay kabilang dito. Paglilingkod ngPampubliko – lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Sa mga nakalipas na kasaysayan ng tao sa mundo, ipinapakita rito ang malaking pagbabago sa paraan ng pamumuhay ng mga lipunan mula sa pangangaso at pangangalap ng pagkain sa kapaligiran at ekonomiyang agrikultural patungo sa ekonomiyang industriyal. Dahil sa pagbabagong ito, lumawak ang pangangailangan at kagustuhan ng tao para sa paglilingkod. Ang pagkakaroon ng espesyalisasyon sa paggawa sa iba’t ibang larangan ang nagturo ng landas para sa efficient na paraan ng pagbibigay ng paglilingkod sa mga tao. Sa tila napakabilis na takbo ng panahon, kailangang umagapay ang tao sa pagbabago sa kanyang kapaligiran. Maraming gawain ang mga tao ang hindi nila matugunan sa sarili lamang kaya’t malaking tulong ang paghahatid ng iba’t ibang paglilingkod mula sa iba.
Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa mga ekonomiyang di pormal o mga negosyo, gawain, at serbisyo na hindi nakarehistro sa pamahalaan at walang buwis na binabayaran.
Ang mga halimbawa sa sektor na ito ay ang sumusunod: side-walk vendors paglalako ng kahit anong produkto o bilihin (gaya ng isda, bulaklak, snacks, at iba pa) sari-sari store at karenderya Kabilang din dito ang mga sumusunod: underground business human trafficking ilegal na droga illegal na pagsusugal (Jai-alai, mah-jong, mga karera ng sasakyan, domino, sabong, at iba pa) Ang impormal na sektor ay binubuo ng mga independent at maliliit na negosyante na gumagawa at naglalako ng produkto at serbisyo. Karaniwang walang social protection ang mga informal workers, at marami sa kanila, ay nasa mga bulnerableng uri ng trabaho. Base sa 2008 Informal Sector Survey ng NSO, nasa 10.5 milyon ang informal sector operators. Two-thirds ng sektor ay lalake at 75% naman naman ng mga informal sector workers ay edad 35 pataas. Lumabas naman sa 2013 Labor Force Survey ng NSO, 16.088 million na ang informal sector workers, o 42.53% ng working population ng bansa. Hindi rin matatawaran ang pagiging produktibo ng sektor na ito dahil mga 45% ng ating GDP ay nagmumula sa informal sector. Ang sektor na ito ang nagiging takbuhan din ng marami nating mga kababayan na walang trabaho. Sa laki ng tulong na inaalay ng sektor, paano ba natin ito mapangangalagaan? Kapanalig, ang mga informal businesses ay maliit lamang, at syempre maliit din ang kita. Kaya nga’t marami pa rin sa informal sector workers ang nasa ilalim ng poverty line. Marami sa kanila, nairaraos lamang ang pang-araw araw na pangangailangan. Isa pang isyu na kanilang hinaharap ay ang mababang membership ng mga workers sa mga social insurance systems. Maliit lamang kasi ang kita, kaya mahirap na mabawasan pa ito. Kaya pag nagkasakit, hindi sila makakakuha ng mga benepisyo gaya ng karaniwang empleyado. Marami rin sa mga informal sector workers ang hindi pwedeng lumiban ng kahit isang araw sa trabaho. Kumbaga, no work no pay. Ang isang araw na kawalan ng kita ay isang araw din ng
gutom. Dahil dito, limitado rin ang options nila o pagkakataon para sa paglilinang ng kasanayan na maaring tumulong sa pagsulong ng kanilang enterprises. Isa sa pangunahing paraan upang mapangalagaan ang sektor ay pag-o-organisa. Dumami man ang mga organisasyon ng mga informal sector workers, maliit pa rin ito kumpara sa dami ng kanilang kabuuang bilang. Isa pang paraan ay ang pagpapalawig ng reach o sakop ng social protection sa kanilang hanay. Ito kasi ang makakapagbigay sa kanila ng safety nets sakaling may mga hindi inaasahang pangyayari na makaka-apekto sa kanilang negosyo. Ang access to finance din ay isang mahalagang tulong upang masustain o mapalago ng mga informal sector operators at workers ang kanilang kabuhayan. Ang mga kataga ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium ay maaring pagnilayan ng ating kasalukuyang pamahalaan, at lalo na ng darating na bagong liderato upang mas maayos nilang maharap ang mga isyu ng sektor. Payo ng ating mahal na Papa, humingi tayo ng inspirasyon mula sa Diyos upang mapabuti ang kapakanan ng lahat: “It is vital that government leaders and financial leaders take heed and broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified work, education and healthcare. Why not turn to God and ask him to inspire their plans? I am firmly convinced that openness to the transcendent can bring about a new political and economic mindset which would help to break down the wall of separation between the economy and the common good of society.