Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas

  • Uploaded by: Bert M Drona
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Ang Sistema Ng Edukasyon Sa Pilipinas as PDF for free.

More details

  • Words: 3,062
  • Pages: 6
ANG SISTEMA NG EDUKASYON SA PILIPINAS Ang artikulo na ito ay tungkol sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas – isang talumpati ng awtor para sa Southern Luzon Education Conference sa Los Baños, Laguna noong nakaraang Enero 29. Ang kumperensya ay inisponsor ng Anak ng Bayan party list at ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Southern Luzon. NI DR. EDBERTO M. VILLEGAS Bulatlat.com Ang sistemang edukasyon ng Pilipinas ay gingagamit lamang bilang instrumento ng estado sa paghubog ng kamalayan at kakayahan ng mga kabataang Pilipino upang sila ay manilbihan para sa iilang naghaharing uri sa ating lipunan at palaganapin ang mga kaugalian at pamaraan ng pamumuhay ng mga uring ito. Ang namamayaning uri sa Pilipinas, ang komprador na burgesya at panginoong may-lupa ay pangunahing tinatangkilik ang interes ng kanilang padrono, ang imperyalistang Estados Unidos. Sa kontekstong ito natin mauunawan lamang ang kalikasan ng edukasyon na pinapairal ng gobyerno sa ating lipunan. Ang Edukasyon ay Instrumento ng Uri na Hawak ang Estado Dahil ang edukasyon ay isa lamang instrumento ng ating estado na kontrolado ng imperyalistang EU at dahil ang pinakamahalagang instrumento ng pananatili ng kasalukuyang sistema ay ang paggamit ng dahas laban sa lumalaking rebelyon sa kanayunan, ang edukasyon ay binibigyan ng mas maliit na prayoridad sa badyet ng gobyerno kung ikukumpara sa militar. Ngunit, higit sa lahat, ang nangunguna sa badyet ng gobyerno ay ang pagbayad nito ng utang panlabas sa mga dahuyang institusyon, kagaya ng IMF-WB at sa mga bangko ng imperyalismong EU at kanyang mga kapitalistang kaalyado. Habang tumatakbo ang panahon, bumababa ang paglaan ng badyet sa edukasyon, samantalang ang pagbayad naman sa utang panlabas at pondo para sa militar ay tumataas. May batas na ginawa pa noong panahon ni Marcos, ang PD 1177, na naglalaan ng prayoridad sa pagbayad sa utang panlabas ng Pilipinas na kasalukuyan ay umaabot na ng 58 bilyong dolyar (may balak pa ang rehimen ni Macapagal Arroyo na umutang ng panibago sa halaga ng $500 milyun ). Halimbawa sa ginawang badyet sa taong 2004, sa kabuuang P861 bilyong, P271.5 bilyon o 31.4% ang nireserba sa pambayad ng utang ng Pilipinas. Taon-taon lumalaki ang tinatakdang pambayad ng utang panlabas ng Pilipinas; sa taong 2003 ito ay lumubo ng dagdag pa ng P58 bilyon. Hambingin naman ang badyet para sa militar na tumaas mula sa P42.5 bilyun noong 2003 tungo sa P45 bilyun sa 2004 laban sa badyet sa lahat ng state colleges at universities (SCUs) na P15.68 bilyun lamang para sa taong 2004. Para sa PNP naman ang badyet sa taong 2004 ay P33 bilyun. Kaya daw tinataasan ang badyet sa pagamit ng dahas ay para kalabanin ang mga “terorista” sa Pilpinas sa sugo ni Uncle Sam. Sa kabuuan, ang porsiyento ng badyet ng Department of Defense sa 2004 ay 5.21%, kalusugan (1.5%), pabahay (0.3%) at edukasyon (kasama na ang para sa elementarya at sekundaryang baytang, kung saan mayroon tayong milyun-milyong estudyante ) ay 15.4%. (Mula sa Badyet ng Pamahalaan para sa Taong 2004 at manipesto ng Anak Bayan Youth Party at iba pa, Dec. 10, 2003) Ang Kalunos-lunos na Kalagayan ng mga Estudyante at Gurong Pilipino

Dahil sa palagay ng imperyalismo EU sa kanyang direktang pagsusuperbisa sa sistemang eduskasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng WB na ang mga paaralan ng estado ay mahigpit na hawak na niya, bale wala dito ang kapakanan ng mga estudyante at mga gurong Pilipino. Ganito din ang paninindigan ng estado ng Pilipinas hinggil sa katayuan ng mga mag-aaral at guro ng bayan. Ang interes lamang ng estado sa edukasyon sa Pilipinas ay gumawa ng mga kurikulum na palalaganapin ang tubo ng mga imperyalistang TNC at kanyang mga kakamping Pilipino. Kaya, bahala nang maghigpit ng sentoron ang mga guro at magsiksikan ang mga estudyante sa mga klasrom. Kalunos-lunos ang kalagayan ng mga estudyante at guro sa mga pambublikong paaralan. Batay mismo sa estadistika ng gobyerno, may kakulangan ng 49, 000 na klasrom at may 2,381, 943 na mga desks/armchairs sa ating mga paaralan. Ang ratio ng bilang ng libro sa mga estudyante ay 0.33 sa mga pampublikong paaralang pangelementarya at 0.6 sa hayskul. Kaya ang kalidad ng edukasyon ay pababa ng pababa. Halimbawa, sa 1999 Third International Math and Science Study, ang Pilipinas ay pumuesto ng 36th sa kabuuang 38 na bansang sumali. Nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong paaralang pambuliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. (Datos ng Alliance of Concerned Teachers) Kaya di kataka-taka libo-libong guro ang nabibiktima ng mga utangang 5-6 at nagsasyadline bilang mga tindera ng mga kendi, siopao, at iba pa sa kanilang mga paaralan. Ang Pakikialam ng Imperayalismong EU sa Programa at Kurikulum sa Edukasyon ng Pilipinas Mula pa noong panahon ni Marcos, ang WB ay nagdidikta na ng mga programa at kurikulum sa mga paaralan ng Pilipinas, tulad ng Philippine Commission to Survey Philippine Education (PCSPE) ni Marcos noong 1972, ang Education Act of 1982, ang Education Commission ni Cory Aquino, ang Education 2000 ni Ramos at ang Presidential Commission on Education Reforms (PCER) at Higher Education Modernization Act (HEMA, 1998) ni Estrada at ni Macapagal-Arroyo. Ang lahat ng mga programang ito ay naglalayun upang lumikha ng mga estudyanteng Pilipino na may mahusay na kakayahan na kailangan ng negosyo ng imperyalismo at mahubog ang kamalayan ng mga kabataan upang mahalin ang kultura ng imperyalismo. Pinagtitipid din ng IMF-WB ang gobyerno ng pondo na sana’y ilalaan para sa edukasyon upang makabayad ang huli ng kanyang utang panlabas. Nagaalala ang imperyalsimo na sa laki ng kasalukuyang depisito ng Pilipinas na umaabot na sa P220 bilyun na dulot din ng pagbayad sa utang panlabas at pangungurakot ng mga opisyal ng pamahalaan na baka mag-default ang Pilipinas sa pagbayad sa utang panlabas. Kaya sa PCER ni Estrada at Macapagal-Arroyo, tinutulak ng IMF na bigyan ng fiscal autonomy ang mga paaralan ng pamahalaan upang humanap ang mga ito ng mga paraang makakalap ng sariling pondo. Pinapairal din ang dahan-dahang pribatisasyong ng mga SCUs. Ang PCER ay lalong pinapalala ang komersyaslisasyon ng mga paraalang publiko dahil pinapayagan na ang mga paaralang ito lalo na ang mga SCUs na magtaas ng tuition at mag-tie-up sa bisnes. Bahagi din ng PCER ang paghintulot sa mga dayuhan na magtayo ng mga paaralan sa ating bansa. Ang Estratehiya ng Imperyalismo sa Pribatisasyon ng Edukasyon Ang pribatsisasyon ng edukasyon sa Pililpinas ay bahagi lamang ng pandaigdiganng estratehiya ng WTO at WB upang papasukin ang mga TNCs sa Information Technology (mga computer company) sa larangan ng edukasyon pampubliko. Tinuturing ng WTO, isang institusyong hawak ng mga kapitalistang korporasyon, na ang larangan ng edukasyon ay isang mayamang mina na hindi pa

nabubungkal para pagtubuan kagaya na ibang larangan sa serbisyo na matagal nang ginagatasan ng mga TNCs, halimbawa sa pangbabangko at mga restoran at fast food. Sa pinapairal na General Agreement on Trade and Services (GATS) ng WTO ay kasama ang serbisyong edukasyon sa mga serbisyo na tinatarget ng mga TNCs. Ang isang nangungunang lobbyist sa mga pulong ng WTO tungkol sa GATS na inumpisahan noong Pebrero 2000 sa Geneva ay ang tinatawag na Global Allance for Transnational Education na pinapamunuan ni Gleen R. Jones, CEO ng virtual university Jones International Inc. Nais ng WTO na gawing market-based ang education sa kolehiyo at alisin ang mga state-funding. Ang prinsipyong free universal education na nakasaad sa Article 13 ng UN International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights ay binabangga ng GATS at World Bank. Ang WB ay nagtatag din ng Alliance for Global Learning na nagiispesialize sa tinatawag na e-learning na ginagamit ang computer. Ang Alliance na ito ay pinoponduhan ang mga IT rooms, nagsasanay ng mga guro at umuugnay sa mga gobyerno ng mga bansa upang gumawa ng mga intervention program. Ang mga isponsor ng mga ganitong programa ay mga malalaking bangko tulad ng JP Morgan at Goldman Sachs, ang consultancy firm Ernst & Young at mga TNCs sa IT kagaya ng Sun Microsystem at 3 Com. Nakikita kasi ng mga TNCs lalo na yung mga nasa IT na ang edukasyon sa daigdig, sa partikular sa kolehiyo at sa adult education, ay isang malaking bagong industriya na maaaring pasukin. Ang kabuuang gastos sa edukasyon sa daigdig ay 2 trilyon dolyar o 1/20th ng GDP ng mundo. Sabi nga ni Gleen R. Jones: “Education is one of the fastestgrowing of all markets. Private training and the adult education industry are expected to achieve double-digit growth throughout the next decade.” (Internet) Ngunit, ang pandaigdigan estratehiya ng imperyalismo, sa partikular ng EU, na sa kasalukuyan ay nababalot sa krisis ng sobrang-produksyon, na pagtubuan pati ang larangan ng edukasyon ay maghigpit na tinutulan ng mga estudyante at mga guro sa Europa sa pamumuno ng National Union of Students in Europe (ESIB) at ng mga guro sa kanilang organisasyon, ang European University Association (EUA). Ang Millennium Curriculum o Curriculum 2002 ng Departement of Education Sa paggawa ng kurikulum para sa mga paaralan ng Pilipinas, ang imperyalismo ay aktibong nanghihimasok, mula pa noong pagpondo ng WB sa panahon ng martial law sa pagsulat ng mga textbook na tinatangkilik ang pagsisilbi ng mga kabataang Pilipino para sa negosyo ng mga kapitalista (ang programang EDPITAF) hanggang sa kasalukuyan sa pagpapairal ng tinatawag ng DepEd na Millennium Curriculum o ang Curriculum 2002 para sa elementarya at sekondaryang baytang. Sa ilalim ng Millennium Curriculum, inaalis ang mga asignatura na may kaugnayan sa pagtuturo ng kasaysayan at sibikong kamalayaan at iba pang panlipunang pagaaral, at pinagsama-sama ang mga ito sa isa lamang asignatura na pinamagatang PAGSIKAP. Kinolaps ang mga asignatura sa limang “core areas” ang English, Filipino, Math, Science at Pag-Sikap. Pinahaba ang oras ng pagtuturo ng English at Math at ginawa muli ang English bilang midyum ng pagtuturo. Ang mga pagbabago na ito sa kurikulum para sa elementarya at haiskul mula Grade 1 to 10 ay batay sa isang pag-aaral na ginawa ng WB-ADB na pinamagatang “Philippine Education for the 21st Century: The 1998 Philippine Education Sector Study” o (PESS). Pinayo ng PESS ang “streamlining” ng Philippine education at pagkukulaps ng mga asignatura lalo na yung may kaugnayan sa pagbibigay ng panlipunang kamalayan sa mga estudyante. Ang pakay kasi ng WB at kanyang alalay na ADB ay upang makatipid ang Pililpinas sa badyet sa edukasyon, at siyempre upang makabayad ng utang panlabas. Kasabay din nito ang pagbuwag sa mga asignatura na di kailangan ng bisnis ng imperyalismo at natuturuan pa ang mga kabataan na magkaroon ng kamalayang panlipunan at kritikal na pagiisip. Sa bagong kurikulum, nanganganib ang kabuhayan ng maraming guro na matatanggal dahil ang kanilang mga asignatura ay di na kailangan, sa partikular yung mga nagtuturo

ng panlipunang aralin. Ngunit ang papel ng ating mga paaralan bilang mga tagalikha ng mga gradweyt ng mahusay sa kakayahan na kailangan ng negosyo ng mga malalaking korporasyon, kagaya ng mga call center, tiga-silbi sa fast food, salesman, mekaniko at iba pa, ay nagreresulta sa sobrang lakas paggawa sa ating lipunan. Dumarami ang bilang ng mga taong di-makahanap ng trabaho na mga bagong gradwado taon-taon sapagkat lumalaki ang sobrang pwersa sa gawa, na nadadagdagan ng mga 750,000 katao bawat taon. Sa kasalukuyan, ang bilang ng walang trabaho sa ating lipunan ay 13% ng kabuuang lakas paggawa ng bayan (ayun mismo sa estadistika ng gobyerno), pinakamataas sa buong Asya. Ayun din sa PESS: “The daunting medium-term challenge for Philippine education, therefore, is how to preserve the quantitative gains of the past, improve equity and raise quality – and to achieve all of these objectives during a period of limited or zero growth in the public budgetary allocation to education as a whole.” (PESS, p. 11, italics dinagdag) Ang ibig sabihin ng WB-ADB ay paano mapapairal ng gobyerno ng Pilipinas ang mahusay na pagtutupad nito sa pagalaga sa interes ng imperyalismo sa harap ng pagtitipid sa edukasyon. Ang sagot – ikulaps ang mga asignatura at tanggalin ang mga guro na di kailangan ng bisnes ng mga TNCs. Batay sa ganitong layunin ang PESS ay nagsaad: “Given lower-cost labor in the People’s Republic of China and some other Asian countries, and rising labor costs at home reinforced by minimum wage regulations, the Philippines’ future comparative advantage lies not in unskilled-labor production, but rather in low-end ‘high-tech’ areas, such as electronics manufacturing and tourist services, requiring at least a secondary school education of reasonable quality.”(PESS, p.1) Ipinapairal ng PESS ang teorya ng mga kapitalista na ang edukasyon ng isang bayan ay iaayun sa “comparative advantage” nito sa mga kapitalistang bansa sa harap ng kumpitesyon ng ibang bansa sa Pangatlong Daigdig. Kaya, kailangang gamitin ang Curriculum 2002 upang makahubog ng mga manggagawa na semi-skilled at huwag na ng mga unskilled dahil marami na nito ang ibang bansa kagaya ng Tsina. Ang mga semiskilled na manggagawa ay kailangan sa sektor ng serbisyo at marunong ng Inggles. Ang Revised General Education ng Unibersidad ng Pilipinas (RGEP) Gusto kong talakayin sa puntong ito ang pagbabago ng kurikulum sa aking paaralan, ang Unibersidad ng Pilipinas, ang tinatawag na Revised General Education Program (RGEP). Sa ilalim ng RGEP ay di na kinakilangan kunin ng lahat ng mga estudyante sa UP ang mga asignatura tulad ng History 1 (History of the Philippines) at Social Science II (Social and Political Thought). Pinapaubaya sa mga estudyante sa partikular sa mga freshmen at sophomore ang pagpili kung anong asignatura sa GE ang kanilang pag-aaralan. Siyempre, dahil ang mga estudyante natin ay produkto ng isang sistema sa hayskul at elementarya (kasama dito ang mga pribadong paaralan), kung saan ang pinapalaganap ay kultura ng kapitalismo, ang idibidualismo at liberalismo na nakabatay sa pansariling interes, ang malamang kunin ng mga estudyante sa ilalim ng RGEP ay mga asignaturang pagkakakitaan (kagaya ng mga computer course) o di kaya madaling ipasa. Ang dating GE program ng UP na kinakailangang kunin ang mga asignatura na nagpupukaw ng kamalayang nasyonalismo (History I) at nagtatalakay sa iba’t-ibang teoryang panlipunan ay nahubog sa panahon na umigting ang nasyonalismo sa UP lalo na noong First Quarter Storm. Ang dating GE na napanalunan ng mga estudyante at guro sa mahabang pakikibaka upang gawing relebante ang edukasyon sa UP ay binuwag na noong nakaraang taon (2003). Ang hangad namang ipribatize ang UP sa impluwensa ng WT0 at WB ay nakalahad sa mga panukulang batas na House Bill 455 at Senate Bill 2587 na nakahain ngayon sa Kongreso at mahigpit na tinututulan ng mga estudyante at guro ng aking pamantasan. Noong nakaraang Oktubre,

nabugbog ng mga pulis at militar at naaresto ang mga estudyante at guro ng UP na nagrali laban sa dalawang panukalang batas na ito sa harap ng Senado. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating sistemang edukasyon na walang kasarinlan at ginagamit lamang ng pamahalaan upang paunlarin ang interes ng mga nagsasamantalang uri, ang tunay na emansipasyon ng mga kabataan sa mga ideya at ugali na nilalako ng mga dayuhang impersyalista ay di kailan mangyayari. Ang mga ideya at kakayahan na binibigyang-diin sa ating mga paaralan sa loob ng sistemang ito ay lalong pinapaigting ang mala-kolonyal na katangian ng ating lipunan. Halimbawa, ang mga teoryang nilalako ng mga asignatura sa economics sa ating mga paaralan tungkol sa supply at demand analysis na nakabatay sa assumption “that all other things held constant” o ang pananaw ng “ceteris paribus,” na siyang batayan ng Macroeconomics at Miccroeconomics ng mga neo-classical economists, ay isang ideyalistang pamaaraan ng pagaanalisa ng ekonomiya na pabor sa interes ng mga mayayaman, lalo na ng mga TNC. Marami pang ganitong mga maling ideya na ikinakalat ng mga bayarang teorista ng mga kapitalista sa ating mga paaralan, kagaya ng “relative autonomy of the state,” kung saan nakuha ni Macapagal-Arroyo ang ideya niyang “strong republic,” ang mga ideya ng postmodernismo na iniinganyo ang mga tao na asikasuhin na lamang ang kanilang sariling kalayaan at huwag sumali sa anumang organisasyon, at iba pa pang teorya.. Ang mga ideyang ito ay pinapalagnap ng mga direktang bayaran ng mga imeperyalista na mga gurong Pilipino, lalo na sa School of Economics at Political Science Departments ng UP, o ng mga guro na walang kamuang-muang na ang tinuturo pala nilang teorya ay ang mga pabor sa mayayaman dahil wala naman silang natutunan sa ating paaralan kundi ang mga teoyrang ito. Ang Pangangailangan ng Isang Rebolusyong Kultural Upang tunay na palayain ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga maling kamalayan na pinapalaganap ng mga kapitalista, nararapat pukawin muli ang diwa ng nasyonalismo sa ating mga kabataan. Kailangan palaganapin ang maka-masa at siyentipikong pamamaraan ng pagaaral ng ating kasaysayan at lipunan at itakwil ang mga teorya na nagpapanggap na siyentipiko na kinakalat ng mga kapitalista kagaya ng ideyalistang pananaw na “ceteris paribus” sa economics. Nararapat labanan din ng mga mulat na kabataan ang mga bahid ng pyudalismo sa ating kultura, ang mga pamahiin at iba pang atrasadong ideya na pinapalaganap ng mga relihiyon kung saan ang mga lider nito ay kakampi din ng mga nagsasamantalang uri na nais kontrolin ang masang Pilipino. Maaring gawan ang isang rebolusyon kultura kung saan ang mga kabataan ay magiging pangunahin at aktibong lalahok sa loob at labas ng mga paaralan. Nangangaliangang makilahok ang mga kabataang na sinasandatahan ng magpalayang teorya ng dyalektikal at istorikal materyalismo sa mga lugar kung saan naroroon ang batayang masa ng Pililpinas, sa mga pagawaan at kanayunan. Ang katotohanan ng isang ideya ay nalalaman lamang sa praktika, kaya kailangan lumabas ang mga estudylante sa kanilang mga klasroom at makisalamuha sa mga organisasyon ng batayang uri, sa mga teach-in, fora, simpo, rali at live-in. Sa loob naman ng mga kampus, mahalagang hikayatin ang mga ibang estudyante na nagiging biktima ng mga maling ideya na sumali sa mga organisasyon na naglalayun makamit ang isang lipunang Pilipino na nakabatay sa adhikain ng nasyonalismo, na may maka-masa at kritikal na pagiisip. Maaari itong matupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng paghawak sa mga dyaryo ng mga progresibong estudyante o pagkuha sa mga liderato sa konseho ng mga estudyante. Ang rebolusyong kultural na ito ay maaaring maging bagong sigwa ng dekada na ito sa hanay ng mga aktibistang kabataan. Ang rebolusyong kultural ay mabisang kasangkapan upang mapabilis ang tagumpay ng kilusan ng mga mamayang

Pilipino upang makamtan ang isang may-kasarinlan at makatarugang lipunan. Ang kasalukuyang panahon ng ating bansa, kung saaan milyun-milyung mga Pilipino ay nawawalan na ng pagaasa sa umiiral na sistema, ay napakainam sa paglaganap ng rebolusyong kultural na ito na sasabay sa pakikibaka ng masa upang buwagin ang malakolonyal at mala-pyudal na istruktura ng ating lipunan at magtatag ng bagong sistema. Bulatlat.com

Related Documents


More Documents from "Isagani Datu-Aca Tabilog"