Mga Sektor Ng Ekonomiya - Agrikultura

  • Uploaded by: Ezekiel D. Rodriguez
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Mga Sektor Ng Ekonomiya - Agrikultura as PDF for free.

More details

  • Words: 512
  • Pages: 15
Mga Sektor ng Ekonomiya Sektor ng Agrikultura Aralin 26 P 302 - 309

SUMILAO FARMERS

Agrikultura • Isang agham na may direktang kaugnayan sa pagkatas ng mga hilaw na materyal mula sa likas na yaman. • Kabilang na gawain sa sektor na ito ang paghahayupan, paggugubat, at pagsasaka.

Hanapbuhay na kabilang sa sektor ng agrikultura: • Pagsasaka – gulayan, prutasan, niyogan, maisan, tubohan, palayan at iba pa. • Paghahayupan – babuyan, bakahan, at iba pa. • Pagmamanukan – manukan, patuhan, pugunan, at iba pa; at • Pangingisda – komersyal na pangingisda.

Kahalagahan ng sektor ng agrikultura • Nakapaghahatid ito ng dolyar sa pamamagitan ng mga produktong iniluluwas sa iba’t ibang panig ng daigdig. • Tinitiyak ng sektor ng agrikultura na may makakain ang mga Pilipino sa kanilang mga hapag.

Kahalagahan ng sektor ng agrikultura • Napapakinabangan ang malaking ektarya ng lupain sa bansa dahil sa paglinang ng mga magsasaka, manggagawang bukid, katiwala, at iba pa. • Nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa iba pang sektor ng ekonomiya tulad ng pagmamanupaktura at kalakalan.

Mga Suliranin sa Sektor na Agrikultura

Mataas na Gastusin sa Pagsasaka • Malaking hinaing ng mga magsasaka ang patuloy na pagtaas ng halaga ng gastusin sa pagtatanim. Kabilang dito ang renta sa lupa, abono, patubig, pestisidyo, renta sa mga kagamitan sa pagsasaka, sasakyan para sa transportasyon patungong pamilihan at iba pa.

Problema sa Imprastraktura • Kalunos-lunos din ang kalagayan ng mga imprastraktura sa sektor ng agrikultura sa maraming liblib na lugar sa Pilipinas. • Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan ng mga daan o FARM-TO-MARKET ROADS

Problema sa Kapital • Marami sa mga magsasaka ang napipilitang umasa sa sistema ng pautang. Bunga ng kawalan ng kapital sila ay nahihikayat lumapit sa mga taong nagpapautang. • Ang mga nagpapautang ay tinatawag ding LOAN SHARKS o 5/6 dahil nagpapautang sila ng pera na may malaking tubo.

Masamang Panahon • Banta sa sektor ng agrikultura ang matagal at mapaminsalang panahon ng tagtuyot at tag-ulan na sumasalanta sa bansa. • Ang El Nino, La Nina, at mga bagyong dumarating sa bansa ay mga halimbawa ng pabagu-bagong panahon na nakakaapekto sa sektor ng agrikultura.

Malawakang pagpapalitpalit-gamit ng lupa • Bunga ng mabilis na proseso ng urbanisasyon ng ilang bahagi ng bansa, kasabay ring lumalaganap ang programa ng pagpapalit-gamit ng lupa o lang use-conversion. • Ang lupang agrikultural ay ginagawang pook pasyalan, golf course, industrial complex, at residensyal.

Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal • Ang pagbukas ng Pilipinas sa kalakalang panlabas at ang pagsali nito sa pandaigdigang samahan tulad ng WTO ay may epekto rin sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura. • Ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto ay nagbunsod ng pagbabago sa panlasa ng mga Pilipino.

Maliit na Pondong Laan para sa Pananaliksik at Makabagong Teknolohiya • Sa pagsusuri ng ekonomiya ng Pilipinas, ang sektor ng agrikultura ay natatangi dahil ang malaking bilang ng mga Pilipino ay dito nakasalalay ang kabuhayan.

Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa • Pangarap ng bawat magsasaka na magkaroon ng sariling lupa. • Karamihan ng mga pag-aalsang naganap sa bansa ay may kinalaman sa tunggalian sa pagmamay-ari ng lupa.

Related Documents


More Documents from "Ralph Waldo Sales Taylan"

The Impact Of Internet
October 2019 122
Fact Or Opinion
October 2019 65
Noun Poem
December 2019 73
Subjunctive Mood
December 2019 59