Ang T op og r apiya ng Pil ipLupa ina s Anyong Anyong Tubig Epekto ng Topograpiya sa pambansang kaunlaran
Topograpiya ng Pilipinas • Ang Pilipinas ay isang arkipelago at binubuo ng 7 107 hiwa-hiwalay na malalaki at maliliit na pulo. • 3 pangunahing pulo: -Luzon: 104 689.80 kilometro kuwadrado; -Visayas: 57 201.92 kilometro kuwadrado; -Mindanao: 94 630.10 kilometro kuwadrado
Topograpiya ng Pilipinas • 92% ng kabuuang Luzon sukat ng lupa ng bansa ay nasasakop Mindanao ng labing-isang Samar pangunahing pulo. Negros
Mindoro Leyte Cebu Bohol
Palawan
Masbate
Panay
Sulu Group
Topograpiya ng Pilipinas • Ang Pilipinas ay may baku-bakong lupa at paliku-likong baybayin na may kabuuang sukat na 36 289 kilometro. • May pinakamahabang di-tuluy-tuloy na baybayin sa buong daigdig na magagamit sa sistema ng transportasyon at nakatutulong sa pambansang kaunlaran kung magagamit ng wasto.
Mga Anyong Lupa • Bulubundukin mountainous • Hanay ng mga bundok
Bulubundukin ng Cordillera
Mga Anyong Lupa • Bulubundukin:
Sierra Madre- Mula sa Cape Engaño ng Cagayan, bumabagtas sa Isabela, Nueva Viscaya, Quirino, Nueva Ecija, Aurora hanggang Quezon.
Mga Anyong Lupa Bulubundukin Hanay ng bundok ng Zambales sa Cape Bolinao ng Pangasinan hanggang Tangway ng Bataan.
Mga Anyong Lupa • Bulubundukin Hanay ng bundok sa Mindanao sa tangway ng Zamboanga, Misamis occ., at sa pagitan ng Davao at Agusan
Mga Anyong Lupa • Bundok o Mountain • Mataas na anyong lupa • Mas mataas kaysa burol • Pabilog o patulis ang taluktok nito.
Bundok Apo – pinakamataas na bundok sa Pilipinas sa taas na 2 954 metro.
Mga Anyong Lupa • Bundok
Pinakamataas sa buong Luzon na may taas na humigit-kumulang 2930 metro.
Mga Anyong Lupa • Bundok May taas na humigitkumulang 2500 metro, ang pinakamataas sa buong kabisayaan.
Mga Anyong Lupa • Bulkan o Volcano • May anyo at hugis na tulad ng bundok ngunit maari itong sumabog anu mang oras. • Nagbubuga ng gas, apoy, asupre, kumukulong putik o Lava, abo, at bato. • Maaring aktibo kung nagpapakita ng pagbuga ng usok at paglindol; • Maaring di-aktibo kung walang nakatalang pagputok sa loob ng mahabang panahon. • Ang Pilipinas ay nasa Sona ng Ring of Fire sa Pasipiko dahil dito makikita ang ¾ ng mga aktibong bulkan sa buong mundo. • Tinatayang may 200 bulkan sa bansa at 22 sa mga ito ay aktibo.
Mga Anyong Lupa • Bulkan
Bundok Kanlaon, Negros Oriental
Mga Anyong Lupa • Bulkan Mayon (Bicol)
Mga Anyong Lupa • Bulkan Taal (Batangas)
Mga Anyong Lupa • Bulkang Pinatubo (Zambales)
Mga Anyong Lupa
Zambales Bataan Bulacan
• Kapatagan o Plains • Malawak na lupaing patag na maaring sakahan at taniman. • Tinatawag ang gitnang Luzon ng Kamalig ng Palay ng Pilipinas dahil ito ang pinakamalawak ng kapatagan ng bansa kung saan nagmumula ang malaking produksyon ng palay sa bansa.
Tarlac Pampanga Panay Cotabato Pangasinan Leyte Bicol Misamis Occ.
Mga Anyong Lupa • Lambak o valley • Isang mahaba at mababang anyong lupa. • Nasa pagitan ng bundok at burol at karaniwang may ilog o sapa dito. • Lambak ng Cagayan ang Pinakamalaking lambak sa bansa
Mga Anyong Lupa • Lambak ng La Trinidad ay tinaguriang Salad Bowl ng Pilipinas
Dito nagmumula ang malaking bahagi ng mga sariwang gulay sa pamilihan.
Mga Anyong Lupa
Lambak ng Agusan Lambak ng Aklan
Mga Anyong Lupa • Burol o Hill ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa kaysa sa bundok
Chocolate Hills (Bohol)
Mga Anyong Tubig • Karagatan o ocean ang tawag sa pinakamalaking anyong tubig.malalaking barko ang naglalayag dito
Mga Anyong Tubig • Dagat o Sea ay malaking katawang tubig na maalat at higit na maliit sa karagatan.
Sulu Sea
Dagat ng Sibuyan
Mga Anyong Tubig • Lawa o lake • Anyong tubig na napaliligiran ng lupa. • May 59 na lawa sa Pilipinas • Laguna, Lanao, Taal, Mainit, Naujan, at Buluan ang anim na may pinakamalaking lawa sa bansa.
Taal Lake
Naujan Lake
Mga Anyong Tubig • Ilog o River • Mahaba ngunit makipot na anyong tubig na napapaligiran ng lupa. • Ang tubig nito ay umaagos patungong dagat. • May 132 ilog sa bansa
Ang ilog ng Cagayan na may sukat na 253 kilometro, ang pinakamahaba at pinakamalaki sa Pilipinas.
Mga Anyong Tubig • Ilog ng Rio Grande de Mindanao, ang ikalawa sa pinakamahabang ilog na dumadaloy sa gitna ng lambak ng Agusan.
Mga Anyong Tubig • Talon o Falls • Isang anyong tubig na bumabagsak mula sa mataas na lugar o dalisdis • Pinagkukunan ng lakashydro ang talon ng Maria Cristina (Lanao del Norte) at Botocan (Laguna) at nagtutustos ng elektrisidad.
Mga Anyong Tubig
Limunsudan (Lanao del Norte)
Pagsanjan (Laguna)
Mga Anyong Tubig • Golpo o Gulf • Bahagi ng karagatan at karaniwang nasa bukana ng dagat. • Ang Golpo ng Moro ang pinakamalaki sa Pilipinas
Mga Anyong Tubig • Golpo ng Lingayen Iba pang golpo sa Pilipinas ang Golpo ng Albay, Golpo Leyte, Davao, at Golpo ng Panay.
Mga Anyong Tubig • • •
•
Look o Bay Bahagi ng dagat na papasok sa baybayin. Ang look ng Maynila ang itinuturing na pinakamainam na likas na daungan sa Dulong Silangan. Iba pang Look ang Subic (Zambales), Lamon at Tayabas (Quezon), Mamburao (Occ. Mindoro), Ormoc at Carigara (Leyte), at look ng Sarangani sa Katimugang Cotabato.
Manila Bay (Manila)
Mga Anyong Tubig • Kipot – makitid na daanang-tubig (Kipot ng San Juanico sa Visayas); • Tsanel- anyong tubig na gawa ng tao (Balintang at Babuyan sa Batanes); • Bukal – tubig na mula sa ilalim ng lupa (mga bukal sa Albay at Los Baños, Laguna;
Epekto ng Topograpiya sa Pambansang Kaunlaran
Ang pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino ay pagsasaka, pangingisda, at pagmimina. May mga industriyang pantahanan ang gumagamit ng hilaw na sangkap mula sa mga anyong lupa at anyong tubig. Ang mga kapatagan at lambak ay mainam na taniman ng palay, mais, tubo, niyog, tabako, gulay, abaka, kape, kakaw, mga pampalasa, at mga pagkaing-ugat.
Epekto ng Topograpiya sa Pambansang Kaunlaran
Ang mga burol at talampas ay natataniman ng mga punong namumunga. Ilan lamang ang saging, mangga, papaya, citrus, pinya, lansones sa mga prutas na inaani sa bansa at nailuluwas pa sa ibang bansa. Ang kabundukan ay napagkukunan ng yamang-gubat na maaring iangkat sa ibang bansa. Mayaman din ito sa metaliko (Alahas) at di-metalikong mineral (Konstruksyon).
Epekto ng Topograpiya sa Pambansang Kaunlaran
Napapangalagaan ng kabungukan ang maraming bahagi ng bansa laban sa malalakas na bagyo, hangin, at ulan. Ang mga bulkan ay napagkukunan ng lakas geothermal na gamit sa planta ng kuryente. Mataba ang lupain sa tabi ng bulkan at mainam taniman.
Epekto ng Topograpiya sa Pambansang Kaunlaran
Ang mga anyong tubig gaya ng dagat, lawa, at ilog ay napagkukunan ng mga pagkaingdagat o isda, perlas, kabibe, at korales. Ang batis, sapa, at ilog ay tumutugon sa pang-araw-araw na pangangailangan sa tubig. Tulong sa sistema ng transportasyon
Epekto ng Topograpiya sa Pambansang Kaunlaran
Ang mga ilog para sa irigasyon ng bukirin Talon ang napagkukunan ng lakas hydro na kailangan sa pagtustos ng elektrisidad Umuunlad ang turismo dahil sa mga katangi-tanging anyong lupa at tubig ng Pilipinas.
Katangiang Pangheograpiya at Pagkakaisa
Ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo kaya hindi madali ang pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino sa isa’t-isa. Dahilan din kung bakit madaming ibang grupo sa bansa. Ang mahigit 150 diyalekto/wikain sa bansa ay patunay ng pagkakaiba ng mga Pilipino.