Reyvell D. Rogado Ms. Jenalyn J. Aman
Ang Lagay ba ay Kayo Lang?
Ako si Samuel, 1st year high school at iskolar na nag-aaral sa pribadong paaralan ng Masinop, Leyte. Halos dalawang oras at kalahati kong nilalakad ang aming paaralan mula sa bahay namin. Tinitipid ko kasi ang baon na binibigay sakin ni nanay. Pati pagkain sa eskwelahan ay di ko ginawa. Pumapasok akong mag-isa at umuuwi din mag-isa. Ang mga project na isinusulit ko ay karamihan yari sa buli at kawayan.
Sa gitna ng kabayanan ay mayroong isang malaking tindahan. Doon ko palagi nakikitang namimili ang mga kaeskwela ko. Isang hapon matapos ang klase ay sumunod ako sa kanila. Hindi ako lumalapit sa kanila at tipong tumitingin lamang din ng puedeng mabili habang sumusulyap sa kanila mga binibili. Hila nila ang isang malaking cart at may laman na malalaking pakete ng grocery.
Kinabukasan, matapos ang klase namin sa hapon ay masaya akong tumungo sa malaking tindahan sa bayan. Andoon din ang mga kaeskwela ko. Hila ko sa harap nila ang isang malaking cart na laman ang malalaking pakete ng grocery imbis na sachet-sachet lamang na kalimitan kong binibili.