China
A. HEOGRAPIKAL NA KATANGIAN NG BANSA Ang dagat ng Republika ng Bansang Tsina ay ang Tsina na nasa silangang bahagi ng kontinyente ng Asya at kanlurang pampang ng Dagat Pasipiko. Ang lawak ng lupain ay mga 9.6 na milyong kilometro kwadrado. Ang Tsina ay napapalibutan ng mga bansang Mongolia at Russia. Korea sa Hilagang Silangan, Taiwan at Hongkong sa Timog Silangan, Bhutan, Myanmar, Laos at Vietnam sa Timog, Kazakstan at Kyrgyztan sa Hilagang Kanluran at India, Nepal at Pakistan sa Timog Kanluran. Ito ay may lawak na 9,560, 900 km 2. Ito ang ikaapat na pinakamalaking bansa (pagkatapos ng Russia, Canada at US). Ang klimang nararanasan sa bansa ay iba-iba, mula sa tropikal na nararanasan sa Timog, Sub-arctic sa Hilaga at Alpine sa matataas na lugar sa Tibetan. Ang Tsina ang pinakamataong bansa sa buong mundo na may higit na 1,415,045,928 (2018) populasyon. Ang haba ng hangganan ng lupain ay mga 22.8 libong kilometro. Ang border sa silangang bahagi ng Tsina ay kalapit ng Russia; hilagang kanluran ay kalapit ng Kazakhstan, Kyrgyztan, Tajikistan; Ang kanlurang bahagi at Timog Kanlurang bahagi ay malapit sa Afghanistan, Pakistan, India, Nepal, Bhutan, Myanmar, Laos, Vietnam at iba pa. Ang silangang bahagi at timog silangang bahagi ay malapit sa Republika ng Korea, Japan, Pilipinas, Brunei, Malaysia, Indonesia. B. URI NG GOBYERNO Ang Gobyerno ng Republikang Tsina ay nahahati sa dalawa: Ang Komunistang Pangkat ng Tsina Page 1
Ang People's Liberation Army. Ang mga pangunahing bahagdan ng kapangyarihangestado ay ang Nasyonal na Kongresso ng Tao (NPC), ang Pangulo, at ang Sangguniang Pang-estado. Ang Apat na Lungsod na Tuwirang nasa Ilalim ng Pamahalaang Sentral
Beijing
Ito ang kabisera ng Republika ng Bansang Tsina, matatagpuan sa Hilagang Kanlurang bahagi ng North China Plain.
Sa panahon ng mga Dinastiyang Jin, Yuan, Ming, Qing hanggang sa unang panahon ng Republika ng Tsina, Beijing ang kabisera.
Noong 1928, naging lungsod ito.
Ang lawak ng buong lungsod ay 16.8 libong kilometrong kwadrado.
Ito rin ay sentrong pampulitika ng Tsina at sentrong kultural, siyentipiko, edukasyon at hub of communication.
Dito ay mayroon pang bantog na magagandang tanawin sa loob at labas ng bansa. Halimbawa ay ang Great Wall, Palasyong Imperyal, Tiantan Park, Ming Tombs, Summer Palace, Bundok ng Xiangshan at iba pa.
Page 2
Shanghai
Ito ay matatagpuan sa wawa ng Ilog Yangtze.
Noong Spring at Autumn Period, ito ay lugar ng Wu State.
Panahon ng Dinastiyang Song nang ito ay tinawag na Shanghai.
Noong 1927, ito ay naging lungsod.
Ang Shanghai ay isang lungsod na tuwirang nasa ilalim ng Pamahalaang Sentral.
Ang lawak ng buong lungsod ay 5800 kilometro kwadrado.
Ito ang unang malaking lungsod ng Tsina at isa ring metropolis sa daigdig.
Ang Shanghai ay isang pinakamalaking lungsod na industriyal, sentrong komersyal, sentrong pinansyal at baseng pansiyensiya at panteknolohiya.
Tianjin
Ito ay matatagpuan sa Hilagang Silangang bahagi ng North China Plain.
Taong 1928 nang ang Tianjin ay naging lungsod.
Ang lawak ng buong lungsod ay mahigit 11 libong kilometro kwadrado.
Ang Tianjin ay isang pinakamalaking lungsod na industriyal sa Hilagang Tsina at masaganang-masagana sa langis, natural gas at sea salt resource.
Ang Tianjin ay isang mahalagang sentrong komersyal at port city rin ng North China.
Page 3
Chongqing
Ito ay matatagpuan sa Silangang bahagi ng dakong Timog Kanluran at sa Upper reaches ng Ilog Yangtze.
Noong panahon ng Spring and Autumn Period at Warring States Period, ang Chongqing ay isang lugar ng Baguo (name of a prinicipality of the Zhou Dynasty).
Noong Dinastiyang Sui at Dinastiyang Tang, ang Chongqing ay kabilang sa Yu State..
Ang Chongqing ay isang komprehensibong lungsod na industriyal, ang mga tourist attraction ay may Three Gorges of the Yangtze, Piba Mountain at iba pa.
C. KASALUKUYANG NAMUMUNO Si Xi Jinping ay ipinanganak noong ika- 15 Hunyo 1953 at kasalukuyang Pangulo ng Republikang Bansang Tsina.
D. KABISERA: Beijing E. TAWAG SA MAMAMAYAN: Chinese F. OPISYAL NA WIKA: Mandarin G. RELIHIYON: Budismo, Taoism, Islam, Katolisismo Budismo- Ang Budismo ay pumasok sa Tsina noong unang siglo. Pagkatapos ng ika-4 siglo. Ito ay nagsimula nang magpalaganap at unti-unting naging isang relihiyon na may pinakamalaking impluwensya sa Tsina. Taoism – Nag-umpisa noong ika-2 siglo hanggang ngayon na may higit 1800 taon ng kasaysayan. Ang Taoism ay umangkin sa pagsamba sa kalikasan at pagsamba sa ninuno.
Page 4
Islam- Ito ay pumasok sa Tsina noong ika- 7 siglo, mahigit na 18 milyon ang nanampalataya rito. Katolisismo- Ang Katolisismo ay ilang ulit na pumasok sa Tsina mula ika-7 siglo, malawakang pumasok sa Tsina ngayon. May 100 parishes ang China Catholic church, na may limang milyong mananampalataya. Bukod dito, sa China Catholic Church , mayroon nang 3000 kabataang mongha na nagpapahayag ng unang kagustuhan. Sa China Catholic Church ay may mga 50 libong tao ang nabinyagan sa bawat taon at mahigit sa 3 milyong Bibliya ang nailimbag. H. PERA: Yuan
I. WATAWAT Ang Pambansang Watawat ng Republika ng Bansang Tsina ay pulang watawat na may limang bituin. Ang proporsyon ng haba at taas ay 3:2. Ang pula ay sagisag ng rebolusyon. Ang apat na bituin at nakatuon sa pinakamalaking bituin ay sagisag ng dakilang pagkakaisa ng mga mamamayang rebolusyonaryo na pinamumunuan ng partido Komunista ng Tsina. J. KASALUKUYANG POPULASYON Ang bansang Tsina ay may 1,415,045,928 (2018) populasyon. K. MGA PAMBANSANG SIMBOLO Pambansang Sagisag ng Republika ng Tsina Nasa gitna ang Tsina’an Men na nasisinagan ng limang bituin at napapaligiran ng mga uhay ng palay at enggranate. Ito ay Page 5
isang sagisag ng pagkasilang ng bagong Tsina ng People’s Democratic Dictatorship na pinamunuan ng mga manggagawa at nakasalig sa alyansa ng mga manggagawa’t magsasaka mula nang sumiklab ang bagong demokratikong tunggalian ng mga mamayanang Tsino mula noong kilusang Mayo 4.
PAMBANSANG AWIT Guo Ge (Martsa ng mga Boluntaryo) Ang Pambansang Awitin ng Republika ng Bansang Tsina ay "Ang March of the Volunteers" (written in 1935 with lyrics by Tian Han and music by Nie Er, now national anthem of China). Ang awiting ito, sa nakaraan, ay theme song sa isang pelikula na may temang "Ang mga kabataan sa panahon ng digmaan laban sa pananalakay ng Hapon sa Tsina." Pagkatapos ng pagsiklab ng September 18th Incident, sinakop ng Hapon ang tatlong lalawigan sa hilagang silangang bahagi ng Tsina. Ilang intelektuwal ng Tsina ang pumunta sa unang prente para sa paglaban sa mga manalalakay na Hapones. Ang pelikulang ito ay kumalat sa bawat sulok ng buong bansa at itinuring na isang korneta ng liberasyon ng nasyong Tsino. Noong ika-14 ng Marso, pinagtibay ng ika-2 Sesyong Plenaryo ng Ika-10 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina ang susog na Konstitusyon na nagtakda na ang Pambansang Awit ng Republika ng Bayan ng Tsina ay "Ang March of the Volunteers."
PAMBANSANG HAYOP
Panda/Xiong Mao/熊猫 Ang panda o Xiong Mao, ay pambansang yaman ng Tsina. Ito ay isang solitaryong hayop, at kawayan ang paborito nitong pagkain. Mahigit 8 milyong taon na itong namumuhay sa daigdig. Noong una, karne ang pagkain nito. Di-naglaon, nang maubusan ng pagkain dahil sa pagbabago ng klima, nabuhay ang mga ito sa pagkain ng kawayan. Ngayon, isa sa mga nanganganib na uri ng hayop ang Xiong Mao. Itinuturing ang mga panda bilang simbolo ng kapayapaan. Ngayon, ang mga panda ay kilala saanmang dako ng daigdig. Madalas silang ipinapadala sa ibang bansa bilang regalo.
PAMBANSANG LARO
Page 6
Ping Pang Qui o Table Tennis
PAMBANSANG PUNO
Gingko
PAMBANSANG PRUTAS
PAMBANSANG IBON
Red-Crowned Crane
PAMBANSANG BULAKLAK
Peony
NATIONALIZE PATRIOTIC SYMBOL
Great Wall of China
Page 7
Kiwi
KASUOTAN Cheongsam Ang cheongsam ay isang eleganteng uri ng kasuotan ng Tsino. Ang kasuotang ito ay may mataas na leeg at slit sa magkabilang tagiliran, ay nanggaling sa Manchu Nationality ng Tsina.
Zhongshan Suit Isa itong simple at eleganteng kasuotan. May apat na bulsa at nakababang kwelyo at sarado ang harap sa pamamagitan ng limang butones.
L. MAGAGANDANG TANAWIN The Potala Palace Ang sinaunang kumplikadong arkitekturang ito ay itinuturing na isang modelo ng arkitekturang Tibet. Matatagpuan sa Red Hill sa Lhasa, Tibet, ito ay may 3,700 metro sa ibabaw ng dagat at sumasakop ng isang lugar ng higit sa 360,000 km2, pagsukat 360 metro mula sa silangan hanggang kanluran at 270 metro lamang mula sa timog sa hilaga. Ang palasyo ay may labintatlong palapag. Temple of Heaven
Page 8
Ang Temple of Heaven Park ay makikita sa Chongwen District, Beijing. Noong unang panahon, dito idinaraos ng mga emperador ng Dinastiyang Ming at Qing ang kanilang "Heaven Worship Ceremony." Ito ang pinakamalaki at ang pinakasikat sa mga "Chinese Ancient Sacrificial Building." Unang ipinatayo noong 1420, ang ika-18 taong pagseserbisyo ng Emperor na si Yongle ng Ming Dynasty. Noong 1988, ang templo ng kalangitan ay naging bukas para sa lahat bilang parke.
Forbidden City (Palace Museum) Nakatayo sa sentro ng lungsod na tinatawag na Gu Gong sa Intsik, ito ay ang palasyong imperyal para sa dalawampu't apat na emperador sa panahon ng Dinastiyang Ming at Qing. Ito ay unang binuo sa buong 14 taon sa panahon ng kapangyarihan ni Emperador Chengzu sa Dinastiyang Ming (1368-1644). Walang sinuman ang makapapasok dito hangga’t walang permiso na nanggaling sa emperador.
Leshan Giant Buddha Ang Leshan Giant Buddha ay isang estatwa ng Maitreya sa nakaupong paraan. Ang Buddha ay matatagpuan sa silangan ng Leshan City, Sichuan Province, sa isang daloy ng tatlong ilog, na nangangalang, Min River, Qingyi River, at Dadu River. Noong Disyembre, 1996, ang lokasyon ng Buddha ay na isama sa pamamagitan ng UNESCO sa listahan ng mga site ng World Heritage. Mount Kalisha
Page 9
Ang isang malakas na timbang ng "black rock" ay umiikot sa higit na 22,000 talampakan, ang Mt. Kailash ay may natatanging mga pagkakaiba ng pagiging pinakamaraming "venerated" na banal na lugar sa mundo. Ang mga banal na pangitain ng apat na relihiyon at bilyon-bilyong tao, ang Kailash ay nakikita sa hindi hihigit sa ilang libong Pilgrim sa bawat taon. Ito ay kataka-takang katotohanan na naipinaliwanag sa pamamagitan ng remote na lokasyon ng bundok sa malayong western Tibet. Great Wall of China Ang Great Wall of China ay mayroon lamang na 2500 km. sukat nang ipinagawa ni Shing Huang-ti. Sa kasalukuyan ito ay may habang 6700 km. na mula Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa Kanluran. Ito ay may watch tower sa bawat sukat. Ang Great Wall of China ay kinikilala bilang isa sa 7 wonders of the World. Ang pangunahing layunin ni Shi Huang- Ti sa pagpapatayo ng "Great Wall of China" ay maitaboy ang pangkat ng mga barbarong nagnais na masakop ang imperyo.
MGA NAIAMBAG Pilosopiya ni Confucius Si Confucius ang pinakaimpluwensya sa lahat ng mga pilosopo (Lao Zi, Shang Yang at Han Feizi). Siya rin ang pinakadakilang pilosopo at guro sa kasaysayan ng Tsina. Kapansin-pansin ang pagpapahalaga ni Confucius sa relasyong nababatay sa pamilya at sa komunidad na ang gusto lang ay magkaroon ng kapayapaan sa bansa. Ayon sa kanya, mahalagang makagawian ng mga anak at ibang tao ang pagsunod sa “filial piety” o paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda.
Page 10
Great Wall of China Ang Great Wall of China ay malaking tulong noong unang panahon dahil sa pagpapagawa nito, naitaboy ang pangkat ng mga barbarong nagnanais sumakop nito. May habang 6,700 kilometro na mula sa Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang Lop Nur sa kanlaran. Ito ay unang ipinagawa ni Shi Huang-ti, isang 13 taong gulang na emperador na nagmula sa angkang Chin. Ito lamang ang istrukturang gawa ng tao na bukod tanging natatanaw sa kalawakan. Ang “Great Wall of China” ay kilala sa kasalukuyan bilang isa sa “Seven Wonders of the World.”
Grand Canal Ang Grand Canal ay ang pinakamahabang kanal o artipisyal na ilog sa mundo. Ito ay pinakamahalagang bagay na ipinamana ng mga Sui sa Tsina dahil ito ay nagsilbing mahalagang daanang pangkalakalan sa pagitan ng hilaga at timog Tsina. Sa ngayon, ang haba ng Grand Canal ay humigit-kumulang 1,200 milya, tumatakbo mula sa Hangzhou sa lalawigan ng Zhejian na matatagpuan sa timog ng Tsina sa Beijing, na matatagpuan sa hilagang bahagi ng bansa. Bukod pa rito, ang Grand Canal ay kumokonekta sa mga ilog ng Yangtze, Yellow Huaihe, Quiantang, at Haihe Rivers, at pagkatapos, sa katimugang dulo, dumadaloy sa Hebei, Tianjin, Beijing, Jiangsu, Shandong, at Zhejiang.
Sinocentrism Ang kaisipang Sinocentrism ay tumutukoy sa paniniwala at pilosopiya ng mga Tsino na ang Tsina ang pinakasentro ng daigdig, ang itinuturing na “Gitnang Kaharian.” Gayunpaman, hindi naman naaayon sa kanilang gawi ang mangibang bansa upang palaganapin ang kanilang paniniwala at kabihasnan dahil naniniwala sila na ang kulturang Tsino ay maipagmamalaki at tiyak na tatanggapin at yayakapin ninuman nang walang pasubali o anumang uri ng paghihikayat.
Page 11
Mechanical Clock Ang “Mechanical clock ay naimbento noong panahon ng Dinastiyang Tang at Sung sa Tsina. Ito ay relong pinaaandar ng makina at kinokontrol ng tubig. Ang ideyang ito ay dinala ng mga mangangalakal sa Europa.
Porselana Ang porselana ay inimbento noong panahon ng Dinastiyang Tang at Sung sa Tsina. Ito ay isa sa naging mamahalin at mahalagang produktong panluwas. Mayroon itong matigas na seramik na gawa sa puting luad at mineral na matatagpuan lamang sa Tsina. Ito rin ay kinikilala bilang “Chinese Technology.”
Pulbura Ang pulbura ay naimbento noong panahon ng Dinastiyang Tang at Sung. Ito ang pumuputok na pulburang gawa sa pinaghalong “saltpetre,” “sulphur” at uling. Ito ay unang ginamit bilang paputok at armas hanggang sa lumaganap na sa ibang bansa.
Lumang Perang Papel Ang perang papel ay naimbento noong panahon ng Dinastiyang Tang at Sung sa Tsina. Ang perang papel ay ipinalit ng mga Sung sa mabigat at nakataling perang barya na gamit ng mga mangangalakal.
Magnetic Compass Page 12
Ang “Magnetic Compass” ay inimbento noong panahon ng Dinastiyang Tang at Sung. Ito ay gamit na may “magnetic needle” na tumututok sa hilaga o sa timog na di-naglaon ay ginamit ng mga eksplorador sa karagatan. Ang bansang Tsina ang pinakamakapangyarihang bansa sa karagatan.
Pilosopiya ng mga Legalista Ang mga Legalista ay naniniwala na isang makapangyarihang pamahalaan lamang ang makapapapanumbalik ng katiwasayan sa Tsina. Taliwas sa kaisipan ni Confucius ang kaisipan ng pangkat ng mga legalista. Ayon pa sa kanila, kailangang pagkalooban ng gantimpala ng pamahalaan ang sinumang maayos na tumatalima sa kanyang tungkulin at patawan naman ng mabigat na kaparusahan ang sinumang hindi gumaganap sa tungkulin. Higit sa lahat, iminungkahi nila ang pagsunog sa lahat ng kasulatan at pahayag na maaaring magbigay ng ideya sa mga tao upang mag-alsa. M. KULTURA, TRADISYON AT PANINIWALA
Tradisyunal na Opera *Peking Opera
Ito ay isang uri ng Chinese Theater na binubuo ng musika, boses, paggaya, pagsayaw at acrobatics.
Page 13
Confucianism
Si Confucius ang pinakamaimpluwensya sa lahat ng mga pilosopong makakatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lupain. Ang teorya at ideya ni Confucius ay nagbibigay-halaga sa lipunang may pagkakasundo bunga ng maayos na pamamahala. Ayon sa kanya, maibabalik ang maayos na pamahalaan ng Tsina sa pamamagitan ng limang relasyon: 1. 2. 3. 4. 5.
Namumuno at nasasakupan Ama at anak Mag-asawa Nakakatandang kapatid na lalaki at nakakabatang kapatid na lalaki Magkakaibigan Lotus feet sa China
Ang foot binding ay dating bahagi ng tradisyon ng mga Tsino na nagsimula noong ika-11 hanggang ika-12 siglo. Ang footbinding ay naglalayong mapigilan ang paglaki ng paa ng mga babae sa normal na paraan at upang makagawa ng tinatawag na lotus feet na may habang 4 hanggang 6 na inches. Ang nakaugaliang ito ay masakit dahil bata pa lang ay isinisiksik na sa maliit na sapatos ang paa ng mga babae. Pinaniniwalaang nagsimula ito sa mga upper-class court dancers noong Five Dynasties and Ten Kingdoms period sa Imperial China (10th to 11th century). Naging popular ito sa Song dynasty at kumalat na sa lahat ng social classes. Ito rin ay isang simbolo ng kagandahan sa kultura ng mga Tsino. Subalit sinubukan ng emperador ng Manchu Kangxi na ipatigil ang footbinding noong 1664 pero hindi siya nagtagumpay. Sa mga huling taon ng 19th century ay pinilit din itong kuwestiyunin ng Chinese reformers pero noong early 20th century lang tuluyang namatay ang kaugalian dahil sa anti footbinding campaign. May mga panghabambuhay na epekto ang pagkakaroon ng lotus feet.
PANINIWALA
Page 14
PAG-AASAWA AT PAGPAPAKASAL
Mahigpit na ipinagbabawal ng paniniwalang Tsino ang pagsusukat ng traje de boda ng ikakasal sa bisperas ng kasal nito, at kung ito ay malabag maaaring magdulot ng dipagkakatuloy ng kasalan kinabukasan. Pinaniniwalaang swerte ang pagreregalo ng arinola sa bagong kasal. Kailangang iwasan ng dalawang ikakasal ang maglakbay ng malayong lugar lalo na kapag papalapit na ang kanilang pag-iisang dibdib. Suwerte ang hatid ng mabining pag-ulan sa araw ng kasal at sinasabing nagdadala ng kasaganaan at kaligayahan sa bagong mag-asawa. Gayundin ang hatid na swerte sa pagsasaboy ng bigas sabagong kasal sa paglabas nila ng simbahan o matapos ng seremonya.
PAGBUBUNTIS AT PANGANGANAK
Kailangang iwasan ng babaeng nagbubuntis na tumingin o saktan ang mga bagay o hayop na may di-kaaya-aya ang itsura sapagkat maaaring makuha ng kanyang ipinagbubuntis ang ganoong itsura. Iwasan ang labis na paghimas ng tiyan habang nagbubuntis. Sa paglaki ng bata, maaaring maging matigas ang ulo nito, palaaway o suwail. Huwag dumalo sa lamay o paglilibing. Ang batang nagtataglay ng higit sa isang puyo (o ang paikot na oryentasyon ng buhok na tila mata ng bagyo) ay pinaniniwalaang lalaking pilyo at matigas ang ulo. Ang sanggol na ipinanganak na may malapad at mahabang tainga ay sinasabing magkakaroon ng mahabang buhay.
MAHAHALAGANG PAGDIRIWANG
Spring Festival (Chinese New Year) Ang Chinese New Year ang itinuturing na pinakamahalagang pista sa mga Tsino, sa loob at labas ng Tsina, maging sa Pilipinas na may malaking populasyon ng Tsino at Tsinoy (Tsino-Pinoy). Ang tradisyunal na pagdiriwang ng mga Tsino sa pagpasok ng Bagong Taon batay sa sinusundan nilang lunar calendar. Ang pagdiriwang ng nasabing Bagong Taon ay nagbubukas sa paglitaw ng bagong buwan (new moon) at nagtatapos labinlimang araw makalipas, sa paglabas ng full moon. Nagaganap ito sa kahit anong araw sa pagitan ng Enero 21 hanggang Pebrero 21.
Page 15
Lantern Festival Ang ika-15 araw ng pagdiriwang ng Bagong Taon ay tinatawag na Lantern Festival. Isang itong magarbo at makulay na selebrasyon na ginaganap sa gabi.
Dragon Boat Festival Tuwing ika-23 ng Hunyo ipagdiriwang ang Dragon Boat. Ayon sa kasaysayan, ginugunita sa pagdiriwang ang mga naiambag ni Qu Yuan, isang kilalang manunulat. Sa pagdiriwang na ito, inihahanda at kinakain ng mga mamamayang Tsino ang isang uri ng suman, pagkatapos nito, isasagawa na ang dragon boat race.
Qixi Festival Ginaganap tuwing ika-6 ng Agosto, ika-7 araw ng ika-7 buwan sa lunar calendar ng Tsina. Ito ay itinuturing na Araw ng mga Puso sa Tsina. Bukod sa mga tradisyunal na aktibidad ng selebrasyon, lumalahok din sa iba't ibang lugar ng Tsina ang mga binata at dalaga sa mga blind date para makapagbigay-wakas sa kani-kanilang single life.
Qingming Festival Isang tradisyunal na kapistahan ng Tsina at pinakamahalagang araw ng pag-aalay ng mga bagay bagay
Page 16
sa mga ninuno at tomb-sweeping ng mga mamamayang Tsino.
Mid-Autumn Festival Sa Tsina, ang Mid-Autumn Festival, na kilala rin bilang ang Buwan Festival o Mooncake Festival, na tumatagal sa lugar ng bisperas sa unang buong buwan sa panahon ng 8 buwan sa kalendaryo. Ang Mooncakes ay sobrang popular sa oras na ito ng taon sa kanilang mga cookie crust ay puno ng matamis na lotus paste at pulang itlog.
Harbin International Ice & Snow Sculpture Festival Ginaganap ito tuwing taglamig. Isa sa apat na pinakamalaking ice and snow festival sa buong mundo. Binubuksan ang kapistahan ng yelo't niyebe ng Harbin noong ika-5 ng Enero ng taong 1985, at hanggang ngayon, ang araw na ito ay nagiging isang maringal na kapistahan para sa mga taga-Harbin. Makukulay ang mga aktibidad sa panahon ng kapistahan at iba't iba ang porma na gaya ng Disneyland sa Ilog ng Songhuajiang na binubuo ng yelo't niyebe, malaking pagtatanghal ng ice sculptures, kapistahan ng ice lantern, paligsahan ng paglalangoy sa taglamig at iba pa.
EKONOMIYA Ang ekonomiya ng bansa ay pumapangalawa sa buong mundo, pagkatapos ng Estado Unidos. Isa ito sa pinakamabilis sa mundo pagdating sa pagtaas ng ekonomiya na may 10 bahagdan sa nakaraang 30 taon. Ang Tsina ang pinakamalaking exporter sa mundo at pangalawa sa pinakamalaking importer. PAMUMUHAY NG TSINO Ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino ay hindi katulad ng iba dahil sila ay likas na palasang-ayon sa kalikasan, at namumuhay nang may pagkakaisa at simple na kabaligataran naman ng pananakop sa kalikasan, indibidwalidad at materyal na luho. Maaaring maraming kahulugan sa mga mamamayang Tsino ang isang magandang bulaklak o bilog na buwan, depende sa kalagayan. Isa pang pangunahing elemento sa buhay ng mga Tsino ay ang pagpapanatiling malusog. Ang Qigong ay ang pinakapopular na ehersisyo. Sa pamamagitan ng koordinasyon ng paghinga at iba pang mga kondisyong pisikal at mental, ang Qigong ay repleksyon ng tradisyunal na
Page 17
palagay ng pakikipag-isa ng tao sa kalikasan. Kaugnay ng Qigong, ang karamihan sa mga tao ay nakapaglalaro ng Taijiquan o iba pag klase ng "kung-fu." Ang "Chinese martial arts" ay naglalayong palakasin ang katawan at patalasin ang isip, at ito ay isang paraan ng pakikipagkaibigan, hindi pakikipag-away. N. TRANSPORTASYON Rail o Train / Bullet Train Kumpara noong nakararaang limampung taon, nagiging mabilis at madali ang pagpunta ng mga mamamayang Tsino mula isang lungsod patungo sa iba. Sumasakay ang mga tao sa mga long distance bus, kotse, at eroplano, pero ang tren ay nananatili pa ring pangunahing paraan ng paglalakbay.
Unang-una, mas mabilis ngayon ang mga tren kaysa noong dati. Halimbawa, ang tulin ng karamihan ng mga tren ay umaabot sa mahigit 160 km/h. Ibigsabihin, kung pupunta kayo mula Beijing hanggang sa Tianjin, halos 20 minuto lamang ang kailangan, at kung pupunta sa mga karatig na lungsod at lalawigan, mga 6 na oras lamang ang gugugulin. Ngayon, ang tulin ng isang uri ng tren na gumamit ng pinakasulong na teknolohiya ay umabot sa mahigit 300km/h. Ibig sabihin, kung pupunta kayo mula Beijing patungo sa Shanghai, halos 4 na oras lang.
Ikalawa, sa Tsina, mas ligtas ang pagsasakay ng tren sa eroplano at ibang mga sasakyan, at kakaunti lang ang insidente ng pagkaantala sa mga tren, kumpara sa eroplano.
Ikatlo, mura ang ticket at ito ay abot-kaya ng halos lahat ng mga Tsino na gaya ng mga estudyante, magsasaka, migrant workers at iba pa.
Ikaapat, may mga stops ang tren, samantalang sa eroplano ay wala. Ibig sabihin nito, mas madali ito para sa mga ordinaryong mamamayan.
Taxi Ang mga tsuper ng taxi sa Tsina ay nagsasalita lamang ng Tsino. Iilan sa kanila ang nagsasalita ng Ingles kaya kinakailangan na magkaroon ng address na patutunguhan na nakasulat sa mga character na Tsino Bike
Page 18
Bisikleta ang pinakamadali at pinakamahuhusay na estilo ng transportasyon. Nananatili pa rin itong paborito ng mga mamamayang Tsino kahit sa maliit at karaniwang mga lungsod. Sa kasalukuyan, ang Pamahalaan ay nagbibigay ng mga pampublikong serbisyo sa bisikleta sa maraming lungsod upang hikayatin ang mababang carbon na paglalakbay.
O. MGA PAGKAIN Sa kulturang Tsino, gusto nila ang matapang na amoy at lasa. Kilala ang kanilang mga pagkain bilang isa sa pinakamasarap sa mundo. Pangkaraniwan din sa kanila ang trade system at nakikipagpalit sila ng mga imported spices para kanilang mga “dish.” Ito ang dahilan ng food diversity sa Tsina. Hindi lang sila gumagamit sa sariling native spices kundi ng mga spices ng iba’t ibang bansa. Ang kanilang staple food ay noodles, bigas at mga dimsum katulad ng siopao at siomai.
Chinese Dumpling Isa sa pinakamahalagang pagkaing inihahain tuwing Bagong Taon sa Tsina. Ito ay sumisimbolo sa kalayaan.
Liang Pio o Steamed Cold Noodles Isang pampalusog na pagkaing lokal. Ang pangunahing sangkap nito ay harina o pulbos ng bigas at ito ay nakabubuti sa puso.
Nian Gau o New Year’s Cake Gawa ito sa glutinous rice at hugis laryo. Para itong kanin, hinihiwa ito sa maninipis na piraso o pwedeng pasingawan kasama ang karne at gulay.
Yuanxiao o Tangyuan Ang hugis-bola pagkain na itinuturing ng mga tsino na “good ending” na tulad sa tuldok.
Page 19
EDUKASYON Dahil sa may pinakamalaking populasyon sa daigdig, ang Tsina ay mayroon ding pinakamalaking sistema ng edukasyon sa mundo. Milyon-milyong mamamayan ang tumatanggap ng full time education sa iba't ibang paaralan at grade level. Ang edukasyon ng Tsina ay nahahati sa childhood, primary, secondary at higher education. Nagpapairal ang pamahalaan ng kompulsaryong edukasyon sa unang siyam na taon ng primary at junior secondary school education. Hindi kailangang magbayad ng tuition ang mga edtudyante, pero kailangan silang bumili ng ilang libro at mga pangangailangan sa paaralan. Ipinalalagay ng pamahalaan ng Tsina na napakahalaga ng kompulsaryong edukasyon. Nagsisikap ang pamahalaan na mapabuti ang pagbibigay ng pagkakataong makapag-aral sa lahat ng antas ng edukasyon ang mga estudyante sa kanayunan. Pampubliko ang karamihan sa edukasyon ng Tsina, gayunman, dumarami na ngayon ang pribadong edukasyon. Sa pangkalahatan, ang edukasyong pampubliko ay itinuturing na pinakamabuti sa kantidad at kalidad. P. PANITIKAN NG TSINA Hindi lamang sa laki ng bansa at bilang ng populasyon nangunguna ang Tsina. Hindi rin sila pahuhuli sa larangan ng panitikan. Isa ang Tsina sa mga bansa sa Asya na may pinakamayamang panitikan. Sinasabi sa mga pag-aaral na kung ano ang katandaan at kayamanan ng sibilisasyon ng mga Tsino ay ganoon din katanda at kayaman ang kanilang panitikan. Mayaman ang Tsina sa iba't ibang panitikan, maging ito man ay tuluyan o patula. Nagsimulang umusbong ang panitikan ng mga Tsino noong panahon ng Dinastiyang Zhou at patuloy pa ring yumayabong sa kasalukuyang panahon. Si Confucius ang isa sa mga iginagalang na manunulat at pundasyon ng panitikang Tsino. Sa kanya nagmula o siya ang nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng mga klasikong panitikan, katulad ng "wilderness," halos isang daang kathang pampanitikan ang kinatigan ng naturang samahan. Ang naturang mga gawa ay kinabibilangan ng nobela, tula, pagbabalita at iba pa. Sa kanya nagmula, o siya ang nagsilbing inspirasyon sa paggawang mga Classics, isa sa mga tanyag na akda na nagmula sa bansang ito. Patuloy ang pag-unlad ng panitikan ng mga Tsino sa paglipas ng panahon. Kabila-kabilaang mga nagsusulputang manunulat na galing sa Tsina na siyang nagbibigay ng bagong dugo at bagong mukha sa panitikan ng bansa. Saksi sa pag-usbong ng panitikang Tsino ang iba’tibang dinastiyang naghari sa Tsina noon. Minsan, lantarang pinipigilan ang pagkamalikhain ngmga Tsino dahil na rin sa takot ng ilan na mawawala at tuluyang makalimutan ang mayamang kasaysayan ng bansa. Bagama't dumarami nang dumarami ang mga awtor at akda, ipinalalagay ng ilang mga manunulat sa kasalukuyan, umiiral ang ilang problema sa sirkulo ng panitikan ng Tsina. Maraming akdang ipinalalabas at ipinalalathala bawat taon, ngunit mangilan-ngilan lamang ang nakakatawag ng pansin ng mga tao mas marami ang mga awtor kumpara sa dati, ngunit mas maliit ang impluwensya kumpara sa dati. Isa si Lu Xun (na may tunay na pangalang Zhou Shuren) sa mga manunulat na walang takot na nagsulong ng makabagong tema at kaisipan sa panitikan ng mga Tsino. Isa siya sa mga kinilalang lider ng The League of Left-Wing Writers noong taong 1930 na siyang nagsulong na kaisipang socialist realm sa panitikan ng bansa. Sa kasalukuyan, kinikilala si Lu Xun na Ama ng
Page 20
modernong panitikang Tsino. Ang kanyang kwentong A Madman’s Diary ay isa sa mga patunay kung gaano siya kagaling sumulat gamit ang makabagong pamamaraan ng pagsulat. Bukod dito, nakapagsulat na rin siyang iba’t ibang tula, sanaysay, kritisismong pampanitikan na kalimitang mababasa sa mga pahayagan na kapag pinagsama-sama ay siya namang bumubuo sa kanyang mga libro.
MAIKLING KWENTO NYEBENG ITIM ni Liu Heng (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra) PAKSA: Ang kwentong ito ay pumapaksa patungkol sa mga tradisyon at kaugalian ng mga Tsino. TAUHAN: Li Huiquan- dating bilanggo na nakalaya na at kumuha ng lisensya sa pagtitinda ng prutas ngunit hindi na ito pwede kung kaya’t lisensya na lamang ng pagtitinda ng damit at sapatos ang kanya nakuha at ito na rin ang hakbang niya upang makapagsimulang muli ng bagong buhay. Tiya Luo- tiyahin ni Li Huiquan na tumulong sa kanya upang makakuha ng lisensya at nagsilbing mata ng kanyang yumaong ina upang magabayan si Li Huiquan. Hepeng Li o Tiyo Li- isa rin sa tumulong kay Li Huiquan upang makakuha ng lisensya sa kanyang pagtitinda. Luo Xiofen- kababata ni Li Huiquan TAGPUAN: Red Palace Photo Studio Tanggapan ng Gobyerno Black Market BANGHAY: 1. Bisperas ng Bagong Taon, nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin dahil pakiramdam niya ay lalo siyang pinapapangit ng kamera. 2. Sinabi ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso ngunit nagpakuha siya ng upang hindi na siya bumalik sa susunod na ikinabibwisit at itinuturing niyang kahangalan kahit ang litratong iyon ang gagamitin sa aplikasyon ng lisensya ng kariton.
Page 21
3. Bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado pa siya kaysa nang kunin niya ang crematorium na abo ng kanyang ina. 4. Dinala siya ni Tiya Luo sa kalye matapos makita ang litrato, pinagpasahan at nakipagusap sa iba’t ibang tao hanggang may matandang opisyal ang nagbigay sa kanila ng lisensya, hindi naaprubahan ang lisensya niya para sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota nito. 5. Nabangga nila si Hepeng Li habang naglalakad palabas ng Compound ng Gobyerno at kahit lisensya lamang sa damit, sapatos at sombrero ang kanyang nakuha’y desidido pa rin siyang magtinda. 6. Nakakuha siya ng lisensya sa pagtitinda dahil kay Tiyo Luo at sinabihan siya nitong huwag na muling gagawa ng masama dahil wala nang tutulong sa kanila kapag umulit pa siya. 7. Bisperas ng Bagong Taon, inimbitahan siya ni Tiya Luo upang sa kanila magpalipas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya ito dahil nag-aayos siya ng kanyang karitong nabili sa murang halaga sapagkat hindi ito gaanong maganda. 8. Naririnig niya ang ingay sa labas ng kanilang bahay habang siya ay gumagawa, parang sasabog na ang mundo sa lakas ng mga nagpuputukan senyales na Bagong Taon na. 9. Kalaunan ay iniwan na ni Li Huiquan ang kanyang ginagawa at nagsimula na siyang maglasing at kumain ng paa ng manok na kanyang niluto habang abala sa pag-aayos ng kanyang bagong sasakyan. 10. Itinigil na niya ang pag-inom ng alak ng makaramdam ng hilo, naalala niya ang kanyang ina ang paggawa nito ng dumpling para sa kanya tuwing Bagong Taon at naka-pitumpu’t anim siya nito noong unang taon niya sa kampo. 11. Nang paubos na ang mga putukan sa labas, pinagmasdan niya ang langit at naalala niya si Luo Xiafen mula nang lumabas siya sa kulungan ay hindi manlang siya binisita. 12. Nagsimula siya sa pagtitinda sa ikalimang araw, ngunit agora lamang ang kanyang naibenta sapagkat walang bumili pati na rin sa sumunod na araw. 13. Sa mga nagdaang araw, ganon pa rin ang kanyang sitwasyon kaya’t nagpasya siyang isigaw na lamang ang kanyang paninda ngunit hindi manlang natinag ang mga tao. 14. Sa ikaapat na araw, wala pang kalahating oras ng pagbubukas niya ng tindahan, nakabenta na siya ng kasuotang pang-army sa isang karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. 15. Matamlay niyang hinarap ang kanyang negosyo ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero upang maging matiyaga at matatag sa buhay.
Page 22
NIYEBENG ITIM Ni Liu Heng (Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)
Paparating na ang bisperas ng Bagong Taon. Nagpakuha ng litrato si Li Huiquan sa Red Palace Photo Studio, isang bagay na ayaw na ayaw niyang gawin, dahil pakiramdam niya, lalo pa siyang pinapapangit ng kamera. Sinasabihan na siya ni Tiya Luo na sapat na ang apat na piraso, ngunit nagorder siya ng labinlima. Nagulat ang klerk. “Kinse?” “Kinse nga.” “Hindi kami siguradong maganda pa rin ang litrato kapag ganoon karami.” “Gusto ko sabi ng kinse!” May pagkainis na sa kanyang boses at iyon lamang ang magagawa niya para mapigilan ang sarili na suntukin ang pangang iyon. Nag-order siya ng kinse para hindi na siya bumalik pa sa susunod at ikinabuwisit niya ang ituring na kahangalan ang ganito. Nang bumalik siya para kunin ang litrato, mas kabado siya kaysa nang kunin niya ang mga abo ng kanyang ina sa crematorium. Tumalikod siya at lumakad papalayo dala ang balutang papel nang hindi pa muna sinusuri ang litrato, at nang nag-iisa na lamang, dinukot niya ang laman. Labinlimang magkakatulad na litrato ang hawak niya, bawat isa ay nakatitig sa kaniya nang may pare-parehong hitsura. Sa kabuuan, mas maayos ang kinalabasan kaysa kaniyang inaasahan. Parang mas manipis ang kanyang labi dahil nakatikom, nakatitig ang mga mata niya. Hindi mo masasabing pangit. Sa katunayan, mas guwapo siya kaysa sa maraming tao. Wala siyang reklamo. Dinala siya ni Tiya Luo sa komite sa kalye kung saan pinagpasa-pasahan sila. Nakipag-usap sila sa iba’t ibang tao hanggang sa isang may katandaang opisyal ang nagbigay rin sa kaniya ng lisensya para sa kariton. Hindi naaprobahan ang kanyang aplikasyon para sa lisensya sa pagtitinda ng prutas dahil puno na ang kota. Ang mga kontak ni Tiya Luo ay hindi makatulong o ayaw nang tumulong. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero, at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Nabalitaan niyang mas madali ang pagtitinda ng prutas, mas mabilis ang kita; mas mabagal naman sa damit, at mas mababa pa ang tubo, nabalitaan din niyang kailangan niya ng maayos na tindahan o koneksyong black-market para talaga mapatakbo ito. Ngunit handa siyang sumubok. Kailangang palakasin niya ang kanyang utak, at di matatakot magtrabaho, maaayos ang lahat. Kahit maliit ang kikitain niya, hndi naman liliit pa iyon sa natatanggap niya bilang ulila, hindi ba? Bahala na. Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang isang matabang mama na tinawag ni Tiya Luo na Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya sa Huiquan kung hepe ito ng ano at kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng Japan. “Hindi ka ba magpapasalamat kay Tito Li sa lahat ng tulong niya?” Page 23
Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa kampo. Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardiya, inspector, at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila- iyon ang pagsasanay. Ginagawa niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit halos di siya napansin ng mama—tila ito isang lalaking tumitingin ng kung anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang pirasong basahan na nais magtago sa isang butas. “Ito ba siya?” tanong ng matabang mama kay Tiya Luo. “Mabait siyang bata, tulad ng sabi ko. Tingnan mo’t namumula na siya.” Napatawa ang mama habang itinuon ang tingin kay Huiquan. “Alam mo ba kung paano ka nakakuha ng lisensya gayong maramng retirado at walang trabaho ang di-makakuha?” “Dahil...dahil kailangan ko ng trabaho?” “Iyon lang ba?” mapanlibak ang ngisi ng mataba. “Dahil isa akong ulila?” “Kinakalinga ka ng pamahalaan; tiyak kong alam mo iyan. Huwag kang manggugulo at huwag kang sakim ... nagkamali ka na. Kalimutan mo na iyon, dahil kapag umulit ka, wala nang tutulong sa iyo.” “Gagawin ko anuman ang ipag-utos ng pamahalaan.” Isa na naman sa maraming islogan sa kampo. Nakabilanggo pa rin ang kaniyang isp at damdamin kahit pinalaya na siya sa kampo. Kahit si Tiya Luo ay tumangu-tango. Saanman siya magpunta, laging may nagsasabi sa kanya kung ano ang dapat at di-dapat gawin; sa pagtingin sa kanya ng mababa, umaangat ang kanilang sarili. Namalagi siya sa bilangguan. Sila ay hindi at nararamdaman niya ang mga babala, panlalait, at paalala ay para lang sa kanya; gamitin ang ihian, walang dudura, bawal pumasok, limang yuan na multa—lahat ay patungkol sa kanya at tanging sa kanya lamang. Habampanahon na may magpapahirap sa kanyang buhay, magtuturo sa kaibahan niya at ng ibang tao, hihila sa kaniya paibaba. Gusto niyang lumaban pero wala siyang lakas. Kaya magpapanggap siyang tanga, umiiwas sa mga nagmamasid at nagmamatyag. Maraming taon na naman niyang ginagawa ito. Masayang naglakad si Tiya Luo, di-pansin ang tamlay sa mukha ni Huiquan habang nakasunod ito na parang bilanggo. “Halos Bagong Taon na. Puwede kang manatili ngayong Bagong Taon sa amin.” “Salamat, pero maayos na po ako...” “Sa palagay ko’y matutuwa na ang ina mo. Kung buhay siya, ipapangalandakan niya—negosyante na ang anak ko; maganda ang kinabukasan niya ; hindi na siya katulad nang dati. Gusto kong pasalamatan mo ang nanay mo.” “Sige po.” “Bahala ka kung gusto mong mag-isa ngayong Bagong Taon pero hindi ibig sabihin na pwede kang uminom.” “Huwag kayong mag-alala.” “Hindi na maaga para mamili para sa Bagong Taon. Isda, manok- kung anu-ano pa. Kung hindi ka marunong magluto, pumunta ka rito at tuturuan kita. Dapat lang na maayos ang bagong taon mo. Pagkatapos, dapat magtrabaho na. Ayusin mo at hahanapan kita ng nobya. Ano sa palagay mo, bata?” “Kayo ang masusunod.” Ngumiti siya ngunit matamlay. Ang isang yari sa kahoy at canvas na ambi ay aabot ng sandaan o mahigit pa; kung may tatlong gulong, dagdag na tatlong daan pa mahigit. Wala Page 24
nang matitira para sa paninda. Hindi pa nga nagsisimula’y kailangan na niyang humugot sa naipon ng kanyang ina. Kinabahan siya dahil wala itong atrasan. Isa o dalawang araw bago ang bagong taon, nakakita siya ng kakarag-karag at lumang tatluhang gulong na sasakyan sa East China Gate Consignment Store na 230 Yuan ang halaga. Ayos ang presyo pero napakasama ng kondisyon at di-masasakyan. Mukhang maayos ang balangkas-kahit paano’y napanatili ang hugis; walang gulong pero mapapakinabangan pa rin ang gilid at rayos ng gulong; walang kuliling, walang kadena, at walang tapakan, ngunit may preno at pedal. Hindi siya makapagpasya at pinag-isipan niya ang lahat ng anggulo. Nalibot na niya ang buong bayan. Ang mga bagong sasakyan ay nagsisimula sa apat na raan, wala namang ipinagbibiling umaandar pang segunda mano. Sa isang groseri, nakakita siya ng isang sasakyang yari sa kawayan na mukha namang matibay, ngunit parang may mali rito. Kung magtitinda siya ng damit, kakailanganin niya ang tatluhang gulong —para naman kaaya-ayang tingnan. “Gusto mo nito? Para saan?” Lumapit ang klerk sa kanya. “Kariton para sa mga damit.” “Tamang-tama hindi ka magsisi. Kung poste ng telepono, o kongreto. O iba pang katulad. Hindi ko ‘to irerekomenda. Pero para lamang sa ilang tumpok ng damit. Di ka gagastos ng higit sa sandaan sa pag-aayos nito, at puwedeng tumagal pa ng lima, anim na taon.” “Bakit di-gumagalaw?” “Matigas ang preno. Aayusin ko.” Ibinigay ni Huiquan ang pera. at kinaladkad ang walang gulong na sasakyan mula East China Gate patungong Dongsi. At mula roon, papuntang Chaoyong Gate. Dahil sa kanyang natatanging sasakyan, naging sentro siya ng atensyon, bagaman hindi naman nakapipinsala ang mga tingin sa kaniya. Matapos bumili ng ilang parte sa pagawaan nagbisikleta sa labasan ng Chaoyong Gate Boulevard, tinulak niya ang kanyang sasakyan patungong East Lane ng kalyeng Spirit Run papasok sa gate ng bilang 18. Ang berdeng bayong na nakasabit sa kalawanging hawakan ng sasakyan ay napuno ng tinimplang baka, dalawang pinakuluang manok, may yelong isda, apat na paa ng manok, at isang bote ng alak—hapunan para sa Bagong Taon.binili niya at madaling nakuha dahil ayaw niyang nakapila at wala naman siya talagang hinahanap para sa kanyang hapunan. Mas iniintindi niya ang kanyang sasakyan, ang kanyang bagong kaibigan, ang kanyang tahimik na kasama. Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan, bisperas ng Bagong Taon.dumaan ito habang naglalagare siya ng kahoy, nakalambitin sa bibig ang isang pirasong manok. Tumanggi na muna siya. May naaamoy ang Tiya at iniangat nito ang takip ng palayok. Pinalambot ang paa ng manok sa kumukulong sabaw. Walang makikitang berde—hndi balanseng pagkain. Sira na ang manggas ng kanyang panlamig; puno ng kusotang kanyang sapatos at laylayan ng pantalon; marumi at mahaba ang kanyang buhok. Naawa si Tiya Luo sa kanya ngunit tumanggi pa rin si Huiquan. Ginagamit pa rin niya ang kahoy na iniwan ni Hobo, desididong gumawa ng magandang patungan para sa kanyang sasakyan. Bumalik si Tiya Luo upang imbitahan siyang manood ng TV—nakatatawang palabas at iba pang kawili-wiling programa. hindi dapat palampasin. Ngunit umiling siya, hindi man lang tuminag sa kanyang paglalagare. Page 25
“Marami pa po akong gagawin.” “Hindi makapaghihintay kahit pagkatapos ng bagong taon.” “Mas gugustuhin kong patapusin ninyo ako...” “Marami namang panahon. Huwag mong tapusin agad lahat. Di ka dapat magpagod, Bagong Taon pa naman.” Sa umpisa, panaka-naka ang mga paputok, ngunit dumalas ang ingay at pagsapit ng hatinggabi, akala mo’y sasabog na ang mundo. Ibinaba ni Huiquan ang lagare at nagsalin ng alak. Matagal ana pinalambot ang paa ng manok kaya halos matanggal na sa buto ang mga laman nito. Tama ang pagkaluto, Medyo matabang, marahil, kaya nilagyan niya ng kaunting toyo ang plato at isinawsaw niya ang laman dito. At kumain at uminom siya hanggang sa mamanhid ang kanyang panlasa. Maaaninag sa kanyang bintana sa kanyang likod ang pula at berdeng ilaw paminsan-minsan. Karangyaan kahit saan ka lumingon, mula sa mga taong kuntento sa kanilang buhay. Ano ang balak ng milyong taong ito? Ano ang ipinagsasaya nila? Siguradong hindi siya kabilang sa kanila. Kung buhay si ina, panahon iyon ng pagbabalot ng dumpling, iyong maliliit na pagkaing pumuputok sa bibig na parang kendi. Gustong-gusto niya iyon. Sa unang Bagong Taon niya sa kampo, pitumpu’t anim ang nakain niya sa isang upuan, hanggang sa mabusog siya nang sobra’t hindi na siya halos makaupo, at ginugol niya ng buong hapon sa paglalakad sa laruan. Gayuman, kahit ang alaalang ito ay hindi nakapagpasaya sa kanya. Malagkit ang mga kamay niya dahil sa pinalambutang paa ng manok at sapin ng malagkit na baboy, at nahihilo na siya dahil sa alak. Lumabas siya at tumayo sandali sa bakuran. Walang lamig, walang hangin. Makulay ang langit; maraming paputok sa lahat ng dako. Ang bakuran, na may mahigit sa pito o walong talampakan ang luwang, tulad ng balon sa lalim ng kumikinang na bughaw na langit. Isang stereo ang bumubuga ng awit, iyong tinig na di maintindihan. naiisip niyang mataba at pangit ang mang-aawit. Nakapanood na siya ng ganito sa TV—magagandang boses at ngiti ngunit pangit ang itsura nila. Kumikisay sila s iskrin, ang mga kilos ay nagpapatingkad lamang sa kanilang kapangitan at ang mga awit nila’y ginagawang nga sigaw at halinghing. Magagandang babae lamang dapat ang ipiakikita sa TV, subalit maaaring nagkukulang na ng suplay. Bagaman lumalayo na si Huiquan sa mga babae, sumasagi pa rin sa isisp niya ang imahen ng magagandang dalaga. Wala sa mga ito ang kilala niya dahil labo-labo na ang mga ito sa kanyang utak. —malalabong imahen na ang intensyon ay malinaw at tiyak. May mga panahon, natatanging panahon, kung kailan pinapangarap niyang mapasasayaw niya sa kanyang isip ang mga imahen. Ngunit sa totoong mundo man o sa mundo ng ilusyon ay hindi niya mapasunod ang mga ito, walang magawa, napilitan siyang tanggapin ang kanyang kahinaan. Ang isip ni Huiquan ay nabaling sa malalaswang dingding—dingding ng banyo na ang mga sugat ay hindi mabura, ginulping dingding na halos iguho ng malalaswang pag-atake. Kakaiba, malaswang isip at dumi ay kakatuwang napagsasama nang maayos doon, pinupwersa siyang harapin ang maruming katawan na pinipilit niyang itago. Mag-isa sa bisperas ng bagong taon, idinagdag niya ang sarili niyang mga pantasya sa mga naroon sa maruruming dingding. Hindi pala ang mga babae kundi marahil sa sarili pala niya siya naririmarim. Sa sarili niyang paraan, inalagaan niya ng kanyang sarili. Magulo, siyempre pa, ngunit gusto niya ang Page 26
gayon, lihim, ligtas, at di komplikado. Mas maraming mapagtataguan sa kampo kaysa sa bukid kaya nilang bilangin—taniman, maisan, daluyan ng irigasyon, di pa nabubungkal na bukid—na ang tanging nagmamasid sa kanya ay ang langit sa itaas at ang lupa sa ibaba. Nang naroon na siya, wala na siyang pagtingin kay Xiaofen, kaya wala nang direksyon ang kanyang pagkahumaling. Bahala na. Alam niyang pinaglalaruan siya ng mga demonyo at wala siyang lakas para labanan ito. Pagod na siya. Paubos na ang mga pagputok. Ang madalang nang pagputok ay nagpatingkad sa kalaliman ng gabi. Puno na ang mga tao ng kasiyahan, pagkain, at laro, at oras na para matulog ang lungsod, bago magbukang-liwayway. Wala siyang kasama, at pakiramdam niya’y nawawala siya. Labas sa kanyang mga pantasya, wala siyang makitang babae na karapat-dapat sa kanyang pagmamahal. Si Luo Xiaofen, wala na sa kanyang isip, ay hinding-hindi ang babaeng iyon. Hindi pa niya nakikita ito simula nang lumabas siya. Nagbabakasyon ito sa Harbin kasama ng kanyang nobyo, isang assistant sa kolehiyong normal, at isang gradwadong mag-aaral sa matematika si Luo—isang tambalang itinadhana ng langit. Ibinalita ni Tiya Luo, Masaya at nagmamalaki, na magpapakasal na ang dalawa sa Mayo. Si Luo Xiaofen—kababata ni Hiuquan, sabay silang nag-elementarya hanggang gitnang paaralan, ngunit ngayon, wala na siyang pagkakatulad. Nasa Harbin si Luo. Samantalang siya , nasa kalyeng Spirit Run, sa isang madilim na sulok, gumagawa ng hamak na bagay. Ngunit ito ang tadhana hinahamak siyang lagi sa tadhana. Sa unang araw ng bagong ton, pinagkaabalahan niya ang kanyang sasakyan, sa ikalawang araw, inilabas iyon para paandarin. Tuwang-tuwang siya sa mga sisidlang ginaw niya. Nagbisikleta siya para tingnan ang mga pakyawan, para pag-aralan ang mga lokasyon nito. Sa ikalima pa ang nakatakdang pagbubukas ng mga ito, tila pinagkisahan siya. Walang magagawa hanggang sa araw na ito. Matapos na sumulat sa instruktor political Xue at ipadala ang liham, dumaan si Huiquan sa isang tindahan ng libro at bumili ng mga kopya ng Mga multo sa Isang Lumang Sementeryo at Mga Babaeng Ahas. Pagbalik sa bahay, humilata siya’t nagbasa habang kinaing isa-isa ang saging. Nitong mga ang daang araw, nakaubos siya ng isang piling hanggang sa naging madulas ang kanyang bituka at napapapunta sa inidoro buong araw. Maayos naman ang mga libro; hindi lang siya makaalala ng istorya.kaya’t binabasa niyang muli, at parang bago at kawili-wili pa rin sa ikalawang pagbasa. Matapos niyang basahing muli ang mga libro, itinabi niya ito at ang mga pader ay tila blangko at maputla. Saging pa. Itinuturing na niyang mga gago ang mga awtor. Nakabababato. Gayon pa rin bukas, at may pakialam ba siya? Ano ang pagkakaiba ng malaki at maliit na daga? Parehong pangit; parehong patagu-tago. Ibinigay kay Huiquan ang puwesto sa may daanan sa timog ng silangang tulay. Dito ang mga numero ay nakapinta nang puti sa mga ladrilyo na nasa isang mahabang hanay ng tigdadalawang kwadradoyardang puwesto; ang iba ay okupado, ang iba ay hindi. Matapos niyang ayusin ang kanyang tindahan, tinakpan niya iyon ng ambi at inayos ang kanyang sasakyan para magsilbing harap ng tindahan. Sa bandang kaliwa niya ay ang daanang silangan-kanluran, sa bandang kanan, ang katapat nitong hilaga-timog. Nasa tapat mismo ng pardahan para sa Eastbridge Department Store. Nasa gilid siya ng alimpuyo ng mga tao, parang di humihinto. Wala isa man lang na tumingin sa kanyang paninda. Pagod pa sa nagdaang okasyon, ang mga Page 27
dumaraan ay palaiwas o bugnutin. Ang kanyang designasyon ay timog 025. Hindi magandang puwesto. Siya ang ika-25 tindero ng damit sa isang mahabang yardang lugar. ang mga tindahan ng pagkain ay nasa hilagang bahagi ng kalye, na may di kulang sa anim na nagtitinda ng inihaw na kamote at ilan pang matatandang naglalako ng malamig na dalandan at halos bulok nang saging. Napuno ng kulay berde sa kanyang tindahan—isang bunton ng walong k ulay-olibong kasuotang pang-army. isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba at isinuot ang isa. Niloko siya ng matandang lalaki sa pakyawan. Hindi maitinda ang mga kasuotan, panlamig na angora, at sapatos na gawa sa canvass. Ang naitinda lamang niya nang araw na iyon ay mga angora. Madaling naubos ang dalawang piraso. Mangyari pa, iyon ang pain para sa iba pang paninda. Ang pakyawan ay tres-diyes. Ibinenta niya ang una ng apat na yuan at ang huli, sais-beinte. Walang kinakailangan magturo sa kanya. Natuto siya nang iabot sa kanya ng unang kostumer ang pera; huwag kang matataranta sa pera at kalimutan mo na ang pagiging magalang sumigla siya, sa kung anumang dahilan; kumislap ang mata niya, na napanatag siya. Sa wakas, isang bagay itong may kontrol siya. Gusto sana niyang magtago ng isang gora para sa sarili. Para itong Ku Klux Klan na talukbong—mga mata lamang ang makikita—at iyon ang kailangan ng nagtitinda. Pakikiramdam ni Huiquan ay makapangyarihan siya, tulad ng misteryosong matanda na naglalako ng minatamisan na nakatayo sa harap ng East Bridge Department Store, sa dinaraanan mismo ng hangin. Ilang oras na walang imik, walang kibot. May mga kostumer siya—hindi marami kaunti—ngunit hindi na matagalan ni Huiquan na panoorin siya, alam niyang maaari siyang sigawan nito kapag nagpatuloy pa siya. “Sapatos na tatak-perfection mula sa Shenzhen Free Economic Zone. Sapatos, tatak-perfection, gawa sa Shenzhen...” Nagulat ang mga naglalakad sa sigaw niyang ito. Narinig na niya ang ganitong pagtawag sa gate ng Silangang China at sa Bukanang Gate, ngunit hindi niya alam kung kaya niya ang ganito. Mahirap, sa isip niya; hindi niya kaya. Ngayon, alam na niyang mali siya sa pagtantya sa sarili. “Mga blusang Batwing! Halikayo rito! Tingnan ninyo!” Sa pagkakataong ito, napakasama ng tunog, ngunit tila walang nagulat. Ilan pang Segundo, nasanay na ang mga mamimili sa kanyang kakaibang sigaw. Maipagkakamaling galing sa aso o kotse, at hindi pa rin papansinin ng mga namimili. “Mga blusang batwing! Seksi! Seksi! Seksi! Mga babae!” Kung makasisigaw lang talaga siya ng kung anong malaswa para mapansin. Buong araw, binantayan niya ang kanyang tindahan. Mula umaga hanggang oras ng hapunan, ngunit wala siyang nabenta, isa man lang panlamig na angora o isang pares ng sapatos kaya—wala maliban sa dalampung angora. Kahit iyon lang, ang may katandaang babae sa kanyang kanan ay naiingit, dahil iyong mas matagal na ito rito, naibenta lamang nito ay pares ng medyas at dalawang panyo. Ang tindahan sa kaliwa ay binabantayan ng isang lalaking dadalawampuin na muntik nang mapaaway sa isang kostumer dahil sa isang jacket na balat. Ang sabi ng kostumer, iyon ay imitasyon; ipinilit ng tindera na tunay iyong balat. Kinusot iyon ng kostumer at iginiit na imitasyon iyon mula sa ibang bansa. Naubos na ang pasensya ng isang tinder. Alam ni Huiquan na tunay iyong balat, ngunit hindi siya nakihalo sa gulo. Walang dahilan para sumangkot. Na ang lalaki ay nag-alok sa kanya ng sigarilyo, tumanggi siya. At siya naman ang nagsindi. Di niya pinansin ang lalaki. Wala siyang balak na mapalapit kaninuman. Kailangang mag-ingat kapag sangkot ang ibang tao. Page 28
Siya ang huli sa mga hanay ng mga tindahan na nagsara ng araw na iyon. Alas nuwebe na, kalahating oras matapos magsara ang Department store, madilim ang paradahan, halos walang nagawa ang mga ilaw sa kalye; wala nang kostumer sa gabi. Nagsasara na rin ang tindahan sa tapat, na binantayan ng dalawang lalaki, ngunit kahit gabing-gabi pa, parang ayaw pa nilang tapusin ang araw; may lungkot at panghihinayang sa kanilang tinig. “Medyas na nylon, pasara na! Otsenta sentimos ang isang pares...otsenta sentimos isang pares! Paubos na ang medyas na nylon. Huling tawag! Medyas na nylon... Dumaan ang kanilang sasakyan sa gilid ng kalye patungo sa daan, sa direksyon ng tore ng pamilyang Hu. Pumedal ang isang tindera samantalang ang isa ya nakaluhod sa sasakyan at iwinawagayway ang isang pares ng medyas na nylon. Sandali lang ang kanilang lungkot na mabilis na pinalitan ng pambihirang tuwa. Ang kanilang mga tinig—isang mataas, isang mahina—ay iginala ng hangin sa gabi. Sa sumusunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw ay wala siyang naitinda. Sa ikaapat na araw ay wala pang kalahating oras pagbubukas niya ng tindahan, nakabenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpentero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Pagkagaling sa estasyon ng Beijing, tumungo sila sa hardware sa tore ng pamilyang Hu, at nang marating nila ang silangang-tulay, nagkulay talong ang kanilang mga labi dahil sa lamig. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang panlamig ni Huiquan, at ang kanilang pera ay mabilis niyang isinilid sa kanayng bulsa. Bago siya nakapagtinda, matamlay niyang hinarap ang negosyo, ngunit nagbigay ng inspirasyon ang pagbili ng mga karpintero. Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kailan kakatok ang oportunidad. Hindi naman sa lahat ng pagkakatoan ay malas ka, hindi ba? Nag-iisip si Huiquan.
Pan Gu–Manlilikha ng Mundo Banghay
Page 29
1. Ayon sa alamat, ang langit at lupa, at ang sansinukob ay parang isang itlog na itim at nasa loob nito si Pan Gun na natutulog. 2. Makaraan ang 18 libong taon, nagising siya, hindi siya makahinga kaya naman kumuha siya ng palakol at ibinuhos niya ang lahat ng lakas niya upang mabasag ang balat ng itlog. 3. Naging langit ang malinaw na sansinukob na lumatang paitaas at naging lupa ang malamig at malabong bahaging nanatili sa ilalim, nanatili sa gitna si Pan Gu, naging salalayan ng langit ang ulo at ang paa naman ay nakatanim sa lupa. 4. Makalipas 18 libong taon lalong lumalaki si Pan Gu na dahilan upang maging mataas ang langit at makapal ang lupa. 5. Nakatayo si Pan Gu na parang haligi sa loob ng 18 libong taon na may taas na limampung libong kilometro na dahilan upang kailanman ang langit at lupa ay hindi na magkakalapit. 6. Makalipas pa ang ilang taon, binawian ng buhay si Pan Gu at ang mga bahagi ng kanyang katawan ang dahilan kaya nagkaroon ng mundo. 7. Ang hininga niya ang naging hangin at ulap samantala ang kanyang tinig ang naging kulog. 8. Ang kanyang magagandang mata ang naging araw at isang bahagi nito ang naging buwan. 9. Naging bundok ang kanyang katawan at binti, dugo ang naging dumadaloy na tubig sa paligid ng mundo, naging daanan ang kanyang mga ugat at laman niya ang naging bukirin na malaking tulong sa mga tao sa mundo. 10. Huling nabuo ang mga perlas at iba pang mamahaling bato mula sa buto ni Pan Gu, pawis, ulan at hamog ang bumubuhay sa lahat ng bagay sa mundo at ang kislap ng kanyang mata ang naging kidlat.
Page 30
Pan Gu– Manlilikha ng Mundo Sa simula, ayon sa alamat Tsino, magkahalo ang langit at lupa. Magulo iyon. Ang sansinukob o universe ay para raw isang malaking itlog na itim. Sa loob niyo'y naroon si Pan Gu. Natutulog! Pero makaraan ang l8 libong taon ay nagising siya. Naramdaman niyang hindi siya makahinga sa loob ng itlog. Nang hindi na makatiis sa sisinghap-singhap na paghinga, kumuha si Pan Gu ng palakol at ibinuhos niya ang lahat ng kanyang lakas para mabasag ang balat ng itlog. Ang magaan at malinaw na bahagi ng sansinukob ay lumatang paitaas at siyang naging langit. Ang malamig nama't malabong bahagi'y nanatili sa ilalim at siyang naging lupa. Nanatili sa gitna niyon si Pan Gu: ang ulo niya ang salalayan ng langit habang ang mga paa niya'y nakatanim sa lupa.
Nagsimula nang lumaki nang sampung talampakan araw-araw ang langit at lupa. At lumalaki rin kasabay nila si Pan Gu. Pagkalipas uli ng l8 libong taon, napakataas na ng langit, at ang kapal ng lupa. At bagama't si Pan Gu ay nakatayo pa ring parang haliging limampung libong kilometro ang taas, hindi na ulit maglalapit pa ang langit at lupa. Nang mamatay si Pan Gu, ang hininga niya ang naging hangin at ulap. Ang kanyang tinig ang naging kulog. Ang isa niyang mata ang naging araw at ang isa pa'y ang buwan. Ang kanyang katawan, braso at binti ay naging bundok samantalang ang dugo niya ang naging dumadaloy na tubig. Ang ugat niya ang naging mga daanan at ang laman niya ang naging bukirin. Ang napakaraming bituin ay sa buhok niya't balbas galing. Ang utak sa kanyang buto ang naging perlas at mamahaling bato. Ang pawis niya ang naging ulan at hamog na bumubuhay sa lahat ng bagay sa mundo. May nagsasabi pang ang luha niya ang naging batis. Ang kislap ng kanyang mata ang kidlat. At mula noon, nagsimula na ang mundo.
TATLONG TULANG KLASIKO MULA SA TSINA HIMIG NG KALOOBAN Page 31
salin ng tula ni Rwan Ji, mula sa Dinastiyang Wei ng Tsina salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Hindi ako makatulog sa gabi. Babangon at uupo ako para kalabitin ang umaawit na laúd.
Nanawagan sa gubat ang nag-iisang gansa. Sumigaw sa hilagang kahuyan ang paikot-ikot na mga ibon.
Sinisilip ko sa manipis na kurtina ang kinang ng buwan. Humihihip ang dayaray sa aking kasuotan.
Naiinis at balisa, ano ang inaasahang masisilayan? Lungkot at pighati ang aking kapiling.
SARILING ALIW salin ng tula ni Li Bai, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Kahit ang takipsilim ay hindi ko napansin sa aking paglalasing. Mga pigtas na bulaklak ang tumabon sa aking suot na damit.
Lango akong tumayo, at tinahak ang sapa sa kabilugan ng buwan. Lumisan ang lahat ng ibon; at kakaunti ang mga tao
MOOG SA TAGLAGAS salin ng tula ni Yen Wu, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Kagabi, pumasok ang simoy ng taglagas sa mga daan pa-Tsina. Napuno ng hilagang ulap at kanugnog na buwan ang mga bundok sa hilaga.
Hinimok kong muli ang aking mga heneral na humahagibis at tumutugis sa maaangas na barbaro na huwag hayaan ni isang kabayo ang makabalik sa larangan ng buhangin
Page 32
SANGGUNIAN: http://filipino.cri.cn/501/2017/09/07/106s151564.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10102.htm https://prezi.com/m/u_nqedptptt2/kultura-at-tradisyon-sa-bansang-tsina/ https://asiagroupfour.weebly.com/china.html https://baroislovedennislife.wordpress.com/2016/01/13/kultura-kaalaman-kasaysayan/ http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10101.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10102.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10103.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10104.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10105.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10201.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10202.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter1/chapter10301.htm https://prezi.com/u_nqedptptt2/kultura-at-tradisyon-sa-bansang-tsina/ http://filipino.cri.cn/1/2005/11/24/
[email protected] https://www.pdfcoke.com/doc/235363550/Ang-Panitikan-Ng-Tsina http:// kasaysayang-balik-balikan-ng-kasalukuyan.html http://www.philstar.com/para-malibang/2016/08/09/1611484/lotus-feet-sa-china http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter16/chapter160104.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter8/chapter80101.htm http://filipino.cri.cn/chinaabc/chapter23/chapter230206.htm https://www.pdfcoke.com/doc/172743311/Kultura-Ng-Tsina https://dakilapinoy.wordpress.com/2010/01/18/tatlong-tulang-klasiko-mula-sa-tsina/
PANITIKAN NG CHINA Isinulit nina:
Page 33
Cheremie D. Villamayor Mary Lourize C. Boceo Abigael Ann Dayo
Panitikan ng mga UMUUNLAD na BANSA Isinulit nina: Cheremie D. Villamayor Mary Lourize C. Boceo Abigael Ann Dayo
Diane Tiad 3C BSED-FILIPINO