AKO SI PARALUMAN Sa panulat ni: Danica D. Corum BSN1-B Ang buhay ay nababalot ng nga lihim na pinaka-iingatan. Kadalasan ay puno ito ng lumbay at problema na pilit naming kinakaya. Kung saan pinatatakpan ng masayang ngiti ng mga mamumunting mata, ng magandang imahe ng malaanghel na mukha at magandang postura ng katawan ang matinding kalungkutan at pighati na dulot ng pagpasok mo sa aking buhay. Sa bawat sulyap kong ito’y isang panibugho ang makikitang nagtatago sa likod ng nagdurugong puso’t magulong isipan. Ako ba ang hihingan ng tawad o ang magbibigay at magbabalik ng dati? Mahirap isipin at napakalabong mapaniwalaan na ang bawat bagay kung ito’y iisa-isahin mo pa. Nais kong sanang sa isang saglit lamang ito’y aking maunawaan. Matanggap ito ng lubusan. Hindi ko inakala na hahantung lamang ang lahat ditto, na magyayari ang ganito, hindi ko inaasahan ang mga bagay na’to. Mga bagay na magdadala sa akin sa kahihiyan. Kailanman di ko ninais na tayo’y magkalayo. Kahit ano pa ang isipan ng iba, iyan ang totoo. Kung ako ang magbibigay ng kapatawaran, para ko na ring hinayaan ang pagibig kong inalay ay masayang. Itong pag-ibig ko’y karapat-dapat lamang na maging pihikan ay iyong pinaasalamang. Ang pag-ibig ko’y buong nagtiwala sa mga matatamis mong salita’t gawi. Ipinaglaban kita, iniwan ko sila at sinumbatan para lang sumama sa iyo at mapagbigyan ang sarili na makapiling ka sa bawat sandali at nang sa gayon ay maramdaman ko ang ligaya na tulad ng dalawang taong nagmamahalan at nagsama upang maging isa. Ngunit sa tagal na nang panahon na’yon, di ko naramdaman ang totoong pag-ibig, di ko nakita ang tunay na ikaw. Naging masaya tayo, kasayahan na paara bang ni sinuman ay walang makapapantay. Naging mabuti ako sa iyo, ipinakita ko kung sino at anong klaseng tao ako. Hindi tulad mo na sa simula’t sa pol ay parang isang manikin na walang pakiramdam, “ MANHID” wika nga. Subalit kung dumating ang araw at nagpasya kang humingi ng tawad sa akin, anong posibleng mangyari? Maaaring ika’y aking yakapin na para bang nananabik upang ibalik ang dati at pagbigyan muli ang sarili. Hayaang mahalin kita, tanggapin kita sa puso’t isip ko. Subalit dahil sa ginawa mo, sa tingin mo katulad pa rin ba ako ng dati na nagging baliw sa pag-ibig para lang sa iyo, ako’y nagging mistulang manikin na nakatayo na lamang sa isang pamilihan ng mga pangkasal na kasuotan at higit pa sa nagbabagang baton g isang bulkan ang matigas, mainit at mapusok kong puso. Maaaring isang malalim na bugtonghininga lamang ang maipanunumbas ko sa paghingi mo ng kapatawaran.
Kung ating sasariwain , nagging agresibo ang tulad nating kabataan at nagging padalus-dalos sa mga bagay-bagay. Nagpadala tayo agad sa tukso n gating emosyon kaya’t ang buhay natin ay nawalan ng direksyon. Bakit ba di natin naisip ang mga pwedeng mangyar/ kuna ano ang magiging kalalabasan ng mga di siguradong desisyon na ating pinagpasyahan? Hindi natin sinaalang-alang ang mga sasabihin ng mga taong nasa paligid natin. Sana’y nagging mahusay tayo sa pagpili ng mga hakbang na ating tinapakan nang sa gayon ay di tayo naligaw at ngayon nagdurusa ant nasasaktan. Dahil sa pagkakamali natin, tayo ay maghihiwalay at ako ngayon ang lubos na nahihirapan sapagkay inalay ko ang lahat at nagging tapat . marahil sa’yo ay nagging madali lang ang lahat sapagkat di ka nagging tunay at tapat sa iyong pagmamahal. Sana’y sa pagdating ng unang araw ng ating paglalayo ay maging maayos ang lahat. Kahit na ang gabing darating ay magiging malamig na. Hangad ko pa rin isang magandang ngiti ng umaga para sa ating dalawa sa magkaibang lugar kung saan tayo ay nakatayo at naghihintay sa pinaniniwalaan nating tunay at wagas na pag-iibigan.