Rama at Sita Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva Paksa Ang akda ay tungkol sa mag-asawa na nagmamahalan na gagawin ang lahat mailigtas lang sa kapahamakan ang taong minamahal kahit buhay pa ang kapalit. Tauhan
Sita- isang napakagandang babae at pinakamamahal na asawa ni Rama.
Rama- asawa ni Sita, tagapagligtas ng kabiyak - kapatid ni Lakshamanan.
Lakshamanan- kapatid ni Rama, pinorotektahan ang mag-asawa laban kay Surpanaka.
Ravana- hari ng mga higante at demonyo na kapatid ni Surpanaka.
Maritsa- nakakapagpalit-palit ng anyo at hugis. Kasabwat sa pagbihag kay Sita. - isa itong tao na nagpanggap bilang isang gintong usa.
Surpanaka- kapatid ni Ravana, na gusto maging asawa si Rama.
Tagpuan
Sa gubat- dito naninirahan sina ,Sita at Rama at Lakshamanan
Sa Lanka- dito ang kaharian ng mga higante at demonyo
Banghay 1. Sa isang gubat nakatira ang mag- asawang sina Rama at Sita gayundin ang kapatid ni Rama na si Lakshamanan mula nang maipatapon sila ng kahariang Ayodya. 2. Minsan, may dumalaw na isang babae at ito at si Surpanaka na kapatid ni Ravana na hari ng mga higante at demonyo na ang tanging pakay ni Surpanaka ay mapaibig at maging asawa si Rama. 3. Nang malaman ni Surpanaka na may asawa si Rama, tinangka nitong patayin si Sita ngunit nabigo siya dahil ipinagtanggol ni Rama ang kabiyak.
4. Nakita ni Ravana na tagpas ang tainga at ilong ni Surpanaka, tinanong niya ito kung sino ang may gawa ngunit nagsinungaling ito na may nakita siyang magandang babae sa gubat na iniligtas ng prinsipe na kanyang nakalaban kaya nabawasan ng dalawang bahagi ang kanyang katawan. 5. Humingi ng tulong si Lakshamanan sa kapatid upang mabihag si Sita kaya naman ipinatawag niya si Maritsa na kayang magpalit ng anyo at hugis, nang malaman ni Maritsa ang kanyang makakalaban ay ang magkapatid tumanggi ito sapagkat kakampi niya ang Diyos ngunit nakumbinsi rin siya ni Ravana. 6. Isang umaga, habang namimitas ng bulaklak si Sita, nakakita siya ng gintong usa kaya agad niyang tinawag ang asawa at kapatid nito upang hulihin ang gintong usa ngunit sa pagsunod ni Rama ay nagbigay ng paalala si Lakshamanan na baka higante rin yun ngunit ipinawalang bahala iyon ng kapatid. 7. Matagal na nag-intay sina Sita at Lakshamanan kay Rama kaya napagpasyahan niyang pasundan ang asawa sa kapatid into. 8. Wala silang kaalam-alam na naghihintay na pala si Ravana sa labas ng gubat at nang makita nito ang usa agad na pinatay ni Ravana at nagpanggap siyang paring Brahmin na humihingi ng tubig kay Sita ngunit nagulat si Sita sa kanyang narinig na gagawin siyang reyna ng Lanka. 9. Nang makuha ni Ravana si Sita, sinakay niya ito sa isang karwahe patungo sa Lanka at may agila na nagtangkang iligtas si Sita ngunit nabigo ito dahil napatay ito ni Ravana. 10. 10. Sa tulong ng hari ng mga unggoy, nasalakay ni Rama ang Lanka upang malabanan si Ravana at pagkatapos ng mahabang paglalaban nagwagi siya at nailigtas ang asawa. Aral Kinakailangan ng mag-asawa ng tiwala sa isa’t isa upang maiwasan ang mga problema o suliranin; magmahal ng lubos; at protektahan ang bawat isa sa lahat ng pagkakataon.
Go for it, Bablu! Ni Chitra Padmanabhan Paksa Ang kwentong ito ay tungkol sa patitiyaga na matutunan ang mga bagay-bagay at sa pagsisikap na maabot ang ninanais sa buhay. Tauhan Bablu- isang walong taong gulang na kapatid ni Raj Sharikar- isang estudyante na pumili kay Raj upang magmaneho para sa kanyang Appa Raj- tatlumpung taong gulang, kapatid ni Bablu Appa- tatay ni Sharikar na naaksidente Tagpuan Bahay ni Sharikar Paaralan Banghay 1. Ala-sais ng umga na ngunit ayaw panggumising ni Sharikar dahil gusto pa niyang alalahanin ang pagbisita sa kanyang lolo at lola noong Marso. 2. Palagi niyang inaalala ang pagbisita niya sa Bandipur National Park dahil dito niya nakita ang elepanteng Asyano, buwayang Mugger at marami pang iba. 3. Hapon na nakauwi si Sharikar galing paaralan, nakita niyang umiiyak ang kanyang ina dahil naaksidente ang kanyang Appa habang nagmamaneho papuntang opisina. 4. Dahil sa nangyaring aksidente, kinilala ni Sharikar ang mga aplikante bilang tagapagmaneho ng Appa niya. 5. Si Raj ang nakuha bilang tagapagmaneho, siya ay tatlumpong taong gulang at mahinahong magsalita.
6. Lumipat si Raj kasama ang kanyang kapatid sa likuran ng bahay ng bago niyang pagtatrabahuhan at dito nakilala ni Bablu si Sharikar at simula noon naging tagahanga niya si Bablu. 7. Si Bablu ay hindi nag-aaral sapagkat wala raw ibang ipinagagawa ang kanilang guro kundi ang pagkopyahin lamang sila kung ano ang nakasulat sa pisara. 8. Baligtad magbasa si Bablu kaya tinuruan niya ito kung paano humawak ng libro. 9. Sinabi ni Bablu na gusto niyang maging katulad ni Sharikar kaya naman nagdesisyon siya na tulungan ito na makapasok sa paaralan. 10. Pumasok si Bablu sa paaralan suot ang kanyang uniporme ngunit nang umuwi na ay medyo naiiyak siya dahil tinutukso siya ng kanyang mga kaklase na matanda na raw siya kumpara sa kanila. 11. Sinabi ni Bablu na ayaw na niyang mag-aral ngunit hindi pumayag si Sharikar at sa halip sinabi nito sa kanya na tutulungan siyang bumasa at sumulat upang mas maging magaling pa siya sa kanyang mga kaklase. 12. Naaliw si Bablu na kulayan ang mga larawan na bigay ni Sharikar at paulit-ulit niyang binibigkas ang pangalan ng mga ito. 13. Bumalik sa paaralan si Bablu matapos ang dalawang buwan at siya na ang naging pinakamagaling na estudyante sa kanilang klase. 14. Sinabi ni Bablu kay Sharikar na siya na ang nag-momonitor ng kanilang klase, kinarga siya ni Sharikar at nagsayaw sila. 15. Gusto naman ni Bablu na matutong gumamit ng kompyuter dahil gusto niyang mapuntahan ang iba’t ibang websites na may kwentong pambata at upang malaro rin niya ang mga nilalaro ni Sharikar.
Aral Tingnan natin ang positibo ang bawat pangyayari sa ating buhay at huwag nating hayaang manatili tayo sa ating kinatatayuan kung kaya nating magkaroon ng higit na maayos na kalagayan.
ANG PANGARAP NG PANGIT NA PRINSESA (Halaw sa isang kwentong-bayan mula sa India) Ruth Elynia S. Mabanglo Paksa Tungkol ito sa isang prinsesang pangit na kahanga-hanga ang mga katangiang panlalaki, na umibig sa isang prinsipeng mahusay sa pakikipagdigma. Pangarap niya na mapangasawa ang isang prinsipe na isang bantog na mandirigma kaya gumawa siya ng paraan upang maging maganda. Tauhan
Chitrangada- prinsesang ubod ng pangit na nag-iisang anak ng hari, matapang at mahusay sa pamumuno, pandirigma at pakikipaglaban mahusay rin sa pangangabayo.
Arjuna - prinsipe ng mga Pandava, isang bantog na bayaning mandirigma may tiwala sa sarili. Mapanlait sa kapwa
Jaya - ang magandang babae na nagpapanggap na si prinsesa Chitrangada.
Tagpuan Sa isang malayong kaharian sa Manipur, India Banghay 1. Sa isang malayong kaharian sa India, nakatira si prinsesa Chitrangada na isang magaling na mandirigma, mangangabayo, mangangaso at magaling na mamumuno ngunit kahit na siya ay kinahahangaan, mayroon pa rin siyang kapintasan at ito ay ang kanyang mukha na sobrang pangit. 2. Hindi pa siya nakakapag-asawa dahil walang nangahas na umibig sa kanya dahil sa taglay niyang kapangitan pero may isa siyang iniidolong lalaki at ito ay si Arjuna ng Pandava, na isa ring bantog na mandirigma. 3. Sa paglalakbay ni Chitrangada at ng kanyang mga kawal nakita nila si Arjuna na natutulog sa ilalim ng isang puno at inutusan niya ang mga kawal na gisingin ito. 4. Bago sila nakalapit sa mandirigma’y nakapaghanda na ito ng palaso sa kanyang busog at napahinto siya ng makita si Chitrangada na nakasuot ng damit panlalaki.
5. Binastos siya ni Arjuna at hindi niya nagustuhan ang sagot nito sa kanya kaya ang alam niya ay hindi ito taga-roon sa kanilang kaharian. 6. Nagpakilala si Arjuna sa kanya na may pagkasuya at sinabing may panata siyang magpapakasakit at hindi sisiping sa sinumang babae sa loob ng isang taon. 7. Naiwang naghihimagsik si Chitrangada sa galit at doo’y dali-dali na niyang niyaya umuwi ang mga kawal sa palasyo at sa pagdating niya rito ay hinubad ang kasuotang panlalaki at nagbihis ng damit na pambabae. 8. Buong pagkakawang hinawakan siya ng kanyang pinakamatapat na dama at sinabihan siya na magtungo sa templo ng Diyos na Pag-ibig at hilingin na siya ay maging mayumi at kaakit-akit na babae sa loob ng isang taon para masira niya ang panata ni Arjuna. 9. Dininig naman siya at pinatulog ng magmulat, ibang tao na siya, naging maganda, malambot at mabini noon din ay nagtungo siya sa gubat upang hanapin ang binatang kinahuhumalingan. 10. Natagpuan niya si Arjuna sa kubol na lona na itinirik nito sa gubat na nakapikit sa isang malalim na pagdili-dili nito sa tinatawag na yoga ng mga taga India. 11. Unti-unting binuksan ni Arjuna ang mga mata at roon ay isang marilag na babae ang nakita niya at noo’y tinatanong niya kung sino ang kaharap. 12. Nagpakilala si Chitrangada bilang si Jaya, nagustuhan ni Arjuna ang magandang prinsesa at naging magkasintahan sila ngunit naging magulo ang kaharian ng prinsesa sa pagkawala niya sa loob ng isang taon. 13. Isang taong ginugol na dalawa sa pagsinta kasabay nito’y nalimutan ni Arjuna ang kanyang yoga at nakaligtaan naman ni Chitrangada na siya’y isang prinsesang amasona na sa pagkawala niya, ang baya’y muling naligalig ng masasamang loob. 14. Nagpakita siya sa mga tao sa kanyang dating anyo na ikinagulat ni Arjuna nang sila’y magkasamang sumuong sa digmaan at dito napahanga ng prinsipe ang prinsesa. 15. Nakuha ni prinsesa Chitrangada ang pag-ibig at paghanga ni prinsipe Arjuna kaya ipinagkaloob ng diyos ng pag-ibig ang permanenteng anyo ng prinsesa.
Aral Huwag nating husgahan ang sinuman batay sa panlabas niyang kaanyuan sapagkat hindi naman ito ang sukatan ng pagkatao.