I. II. III.
IV.
V.
Pamagat Petrang Kabayo Direktor Wenn V. Deramas Mga tauhan A. Mga Pangunahing Tauhan VICE GANDA bilang si Peter at ang boses ni Petrang Kabayo. LUIZ MANZANO bilang si Erickson. ABBY BAUTISTA bilang si Pauleen. SAM PINTO bilang si Sam. GLORIA ROMERO bilang si Lola Idang. CANDY PANGILINAN Bilang si Maita. EAGLE RIGGS bilang si Diobayo. DJ DURANO bilang si Dickson. B. Mga Suportang Tauhan. RICKY RIVERO bilang si Geronimo. TOM RODRIGUEZ Bilang si Chito. JOHN ARCILLA bilang si Poldo. ATAK bilang si Dalvie. JOY VIADO bilang si Lina. NADINE LUSTRE Bilangsi Dina. C. Espesyal na Partisipasyon ANNE CURTIS bilang si pasahero ng kalesa. EUGENE DOMINGO bilang si Doña Biday. JOHN LAPUS bilang si Tsinoy na matron. GLADYS REYES bilang si buntis na pasahero ngkalesa. JAYSON FRANSISCO Bilangsi Waiter. DENNIS PADILLA bilang si Marjoroi. MAKISIG MORALES bilang si batang Peter. Tagpuan Sa isang magulong lugar kung saan nakuha ni Peter ang ugali ng pagiging masama sa ibang tao at sa mga hayop. Sa masyon ni Donya Biday kung saan si Peter ay nagsimulang nagbago. Sa kompanya na pinamana ni Donya Biday na kung saan si Peter ang nasusunod. Sa isang lugar kung saan naganap ang karerahan ng kabayo at kung saan nawala ang sumpa. Paksa Ang Petrang Kabayo ay isang pelikula kung saan ipinapakita ang isang tipikal na pamilya na nasa mahirap na estado lamang.Ang paksa ng pelikulang ito ay ukol sa isang batang lalaki (ngunit nag-aalangan sa kanyang kasarian) na
VI.
pinagmamalupitan ng kanyang ama dahil sa kanyang pagiging isang bakla. Siya ay lumayas sa kanila at napadpad sa isang mayamang babae at itinuring siyang tunay na kapamilya. Ngunit dahil sa poot at galit,siya ay naging masama, hindi lang sa mga hayop kundi pati narin sa mga tao. Buod Sa simula ay nananaginip si Peter na may humahabol sa kanya at bago siya tuluyang magising ay naging kabayo raw siya. Ginising siya ng kanilang trabahador dahil may nangyaring masama sakanyang Mama. Na hospital pero gumaling ang kanyang Mama. Nagusap sila ng kanyang Mama at naalala nito ang sinapit ni Peter noong bata a ito. Hindi tunay na anak ng Senyora si Peter. Noong bata pa ito ay pinagmalupitan siya ng kanyang tatay dahil bakla siya. Nang pinabantayan sa kanya ng kanyang tatay ang kanilang kabayo ay nakawala ito kaya binugbog si Peter ng kanyang Tatay kaya lumayas siya. Nagpalaboy laboy si Peter hanggang sa makita siya ng Senyora. Inampon niya ito. Pagkatapos magkwento ng Senyora ay namatay ito dahil hindi kaagad nakainom ng tubig. Naging malupit si Peter sa mga trabahador at katulong nito. Nang makita niya ang kanyang itay at kapatid ay sinundan niya ito hanggang sa bahay nila. Puro masasakit na salita ang binigay ni Peter sa kanyang Ama at bago siya umalis ay sinabi niyang dadalhin niya ang kanyang kapatid. Nagpatuloy ang pagmamalupit niya lalo na sa kanyang kapatid at hindi rin niya pinalampas pati ang mga alaga niyang kabayo. Kaya lumitaw ang Diyosa ng mga kabayo at isinumpa siya na magiging kabayo sa oras na siya'y magagalit, may gagawing hindi maganda at mangaalipusta ng kapwa niya. Matatanggal lang ang sumpa kapag naging mabait siya o may lalaking hahalik sa kanya ng "lips to lips" habang kabayo siya. Sa una ay bumait siya pero hindi niya ito natagalan kaya naging kabayo siya. Nataon naman na namatay ang kabayo ni Erickson at siya ang pinalit dito. Pinangalanan siya ng Lola nito ng Petrang kabayo. May mga natulungan siya noong kabayo pa siya kaya bumalik siya sa pagiging tao. Bumalik siya sa kanyang tahanan at nagulat ang lahat dahil akala nila ay patay na si Peter. Ang kompanya nila noon ay may utang na 100,000,000.00 milyong piso. Naging kabayo ulit siya dahil nagalit siya sa kanyang abogado kaya pumunta siya sa kanyang kwarda sa bahay nila Erickson. Naging tao siya kinabukasan at nalaman ng Lola ni Erickson na siya at si Petrang Kabayo ay iisa. Binigyan siya ng payo ng Lola ni Erickson. Nataong may "Amazing Horse Race" na patimpalak at 100 milyon ang mapapanalunan. Piniplit ni
Peter si Erickson na maging hinete ni Petrang kabayo. Napilit niya ito, nanalo sila at hinalikan ni Erickson si Peter habang kabayo pa ito at natanggal ang sumpa kay Peter. Naging masaya ang lahat sa pagkakataong ito. VII. Aspetong Teknikal A. Musika Umaayon ang musika sa bawat eksena na siya namang nagdadala sa mga manunuod upang mas tutukan pa ang pelikula. Tama lang ang tunog at walang sumobra. B. Iskrip ang iskrip nito sa kabuuhan ay may halong pormal at di-pormal. Ang mga salitang ginamit ay naaayon sa makabagong panahon. Ang istilo ng pagsasalita ng mga tauhan ay akma para sa kanilang ginaganapan. C. Pagganap sa tauhan Bagama’t hindi maiiwasang maihambing ang Petrang Kabayo na ito sa orihinal na bersyon ni Roderick Paulate noon, masasabi namang nagawa ng pelikulang punuan ang inaasahan ng manonood na maaliw. Salamat sa napakahusay na pagganap ni Ganda bilang Petrang Kabayo at nagawa nitong palutangin ang katatawanan sa kabila ng mangilan-ngilang kabagalan ng pelikula sa pagkukuwento. Dahil kay Ganda, nabigyang buhay ang kabuuan ng tauhan at kuwento ni Petrang Kabayo. Pawang mahuhusay din naman ang kanyang mga kasamang tauhan ngunit dahil siya ang bida at ito ang kauna-unahan niyang pagbibida sa pelikula, ay malaki ang inaasahan sa kanya. Nagampanan naman niya ng buong husay ito at walang humpay sa kakatawa ang mga manonood. D. Sinematograpiya Maayos ang daloy at pagkakakuha ng kwento. Angkop ang mga gumanap dahil naipakita nila ng maayos ang mga dapat na ugali at emosyon sa kwento. Maganda ang mga napiling musika sa mga piling eksena. Magaling at maganda ang pagkakagawa at pagkaka-edit. E. Ilaw Ang mga ilaw sa pelikula na ito ay maganda saktong sakto lang para sa takbo ng pelikula, pag madilim na madilim narin angh ilaw pag maliwanag naman maliwanag rin ang ilaw. F. Props Ang mga props na ginamit ditto ay maganda makikita mo talaga ang pagbibigay nila ng effort para sa palikulang ito. VIII. Bisang Pampanitikan A. Bisa sa Isip: Mas napatotohanan ang pinaniniwalaan kong “ang lahat ng ginagawa ng isang tao ay may dahilan.” Kasi hindi naman magiging masama si Peter kung wala siyang naging masamang nakaraan. Bukod dito, mas naniniwala ako na “hindi madaling kalimutan ang nakaraan.” Kasi kung nakalimutan na ni Peter ang nakaraan, hindi na niya kukuhain ang kanyang kapatid. Sa halip ay tutulungan niya ang kanyang ama at kapatid
B. Bisa sa damdamin Nakakaantig yung bahagi ng pelikula na dinalaw ni Peter si Mang Poldo ng maospital ito dahil sa pagkakulang sa potassium dahil sa bahaging ito na pinatawad ni Peter si Mang Poldo. Habang nanonood ng pelikula ay puro tawa lang ang maririnig mo sa paligid. Pati ako tawa nang tawa C. Bisa sa kaasalan Mas napagtanto ko na hindi dapat maging matigas ang ating puso sa mga taong nagkasala sa atin. Hindi dapat maging masama ang tingin natin sa mga tao sa paligid natin. Dapat ay ituring natin sila kung paano nila tayo ituring. Pero kung masama ang pag turing nila sa atin, dapat maging maayos pa rin ang pakikitungo natin sakanila. IX. Magagandang Pahayag Dapat matuto tayong mag patawad ng kapwa kung may nagawa man itong masama sa atin, dapat din mahalin natin ang ating mga magulang. X. Rekomendasyon Ang aking rekomendasyon ay mas mapaganda pa nila kung may kasunod pa na gagawin silang parte ng pelikula na sana ay mas higit na nakatatawa at medyo nakaiiyak ang pelikula.
I.
II.
Panimula A. Pamagat Sandaang Damit B. May Akda Fanny A. Garcia Tauhan Batang Babae - ang pangunahing tauhan sa kwento - nakakaranas ng panunukso - sinungaling
III.
IV.
Mga Kaklase - nanunukso sa batang babae Ina ng batang babae- mapagmahal na ina, positibo para sa anak. Tagpuan ●sa paaralan ●sa bahay ng batang babae Pangunahing Suliranin (Mga Tunggalian) Suliranin - problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento. -nagbibigaykulay sa kwento - Ang nararanasang panunukso o deskriminisasyon ng batang babae mula sa kanyang mga kaklase. Tunggalian - Ang tunggalian sa kwento ay tao laban sa lipunan dahil sa panghuhusga ng mga kaklase ng batang babae sa kanya.
V. Simbolo "Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaib a ang kanyang kalagyan kung ihahambing sa mga kaklase. Ipinapa kita at ipinapabatid nila iyon sa kanya. Mayayaman sila. Magagand a at iba-iba ang kanilang damit na pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kanyang damit. Ang kanyang damit, kahi t malinis ay halatang luma na, palibhasa ay kupas na at punong-pu no ng sulsi" VI. Buod May isang batang mahirap na tahimik lang palagi sa kanyang klase. Ang kanyang damit ay luma na at tinapay lamang ang kanyang baon palagi. At ang mga bagay na ito ang dahilan kung bagit siya inaasar ng kanyang mga kaklase. At naiintindihan niya ang sitwasyon ng kanilang pamilya. At isang araw biglang nagkatinig ang bata, nagmamalaking sinabi na mayroon siyang isandaang damit. Ikinuwento niya sa kanila
ang bawat detalye ng kanyang damit. At simula noon ay naging malapit na siya sa kanyang mga kaklase. Ngunit nang magsimulang lumiban sa klase ang bata, nagtaka ang kanyang mga guro at kaeskwela kaya napagdesisyunan nilang puntahan ang bata sa kanilang tahanan. At nakita nila ang sira-sirang bahay ng bata, ngunit hindi siya ang kaagad nilang hinanap kundi ang sandaang damit ng bata, at nakita nila itong nakadikit sa dinding, isandaang damit na pawing mga drawing lamang. VII. Banghay A. Simula Nagsimula ang kwento sa paglalarawan ng may akda sa batang babae. Inilarawan niya ito bilang isang batang walang imik, madalas na nag-iisa at mahiyain. Ipinahayag din ang panunuksong nararansan nito. B. Gitna Nang unti unti nang nakakaunawa ang bata sa kalagayan ng kanilang pamilya. Pinili niyang sarilinin ang kanyang pagdaramdam at hindi na si ya nagsusumbong sa kanyang ina. Nang natuto ng lumaban ang batang babae. Sinabi niyang mayroon siyang sandaang damit sa kanilang bahay at nang hindi siya pinaniwalaan ay inisa-isa niyang ilarawan ang kanyang mga damit na ito C. Wakas Ngunit isang araw ay hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng may sandaang damit. Saka ng sumunod na araw. At nang sumunod pa. At pagkaraan ng isang linggong hindi niya pagpasok ay nabahala ang kanyang mga kaklase at guro.Isang araw ay nagpasya silang dalawin ang batang matagal na lumiban sa klase. Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan. Sumungaw ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Pinatuloy sila at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat sa anumang marangyang kasangkapan. At sa isang sulok ay isang lumang teheras at doon naratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunang-pansin kundi ang mga papel na maayos na maayos na nakahanay at nakadikit sa dingding na kinasasandigan ng teheras. Lumapit sila sa sulok na yaon at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding ay ang drowing ng bawat isa
sa kanyang sandaang damit. Magaganda, makukulay. Naroong lahat ang kanyang naikuwento. Totoo’t naroon ang sinasabi niyang rosas na damit na pandalo sa pagtitipon. Naroon din ang drowing ng kanyang pantulog, ang kanyang pansimba, ang sinasabi niyang pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon sa kanya’y nakatago’t iniingatan niya sa bahay. VIII.Pagsusuri A. Sariling Reaksyon Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang nagsinungaling. Di tulad sa ibang kwento na karaniwan ay matatanda ang palaging naghihiganti at gumagawa ng mga bagay na masama. Simple lamang ang kwento pero naisalaysay naman ito ng maayos at mahusay, madali itong makakuha ng pansin ng mga mambabasa. B. Pag-uugnay sa tunay na sitwasyon ng buhay Inuugnay ko ito sa sariling buhay ko dahil minsan ay nakaranas nako ng panunukso mula sa aking mga kaklase, at nagawa ko narin ang pagsisinungaling sa isang bagay. IX. Pahiwatig Pinapahiwatig nito na dapat tayo makuntento sa kung anong meron tayo, at huwag na huwag tayong magsisinungaling. X.Magagandang Pahayag “Alam n’yo,” aniya sa malakas at nagmamalakiing tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” XI. Bisang Pampanitikan A. Bisa sa isip Natanim sa isipan ko ang tungkol sa katayuan ng isang mahirap sa mundo ng mga mayayaman. Kung paano apihin ang mga batang hindi kayang suportahan ng mga magulang ang pangangailan g anak. Gayundin kung bakit ang mga mahihirap ay nasasakdal sa kasamaan at natututong gumawa ng mali sa buhay. B. Bisa sa damdamin Nalulungkot ako sapagkat napakasakit isipan na ang mga mahihirap ay inaapi sa kabila ng kanilang nararanasan.Naaawa ako sa kalagayan ng bata sapagkat sa murang edad ay nararanasan niya ang kaapihan sa buhay. Hindi ako makaramdam ng galit sa batang inapi kahit na siya ay
nagsinungaling na mayroong saandaang damit. Hindi ko siya masisisi sapagkat ginawa lamang niya iyon upang matigil na ang pang-aapi sa kanya. Mas nagagalit ako sa batang na kanyang kakalse sapagkat sa halip na tulungan ay inaapi pa nila. C. Bisa sa kaasalan Anumang hirap ang danasin sa buhay ay manatiling malinis ang kalooban.Ang kahirapan ay hindi dapat maging hadlang upang gumawa ng kasamaan. Kahit na mahirap ang isang tao kung may dangal naman at malinis ang kalooban, ito ang yaman na hindi makukuha ninuman.Sa ginawa ng bata ay nakuha niyang magsinungaling sapagkat dinaranas niya ang kaapihan upang malampasan lamang ang dulot ng kahirapan. XII. Rekomendasyon A. Magulang Dapat mabasa ito ng mga magulang upang magabayan nila ng maiigi ang kanilang mga anak. B. Bata Dapat din mabasa ito ng mga kabataan para malaman nila na ang pagsisinungaling ay masama at dapat hindi rin nila ginagawa ang panunukso sa kapwa.
I. Panimula Hinahangad II. May-akda W.A. Garcia III. Elemento ng Dula A. Tauhan Body Guard (Darrielle) Adranno,Ama ni Darrielle Cecilia, Ina ni Darrielle, may kapansanan Radii,matalik na kaibigan ni Darrielle Rego, kaibigan ni Darrielle mula pagkabata Mike,Mayor Ren,kaibigan ni Darrielle at Rego Niro , naging kaibigan ni Darrielle na tumulong sa kanya Princess, anak ng presidente Jesse,anak ng presidente B. Tagpuan C. Banghay D. Tunggalian