Tungkulin At Responsibilidad Ng Mananaliksik.docx

  • Uploaded by: joel Torres
  • 0
  • 0
  • October 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Tungkulin At Responsibilidad Ng Mananaliksik.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 775
  • Pages: 3
Pagsulat ng Pananaliksik, Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik  

Lesson6 chapters Questions

Layunin Pagkatapos ng araling ito, dapat na:  

natutukoy mo ang mga kaisipang may kinalaman sa pananaliksik; at nasusuri mo ang mga tungkulin at responsbilidad ng isang mananaliksik.

 

Sa iyong palagay, gaano kahirap ang maging isang mananaliksik? Ano-ano ang tungkuling dapat niyang gampanan bilang isang mananaliksik?

Alamin ang mga sagot sa araling ito!

Pag-aralan Natin Pananaliksik Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain kung saan naghahanap ng sagot sa katanungan o solusyon sa isang problema. Ito ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian:      

sistematiko - may sinusunod na paraan at proseso kontrolado - may tukoy na limitasyon at saklaw empirikal - batay sa mga datos at tiyak na impormasyon obhetibo - walang kinikilingan isang pagsusuri - may ebalwasyon o pag-aanalisa ng nakalap na datos ginagamitan ng hipotesis - may ipinapalagay na agiging resulta

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik Ang isang mananaliksik ay may mga tungkulin at responsibilidad dapat gampanan.

Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik.   

Pinarurusahan ng batas ang sinumang tuwirang nangongopya ng impormasyong hindi kinikilala ang pinagmulan. Tinatawag na plagiarism ang ganitong gawain. Ang ang plagiarism ay: o tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan;

o o o o

panghihiram ng mga ideya at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan; pangunguha at tuwirang pag-angkin ng ideya buhat sa pananaliksik ng iba dahil hindi isinulat ang dokumentasyon na pinagkunan; pagsasalin ng mga termino buhat sa ibang wika at hindi isinulat na ang mga terminong ginamit ay salin lamang; pangongopya ng disenyo, banghay, at himig na hindi man lamang kinilala ang pinagbatayan sa halip ay ganap pang inangkin ang mga datos na nakalap.

Humingi ng Permiso sa Orihinal na May-akda kung gagamitin ang kaniyang datos o isinulat na pananaliksik.  

Isa sa mga paraan ng pagkilala sa awtoridad ng sumulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik ay hingin ang kanilang permiso na gagamitin ang kanilang akda bilang isa sa mga pagbabatayang datos. Sa pagkuha ng mga datos buhat sa ibang akda ay isulat ang pangalan ng sumulat at taon ng pagkakalathala nito. Ito ay pagkilala sa may akda bilang orihinal at pinagmulan ng ideya.

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik Ang isang mananaliksik ay may mga tungkulin at responsibilidad dapat gampanan.

Kilalanin ang awtor ng pananaliksik na ginamit bilang batayan o batis ng mga datos. 

Sa pagkuha ng mga datos buhat sa ibang akda ay isulat ang pangalan ng sumulat at taon ng pagkakalathala nito. Ito ay pagkilala sa may akda bilang orihinal at pinagmulan ng ideya.

Sumulat ng wastong dokumentasyong ng lahat ng pinagkunang batis. 

Isulat ang tamang dokumentasyon ng lahat ng mga pinagkunang datos bilang pagpapatunay na may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.

Ilahad ang totoong resulta ng pananaliksik. 

Mahalagang ipakita sa pananaliksik ang tunay at tiyak na resulta ng pananaliksik. Hindi ito dapat dayain o manipulahin, lalo na kung taliwas sa hypothesis ang naging resulta.

Sundin ang suhestiyon ng tagapayo lalo na sa proseso sa paggawa ng pananaliksik. 

Makatutulong ito upang maging makatotohanan ang resulta at makaiwas sa pagtatangkang manipulahin o dayain ang isinasagawang pag-aaral.

Iba pang Gampanin ng Mananaliksik

Bukod sa mga nabanggit na tungkulin, dapat ding gampanan ng isang mananaliksik ang ibang gawaing makatutulong upang maging katanggap-tanggap at kapani-paniwala ang kaniyang sulating pananaliksik. Narito ang ilang mga gampanin:     

Mahalaga sa isang mananaliksik ang magkaroon ng interes sa kaniyang paksa. Kailangang magkaroon siya ng hangaring makabuo ng tanong sa kaniyang isip at magtanong din sa mga eksperto. Kailangang puntahan niya ang lugar na mapagkukunan niya ng mga impormasyon. Kailangan ding maging mapanuri ang isang mananaliskik sa mga teksto at materyal na pinagkukunan niya ng impormasyon. Hanggang maaari, magsagawa siya ng ebalwasyon sa mga nakalap na impormasyon upang lubos na mapatunayan ang isinasagawang pag-aaral. Kailangan ay marunong siyang magsama-sama ng mga impormasyon upang makabuo ng mga bagong konklusyon. Kailangang maipakita niya ang resulta ng pananaliksik sa paraang kawili-wili, may direksyon, at may tamang dokumentasyon ng mga pinagkunang impormasyon.

Mga Paalala   

Ang isang mananaliksik ay kinakailangang matapat. Nararapat na maging masikap at matiyaga sa pangangalap ng datos ang isang mananaliksik. Iwasan ang plagiarism upang magtaglay ng magandang kredibilidad ang isang mananaliksik at masabing bunga ng sariling pagtitiyaga at isipan ang pag-aaral na ginawa.

Mahahalagang Kaalaman  

Ang pananaliksik ay isang komprehensibong gawain na maglalahad ng resulta ng isinagawang pag-aaral. Mahalagang sundin ang mga tungkulin at gampanin ng mananaliksik.

Related Documents


More Documents from ""