PAANO GUMAMIT NG CONDOM?
Ang wastong paggamit ng condom ay isa sa mga susi sa prebensyon laban sa mga Sexually-Transmitted Diseases (STD) gaya ng HIV/AIDS at tulo o gonorrhea. Kapag ginamit nang tama, ang condom ay lubos na epektibo sa pagpigil sa pagbubuntis. Upang makamtan ang mga benepisyo ng paggamit ng condom, dapat itong gamitin sa wastong paraan. Alamin ang mga hakbang: 1.
Bumili ng condom sa bokita o anumang tindahan. Siguraduhing hindi pa-expired ang condom na iyong binili (Tingnan ang “Expiration Date” sa likod ng pakete”)
2.
Itago ang condom sa maayos na lugar.
3.
Kung gagamitin na ang condom, buksan ito ng dahan-dahan. Tandaan na ang tagumpay ng paghadlang sa pagbubuntis ay nakakasalalay sa condom na walang butas; kahit maliit na butas ay maaaring magdala ng tamod na pinaputok patungo sa fallopian tube ng babae. Maaari rin itong magsilbing daluyan ng anumang impeksyon. Kaya maging maingat sa pagbukas ng condom; huwag itong kagapin.
4.
Dahan-dahang igulong ang condom sa matigas na ari o titi. Nasa dulo dapat ang ‘tip’ na may maliit na kubling espasyong para imbakan ng semilya o tamod sakaling labasan ang lalaki habang nakikipagtalik. Siguraduhing naka-rolyo ang condom mula sa ulo ng ari hanggang sa pinaka-ugat dito.
5.
Panatilihing nakasuot ang condom habang patuloy na pinapasok ang ari sa puwerta, puwit, o bibig ng babae (o lalaki). Bagamat hindi nakakabuntis ang pagpasok ng ari as puwit o bibig, ito’y proteksyon laban sa Sexually-Transmitted Diseases gaya ng HIV. Bagamat higit na mas maliit ang risk ng paghawa sa pagpasok ng ari sa bibig, mas mainam na gumamit parin ng condom para sigurado.
6.
Kung gagamit ng lubricant o pampadulas, “water-based” na lubricants lamang ang gamitin; huwag gagamit ng mga “oil-based” lubricants dahil baka maging sanhi ito ng pagkabutas ng condom.
7.
Kung ang condom ay nabutas, itigil muna ang pakikipagtalik at gumamit ng bagong condom bago ituloy ang pakikipag-seks.
8.
Kapag lalabasan na ng tamod o semilya, alisin ang ari ng lalaki at siguraduhing hindi makakalas ang condom hanggang tuluyang maalis ang ari. Idiin ang bukas na dulo ng condom sa ugat ng ari para hindi ito madulas.
9.
Igulong palabas ang condom hanggang ito’y maalis sa ari. Huwag hayaang dumampi ang condom o ang ari ng lalaki sa pwerta ng babae habang ito’y inaalis.
10. Itapon ang condom sa basurahan. Hindi pwedeng gamitin muli ang condom na ginamit na. 11. Ang paggamit ng condom ay isang hadlang sa pagbubuntis at proteksyon laban sa mga sexually-transmitted diseases (STDs) ngunit ang pagkakaroon ng condom ay hindi isang pahintulot o lisensya na malaya
nang makipag-talik kahit kanino. Magkaroon ng responibilidad at katapatan sa buhay sekswal, ayon sa inyong mga pananalig at paninindigan.