bakit??? by ofw's anaboy "abdullah" kamsa bakit kailangan pang lisanin ang lupang kinagisnan? bakit kailangan pang tiisin na mapalayo sa mga minamahal sa buhay? bakit kailangan pang magpaalipin sa mga banyaga ng kung tututusin ay tayo pang mga filipino ang mas higit na maabilidad kaysa sa kanila? bakit kailangan pa natin sa ibang lugar ipakita ang ating angking mga talento na kung ating susuriin ay higit na kailangan sa naghihikahos nating bayan? ilan lang yan sa napakaraming katanungan kung bakit maraming mga filipino ang handang makipagsapalaran sa ibayong lugar. di inaalintana ang hirap at panibagong buhay na susuungin alang-alang lang na mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang umaasa sa kanya. tinitiis natin ng walang pakundangan para lang kumita ang mga pagbabago tulad na lang ng pakikisama sa ibang lahi, pakikiisa sa mga kulturang di natin nakagisnan, pagsunod sa mga batas na di natin nakasanayan, atbp. sari-sari ding mukha ng mga filipino ang
makikita rito. may nakangiti, may nakasimangot, may tumatawa, may lumuluha at marami pang may… di ba mas maganda siguro kung lahat ng emosyong yan ay kanyang nararanasan sa mismong kanyang bayan sapagkat mayron siyang masasandigan sa oras ng kalungkutan at may kasama sa halakhak sa mga tagumpay na tinatamasa? bakit kailangan pang magkaganito? samantalang may sarili naman tayong bansa na dapat sana ay dito natin ipakita, ibuhos, ipangalandakan, isigaw ang mga masasaya at malulungkot na emosyong ating nararamdaman. bakit ba di gumawa ng paraan ang ating gobyerno para rito? upang sa ganon ay wala ng magpapakaalipin sa mga dayuhan, lumuha, magpawis, malungkot sa bayang hindi naman kanya. napakaraming bakit o napakaraming tanong….. pero minsan ba, binigyan ba natin kahit karampot na atensiyon ang mga katanungang ito o sabihin nating naghanap ba tayo ng kasagutan ukol dito? nasa inyong mga sarili ang matagal ng sagot. di lang natin binibigyan ng pansin ang
mga bagay na ito. tanungin kaya natin ang ating mga sarili, kabilang ba tayo sa mga dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang nagbabanat sa ibayong dagat samantalang ang iba ay nagpapakasarap lang sa sariling bayan? hindi ka ba nakokonsensya na sila'y nagpapawis samantalang ikaw ay lomolobo lang ang tiyan? makiramdam at maging mapagmasid sana tayo. isipin mo yan kaibigan!!! the author is an ofw in jeddah, k.s.a.