Spoken Poetry.docx

  • Uploaded by: Maeric Bridget Alquisada
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Spoken Poetry.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 418
  • Pages: 3
Hindi ko alam kung paano sisimulan ito.. Tulad ng hindi ko maipaliwanag na nararamdaman para sayo. Para akong isang estranghero sa daan Na hindi alam kung saan ang aking pupuntahan

Nagsimula ang lahat sa Senior High Orientation Noong araw na nakita kita, ang mundo ko ay nag iba ng dimension Pagka’t noong ang attendance ay sa akin mo pinapirmahan Nasabi ko sa aking sarili na “O my God! He’s the one”

Noong unang araw ng klase sayo ay walang paki. Dahil baguhan ka lang naman at di ko pa alam ang iyong ugali Akala ko noong una’y hindi marunong ngumiti at napakasuplado Ngunit ang totoo'y sobrang bait mo at lalong nadadagdagan ang paghanga ko

Sa bawat araw na ika'y nagtuturo Mga ngiti mo ang laging napapansin ko Kumpleto na ang araw makita lamang ang ngiti mo. Dahil diyan tila’y sa tiyan ay may gumalaw na paro paro

Ngunit dumaan ang ilang araw at may napagtanto.. Nagising sa katotohanang isang kamalian ang nangyayaring ito.. ako'y estudyante mo lang at hindi ako maaaring magkagusto sayo Aking guro, bakit ba nangyayari ito?

Gusto kitang kalimutan ngunit puso ko’y umaayaw Paano ko iyon magagawa kung nakikita kita araw araw? Damdamin ko’y alam mo na pagka’t binuking ng mga kaklase

Ngunit kahit alam mo na, mistulang wala ka naming paki.

Ako’y natatakot na pagka’t malapit na ako mahulog sa bangin Lumalakas na ang hangin na pakiramdam ko’y kahit ako’y mahulog na ay magiging hangin na lang rin sa iyong paningin.

Guro..bakit nga ba ako nagkagusto sayo? Tila’y pag ikaw ang nagtuturo buong atensyon ko'y nasa iyo husto. Tinuruan mo kami ng lahat lahat tungkol sa kalawakan at mundo Ngunit wala kang kalam alam na sa’yo lang umiikot ang mundo ko.

Hindi na ako hihingi kay tadhana ng signs Baka kasi bumagsak yung grades ko sa Earth Science Ay! nakalimutan kong bumagsak na pala ako Kaso nga lang hindi mo naman ako sinalo

Ngunit ano pa nga ba ang aking magagawa Ang tinatagong pagtingin sa’yo’y kailangang burahin ko na Ngunit di mapaisip kung bakit nga ba ganito Tadhana sakin ay nagpapalito

Dapat ko nang itigil ang aking kahibangan dahil estudyante mo lang ako---hanggang diyan na lang yan Kailangan kong tanggapin ang masaklap na katotohanang.. guro lang kita at estudyante mo lang ako.

Alam kong pagkatapos nito’y hindi mo na ako kikibuin Sa recitation at attendance mo na lang ako tatawagin Depende na rin kung ako’y kakausapin mo pa Pero mula ngayon, pangako ko sa’yo Guro na lang kita, at estudyante mo na lang ako.

Related Documents

Spoken
June 2020 23
Spoken
May 2020 17
Spoken Arabic
October 2019 23
Spoken Word
April 2020 8
Spoken English
May 2020 33
Spoken Poetry.docx
May 2020 5

More Documents from "Maeric Bridget Alquisada"