Republika ng Philippines KAGAWARAN NG EDUKASYON Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay of Laguna LOS BAÑOS NATIONAL HIGH SCHOOL (POBLACION)
1. Nalupaypay siya ng dahil sa malayong paglalakad. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Nadapa b. Nagutom c. Nanghina 2. Ang pamilya Dela Cruz ay di makakaila na isa sa mga kapos- palad. . Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Hirap sa buhay b. May kaya c. Sunod sa luho 3. Ako ay masasawi kung ikaw ay mawawala. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. Malulungkot b. Mamatay c. Sasaya 4. Sino ang may pantay na pagtingin sa lahat ng kanyang nasasakupan at ang hari sa kaharian ng Berbanya? a. Haring Ferdinand b. Haring Fernanda c. Haring Fernando 5. Sino sa tatlong prinsipe ng Berbanya na may mainam na tindig? a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro 6. Sino ang may kagandahan na sa kanilang kaharian ay wala ng papangalawa at kabaita’y uliran ? a. Reyna Valeriana b. Reyna Valeriena c. Reyna Valeriyana 7. Sino ang nakapagsabi ng sakit ng hari? a. Albularyo b. Doktor c. Manggagamot 8. Sino sa tatlong prinsipe ang napaninginipan ng hari na nagdulot sa kanya ng labis na pagaalala at naging dahilan ng pagkakasakit niya? a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro 9. Ano ang naging layunin ni Don Diego sa kanyang pag-alis sa kaharian ng berbanya, bukod sa paghanap sa Ibong Adarna? a. Mahuli ang Ibong Adarna para sa karangalan niya. b. Mahuli ang ibong Adarna at makita ang Kapatid niya. c. Mahuli ang ibong Adarna at makita ang dalawa niyang Kapatid. 10. Ano ang nakaugaliang gawin ng Adarna bago siya matulog? a. Umawit b. Magbawas c. Magkalat 11. Ano ang ginawa ni Don Diego sa batong kanyang nakita sa ilalim ng punong Piedras Platas? a. Namahinga b. Sinira c. Sinulatan 12. Sino ang hiningan ng pagkalinga ni Don Juan kung sakaling siya ay namatay? a. Diyos b. Don Diego c. Haring Fernando 13. Sino ang gumamot sa mga sugat ni Don Juan ng siya ay naghihinagpis dahil sa pangbubugbug ng kanyang mga kapatid? a. ang matandang ermitanyo b. ang matandang leproso c. ang matandang manggagamot 14. Sino ang humingi ng kapatawaran para kila Don Pedro at Don Diego. a. Don Juan b. Haring Fernando c. Reyna Valeriana 15. Anong uri ng tula ang may walong pantig sa bawat taludtod, ito ay inaawit sa himig na mabilis o allegro? a. Awit b. Korido c. Tulang Romansa
16. Ang kasaysayan ng Ibong Adarna ayon kay Santillian-Castrence ay hango sa anong uri ng panitikan? a. Alamat b. Kasabihan c. Kwentong bayan 17. Ito ay naawit sa himig na mabagal o andante anong uri ng tula ito? a. Awit b. Korido c. Tulang Romansa 18. Anong bagay ang ginamit sa pagsugat ng palad ni Don Juan? a. Itak b. Labaha c. Espada 19. Ano ang tawag sa bagay na pinaglagyan ng tubig ni Don Juan na kanyang ibinuhos sa kanyang dalawang kapatid? a. Banga b. Baso c. Bote 20. Ano ang bagay na ipinantali sa paa ng Ibong Adarna? a. Dayap b. Labaha c. Ginintuang Sintas 21. Sino ang pinagtulungang bugbugin nila Don Pedro at Don Diego? a. Don Juan b. Haring Fernando c. Matandang Leproso 22. Ano ang ginawa ni Don Diego sa mungkahing pagtataksil ni Don Pedro? a. Nagmungkahing bugbugin b. Nagmungkahing patayin si Don Juan c. Nagmungkahing ihulog sa balon 23. Bakit kinuha nila Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna sa kanilang pagbalik sa Berbanya? a. Upang gumaling ang hari. b. Upang maging magaling sa mata ng lahat. c. Upang maging alaga . 24. Anong hiwaga ang nasaksihan ng magkakapatid sa punong pagkaganda-ganda? a. Maliit para sa lahat ng ibon b. Punong-puno ng ibon c. Ulila sa ibon 25. Ano ang tawag sa tirahan ng Ibong Adarna? a. Pidras Platas b. Piedras Platas c. Pedras Platas 26. Ilang bihis at kanta ang ginagawa ng Ibong Adarna? a. 5 b. 6 c. 7 27. Ano ang naramdaman ng hari ng makitang dumating ang magkapatid na sila Don Pedro at Don Diego ngunit wala si Don Juan? a. Nagalak b. Nalumbay c. Nagalit 28. Ano ang nangyari sa Adarna ng makita niyang hindi si Don Juan ang nagpapaawit sa kanya? a. Nabihis ng kaaya-ayang bihis b. Namayagpag c. Pumangit 29. Bakit ayaw kumanta ng Ibong Adarna ng ito ay pakantahin ni Don Pedro? a. Dahil gutom na siya b. Dahil wala ang ermitanyo c. Dahil wala si Don Juan 30. Gumaling na ba ang hari ng makita niya ang Ibong Adarna? a. Oo,dahil ito ang lunas sa sakit niya. b. Hindi,dahil di pa ito kumakanata c. Maaari, dahil ito ang Ibong Adarna 31. Ano ang sinabi ni haring Fernando tungkol sa adarnang pangit? a. Lalo ko lamang kalungkutan b. lalo ko lamang kamatayan c. lalo ko lamang kasiyahan 32. Bakit labis na nag-aalala ang hari kay Don Juan? a. Dahil sa kanyang panaginip b. Dahil sa bunso si Don Juan c. Dahil ito ay malayo sa kanya 33. Ano ang naramdaman ng reyna sa hari ng ang pansin nito ay sa Adarna nakatuon?
a. Nagalit b. Nagselos c. Natuwa 34. Ano ang ginawang hati sa pagbabanatay ng magkapatid sa Ibong Adarna? a. Tatlong hati sa umaga b. Tatlong hati sa tanghali c. Tatlong hati sa gabi 35. Ano ang ginawa ni Don Pedro sa Ibong Adarna ng ito ay makatulugan ni Don Juan sa pagbabantay? a. Nilason b. Pinakawalan c. Pinatay 36. Bakit mas piniling umalis si Don Juan ng makaalpas ang Adarna? a. Para hindi mapagalitan b. Para hindi parusahan c. Para hindi mapahamak ang mga kapatid 37. Saan hinalintulad ang kabundok ng Armenya? a. Mundo ng mahiwaga b. Paraiso c. Lugar para sa pag-ibig 38. Ano ang nakita nila Don Juan sa gitna ng kagubatan ng Armenya na labis nilang ikinamanha? a. Balon b. Kaharian c. Magandang paligid 39. Ano ang katangian ng balong ito? a. Mahiwaga, madumi at mabaho b. Mahiwaga, may mga lumot c. Mahiwaga, malalim ngunit kumikinang 40. Sino ang bumaba sa balon ngunit tatlongpung dipa pa lamang ay di na kinaya? a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro 41. Bakit naiilig si Don Pedro ng bumaba si Don Juan sa balon? a. Sa takot b. Sa inip c. Sa pag-aalala 42. Sino ang sugatan, uugod-ugod at halos gumapang? a. Ang matandang ermitanyo b. Ang matandang leproso c. Si Don Juan 43. Sino ang nagbigay ng tinapay sa sugatan? a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro 44. Sino ang nagbigay ng mga bilin at mga bagay na makakatulong sa paghuli sa adarna? a. Ang matandang ermitanyo b. Ang matandang leproso c. Si Don Juan 45. Ano ang ipinagtapat ng Ibon sa hari tungkol sa kanyang anak na bunso at sa kanya? a. Si Don Juan ang tunay na nakahuli sa Ibong Adarna b. Si Don Juan ay mahal ng Adarna c. Si Don Juan ay ang Ibong Adarna 46. Ano ang tawag sa ikatlong bihis ng Ibong Adarna? a. Esmaltado b. Dyamante c. Tinumbaga 47. Ano ang tawag ika-limang bihis ng Adarna? a. Esmaltado b. Dyamante c. Tinumbaga 48. Ano ang nagbabago sa adarna sa tuwing ito ay kumakanta? a. Bihis b. Damit c. Balahibo 49. Ano ang nararamdaman ni Don Pedro para kay Don Juan? a. Humahanga b. Naiinggit c. Natatakot 50. Ano ang naging reaksyon ng hari matapos marinig ang pagtataksil ng dalawang anak sa kanilang bunsong kapatid? a. Nagalit b. Nalungkot c. Natuwa