March 26.docx

  • Uploaded by: Mary Ann Amparo
  • 0
  • 0
  • December 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View March 26.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 674
  • Pages: 2
March 26, 2019 Minamahal kong Gurong Tagapagsanay Nung una po natakot ako dahil hindi ko po alam kung paano ako haharap sa maraming tao, di ko po alam kung paano ako makikisama sa mga magaaral. Nadala po ako ng takot na baka hindi ako makapasa dahil natatakot akong magkamali sa harap ng maraming tao. Naalala ko pa dati sabi sakin ng mga nakakakilala sa inyo masungit daw po kayo, ako naman po takot na takot dahil hindi ko po alam kung paano po ako makikisama sa inyo, paano po ako lalapit at hihingi ng tulong sa inyo kapag kailangan ko. Lalo’t marami po kayong ginagawa lagi pero nagpapasalamat po ako dahil handa po kayong tumulong sa akin kahit marami po kayong ginagawa. Salamat po kasi kahit di tayo madalas mag-usap binibigyan niyo po ako ng payo at sinasabi niyo po kung ano ang mga dapat kung gawin at baguhin sa pagtuturo ko. Alam ko pong marami pa akong dapat baguhin at matutunan. Kaya po masaya ako dahil sa kabila po handa po kayong umagapas sa lahat ng oras. Alam ko po hindi ako kasing galing ng iba pero sinubukan ko naman po lahat ng magagawa ko para makatulong po ako sa inyo at ginawa ko po kayong inspirasyon para maging mas magaling ako. Sa totoo lang po sobrang taas ng tingin ko sa inyo para sakin sobrang galing niyo po magturo, sobrang galing niyo po sa mga ginagawa niyo. Aminin ko po may mga oras na di ko na alam kung tama pa ang mga ginagawa ko, di ko alam kung kaya ko pa pero dahil po pinapakita niyo na may tiwala kayo sakin nakaya ko pong lagpasan yung mga bagay na dati akala ko di ko kayang gawin. Naalala ko pa nga po nung minsan tinanong ako ng mga bata kung bakit daw po dami ko laging ginagawa? Bakit daw po ang effort ko sa mga biswal na ginagawa ko? Bakit daw po lagi akong nagtuturo eh wala naman daw po akong sahod at dami ko na daw pong gastos? Nung una po naiisip ko bakit nga ba nagpapakahirap ako pero nung ilang linggo pa po ang lumipas doon kop o nakita na mahalaga po pala na sundin ko ung mga sinasabi niyo. Naging mas madali para sakin na kunin ang atensyon nila dahil kapag

nagdidikit pa lang ako nakaabang na sila sa kung anong paraan ng pagtuturo ang gagawin ko sa aral na iyon. Ipinakita niyo rin po na kahit maraming problema o di magandang pangyayari sa buhay ng isang tao ay kailangan maging malakas tayo at buong buo natin itong harapin. Kung may mga taong galit o naiinis sa atin wag tayong padala sa mga ginagawa nila kundi gawin natin itong hamon sa ating buhay na mas galingan pa natin, at ipakita natin na di tayo basta sumusuko at mapapabagsak dahil lang sa kanila. Yan po ung isa sa mga bagay na gusto kung matutunan kung paano ko magagawang positibo ang isang bagay kahit gaano pa ito ka negatibo. Alam ko pong maikling panahon pa lamang po ang ating pinagsamahan, maikling panahon na inakay niyo ako upang mahubog ang aking katauhan sa larangang nais kong tahakin, maikling panahon ng paghanap at pagpapalabas sa mga nakatago at natutulog kong talento at galing sa iba’t ibang larangan na maari kung iugnay at gamitin sa aking pagtuturo, maikli man at mabilis ang panahon/ oras na nakasama ko kayo marami naman po akong natutunan at nagawang posible ang akala kong dating imposible. Lumipas man po ang panahon tatanawin ko pong isang malaking utang na loob ang pag tuturo niyo sa akin at ibabahagi ko din po sa iba ang bawat aral at pangaral na ibinahagi niyo sakin na naging daan upang magawa ko ang mga bagay na nagagawa ko ngayon. Maraming salamat po ulit at paalam sana po ay maging matagumpay ang bawat landas na ating tatahakin at sana po magkita pa po ulit tayo sa hinaharap, pero sa pagkakataong iyon ay parehas na po tayong guro.

Nagmamahal gurong nagsasanay : Jessa Mae T. Dugan

Related Documents

March
October 2019 31
March
May 2020 12
March
December 2019 21
March 6-march 10 2006
October 2019 27

More Documents from ""

Narrative.docx
December 2019 13
Semi Finals.docx
December 2019 17
March 26.docx
December 2019 16
Siyensayang Umibig
December 2019 14
Product Release.xls
April 2020 10