Balangkas ng Pagsusuri sa Tula I.
Pamagat: “ Ang Bato” A. Literal: Ang Matatag B. Interpretasyon: Katatagan at tibay ng kalooban
II.
May Akda Jose Corazon de Jesus ( Huseng Batute) Si Jose Corazon de Jesus ay ipinanganak sa Sta. Cruz noong 1896. Ang kanyang ama ay si Dr. Vicente de Jesus at ang kaniyang ina ay si Susana Pangilinan. Siya ay nakapagtapos ng kursong Batsilyer sa Batas ngunit hindi siya kumuha ng eksaminasyon. Ang unang tulang kanyang ginawa ay ang ‘Pangungulila’ Noong siya ay 17 taong gulang pa lamang. Noong taong 1920, siya ay Nagsulat sa kolum niyang ‘BUHAY MAYNILA’. Siya ay naging sikat sa pakikipagpalitan ng tula o balagtasan kay Florentino Collantes na kilala rin sa tawag na “Kuntil Butil”. Ang una nilang paghaharap ay sa Instituto de Mujeres kung saan sila ay nagtagisan at ang kanilang paksang pinaglalabanan ay ‘Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan’. Si Batute ang paru-paro at si Collantes ang bubuyog, si Bb. Sofia Enriquez ang naging kampupot. At si G. Lope K. Santos naman ang tumayong lakandiwa. Siya ang tinaguriang”Hari ng Balagtasan”. Nakapagsulat siya ng mahigit apat na libong tula sa kanyang kolum na Buhay Maynila. Ang Lagot na Bagting ay naglalaman ng walong daang tula. Samantalang ang kaniyang mga tulang Ang Puso Ko, Ang Pamana, Ang Panday, Ang manok Konng Bulik, Ang Pagbabalik, at Sa Halamanan ng Dios ay madalas basahin sa mga unibersidad at kolehiyo. Ang mga ito ay naging Tulang Padula dahil sa kasidhian ng damdaming nilalaman. Si Huseng Batute ay namatay noong ika-26 ng Mayo,1932 sa edad na 36 dahil sa karamdaman niyang ulcer. Siya ay inilibing sa ilalim ng puno kagaya ng habilin niya sa tulang kanyang isinulat bago siya pumanaw na ‘Isang Punongkahoy’ at ‘Ang Akasya’.
III.
IV.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Akda Isa ang “Ang Bato” sa mga pinakapopular na tulang nagawa ni Huseng Batute. Kasabay nitong mga tula ay: “Ang Pagbabalik”, “Ang Manok Kong Bulik”, “Barong Tagalog”, “Kahit Saan” at marami pang iba. Pagsusuri A. Persona sa Tula Ang persona sa tula ay mismong ang may akda. Dito ay mahusay niyang naipahayag ang kahulugan ng paksa nyang pumapatungkol sa kahalagahan o gamit ng isang bato na maiuugnay sa buhay ng isang tao o kapaligirang kanyang ginagalawan
B. Buod Ang Bato Ni: Jose Corazon de Jesus Tapakan ng tao, sa gitna ng daan: Kung matisod mo’y iila-ilandang Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay, Bato ang tatapak sa bangkay mo naman Batong tuntungan mo sa pagkadakila, Batong tungtungan ko sa pamamayapa; Talagang ganito sa lapad ng lupa Ay hali-halili lamang ang kawawa Balot ng putik, marumi’t maitim Tinapyas at,aba! Brilyanteng maningning! Sa putik din pala ay may bituin din Na hinahangaan ng matang titingin Maralitang tao’y batong itinatapon, Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy; Nag-aral at, aba! Noong makaahon, Sa mahirap pala nar’on ang marunong Ang batong malaki’y kay daling mabungkal, Ang batong brilyante’y hirap matagpuan, Ubod laking tipak, mura nang matimbang. Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal. Talagang ganito, madalas mamalas Sa alimasag man ang malaki’y payat; May malaking kahoy ay sukal sa gubat, May mumunting damo, ang ugat ay lunas. Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba! Batong nasa agos, makinis, maganda, Batong nasa gilid, bahay ng talaba, Sadlakan ng dumi at nilulumot pa. O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos, Habang tumatanda’y lalong nilulumot. Kapag agos ng palad, ang takot sa agos. Malayong matutong lumangoy sa ilog
Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang Nang makaluto ka ng kanin sa kalan Mapurol mang gulok at kampit na batingaw, Mapapatalim din ng batong hasaan. Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya, Ang talim ng isip, tabak ang kapara; Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa, Bukas-makalawa’y magiging pantas ka. Kapag, nagkapingki bato mang malamig, May talsik na apoy na sumasagitsit; Ang noo ng tao, kapag nagkiskis, Apoy ng katwiran ang tumitilamsik! At saka ang bato ay may katarungan, Taong nilulunod na bato ang pataw, Kung taong masama’y di na lumulutang, Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw Bato ang korona ng hari sa trono Bato ang sabsaban na duyan ni Cristo Bato ang lapida sa hukay ng tao Itong mundo pala'y isang dakot na bato C. Pagtalakay sa Kabuuang mga Saknong ng Tula “Tapakan ng tao, sa gitna ng daan: Kung matisod mo’y iila-ilandang Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay, Bato ang tatapak sa bangkay mo naman” Ipinapahayag sa unang saknong na ang bato ay madalas natatapakan ng tao sa lupa, ngunit kapag ang tao ay namatay, bato ang tatabon sa iyong katawan. “ Batong tuntungan mo sa pagkadakila, Batong tungtungan ko sa pamamayapa; Talagang ganito sa lapad ng lupa Ay hali-halili lamang ang kawawa” Ipinapahayag sa ikalawang saknong na ang bato ay instrumento para maging tuntungan mo sa pagtatagumpay ditto sa mundong iyong tinatapakan.
“Balot ng putik, marumi’t maitim Tinapyas at,aba! Brilyanteng maningning! Sa putik din pala ay may bituin din Na hinahangaan ng matang titingin” Ipinipahayag sa ikatlong saknong na ang bato ay mayroong halaga sa kabila ng panlabas nitong anyo ay mayroon itong nakatagong hiyas na mamahalin “Maralitang tao’y batong itinatapon, Sa lusak ng palad ay palabuy-laboy; Nag-aral at, aba! Noong makaahon, Sa mahirap pala nar’on ang marunong Ipinapahayag sa ikaapat na saknong na hindi hadlang ang kahirapan para hindi makapag-aral. Kung sino ang nakakaranas ng hirap ay siyang may dunong at nagtatagumpay. “Ang batong malaki’y kay daling mabungkal, Ang batong brilyante’y hirap matagpuan, Ubod laking tipak, mura nang matimbang. Ga-mata ng isda’y pagkamahal-mahal.” Ipinapahayag sa ikalimang saknong na hindi sukatan ang laki ng isang bagay para malaman ang halaga nito. Kung ano ang mas mahirap hanapin at pinaka-maliit sa paningin ay siyang may mas halaga. “Talagang ganito, madalas mamalas Sa alimasag man ang malaki’y payat; May malaking kahoy ay sukal sa gubat, May mumunting damo, ang ugat ay lunas.” Ipinapahayg sa ikaanim na saknong na huwag tayong malinlang sa panlabas na anyo ng mga bagay, dahil lahat ay mayroong karampatang kahalagahan. “Ang bato sa ilog, ayun! Tingnan mo ba! Batong nasa agos, makinis, maganda, Batong nasa gilid, bahay ng talaba, Sadlakan ng dumi at nilulumot pa.” Ipinapahayag sa ikapitong saknong na dpat tayong umayon sa agos ng buhay para matuto tayo at mahubog ng may kagandahan, kung patuloy tayong mananatili sa tabi at iiwas sa mga problema, mabubuhay tayo sa lusak ng kawalang pag-asa. “O, batas ng buhay! Ang ayaw kumilos, Habang tumatanda’y lalong nilulumot. Kapag agos ng palad, ang takot sa agos. Malayong matutong lumangoy sa ilog”
Ipinapahayag sa ikawalong saknong na matuto tayong sabayan ang agos ng buhay dahil doon tayo matututo,dahil kung mananatili kang walang kapakinabangan ay tatanda kang walang pagkakatandaaan. “Tatlong tungkong bato, nagtutuwang-tuwang Nang makaluto ka ng kanin sa kalan Mapurol mang gulok at kampit na batingaw, Mapapatalim din ng batong hasaan.” Ipinapahayag sa ikasiyam na saknong na kapag ang tao ay natutulong-tulong ay makakagawa kayo ng mga bagay na kanais-nais, at mahahasa ang inyong kakayahan sa anupamang paraan mung iyong nanaisin. “ Sa tao, ang bato, aklat ang kagaya, Ang talim ng isip, tabak ang kapara; Hasa ka nang hasang sumulat-bumasa, Bukas-makalawa’y magiging pantas ka.” Ipinapahayag sa ikasampung saknong na ang tao ay inihalintulad sa bato na isang karunungan, kapag pinaghusayan mo ay gagaling ka sa iyong larangan. “Kapag, nagkapingki bato mang malamig, May talsik na apoy na sumasagitsit; Ang noo ng tao, kapag nagkiskis, Apoy ng katwiran ang tumitilamsik!” Ipinapahayag sa ika-labing-isang saknong na ang bato ay parang kaisipan ng tao na kapag nagkasubukan ay naguumapaw ang karunungan. “ At saka ang bato ay may katarungan, Taong nilulunod na bato ang pataw, Kung taong masama’y di na lumulutang, Ngunit kung dakila’y pumapaibabaw” Ipinapahayag ng ikalabindalawang saknong na ang taong mabuti ay namumukod tangi na kahit libakin at pukulin ng bato ay mangingibabaw pa rin Hindi katulad ng masama na mananatili sa ilalim dahil may tinatagong maitim na balakin. “Bato ang korona ng hari sa trono Bato ang sabsaban na duyan ni Cristo Bato ang lapida sa hukay ng tao Itong mundo pala'y isang dakot na bato” Ipinapahayag sa ikalabintatlong saknong na anuman ang kalagayan mo bilang isang tao, lahat ay pantay –pantay sa paningin ng Diyos, at bandang huli pare-parehas lang ang
ating patutunguhan na tayo ay papanaw at hihimlay sa lupa kasama ng batong itinabon sa ating katawan. D. Talasalitaan 1. Iila-ilandang – paika-ikang pagkilos 2. Maningning – makislap 3. Maralita – dukhang kalagayan 4. Lusak – maruming lugar 5. Sukal – maraming balakid 6. Sadlakan – kinaroroonan 7. Gulok – itak o tabak 8. Pantas – mahusay 9. Sumasagitsit – nag-uumapaw 10. Nagkapingki – nagkadikit E. Uri ng Tula Ito ay isang uri ng Tulang Pangkalikasan F. Simbolismong Pilipino Sumisimbolo ito sa katangian ng mga mga Pilipino ng pagiging matatag sa bawat hamon ng buhay na katulad ng isang bato. G. Kalagayang Panlipunan Ang daigdig ay puno ng mga pagsubok at mga mapanghusgang mga nilalang. Nariyan na lamang ang di pantay na pagtingin o diskriminasyon sa mga taong nakakaranas ng hirap sa lipunang kanilang ginagalawan. Pero ang ibay nagsusumikap at pinagtitibay ang katatagan na katulad ng isang bato upang makaahon sa lusak na kanilang kiasasadlakan. H. Teoryang Pampanitikan Teoryang Realismo- Ang tula ay makikitaan ng mga pahayag na mga kasalukuyang nangyayari sa ating lipunan. Makatotohanan ang pagsasalarawan na ang bato ay parang buhay lang ng tao na kailangan maging matatag sa bawat hamon ng buhay. Teoryang Simbolismo- Ito ay ginamitan ng isang bagay na katulad ng bato na kung saa ang buhay ng isang tao ay parang isang bato sa katatagan at kahalagahan nito. V.
Kabisaan sa Pagsusuri A. Bisa sa Isip Ang buhay ng tao ay puno ng pagsubok. Walang perpektong buhay dito sa mundo. Magkaroon tayo ng bukas na isipan sapagkat
bawat tao ay may kanya-kanyang papel sa mundong kanilang ginagalawan. B. Bisa sa Ugali Ang tao ay dapat matuto na maging mapagkumbaba sapagkat bawat tao ay magkakaiba kaya tanggapin natin kung ano sila at huwag tayo basta-basta manghuhusga. C. Bisa sa Damdamin Napukaw nito ang aking damdamin bilang isang tao na maraming pinagdadaanang pagsubok sa buhay. Maging isang tulad tayo ng bato na kakikitaan ng katatagan at marunong sumabay sa agos tg buhay. 1
1
PLACIDO, ROFELYN N. BSED-FILIPINO Ang Bato ni Jose Corazon de Jesus