Banghay Aralin Sa Edsfil16.docx

  • Uploaded by: Mark John Placido
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Banghay Aralin Sa Edsfil16.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 356
  • Pages: 2
ICCT COLLEGES FOUNDATION, INC. V.V. Soliven Avenue, Cainta, Rizal. Kolehiyo ng Edukasyon

BANGHAY ARALIN SA EDSFIL 16 Mga Batayang Simulain sa Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo

I.

Layunin: A. Nailalahad ang kaisipan hinggil sa paksa. B. Naibabahagi ang mga iba’t-ibang batayang simulain sa naturang paksa. C. Nabibigyang halaga ang mga batayan sa kagamitang panturo.

II.

Paksang Aralin: A. Paksa: Mga Batayang Simulain sa Paghahanda at Ebalwasyon ng mga Kagamitang Panturo. B. Sanggunian: PNU- Let Reviewer p.29-32 C. Kagamitan: Aklat, biswal, panulat.

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain  Panalangin  Pagbati  Kaayusan at kalinisan  Pagtala ng lumiban sa klase  Balik-aral B. Aktibiti (Pagganyak)  (Pagpapasa ng Mensahe) -Hahatiin sa dalawang pangkat ang mga mag-aaral. Pumili ng isang representante na siyang unang magbabasa ng nilalaman ng isang papel na ibibigay ng guro. Pagkatapos basahin ay ipapasa niya ang nilalaman na mensahe sa kanyang mga kagrupo at isa isa nilang ipapsa ang mensahe hanggang sa pinakahuli nilang kagrupo. Ang huli ang siyang magsasabi kung ano ang kabuuan ng pinasang mensahe. Ang unang matatapos at pinaka agkop sa nilalaman ng mensahe ang siyang mananalo. C. Analisis (Pagtalakay)  Tatalakayin ng guro ang paksa sa klase. Babasahin ng mga magaaral at ipapaliwanag ng guro ang nilalaman ng paksa. D. Abstraksyon (Paglalahat)  Gabay na tanong: 1. Sa inyong palagay bakit kailangang malaman ang mga batayang simulain sa paghahanda at ebalwasyon sa kagamitang panturo? 2. Ano ang aral o kahalagahan nito sa atin bilang isang magiging guro sa panghinaharap?

E. Aplikasyon (Paglalapat)  Panuto: Pumili ng isa sa mga pamantayan sa kagamitang panturo at ipaliwanag kung bakit ito ang pinaka epektibo para sa inyo. Ipaliwanag. IV.

Ebalwasyon (Pagtataya) 

V.

Panuto: Para sa inyong mga panghinaharap na guro, ipaliwanag ang kahalagahan ng tatlong batayan para sa inyong pagtuturo. Ipaliwanag ang bawat isa. Hindi bababa sa limang pangungusap. Isulat sa ½ bahagi ng papel. 1. Mga Prinsipyo at Teorya 2. Batayang konsepto sa disenyo 3. Pamantayan sa Kagamitang Panturo

Takdang Aralin: 

Gumuhit ng isang larawan at iugnay ito sa inyong sariling buhay na nagpapakita ng isang gawain mo bilang isang guro sa loob at labas ng paaralan.

Related Documents


More Documents from "Michelle Arribado"