Pagsusulit Sa Grade 7.docx

  • Uploaded by: Rhea Jamila Aguda
  • 0
  • 0
  • June 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Pagsusulit Sa Grade 7.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,760
  • Pages: 4
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region I Schools Division of Ilocos Norte PASUQUIN HIGH SCHOOL OF ILOCOS NORTE INC. (formerly: Pasuquin Academy) Pasuquin, Ilocos Norte IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7 PANGALAN: __________________________________________________ TAON AT SEKSIYON: ___________________________________________

ISKOR: _________________ PETSA: _________________

I. PAGPIPILI Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. 1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring maghudyat ng kahulugan ng pahayag a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba 2. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa kausap. a. Tono b. Intonasyon c. Diin d. Haba 3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon tayong pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito? a. Diin b. Haba c. Punto d. Intonasyon 4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas. a.Punto b. Hinto o Antala c. Diin d. Intonasyon 5. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat pantig. a.Punto b. Hinto o Antala c. Intonasyon d.Haba 6. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. a. Intonasyon b. Haba c. Hinto o Antala d. Haba 7. Ano sa tingin mong mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa pagsasalita isang tao? a. Mas maganda ang pagsasalita b. Magiging mas malinaw ang pagsasalita c. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig d. Walang ideya 8. Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakakatulong din sa mabisang pagpapahayag ang mga _______? a. di berbal na palatandaan c. ponema b. berbal na palatandaan d. Ponemang segmental 9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di berbal na palatandaan maliban sa isa? a. kumpas ng kamay c. pagbigkas ng tula b. galaw ng katawan d. galaw ng mata 10. Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita? a. Kuwit (,) c. Gitling (-) b.Tutuldok o Kolon (:) d. Patlang (_) 11. “SItsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang ‘para sa tabi, tayo’y hihinto.’ Ito ay isang uri ng tulang _______________. a. Panudyo c. palaisipan b.tugmang de gulong d.bugtong 12. “Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.” Ito ay isang uri ng ___________________. a. Panudyo c. palaisipan b.tugmang de gulong d.bugtong 13. “Mga pare, please lang kayo’y tumabi, pagkat dala ko’y sandatang walang kinikilala----ang aking MANIBELA.” Ito ay isang uri ng __________________________. a. Panudyo c. palaisipan b.tugmang de gulong d.bugtong IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

1

FSS2019

14. Ang __________________________ ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. a. Panudyo c. palaisipan b.tugmang de gulong d.bugtong 15. Ito ay mga paalala na maaari nating matagpuan o mabasa sa mga pampublikong sasakyam tulad ng dyip, bus, at traysikel. a. Panudyo c. palaisipan b.tugmang de gulong d.bugtong II. TAMA O MALI PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kung ang pahayag ay tama, isulat ang MAHAL, at kung mali naman isulat ang KITA. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. 16. Ang bugtong ay mayroon ding sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng dalawa hanggang apat na taludtod. 17. Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito. 18. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lulutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon at maging isang uri ng libangan. 19. Ang unang dalawang linya sa bugtong ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa kapaligiran. 20. Ang huling dalawang linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian sa bagay na binanggit sa naunang linya. 21. Ang ponemang suprasegmental ay kumakatawan o nagbibigay-diin sa bahagi ng pananalita at sulatin sa pamamagitan ng diin, tono, at antala. 22. Ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makatutulong sa pag-unawa sa kahalagan ng mga salita. 23. Ang antala ay tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensahe. 24. Si Juan at ang Alimango ay isang halimbawa ng Kuwentong-bayan. 25. Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan ay isang halimbawa ng mitolohiya. 26. Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isup na mga tauhang kumakatawan sa uri ng mga mamamayan. 27. Kaugnay ng kuwentong-bayan ang almat at mga mito na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng mga bibig. 28. Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang teksto o babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha sa tekstong binasa. 29. Sa pagbubuod ay kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. 30. Ang mitolohiya ay pinagsama-samang tradisyonal na kuwento o mito na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. III. PAGHAHANAY PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na bugtong na nasa Hanay Felibeth. Hanapin ang sagot sa hanay Saladino. ISULAT LAMANG ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. FELIBETH

SALADINO

31. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay. 32. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako 33. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. 34. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. 35. Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan. 36. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon. IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

2

a. ampalaya b. anino c. balimbing d. ballpen/pluma e. banig f. baril g. basket/bayong FSS2019

37. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari. 38. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas. 39. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo. 40. Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay. 41. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob. 42. Maliit pa si kumare, malakas na kung humuni. 43. Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan. 44. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan. 45. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka. 46. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa. 47. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari. 48. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. 49. Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita. 50. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit. 51. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi. 52. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop. 53. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan. 54. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad. 55. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa. 56. Nagbibigay na, sinasakal pa. 57. May puno walang bunga, may dahon walang sanga 58. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing. 59. Yumuko man ang reyna, di malaglag ang korona 60. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa

h. batingaw/kampana I. batya j. bayabas k. bote l. gamu-gamo m. gumamela n. ilaw o. kamiseta p. kandila q. kasoy r. kubyertos s. kulambo t. kulog u. kuliglig v. kumpisalan w. langka x. mata y. palaka z. paruparo aa. posporo bb. sandok cc. saranggola dd. siper ee. tenga

IV. PAGPIPILI (PONEMANG SUPRASEGMENTAL) PANUTO: Suriin at piliin ang tamang letra ng angkop na salita. Gamitin ang iba’t ibang uri ng diin upang makilala ang angkop na salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap. ISULAT LAMANG ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. 61. Paikuha ang (a. TAsa b. taSA) sa mesa. 62. May (a. PIto b. piTO) akong kulay ng medyas sa bahay. 63. Ang sabi ni Ma’am Felibeth, gagamit kami ng (a. PIto b. piTO) sap ag-eensayo ng sayaw dahil walang kuryente. 64. Malaki ang (a. TUbo b. tuBO) ng ating tindahan kahapon. 65. Malalaki ang kakailanganing (a. TUbo b. tuBO) para sa ipatatayong bahay upang hindi magbara. 66. May (a. TAsa b. taSA) na baa ng lapis na gagamitin mo sa iyong pagsusulit? 67. Maganda ang damit na binili mo para sa padating na (a. BAta b. baTA) 68. Ako ay (a. nagBAta b. nagbaTA) upang makamit ko ang aking diploma. 69. (a. PUno b. puNO) na ang tapayan kaya isalin mon a ang tubig sa timba sa ibang sisidlan. 70. Malago na ang (a. PUno b. puNO) ng Papaya sa likod ng bahay.

V. ENUMERASYON PANUTO: IBIGAY ANG HINIHINGI NG BAWAT BILANG. MGA ANYO NG BALITA 71. ____________________ 72. ____________________

TATLONG SANGKAP NG SANAYSAY 80. ____________________ 81. ____________________ 82. ____________________

DALAWANG URI NG SANAYSAY 73. ____________________ 74. ____________________ `

MGA BAHAGI NG SANAYSAY 83. ____________________ 84. ____________________ 85. ____________________

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

3

FSS2019

LIMANG KATANGIAN NG IMPORMAL NA SANAYSAY 75. _____________________________________________________________________________________ 76. _____________________________________________________________________________________ 77. _____________________________________________________________________________________ 78. _____________________________________________________________________________________ 79. _____________________________________________________________________________________

VI. KOHESYONG GRAMATIKAL PANUTO: Salungguhitan ang cohesive devices na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa tapat ng bilang kung ito ay ANAPORA o KATAPORA. _______________ 86. Si Donya Aurora Aragon-Quezon ang nagtatag ng Krus na Pula. Ikinasal siya kay Pangulong Manuel L. Quezon na isa nang pulitiko noon. _______________ 87. Katulong si Donya Aurora ni Pangulong Quezon sa pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan. Puspusan ang pagkalinga niya sa mga nangangailangan at kapuspalad. _______________ 88. Nang bumagsak ang Bataan at Corregidor, ang pamilya Quezon ay pumunta sa Amerika. Doon ay tumulong siya sa American Red Cross at patuloy na nakipag-ugnayan sa mga pinunong bayan. _______________ 89. Tapos na ang digmaan nang siya ay bumalik sa Pilipinas.Gayunpaman, tumulong si Donya Aurora sa Pangulong Manuel A. Roxas na mapagtibay ang kalayaan ng Pambasang Krus na Pula. _______________ 90. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapapasubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan. _______________ 91. Patuloy nilang dinarayo ang Isla ng Boracay sa Aklan dahil ang mga turistay totoong nagagandahan dito. _______________ 92. Siya ay isa sa mga dayuhang turista na patuloy na pumupunta sa Dos Palmas Resort sa Palawan dahil ayon kay Gracia Burnham paborito niya itong pasyalan. _______________ 93. Isa sa mga panlipunang sakit ng mga Pilipino ay pagkakaroon ng kaisipang kolonyal kung kaya tayo ay nawawalan ng pagpapahalaga sa ating lahi. _______________ 94. Ang pagdaong ng mga Amerikano sa Pilipinas ay maituturing na sumpa at pagpapala, sila ay nakabuti at nakasama. _______________ 95. Mananatili itong sakit na papatay sa ating lipunan, dahil ang Amerikanisasyon ay tila isang sakit na nakakahawa. _______________ 96. Patuloy na dinarayo ng mga turista ang Dos Palmas sa Palawan dahil totoong magandang pumunta rito. _______________ 97. Ang pagmamahal niya sa bayan ay di mapasusubalian. Ito ay taglay niya hanggang kamatayan. _______________ 98. nawiwili sila sa ating bayan sapagkat sagana tayo sa magagandang tanawin. _______________ 99. Ang mga mag-aaral ay dumating, naglinis, at umalis, naiwan ang bag nila. _______________ 100. Magkapiling muli sina G. Januine at Gng. Felibeth kaya’y masayang-masaya sila.

INIHANDA NI:

NINOTAHAN NI:

GNG. FELIBETH S. SALADINO Guro sa Filipino IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

GNG. ORIENTE P. BELLO Punongguro 4

FSS2019

Related Documents


More Documents from ""