REVIEWER SA FILIPINO 9 I. PAGPIPILI Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang tamang sagot. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. 1. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag at upang maisagawa ito ay gumamit tayo ng mga salitang naglalarawan o pang-uri. a. paglalarawan b. pang-uri c. pangngalan d. panghalip 2. Ang mga ito ay dalawang magkaibang salita na pinagtambal ay nagkaroon ng isang kahulugan. Ang kahulugan ay maaaring karaniwan o patalinghaga. a. pang-uring tambalan c. pang-uring inuulit b. pang-uring pahambing d. pang-uring magkatulad 3. Ito ang tawag sa mha salitang nagpapakita ng pagtutulad o pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. a. pang-uring tambalan c. pang-uring inuulit b. pang-uring pahambing d. pang-uring magkatulad 4. Ito ay maaaring salitang-ugat o salitang maylapi na may pag-uulit. a. pang-uring tambalan c. pang-uring inuulit b. pang-uring pahambing d. pang-uring magkatulad 5. Ito ay maaaring maikling kuwento o salaysay na kalimitang hinango sa Banal na Aklat o Bibliya. a. parabula b. alamat c. kuwentong-bayan d. mitolohiya 6. Ito ay ang paggamit ng mga di literal na salita sa pagpapahayag. ang pag-unawa sa ibig sabihin nito ay batay sa paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. a. pagpapakahulugang metaporikal c. pagpapakahulugang idealistik b. pagpapakahulugang literal d. pagpapakahulugang idyoma 7. Ito ay isang akda na hango sa tunay na karanasan o likha ng mapaglarong imahinasyon ng makta. Nagpapahayag ito ng masidhing damdamin. a. elehiya b. alamat c. dalit d. mitolohiya 8. Ito ay patungkol sa pagbibigay papuri sa Diyos o kung minsan ay sa Mahal na Birheng Maria. a. elehiya b. alamat c. dalit d. mitolohiya 9. Ito ang pinakasentro ng isang sanaysay. ditto umiikot lahat ng nilalaman ng akda. a. tono b. paksa c. kaisipan d. taludtod 10. Ang elemento ng sanaysay na nagbibigay ng kakintalan at kung ano ang aral o mensahe na nais iparating ng may-akda sa kaniyang mambabasa. a. tono b. paksa c. kaisipan d. taludtod II. TAMA O MALI PANUTO: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Kung ang pahayag ay tama, isulat ang MAHAL, at kung mali naman isulat ang KITA. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. ________________11. Ang nobela ay isang mahabang piksyon na binubuo ng iba’t ibang kabnata. ________________12. Ang nobelang romansa ay ukol sa kasaysayan o pangyayaring nakalipas na. ________________13. Ang nobelang banghay ay nobelang nasa pagbabalangkas ng mga pangyayari ang pokus nito. ________________14. Ang pokus ng nobelang sining ay ang paglalarawan ng tauhan at pagkakasunodsunod ng mga pangyayari. ________________15. Binibigyang-diin ng nobelang kasaysayan ang simulain na lubhang mahalaga sa tao. ________________16. Sa nobelang tauhan, ang binibigyang-diin ay ang katauhan, kalagayan, at hangarin ng pangunahing tauhan. ________________17. Nagtataglay ng mga pangyayari na maaaring makpagbago ng ating buhay o kalagayan ang nobela ng pagbabago. ________________18. Ang tauhan ay ang lugar at panahon ng pinagganapan ng mga pangyayari. ________________19. Ang daloy ng istorya mula sa simula, gitna hanggang waks ay ang pagkakasunodsunod ng mga pangyayari. ________________20. Pananaw ang tawag sa panauhang ginagamit ng may-akda. ________________21. sa damdamin, ang paksang diwa ang binibigyang-diin sa nobela. ________________22. Ang diyalogo o usapan ng mga tauhan sa nobela ay ang simbolismo. REVIEWER SA FILIPINO 9
1
FSS2019
________________23. Ang tema ay ang mga pahiwatig, palaisipan, at malalalim na salita na ginamit sa nobela. ________________24. Sa ikatlong panauhan kabilang ang may-akda na may kinakausap. ________________25. Tema ang tawag sa estilong ginamit ng may-akda sa pagsulat. III. PAGPAPAYAMAN NG TALASALITAAN PANUTO: Hanapin sa kahon ng salita ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. maniwala tandaan malasakit kahalintulad
masama sakim mapapayag
dudungis pag-iisipang mabuti walang pasensya
_____________________ 26. Ang kaniyang ikinikilos ay nakahahalimbawa ng isang asong ulol, tahol nang tahol nang walang kawawaan. _____________________ 27. Huwag nating pairalin palagi ang kaiklian ng isip kung ang pagbabatayan ay ang pag-uugali ng mga kabataan sa kasalukuyan. ______________________28. Itala sa dibdib, ang kabutihan ay laging magtatagumpay laban sa kasamaan. _____________________ 29. Kahit siya ay lalaki sa karangyaan, kakikitaan mo pa rin siya ng pagiging mapag-ampon sa mga mabababa. _____________________ 30. Pilitin mo anak na pigilan ang sinumang yuyurak sa ating dangal. _____________________ 31. Ang pagiging malupit ni Don Pepe ay pagpapatunay na siya ay salat sa bait. _____________________ 32. Ang pagiging gahaman sa anumang bagay ay hindi nagbubunga ng mabuti. _____________________ 33. Baka agad mo siyang mapahinuhod kung ikaw ang makikiusap. _____________________ 34. Inaasahan naming na bubulay-bulayin mo muna ang mga pangyayari bago igawad ang iyong hatol. _____________________ 35. Bago pahikayat sa mga taong nakapaligid sa iyo, pakaisiping mabuti ang layunin nilang nakapaloob ditto. IV. PAGPAPASIDHI NG DAMDAMIN PANUTO: Iayos ang mga salita ayon sa sidhing damdaming ipinapahayag sa pamamagitan ng bilang 3 para sa pinakamasidhi, 2 para sa masidhi, at 1 sa di-gaanong masidhi. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT SALITA. 36.
Nagagalak Natutuwa Naliligayahan
41.
Paghanga Pagsinta Pagmamahal
46.
umiiyak tumatangis lumuluhl
37.
Nabighani Nagandahan Naaakit
42.
Sakim Gahaman Ganid
47.
maanggo mabantot mabaho
38.
Nabalisa Nagimbal Natakot
43.
may-alam matalino marunong
48.
wasak sira giba
39.
Nag-aalala Natitigatig Nababahala
44.
malinamnam malasa masarap
49.
malago marami masukal
40.
Inis Asar Galit
45.
mataas matayog matangkad
50.
mayumi malumanay mahinhin
V. HAMBINGAN NG PANG-URI (Patulad o Di-patulad na Paghahambing) PANUTO: Isulat ang MAGANDA SIYA sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay patulad. Isulat naman ang PANGIT AKO kung ang paghahambing ay di-patulad. ISULAT ANG SAGOT BAGO ANG BAWAT BILANG. REVIEWER SA FILIPINO 9 FSS2019 2
__________________51. Higit na maraming mag-aaral ang nakilahok sa paligsahan ngayon kaysa nakalipas na taon. __________________52. Si Rene ay di-gasinong masipag na gaya ni Ramil. __________________53. Si Chester ay kasinggaling ni Danilo sa pagsayaw. __________________54. Ang nakita naming buwaya sa lawa ay kasinlaki ng bangka. __________________ 55. Ang pagsusulit natin ay di-lubhang mahirap na tulad ng nakaraang pagsusulit. __________________56. Kasimbata ng anak mo ang pamangkin ko. __________________57. Ang ani ng mga magsasaka ay mas masagana ngayon kaysa nakaraang taon. __________________58. Di-hamak na malawak ang lupain niya kaysa bukid ni Mang Dionisio. __________________59. Ang magkaibigan ay magkasintangkad. __________________60. Gabutil ang yelong umulan sa Iloilo. __________________ 61. Ang koponan namin ay di-masyadong handa na gaya ng koponan ni Coach Alex. __________________62. Pakiramdam ko ay sinlakas ko na si Herkules! __________________63. Ang daloy ng trapiko ngayon sa NLEX ay di-gaanong mabigat na tulad ng daloy ng trapiko kahapon. __________________64. Lalong mahirap ang pamumuhay namin dito kung ihahambing ito sa buhay namin sa probinsiya. __________________65. Ang halik niya ay kasintamis ng tsokolate. VI. PAGPUNAN SA PATLANG PANUTO: Punan ang patlang ng mga nawawalang salita upang mabuo ang tula. ANG GURYON ni (66.) ______________________________ Tanggapin mo, anak, itong munting (67.) _____________ na yari sa patpat at papel de (68.) _____________; magandang laruang pula, puti, asul, na may (69.) _____________ mong sa gitna naroon. Ang (70.) _____________ ko lamang, bago paliparin ang guryon mong ito ay (71.) _____________; ang selo’t paulo’y sukating magaling nang hindi mag-ikit o kaya’y (72.) _____________ Saka pag (73.) _____________ ang hangin, ilabas at sa papawiri’y bayaang lumipad; datapwa’t ang (74.) _____________ tibayan mo, anak, at baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin mo’t hindi, balang araw ikaw ay (75.) _____________ makipagdagitan; makipaglaban ka, subali’t tandaan na ang nagwawagi’y ang pusong (76.) _____________ At kung ang guryon mo’y sakaling (77.) _____________ matangay ng iba o kaya’y mapatid; kung saka-sakaling di na mapabalik, (78.) _____________ kamay nawa ang magkamit! Ang buhay ay guryon: (79.) _____________, malikot, dagiti’t dumagit, saanman sumuot… O, (80.) _____________ mo’t ihalik sa Diyos, bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob!
REVIEWER SA FILIPINO 9
3
FSS2019