Republic of the Philippines Department of Education National capital Region SCHOOL DIVISION OFFICE, NAVOTAS Bagumbayan Elementary School, Compound M. Naval Street , Sipac Almacen Navotas City.
PANAHUNANG PAGSUSULIT SA Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV Ikaapat na Markahan
Pangalan__________________________ Paaralan____________________________
Baitang at Pangkat ______________________ Guro__________________________________
I.Piliin ang titik ng tamang sagot 1. Paano nakapagpapaganda ng kapaligiran ang pagtatanim ng halamang ornamental sa pamilya at pamayanan? A. Nagsisilbi itong palamuti sa pamilya. B. Nagbibigay kasiyahan sa pamilya. C. Nagpapaunlad ng pamayanan. D. Lahat ng nabanggit. 2. Alin sa mga sumusunod ang halamang namumulaklak? A. Gumamela B. Pandan C. Oregano D.Makahiya 3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga halamang namumulaklak? A. Santan B. Rosas C. Oregano D. Gumamela 4. Paano nakakatulong ang teknolohiya at internet sa pagpapatubo ng halamang gulay at halamang ornamental? A. Upang makakuha ng ideya sa paglutas ng suliranin sa paghahalaman B. Upang makakuha ng mga makabagong paraan sa pagpapalago ng halaman C. Makakatulong ito sa pagpapabilis ng gawain sa paghahalaman D. Lahat ng nabanggit ay tama 5. Alin sa mga sumusunod ang dapat na unang isaalang alang sa pagsasagawa ng pagtatanim ng mga halamang ornamental? A. Halamang itatanim B. Lugar na pagtataniman
C. Mga kasangkapang sa pagtatanim D. Lahat ng nabanggit 6. Ang intercropping ay paraan ng pagtatanim ng halamang ornamental na maaring ___. A. Isama ang mga halamang gulay B. Ihiwalay ang mga gulay sa mga halamang pampalamuti C Itabi sa isang sulok ang mga halamang naiiba D. Paghihiwalay ng mga halamang may iba’t ibang katangian 7. Bakit mahalaga ang pagdidisenyo o landscaping sa pagpapatubo ng halaman? A. Upang hindi mahirapan sa pagtatanim B. Upang maipakita na magaling kang magtanim C. Upang mapag-aralan ang pisikal na kaanyuan ng lugar na pagtataniman D. Upang makasunod sa mga pamamaraan ng pagtatanim kahit hindi ito nauunawaan 8. Alin sa mga sumusuod na halaman ang hindi dapat na itinatanim sa harapan o unahan ng maliit na halaman? A. Mga lumalaki at yumayabong na halaman B. Mga namumulaklak na halaman C. Mga nabubuhay sa tubig D. Mga malilit na halaman 9. Bakit kailangan ang masusing paghahanda sa itatanim? A. Upang mabilis lumaki ang mga halaman B. Upang maisakatuparan nag proyekto ng wasto C. Upang mapadali ang pagsugpo ng mga sakit nito D. Upang maibenta kaagad ang mga produkto 10. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng halaman ang hindi dapat mapinsala sa paglilipat ng punla? A. sanga B. dahon C. ugat D. bulaklak 11. Ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na pagpaparami ng tanim? A. Marcotting B. Cutting C. Grafting D. Inarching 12. Sa paraang ito ay pinagsasama ang dalawang sangang galing sa dalawang puno A. Marcotting B. Cutting C. Grafting D. Inarching 13. Nais ni Myra na ilipat ang punla na kanyang itinanim. Anong kagamitan sa paghahalaman ang dapat niyang gamitin? A. kalaykay B. asarol
C.itak D. dulos 14. Tinitipon nito ang mga kalat sa halaman tulad ng mga dahong tuyo,damo at iba pang kalat. Anong kagamitan sa paghahalaman ito? A. kalaykay B. asarol C.itak D. dulos 15. Anu-anong mga alagang hayop sa tahanan ang maaring paramihin sa ating tahanan? A. kalapati, aso, pusa B. kalabaw, baka, kabayo C. ahas, palaka, gagamba D. isda, alimango, baboy 16. Alin sa mga sumusunod ang batayan sa pagpili ng paparamihing alagang hayop? A. Mabilis lumaki at madaling dumami B. Nakapagbibigay ng matibay na kulungan C. Madaling kapitan ng sakit D. Nanganganak ng isang beses lamang 17. Isa sa mga alagang hayop na dapat paramihin dahil sa pagbibigay aliw at mabuting kasama sa bahay ay ang ________ A. kuneho B. aso C. kalabaw D. kambing 18. Ang dapat natin gawin upang magkarooon ng panahon sa pag-aalaga ng hayop , tayo ay susunod sa __________ A. gusto nating oras B. iskedyul C. utos n gating kapatid D. sasabihin sa nakakatanda 19. Saan dapat dalhin ang namatay na hayop sanhi ng pagkakasakit? A. ibaon sa lupa B. Ibigay sa kapitbahay C. itapon sa dagat D. Hayaaan sa loob ng kulungan 20. Upang mabigyan kaagad ng karampatang lunas ang alagang hayop, kumunsulta sa ___ A.doktor sa ospital B. beterinaryo C. albularyo D. kutsero 21. Ikaw ay naatasan ng iyong ina na maglinis ng kabuuan ng inyong bahay.Ano ang iyong unang gagawin? A. Kuskusin ang mga dingding
B. Magbunot ng sahig C. Tanggalan ng agiw ang kisame D. Magpunas ng mga upuan at lamesa 22. Bakit kailangan sundin ang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi sa paglilinis ng bahay? A. Upang makaiwas sa iba pang mga Gawain B. Upang hindi madumihan o masira ang suot na damit C. Upang magawa ng maayos at mapuri ni ina D. Upang maiwasan ang aksidente sakuna 23. Ito ay ang pangkat ng mga pagkain na tumutulng sa paglaki ng ating katawan. A. GO Foods B. GROW Foods C. GLOW Foods D. Junk Foods 24. Alin sa mga sumusud na pagkain ang hindi kabilang sa pangkat? A. kanin B. kalabasa C. mais D. keyk 25.Ang mga sumusunod ay gawain kaugnay sa pangangasiwa ng tindahan MALIBAN sa isa. A. Ipamalas ang maayos na pagseserbisyo B. Tiyaking malinis at maayos ang mga paninda C. Magbigay ng labis na presyo sa pagkwenta ng binilhan D. Ayusin ang paninda ayon sa uri at madali itong makita 26. Sino ang kinilalang mayaman na entrepreneur na nagmamay-ari ng sikat na Super Mall? A. Manny Villar B. Lucio Tan C. Cecilio Pedro D.Henry Sy 27.Ang iyong matalik na kaibigan ay gagawa ng kanyang proyekto at kinakailangan ng isang email account. Nagpaalam siya sa iyo na kung maaari ay mahiram ang iyong password.Ano ang gagawin mo? A. Sasabihin ko sa kanya na wala naman akong email account. B. Magalang na ipapaliwanag ko sa kanya na ito ay hindi ko ipinapagamit sa iba. C. Sasabihin ko sa kanya na nakalimutan ko na ang aking password. D. Magsusuhestiyon ako sa kanya na sa iba na lamang siya manghiram ng account. 28. Iba-iba ang mga programa na kadalasang ginagamit sa kompyuter depende sa nais nating gawin. Subalit may mga programa na sa halip na makatulong ay ginawa upang manira. Alin sa mga sumusunod na programa ang maaaring magtala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard at makuha ang iyong password? A. spyware B.worm C. keyloggers D. Trojan horse
29.Ang pamilya ni Mang Arnel ay gumagawa ng mga lay-out at nag-iimprenta ng mga magasi, dyaryo,libro at iba pang babasahin. Anong uri ng hanapbuhay ang kanilang pinagkakakitaan? A.printing press B. portrait shop C. animation and cartooning D. building and construction design 30.Si Mang Filo ay mayroong furniture shop.Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang kanyang ibinebenta? A. bintana B. aparador C. damit D. libro 31. Upang makuha ni Flo rang sukat ng katawan ng mga nagpapatahi ng damit sa kanya, kinakailangan niyang gumamit ng _______ A. ruler B. meter stick C. pull-push rule D. tape measure 32. Anong kasangkapan sa pagbuo ng disenyo ang ginagamit sa paggawa ng mga komplikadong kurba? A. divider B. French curve C. protractor D. triangle 33. Anong kasagkapan sa pagbuo ng disenyo ang angkop gamitin sa paggawa ng mga bilog at arko A. protratctor B. ruler C. compass D. divider 34. Ang inyong guro ay nagpagawa ng disenyo na nagpapakita ng tatlong tanawin o views. Sa anong paraan ito magagawa? A. Isometric B. Oblique C. Orthographic D. Perspective 35. Ang 150 sm ay katumbas ng ______ na metro A. 2 B. 1 ½ C. 3 D. 4 36. Anong istilo ng pagliletra ang karaniwang ginagamit sa harap ng malalaking gusali? A. Gothic B. Text C. Script D. Roman
37. Kilala ang halamang ito sa tawag na “puno ng buhay” dahil na din sa napapakinabangan ang ibat-ibang bahagi nito sa paggawa ng mga kagamitan sa tahanan A. niyog B. pandan C.kawayan D. nito 38. Ang iyong mga magulang ay gumagawa ng mga basket,lubid at bag upang ibenta. Anong pangunahing materyales ang kanilang kinakailangan? A. buri B. abaka C. kawayan D. nipa 39 . Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagbibenta ng mga produkto MALIBAN sa isa. Ano ito? A.Maging magiliw sa mamimili B. Lagyan ng palatandaan ang bawat uri ng paninda C. Ilatag sa ibabaw ng malinis na mesa ang mga produkto D. Ilagay sa bilao o kaing ang mga paninda 40. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa regulasyon at panuntunan ng pamahalaang local sa pagtatayo ng negosyong panserbisyo at produkto? A. Baranggay Permit B. Malacanang Permit C.Municipal Permit D. Sanitary Permit Inihanda ni: Gng. Eliza B. Duenas