Gabay Sa Pagsusulit

  • November 2019
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Gabay Sa Pagsusulit as PDF for free.

More details

  • Words: 649
  • Pages: 3
Gabay sa Pagsusulit A. Tungkol sa Balarila 1. Mga kaalaman ng likas na tagapagsalita tungkol sa kanyang wika. Magbigay ng halimbawa ng bawat isa. Sa pagbibigay ng halimbawa, gumamit ng ibang balangkas. Huwag babaguhin lang ang mga salita ng mga halimbawang ipinakikita. 1.1 Kung walang balangkas ang isang lipon ng mga salita *Mataas ng Ben sige 1.2 May balangkas, pero walang kawawaan *Natutulog nang nangangalit ang walang kulay na luntiang pag-iisip. 1.3 May balangkas, naiintindihan, pero hindi pa rin tinatanggap: (a) *Ng sundalo, tinulungan ang matanda. (b) *Ng pansit, nagluto si Manong Ben. (c) *Aling libro ang sinuri niya nang hindi binabasa ang libro? 1.4 Halos magkakapareho ng ibig sabihin: (a) Talagang gusto ni Ben na uminom ng basi. (b) Gusto ni Ben na talagang uminom ng basi. (c) Gustong talaga ni Ben na uminom ng basi. (a) Lutuin mo na ang isda. (b) Iluto mo na ang isda. 1.5 May mahigit sa isang kahulugan: (a) Nahulog si Ben sa balkonahe. (b) Binaril ng guwardiya ang magnanakaw nang pumasok sa bangko. 1.6 Naiintindihan kahit may sangkap na kinaltas: (a) Uminom si Ben ng basi, at si Dan, ng lambanog. (b) Tinikman ni Ben ang basi bago ipinamudmod. 1.7 Naiintindihan kahit may sangkap na lumipat ng lugar: Kinausap ni Ben si Kim na ibinalita ni Dan na hinahanap ng pulis. 2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kaalamang pangbalarila “linguistic competence” at kaganapang pangbalarila “linguistic performance”. 3. Grammar: Vocabulary: S, a Rules: S -> (S)a

S -> a Grammatical ba ang mga “pangungusap” na ito: 1. Sa 2. aS 3. a 4. aa 5. aaa 6. ab 4. Magbigay ng mga tuntunin tungkol sa pagbuo ng pangmaramihan “plurality” sa pandiwa, pang-uri, at pangngalan? Halimbawa, paano gagawing pangmaramihan ang anak, mabilis, at tumawa. Kailangang kompleto ang mga tuntunin, ibig sabihin, walang kontra-halimbawa. 5. Ipaliwanag ang Katutubong Haka “innateness hypothesis”. Ano ang mga dahilan kung bakit kinailangan ang “innateness hypothesis”. What observations led to the innateness hypthesis. Ano ang ipinaliliwanag nito? 6. Ano-ano ang mga obserbasyon na naging batayan ng requirement na ang isang balarila ay minimal: pinakakakaunting balangkas, pinakakakaunting paraan ng paggawa at pagbabago ng balangkas? 7. Ano ang modeling prinsipyo at parametro “principles and parameters model” ng pagtuto ng likas na wika “acquisition of native language”? 8. Bakit naililipat ang sa peryodiko sa unahan ng pangungusap pero hindi ang ng peryodiko? Naghintay ng peryodiko si Ben. *Ng peryodiko naghintay si Ben. Iparis: Naghintay sa peryodiko si Ben. Sa peryodiko naghintay si Ben. B.

Tungkol sa Salita 1. Anong kategorya ng salita ang mga initimang salita sa mga pangungusap sa ibaba. Magbigay ng dahilang (i) semantik, (ii) anyo “morphological”, at (iii) gamit o lugar “distributional”. a. Nakabingwit ng sapatos ang mangingisda. b. Nanghuhuli ng isda sa laot si Ben. c. Mas mahusay kay Jim si Ben.

2. Makatutulong ba ang posisyong ibinabadya ng guhit sa ibaba na magbigay ng desisyon tungkol sa pag-alam ng kategorya ng salita? Bakit? __ ang mangingisda. 3. Banghayin ang salitang-ugat na “inom” para mag-anyong (i) pangngalan, (ii) pandiwa, at (iii) pang-uri. 4. Sa salitang “ipinakikipamasko”, ano ang (i) salitang ugat, (ii) ang panlaping Tinig “voice”, (iii) ang panlaping Daloy “aspect”. C. Balangkas 1. Ipakita ang x-bar structure na ang pinakamababang katudlaan ay X. Sa inyong sagot, huwag kalilimutang isama ang mga sangkap na SPEC at COMPLEMENT. Alin ang pangpagitang katudlaan “intermediate projection”? Alin ang pinakamataas na katudlaan “maximal projection”. 2. IIsa lang ang formal structure ng parirala, sugnay, at pangungusap. I-relate ang bagay na ito sa layunin o spirit ng minimalist approach sa grammar. 3. Ipakita ang balangkas ng mga pangungusap sa ibaba. Gamitin ang tree diagram. a. b. c. d. e.

Mabilis si Ben. Sundalo si Ben Mismong diyan sa kalye ang sayawan. Kay Ben ang padala. Na nagtatrabaho siya para bumili niyan.

4. Bakit hindi maaring tumugon “refer to” ang initimang sarili kay Ben? Nag-ahit si Ben sa sarili at nag-ahit din si Bong sa sarili.

Related Documents