Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan.docx

  • Uploaded by: Stefanie Dancel
  • 0
  • 0
  • May 2020
  • PDF

This document was uploaded by user and they confirmed that they have the permission to share it. If you are author or own the copyright of this book, please report to us by using this DMCA report form. Report DMCA


Overview

Download & View Masusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan.docx as PDF for free.

More details

  • Words: 1,204
  • Pages: 8
Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan IV

Pamantayang Pangnilalaman -Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa at pagpapahalaga sa kanyang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayang Pilipino. Pamantayan sa Pagganap -Nakikilahok sa mga gawaing pansibiko na nagpapakita ng pagganap sa kanyang tungkulin bilang mamamayan ng bansa at pagsasabuhay ng kanyang karapatan. I. Layunin: Sa loob ng apatnapung(40) minutong talakayan, 80 bahagdan ng mga mag-aaral ay inaasahang; a. Naibibigay ang kahulugan ng ilang katangian ng pagiging produktibong mamamayan; AP4KPB-IVf-g-5 b. Nailalarawan ang ilang mga katangian ng isang produktibong mamamayan; AP4KPB-IVf-g-5, at c. Naisasagawa ang ilang katangian ng pagiging produktibong mamamayan. AP4KPB-IVf-g-5

Pagiging Produktibong Mamamayan II. Paksang Aralin A. Paksa: Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan B. Sanggunian: Araling Panlipunan, Kagamitan ng Guro, pp. 173-174 Kagamitan ng mag-aaral,pp. 382-389 K to 12 –AP4KPB C. Kagamitan: Larawan ng mga katangian ng produktibong mamamayan, powerpoint presentation, show me board charts, manila paper at pentel pen, pisara, activity cards, cartolina III. Pamamaraan Gawain ng Guro A. Panimulang Gawain a. Panalangin b. pagbati c. Pagtala ng lumiban Nais kong malaman kung sino ang lumiban sa ating klase.

Gawain ng mag-aaral

Unang grupo, may lumiban ba? Wala pong lumiban sa aming grupo. Magaling! Sa pangalawang grupo? Wala pong lumiban sa aming grup! Mahusay! Ikatlong grupo? Wala pong lumiban sa aming grupo! Magaling! Sa ikaapat kaya? Wala pong lumiban sa aming grupo! Magaling mga bata! Natutuwa akong makita kayong lahat.

d. Balik-aral Kahapon ay tinalakay natin ang tungkol sa pagpapaunlad ng sarili at ng ating bayan. Anu-ano ulit mga bata ang mga dapat ninyong tandaan upang mapaunlad ang inyong sarili at ang ating bayan? Pangangalaga sa kalusugan. May tamang saloobin sa paggawa. Maging matalinong mamimili. Mahusay!

Mayroon akong ipapakitang mga pahayag mga bata. Suriin natin ang mga ito. Itaas ang thumbs up icon kung ito ay nakatutulong sa pag-unlad ng sarili o bansa at thumbs down nman kung hindi. Handa na ba kayo mga bata? 1. Nagsasanay ng mabuti si Johaira sa paglangoy upang makasali sa pambansang kuponan. 2. Binibili agad ni Rico kung ano ang maibigan niya. 3. Kahit kalian hindi binisita ni Justin ang silid-aklatan ng kanilang paaralan.

4. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Lito. 5. Bata pa lamang si Renzo ay sakitin na siya.

e. Pagganyak (Magpakita ng mga larawan at ipamasid ang mga ito sa mga mag-aaral.) Aong gawain o katangian ang ipinapakita ng bawat larawan?

Batang naghuhugas ng plato, madam.

Tama!

Masipag na karpentero, madam.

Mahusay!

Mga grupo ng nagzuzumba, madam.

Mahusay!

Sila ay bumibili sa palengke, madam.

Tama!

Gawa sa basura ang kanyang kasuotan, madam. Magaling!

Ginagawa at ipinapakita niyo rin ba ang mga katangiang nasa larawan? Opo madam. Kung gayon, kayo ay matatawag na produktibong mamamayan ng ating bansa. B. Panlinang na Gawain 1. Paglalahad Bago natin talakayin ang ating aralin tungkol sa katangian ng isang produktibong mamamayan, alamin muna natin ang mga salitang may kinalaman sa “Produktibo.” Ipakita at idikit ang “Bright light” ng salitang produktibo sa harap. (mga salitang nakasulat sa meta cards) Masipag may kakayahan Mapamaraan mapanuri Produktibo Malusog malikhain

Batay sa nakasaad sa mga ipinakita kong larawan kanina, ano-ano kayang mga salita ang puwedeng maglarawan sa salitang produktibo? (ituturo ang mga larawan sa ppt.) (Magtawag ng mga mag-aaral na pipili sa mga metacards na may sulat a puwedeng iugnay sa salitang produktibo.) 2. Pagtalakay Kung ginagawa mo ang mga ipinakita sa bawat larawan, ikaw ay maituturing na produktibong mamamayan. Ang mga mamamayan na nakatutulong o kapakipakinabang sa kanyang tahanan, pamayanan, at sa bansa ay produktibong mamamayan.

(Hahatiin ang klase sa apat(4) na pangkat. Bawat pangkat ay mamimili ng lider/taga-ulat at tagapagsulat. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang katangian ng produktibong mamamayan. At bibigyan din sila ng isang gabay na tanong at iuulat sa harap.) (Isusulat ng mga mag-aaral ang kanilang mga kasagutan sa kartolina, ididikit sa pisara at iuulat sa klase.) Mga gabay na tanung. (Pagsasabi ng mga sagot ng mga magaaral) a. May pinag-aralan at kasanayan sa paggawa.  Anu ang maitutulong ng isang produktibong mamamayan na may pinag-aralan at kasanayan sa paggawa? b. May tamang saloobin sa paggawa.  Anu-ano ang mga katangian ng isang produktibong mamamayan na may tamang saloobin sa paggawa? c. Pagiging malusog  Ano ang maitutulong ng palaging malusog ng ating pangangatawan? d. Matalinong mamimili  Paano ninyo masasabi na kayo ay isang matalinong mamimili?

(tatalakayin at iwawasto ang mga kasagutan ng bawat grupo.)

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Batay sa tinalakay natin,anuano ang mga ilang katangian ng isang produktibong mamamayan? May tamang saloobin sa paggawa.

May pinag-aralan at paggawa. Pagiging malusog. Matalinong mamimili.

kasanayan

Pagpapahalaga; Paano mo maibabahagi ang mga katangian ng isang (magbibigay ang mga produktibong mamamayan na ngkanilang mga ksagutan.) inyong napag-aralan ngayong araw?

sa

mag-aaral

2. Paglalapat ng kasanayan (hahatiin ang klase sa apat(4) na pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng show me card kung saan nakasulat ang mga katangian ng isang produktibong mamamayan. Ang guro ay magpapakita ng mga sitwasyon sa harap at sabay-sabay silang magtataas ng kanilang mga sagot gamit ang show me cards. Ang grupong may tamang sagot ay mabibigyan ng puntos.) Ang grupong may pinakamaraming naipon na puntos ang siyang tatanghaling panalo. Mga sitwasyon 1. Laging nasa takdang oras si Mga kasagutan Randy sa pagpasok sa trabaho upang matapos niya ang lahat ng gawain. May tamang saloobin sa paggawa. 2. Si Christian ay nageehersisyo araw-araw. Pagiging malusog. 3. Nagpatala si Chloe sa TESDA upang mababuti pa ang kanyang kaalaman sa pagguhit. May pinag-aralan paggawa.

at

kasanayan

4. Binabasa ni Hanna kung kalian ang expiration date ng pagkaing kaniyang binibili. Matalinong mamimili.

5. Tinatapos ni Jonalyn ang lahat ng gawaing bahay May tamang saloobin sa paggawa. bago siya makipaglaro sa kanyang mga kaibigan.

sa

IV. PAGTATAYA Lagyan ng tsek() ang bilang na naglalarawan ng isang produktibong mamamayan at ekis() naman kung hindi. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.

Nag-aaral nang mabuti. Ginagawa o tumutulong sa gawaing iniatang sa kanya. Pumapasuk ng maaga si Ginoong Willy sa kanyang trabaho. Laging kumakain ng junk food si Darius sa labas ng kanilang paaralan. Tinitiyak ng husto ang timbang ng binibiling pagkain sa palengke. Laging nagrereklamo sa mga gawain. Kumakain ng masusustansiyang pagkain. Laging naglalakad si Ivy papunta sa paaralan kahit malayo ang kanilang bahay. 9. Tinataniman ang mga latang pinaglalagyan ng mga tinapay ng mga gulay. 10. Hindi tumutulong sa mga programang pangkalinisan sa inyong barangay. V. TAKDANG ARALIN Gumawa ng poster na nagpapakita ng mga katangian ng isang produktibong mamamayan.

Prepared by: DONA A. ILAR

Practice Teacher Reviewed and Checked by:

LAIDA B. SAGUN Cooperating Teacher

Approved: LIGAYA R. ISON Principal II

Pangalan:

Petsa:

Pangkat at Baitang:

Guro:

Lagyan ng tsek ang bilang na nagpapakita ng pagiging produktibong mamamayan at ekis naman kung hindi. 1. Nag-aaral nang mabuti. 2. Ginagawa o tumutulong sa gawaing iniatang sa kanya.

3. Pumapasok ng maaga si Ginoong Willy sa kanyang trabaho. 4. Laging kumakain ng junk food si Darius sa labas ng kanilang paaralan.

5. Tinitiyak ng husto ang timbang ng binibiling pagkain sa palengke. 6. Laging nagrereklamo sa mga gawain.

7. Kumakain ng masusustansiyang pagkain. 8. Laging naglalakad si Ivy papunta sa paaralan kahit malayo ang kanilang bahay.

9. Tinataniman ang mga latang pinaglalagyan ng mga tinapay ng mga gulay. 10. Hindi tumutulong sa mga programang pangkalinisan sa inyong barangay.

Related Documents


More Documents from "JENNIFER SORIANO"