SIBIKA AT KULTURA 3 Lourdes School of Mandaluyong 2nd Trimester Exam Tukuyin ang lahing dayuhan na nagpakilala sa ating mga ninuno ng mga sumusunod na katangian. Bilugan ang titik ng iyong sagot. 1. Pananampalatayang Kristyanismo a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
2. Pangangalakal a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
3. Paggamit ng wikang Tagalog a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
4. Pananampalatayang Islam a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
5. Pagpapahalaga sa kalinisan at kalusugan ng katawan a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español 6. Pananampalatayang Protestantismo a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
7. Pagpapahalaga sa mga pista at mga santo a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
8. Pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok at paghihirap a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español 9. Paggamit ng katawagan bilang paggalang sa nakatatanda a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español 10. Pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin ng bawat tao a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español Sibika at Kultura 3 SY 2009-2010
1
Inihanda ni: Mauie Flores www.the24hourmommy.com ©
Kilalanin ang natatanging kaugaliang Pilipino na ipinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik lamang. A. B. C. D. E.
Pagkamatapat Pagkamatulungin Pagkamatapang Pananalig sa Panginoon Pagkamasipag at Pagkamatiyaga
F. G. H. I. J.
Pagkamalikhain Pagkamasayahin sa Trabaho Pagtanaw sa Utang na Loob Pagpapahalaga sa Pamilya Pagkamaparaan at Entrepreneurship
______ 1.
Kapag Bagong Taon ay nagkikita-kita ang pamilya ni Mark at kanyang mga kamag-anak sa bahay ng kanyang Lolo at Lola. Masaya ang lahat na makita ang bawat isa.
______ 2.
Noong magkasakit ang asawa ni Aling Dory, tumulong sa gastusin ang kanyang kaibigang si Aling Tanya. Kaya naman ngayong si Aling Tanya ang nangangailangan ay dagling tumulong ang pamilya ni Aling Dory.
______ 3. Maraming lumang dyaryo sa bahay nila Ipe. Naisip niyang gamitin ang mga ito sa paggawa ng mga paper maché na mga kagamitan. ______ 4. Para makadagdag sa pambayad ng kanilang kuryente, naisip ni Mang Ronnie na gumawa ng yelo at ice candy na kanyang ititinda. 5. Nasisiyahan ang mga suki ni Nery sa kanya. Lagi kasi siyang nakangiti ______ at magiliw kapag nagtitinda ng kanyang banana cue. 6. Laging nagdarasal ng rosary ang pamilya nila Ana. Sama-sama ______ nilang ipinagdarasal ang kanilang mga hiling sa Panginoon. ______
7. Hindi nauubusan ng mga gawain si Aling Adora. Ayaw niya kasi ng walang pinagkakaabalahan. Kung hindi siya naglilinis ng bahay ay nananahi naman siya.
______
8. Nag-volunteer si Alex sa Gawad Kalinga, isang samahang gumagawa ng mga bahay para sa mga mahihirap. Walang bayad ang pagtatrabaho niya dito.
9. Hindi iniinda ni SPO1 Santos ang panganib ng kanyang trabaho bilang ______ isang pulis. Hindi siya natatakot na mahuli ang masasamang loob. ______
10. May naiwang bag sa taxi ni Mang Amado. Maraming pera ang laman nito. Dinala niya ang bag sa istasyon ng radyo upang maipaalam sa taong nakaiwan nito.
Paanong naka-hahadlang sa kaunlaran ang mga pag-uugali at saloobin sa bawat sitwasyon sa ibaba? Isulat ang iyong sagot at pagkatapos ay isulat din kung ano ang nararapat na gawin. 1. Ningas kugon si Marian. Mahilig siyang magsimula ng mga proyektong cross stitch ngunit bihira siyang makatapos ng isang buong proyekto. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 2. Imbes na mag-aral ng mga leksyon sa gabi si Roy ay nanonood na lang siya ng Sibika at Kultura 3 SY 2009-2010
2
Inihanda ni: Mauie Flores www.the24hourmommy.com ©
TV. Katwiran niya ay matagal pa naman ang pagsusulit. Hindi siya nanghihinayang sa panahong sinasayang niya. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Mañana habit ang ginagawa ng taong pinagpapabukas pa ang gawaing maaari naman na gawin agad. Ganito lagi si May. Lagi niyang ipinagpapaliban ang pagdidilig ng kanyang mga halaman hanggang ang lahat ng mga ito ay natuyo na. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Bawal daw magwalis kapag gabi na dahil malas. Ito ang pamahiing pinaniniwalaan ni Aling Sonya. Kaya naman kapag gabi ay tuwang-tuwa ang mga ipis at daga sa kanilang kusina. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Hindi mo makikitang nakasuot ng damit na gawang Pinoy si Rex. Di bale nang mahal basta Made in the USA. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 6. Hindi maayos ang pagkakagawa ng proyekto ni Simon sa Science. “Bahala na, basta makapasa,” ang sabi niya. Mahirap daw kasi. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 7. Kahit na may overpass ay sa kalsada pa rin tumatawid si Jenny. Tinatamad kasi siyang umakyat ng hagdan. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 8. Nilalagyan ni Mang Nestor ng pampabigat ang timbangan sa kanyang tindahan ng bigas. Hindi naman daw napapansin ng mga mamimili at lagi siyang nakakalusot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
Mathematics 3 LSM 2009-2010
3
Prepared by: Mauie Flores www.the24hourmommy.com ©
Sino ang mga nagsasalita sa bawat pangungusap sa ibaba? Isulat ang kanilang mga pangalan sa patlang. Piliin ang iyong sagot mula sa mga nakatala loob ng kahon. o
Ramon Obusan
o
Tony Tan Caktiong
o
Mark Paragua
o
Haja Amina Appi
o
Darhata Sawabi
o
Bienvenido Lumbera
o
Eduardo Mutuc
o
Benedicto Cabrera
o
Fernando Poe Jr.
o
Cresencio Hortaleza
o
Zacarias Sarian
o
Eugenia Apostol
1. Ako ay isang magaling na mananayaw at mananaliksik ng orihinal na katutubong sayaw. Pinarangalan akong Pambansang Alagad ng Sining para sa sayaw noong 2006. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________ 2. Ako ang ika-11 na pintor na ginawaran ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining para sa sining biswal. Nagtrabaho ako dati sa magasing Liwayway at Sunday Times Magazine bilang taga-guhit. Makikita sa aking mga pininta ang aking paghahanap sa pagkakakilanlan at kahulugan ng pagiging Pilipino. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________ 3.
Isa akong manunuri at makata at ang aking mga isinulat ay mababasa sa aklat na Tagalog Poetry, 1570 – 1898. Isa ako sa mga nagtatag ng samahang pangkulturang Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________
4.
Ako ang tinaguriang “Hari ng Pelikulang Pilipino”. Ako’y pinarangalan ng Gawad Pambansang Alagad ng Sining para sa pelikula noong 2006. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________
5.
Inilaan ko ang aking buhay sa paglikha ng mga nililok na relihiyoso o gamit na pangsimbahan. Natutunan ko lamang ang paglililok sa pamamagitan ng sipag at tiyaga dahil hindi naman ako mayaman para makapag-aral nito sa isang pormal na paaralan. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________
6.
Nagturo ako ng paghahabi ng pis yabit sa aking mga kapwa kababaihan sa aming pamayanan sa Jolo, Sulu. Inaasahan kong maipagpapatuloy ng aking mga estudyante ang tradisyon ng paghahabi ng pis yabit sa mga susunod pang henerasyon. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________
7.
Ako ang nagmamayari ng restawrang Jollibee. Nakipagsapalaran akong simulan ang negosyong ito at dahil na rin sa sipag at sarap ng aming pagkain, nakilala ang Jollibee sa buong mundo. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________
Mathematics 3 LSM 2009-2010
4
Prepared by: Mauie Flores www.the24hourmommy.com ©
8. Siyam na taong gulang pa lang ako ay tinananghal na akong master sa larong chess. Naging grandmaster ako ng Pilipinas noong ako ay 20 taong gulang na. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________ 9.
Bilang mamamahayag, hindi ako natakot na ilabas ang katotohanan at tuligsain ang gobyernong Marcos noong panahon ng Batas Militar. Itinatag ko ang dyaryong kilala ngayon bilang Philippine Daily Inquirer. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________
10. Negosyo ko ang paghahasa ng matatalim na bagay tulad ng kutsilyo gunting, at nipper. Lumago ang negosyo kong ito at nagkaroon ng maraming mga sangay at produkto. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________ 11. Ako ay isang manunulat para sa mga magsasaka. Mababasa ang aking mga artikulo tungkol sa agrikultura sa pahayagang Manila Bulletin at magasing Sunday Panorama. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________ 12. Ako ay kilala sa aming pamayanan sa Tawi-Tawi bilang pinakamahusay na maglala ng banig sa lahat ng pangkat-etnikong Sama. Layunin kong maituro sa mga kabataan ang sining ng paglalala ng banig. Sino ako? Sagot: ____________________________________________________________ Anu-ano ang iyong mga mithiin para sa iyong sarili, sa iyong pamayanan, at para sa bansa? Isulat mo ang mga ito sa mga patlang sa ibaba. Para sa sarili: ____________________________________________________________________ Para sa Pamayanan: ____________________________________________________________ Para sa Bansa: ___________________________________________________________________ Bakit kung minsan mahirap makamtan ang mithiin? _____________________________________________________________________________________ Ano ang mga dapat gawin ng isang batang tulad mo upang makamit ang mga mithiin sa harap ng maraming hadlang at suliranin sa buhay? _____________________________________________________________________________________ Bakit mahalaga ang pagkakaisa at pagtutulungan sa isang pamayanan? _____________________________________________________________________________________ Dapat bang ikahiya ang hanap-buhay kung maliit lang ang sweldong nakukuha dito? Bakit? _____________________________________________________________________________________
Mathematics 3 LSM 2009-2010
5
Prepared by: Mauie Flores www.the24hourmommy.com ©