SIBIKA AT KULTURA 3 Magagandang Katangian ng mga Pilipino at Mga Pag-uugali at Saloobing Hadlang sa Kaunlaran Tukuyin ang lahing dayuhan na nagpakilala sa ating mga ninuno ng mga sumusunod na katangian. Bilugan ang titik ng iyong sagot. 1. Pananampalatayang Kristyanismo a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
2. Pangangalakal a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
3. Paggamit ng wikang Tagalog a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
4. Pananampalatayang Islam a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
5. Pagpapahalaga sa kalinisan at kalusugan ng katawan a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español 6. Pananampalatayang Protestantismo a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
7. Pagpapahalaga sa mga pista at mga santo a. Tsino b. Asyanong Muslim c. Español
d. Amerikano e. Hapon
8. Pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok at paghihirap a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español 9. Paggamit ng katawagan bilang paggalang sa nakatatanda a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español 10. Pagpapahalaga sa mga karapatan at tungkulin ng bawat tao a. Tsino d. Amerikano b. Asyanong Muslim e. Hapon c. Español Sibika at Kultura 3 SY 2009-2010
1
Inihanda ni: Mauie Flores www.the24hourmommy.com
Kilalanin ang natatanging kaugaliang Pilipino na ipinapakita sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik lamang. A. B. C. D. E.
Pagkamatapat Pagkamatulungin Pagkamatapang Pananalig sa Panginoon Pagkamasipag at Pagkamatiyaga
F. G. H. I. J.
Pagkamalikhain Pagkamasayahin sa Trabaho Pagtanaw sa Utang na Loob Pagpapahalaga sa Pamilya Pagkamaparaan at Entrepreneurship
______ 1.
Kapag Bagong Taon ay nagkikita-kita ang pamilya ni Mark at kanyang mga kamag-anak sa bahay ng kanyang Lolo at Lola. Masaya ang lahat na makita ang bawat isa.
______ 2.
Noong magkasakit ang asawa ni Aling Dory, tumulong sa gastusin ang kanyang kaibigang si Aling Tanya. Kaya naman ngayong si Aling Tanya ang nangangailangan ay dagling tumulong ang pamilya ni Aling Dory.
______ 3. Maraming lumang dyaryo sa bahay nila Ipe. Naisip niyang gamitin ang mga ito sa paggawa ng mga paper maché na mga kagamitan. ______ 4. Para makadagdag sa pambayad ng kanilang kuryente, naisip ni Mang Ronnie na gumawa ng yelo at ice candy na kanyang ititinda. ______
5. Nasisiyahan ang mga suki ni Nery sa kanya. Lagi kasi siyang nakangiti at magiliw kapag nagtitinda ng kanyang banana cue.
______ 6. Laging nagdarasal ng rosary ang pamilya nila Ana. Sama-sama nilang ipinagdarasal ang kanilang mga hiling sa Panginoon. ______ 7. Hindi nauubusan ng mga gawain si Aling Adora. Ayaw niya kasi ng walang pinagkakaabalahan. Kung hindi siya naglilinis ng bahay ay nananahi naman siya. ______ 8. Nag-volunteer si Alex sa Gawad Kalinga, isang samahang gumagawa ng mga bahay para sa mga mahihirap. Walang bayad ang pagtatrabaho niya dito. ______ 9. Hindi iniinda ni SPO1 Santos ang panganib ng kanyang trabaho bilang isang pulis. Hindi siya natatakot na mahuli ang masasamang loob. ______ 10. May naiwang bag sa taxi ni Mang Amado. Maraming pera ang laman nito. Dinala niya ang bag sa istasyon ng radyo upang maipaalam sa taong nakaiwan nito. Paanong naka-hahadlang sa kaunlaran ang mga pag-uugali at saloobin sa bawat sitwasyon sa ibaba? Isulat ang iyong sagot at pagkatapos ay isulat din kung ano ang nararapat na gawin. 1. Ningas kugon si Marian. Mahilig siyang magsimula ng mga proyektong cross stitch ngunit bihira siyang makatapos ng isang buong proyekto. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
Sibika at Kultura 3 SY 2009-2010
2
Inihanda ni: Mauie Flores www.the24hourmommy.com
2. Imbes na mag-aral ng mga leksyon sa gabi si Roy ay nanonood na lang siya ng TV. Katwiran niya ay matagal pa naman ang pagsusulit. Hindi siya nanghihinayang sa panahong sinasayang niya. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 3. Mañana habit ang ginagawa ng taong pinagpapabukas pa ang gawaing maaari naman na gawin agad. Ganito lagi si May. Lagi niyang ipinagpapaliban ang pagdidilig ng kanyang mga halaman hanggang ang lahat ng mga ito ay natuyo na. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 4. Bawal daw magwalis kapag gabi na dahil malas. Ito ang pamahiing pinaniniwalaan ni Aling Sonya. Kaya naman kapag gabi ay tuwang-tuwa ang mga ipis at daga sa kanilang kusina. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 5. Hindi mo makikitang nakasuot ng damit na gawang Pinoy si Rex. Di bale nang mahal basta Made in the USA. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 6. Hindi maayos ang pagkakagawa ng proyekto ni Simon sa Science. “Bahala na, basta makapasa,” ang sabi niya. Mahirap daw kasi. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 7. Kahit na may overpass ay sa kalsada pa rin tumatawid si Jenny. Tinatamad kasi siyang umakyat ng hagdan. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________ 8. Nilalagyan ni Mang Nestor ng pampabigat ang timbangan sa kanyang tindahan ng bigas. Hindi naman daw napapansin ng mga mamimili at lagi siyang nakakalusot. ___________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________
Sibika at Kultura 3 SY 2009-2010
3
Inihanda ni: Mauie Flores www.the24hourmommy.com