October 2008 Volume 2, Issue 7
CH O W KING A PR UB NA !
THE LAKEVIEW SUITES: Magandang Alternatibong Pwedeng Pagkakitaan! Isang real estate opportunity ang inihahain sa mga kasapi ng KsK. Ito ay ang Lakeview Suites sa Tagaytay City. Ang Phase 1 ng Lakeview Suites ay tapos na at kasalukuyan ay okupado ng mga Diplomats na nangungupahan sa bawat unit ng Php 100,000 kada buwan. Si Chairman Colayco at ang Board ay ginarantiyahan ng developers na may tatlong taon na kontrata ang mga umuupa kaya’t sigurado ang kita dito sa loob ng tatlong taon. Ang halaga ng bawat unit ay labindalawang (12) milyon. Ang plano ng board ay hatiin ang equity sa project participatory shares na may halagang Php 100,000 bawat isa at may garantisadong 8% ‘dividends’ kada taon. Ayon sa mga developer, limang (5) units ang pwedeng mabili sa ngayon. Para sa karagdagang detalye, tumawag sa KsK SMP Coop (632) 6353247 o 6373731.
CHAIRMAN’S MESSAGE
Mabuhay ang KsK SMP Coop! Sa pagsasara ng taon, marami tayong mga pag-aaral at negosasyon na naisagawa upang makamit ang mga layunin ng ating kooperatiba. At bago matapos ang 2008, ang prankisa ng Chowking Restaurant Franchise sa Mango Avenue sa Cebu City ay aprubado na. Mayroon nang 15 branches ang naturang fastfood chain sa Cebu at ang ating branch ang magiging pang 16 na branch. Ibig sabihin nito ay accepted ng mga Cebuano ang masarap at abot-kayang pagkain sa Chow King. Ayon sa ulat ng marketing department ng nasabing kumpanya, ang Cebu branches ang may tala ng pinakamalaking ‘Sales Growth’ sa buong bansa. Ang plano natin ay magkaroon ng minimum 34% ownership (Php 5,100,000) ang KsK SMP Coop at maximum 66% (Php 9,900,000) ang direct investor/members.
$)"*3."/4.&44"(&
Ang prankisa ng Chow King ay 10 taon, bagama’t ang projection natin sa Return Of Investment (ROI) ay 5 years lang. Sa madaling sabi, ang susunod na 5 taon ay halos puro ‘kita’ na. Masusing pag-aaral din ang isinasagawa ngayon upang maging kamay-ari tayo ng Dulcinea Pasteleria Y Te Bakeshop and Restaurant na sa kasalukuyan ay mayroong Pitong (7) sangay na full service restaurant at Apat (4) na kiosks sa mga strategic na lugar at malls sa Metro Manila. May pagkakataon tayo na mag may-ari ng 20% hanggang 34% nito (mula 11 hanggang 18.7 milyon) segun sa mapag-uusapan ng mga kasosyo dito. Ang kagandahan nito ay priority ang KsK SMP Coop members sa pag-prankisa ng mga ‘kiosks’ na maaaring igawad ng Dulcinea 3 hanggang 4 na taon mula ngayon. Tungkol naman sa banko, patuloy pa rin ang pakikipag negosasyon sa isang grupo na nais ibukas sa ating koop ang pagmamay-ari ng hanggang 1/3 ng kanilang Dalawang (2) banko. Nasa gitna pa ang pag-uusap tungkol dito. Ang opisina ng KsK SMP Coop Hong Kong (KSK INFORMATION SERVICES LIMITED) ay bukas na! Maaari nang makipag transaksiyon ang mga kasapi at mga interesadong maging kasapi sa naturang opisina na nasa Room 804, 8th Floor, Wah Ying Cheong Central Building, 158-164 Queen’s Road, Central, Hong Kong. Ang ating empleyado doon ay si Ms. Lisa Tagud. Maaaring makipag-ugnayan sa kanya sa mga katanungan tungkol sa KsK SMP Coop. Sa lahat, muli ang aking taos-pusong pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ninyo sa inyong kooperatiba. Lubos na Gumagalang!
Francisco J. Colayco
Notes from Saudi Arabia: Ipinapaabot ni Pete B. Vicuna, Chairman ng PEXMAN Multi-Purpose Cooperative, Inc. at miyembro ng KsK SMP Cooperative, ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng tumugon at tumulong sa panawagan para sa mga nasalanta sa Pilipinas ng Bagyong Frank. Noong Hulyo 11 ay nakapagpadala muli ng 20 kahon ng assorted items (damit, sapatos, libro, gamut, atbp.) sa Sagip-Kapamilya (ABS-CBN Foundation) sa tulong ng FLASH Cargo na nagbigay ng libreng serbisyo sa shipment. Narito ang mga organisasyon at mga kumpanyang tumugon: PEXMAN Multi-Purpose Cooperative Inc., Partidong Pandaigdigang Pilipino (PPP), Kapatiran sa Kasaganaan Service & Multi-Purpose Cooperative (KsK SMP Coop), Medical Alliance Services Advocacy, Camaraderie (MASA, CAM), Lingap Pinoy (LP), SABIC, EBTIKKAR, SBM, NORCONSULT, AL_MARAI, Our Lady of Piat, GAMA Medical Services, King Faisal Specialist Hospital & Research Centre, King Fahad National Guard Hospital, King Khaled Eye Specialist Hospital, Al Rahji Medical Clinic, Saudi Telecom Company, Ghad School, Abdulatif Jameel/TOYOTA, Saudi Electric Company, Overseas Engineering Cooperative (Saudi Oger), Manggagawang Kapit Bisig, MEREX Cargo Forwarders, FLASH Cargo Forwarders, and anonymous kababayans. Limang organisasyon ang namuno sa joint initiative na ito: PEXMAN (Pete Vicuna), PPP (Dr. Lito Astillero & Ed Estrada), MASA (Dante Villaflores), LP (Mark Ibanez & Erik Larda) at KsK SMP Coop (Nap de Guzman). Ang walang kapagurang over-all coordinator ay si Ka Dante Villaflores at si JB Ligot ang over-all treasurer. Special acknowledgment din sa lahat ng mga sub-coordinators para sa kanilang oras at pagod sa proyektong ito. At higit sa lahat, sa mga kababayans natin mula KSA na tumulong sa mga biktima ng Bagyong Frank. Maraming maraming salamat at mabuhay! Bag
Notes from Hong Kong: The destruction wrought by Typhoon FRANK ( International name FENGSHEN ) swept through Central Philippines and badly hit the provinces of Iloilo, Antique, Panay and Capiz. The typhoon also capsized the passenger ship MV Princess of stars owned by Sulpicio Lines, with more than 800 passengers on board. The ship sank several kilometers off Sibuyan Island, after being battered by huge waves overnight ( June 21 ) when its engines failed. The ship was travelling from Manila to the Central Island of Cebu--and 16 hours into its 22 hour voyage-- it issued a distress signal before going down. DAMAYAN 2008---tulong ng mga pilipino mula sa Hong Kong was launched to seek donations for typhoon victims, in cash or in kind. Donors are asked to bring thier kind hearted donations of goods like used clothes, noodles, canned goods and rice to the different door-to-door companies. The Afreight, Focus, WEEC Forex delivered the goods to ABS-CBN while cash was dropped on the DAMAYAN boxes placed in branches of PNB, First Metro, RCBC, Prime Credit and Global Venture Inc. Indeed, KSK members in Hong Kong generously brought thier donations of goods to WEEC (Worldwide Elite Express Company ) owned by Mr. Zaldy Santos, located at 3rd floor worldwide house central.From members and non members of KSK, 5 boxes was sent in the philippines under the name of ABS-CBN. And ksk members managed to raised a cash of 1,140 hong kong dollars which is also deposited on the account of ABS-CBN.
Aral ng Isang Kasapi
Ni Mariesol A. Velasco-Palma Isang taon na rin akong miyembro ng ating kooperatiba. Sa pagkakataong ito, gusto kong ibahagi ang isa sa aking mga natutunan bilang kasapi ng ating samahan. Nuong nagretiro ang aking ama sa isang malaking kumpanya nuong 1970s ay kinuha niya ang kaniyang benepisyo bilang “common shares” sa stocks ng kumpanya. Binigyan niya ako ng 500 shares na nagkakahalaga ng piso bawat share at may katumbas na dibidendo na 17Php.
,T,DPPQNFNCFSTDPSOFS
Maliit. Talagang maliit. Kaya nga hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Nuong 1984, nagsimula akong maging OFW at dahil lumipat din ako ng tirahan, ang mga dibidendo ay dumarating nang walang nag-dedeposito sa bangko. Taong 2000 ay wala na akong natatanggap na dibidendo kaya’t naisipan kong tumawag sa kumpanya at itanong kung ano ang nangyari at maaaring gawin dito. Nalaman ko na may problema nga dahil hindi ito na-claim nang matagal na panahon. Kung gusto kong makuha ito muli, kailangang i-activate ko ito. Kung gusto ko namang dagdagan ito, kailangang dumaan ako sa stock broker at bumili ng shares na ibinebenta per block sa panahong iyon ng Php 10,000 per block. Kung gusto ko naman ibenta ito, maibebenta lamang ito sa halagang Php 5,000. Naging palaisipan sa akin ang lahat ng ito sa pagdaan ng taon lalo na nang matapos kong mabasa ang dalawang libro ni Dr. Francisco Colayco. Pinanghinayangan ko ang mga nawalang dibidendo pero napakamura naman kung ibebenta. Maliban sa shares na ito, mayroon din akong investment sa manggahan na kung saan pagkalipas ng limang taon ay saka pa lamang ako aani ng dibidendo sa ipinapangakong halaga na Php 30,000 bawa’t isang puno, kada isang taon. Pinagmunian kong dagdagan ang aking investment na ito dahil sa mga promotion na tunay namang nakahihikayat. Kaya nang bumisita si Dr. Colayco sa Kaharian nuong 2007 ay hindi ako nag atubiling makisapi sa mga pagtitipon na linahukan niya. Sa mga tanong ko ay ako’y kanyang hinimok na i-activate ang stocks at huwag isipin ang halaga ng dibidendo kundi ang pangalagaan lamang ito. Aniya, kahit pa sabihin na Php 20 lamang ang dibidendo aba’y sa panahon ngayon ay walang magbubukas palad na magbibigay ng Php 20 nang ganuon lamang. Ito pala ang “passive income” na kanyang tinatawag. Mahi Mahirap din kay Dr. Colayco ang magbigay ng opinion tungkol sa manggahan dahil marami siyang teknikal na katanungan na hindi ko masagot. Ang kanyang payo ay hintayin munang makapagbigay ng dibidendo ang kumpanya at siguraduhin ang “return of investment” o ROI bago ako mag-isip na dagdagan ang aking mga puno. Sinunod ko ang kanyang payo. Partikular sa shares, may mga dibidendong na-forfeit at mula 2004 lamang ang aking nakuha sa halagang himigit kumulang Php 9,000. Activated na muli ang aking partisipasyon bilang stock holder ng kumpanya at patuloy na tumatanggap ng dibindendong mas malaki na kaysa natatanggap ko noon. Itinabi ko muna ang pagbili ng karagdagang puno ng mangga. Sa susunod na taon ko pa maibabalita kung may ROI ako dito. Ang punto nito ay dapat maging masigasig at maging ma-alam tayo sa mga bagay pampinansyal lalo na sa harap ng pagpapatuloy na paghirap ng ating ekonomiya. Kadalasang may mataas na “disposable income” tayo bilang OFW kaysa kung nasa Pinas lamang tayo nagtatrabaho. Dahil dito dapat mas malaki ang oportunidad natin di lamang upang makapag-ipon para sa kinabukasan natin at ating pamilya kundi ang makapag-invest sa mg negosyo o magkaroon ng sariling negosyo. Ngunit kung ang ating kita ay hindi sapat para itaguyod ang ating hangad na negosyo, kailangan ang pag-hingi ng payo sa mga nakakaalam at dagdagan ang pakikipaglahok sa mga usaping pampinansyal tulad ng ibinibigay ng KsK na ang layunin ay ang itaguyod ang kaunlaran ng bawa’t miyembro. Hindi lamang lalaki ang pinagsama-samang kontribusyon kundi magiging mas marunong tayo sa aspetong pinansyal na magbibigay linaw at kasiguraduhang direksyon sa ating buhay.
OFW: Abot Kamay ang Financial Independence Ni Mariesol A. Palma
Kadalasang may mataas na “disposable income” tayong mga OFW kaysa kung nasa Pinas lamang tayo nagtatrabaho. Dahil dito dapat mas malaki ang oportunidad natin di lamang upang makapag-ipon para sa kinabukasan at makapag-invest rin sa mga negosyo o mag-tayo ng sariling negosyo.
Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo mananatili sa Kaharian. Sa mga bagong salta, walang maaga para umpisahan ang pag-iipon. Sa mga matagal na rito at wala pang naitabi para sa katandaan, lalo tayong maging masigasig habang may pagkakataon pa. Ayon kay Diana Long na isang independent financial consultant sa Abu Dhabi: 1. Magtabi ng 10% ng sweldo para sa pag-retiro at iwasang galawin ito. 2. Ingatan na huwag ma-tali sa pang matagalang kalakaran kung ang iyong trabaho ay walang kasiguraduhan. 3. Kung malapit na mag-retiro, huwag maging mapangahas sa paglagak ng naipong pera sa mga kalakarang nangangailangan ng malaking investment. 4. Isipin kung ano ang pagkakakitaan sa mga panahong walang trabaho 5. Humingi ng payo sa mga nakakaalam o may otoridad sa aspetong pinansyal. Dagdag pa ni Long na kung layon natin ang “financial independence and security” sa katandaan ay kailangang habang maaga ay magsimula nang mag-ipon. Sangayon dito ang mga itinuturo ng batikang financial guru na si Dr. Francisco Colayco. Ngunit higit sa pera, kanyang binibigyang diin ang pagkakaroon ng “healthy lifestyle” upang sa gayon ay ma-enjoy natin ang pinaghirapan sa abroad at hindi umuwing naka-kahon o naka-wheelchair at maratay sa banig ng karamdaman dahil sa kapabayaan sa kalusugan. Payo din ni Colayco na intindihin natin ang mga benepisyong nakapaloob sa SSS at Pag-Ibig. Kahit daw gaano kaliit o kalaki ang maaari nating makuha sa mga institusyong ito, malaking tulong pa rin kung alam natin na mayroon tayong maaasahan. Wala naman daw mawawala sa atin kung magtanong ng mga benepisyo ng mga ahensiyang ito kaysa dumating ang panahon ng pangangailangan pero wala pala tayong inaasahan. Tunay na kailangang bigyang halaga ang ating perang kinikita, ang palaguin ito at higit sa lahat ang mabuhay na tinatamasa ang bunga ng ating naitabi nang hindi umaaasa sa mga anak o kapamilya.
,4,$001.&.#&34$03/&3
Ngunit kung ang ating kita ay hindi sapat para itaguyod ang ating hinahangad na negosyo, kailangan ang pag hingi ng payo sa mga nakakaalam at dagdagan ang pakikipaglahok sa mga samahang tulad ng kooperatiba na ang layunin ay ang tumulong sa ikauunlad ng buhay ng bawat miyembro nito. Hindi lamang lalago ang ilalahok nating parte kundi magiging mas marunong tayo sa aspetong pinansyal na magbibigay linaw at kasiguraduhang direksyon sa ating buhay.
(Unaudited)
#"-"/$&4)&&5
45"5&.&/50'01&3"5*0/
IMPORTANTENG PAUNAWA SA MGA MIYEMBRO Ang mga deposito na nakatala sa kanan ay walang nag-aabiso hanggang sa ngayon. Kung kayo po ay nagremit sa mga nasabing petsa, banko at halaga, maari lamang ipagbigay alam sa ating Accountant na si Ms. Ruth Perez ang detalye at kopya ng deposit slip upang mai-credit sa inyong kontribusyon. Salamat po.
Top picture shows Judith Merari Victorio receiving her check from KsK Coop Admininstrator Ronald Villanueva. Bottom picture shows Esther Abihail Victorio with her father.
Come visit our new Hong Kong office located at: Room 804, 8th Floor, Wah Ying Cheong, Central Building 158-164 Queen’s Road, Central, Hong Kong SAR
SEE YOU THERE!