CHERRELYN F. PIANO BSA 1B
KONSEPTONG PAPEL
PAMAGAT: “Mga Salik na Nakaapekto sa Pagpili ng Kursong Accountancy ng mga Mag-aaral ng Bachelor of Science in Accountancy I sa University of the Northern Philippines”
RASYONALE: Isa sa mga pinakamahirap na desisyon na gagawin ng isang batang magtatapos sasekondarya ay ang pagdedesisyon sa kung anong karera ang nais niyang tahakin o kuninsa kolehiyo. Sapagkat, ang desisyon na iyon ay makakaapekto sa magiging buhay nila pagkatapos ng kolehiyo. Ayon kay Rodman Webb at Robert Sherman (1989) “Ang salitang career ay maaaring tumutukoy sa isang linya ng trabaho o sa kurso ng propesyunal na buhay ngisang indibidwal.” Ang dalawang kahulugan ng salitang ito ay nagbigay liwanag na angkarerang tatahakin o kukunin ay kailangang pinag-isipan at binuo ayon sa sarilingkagustuhan at sa pangangailanagan ng lipunanSamakatuwid, iba-iba ang batayan ng bawat indibidwal ukol sa kung anong kareraang nais niyang tahakin.Ang edukasyon bilang isang propesyon ay sinasabing pagpasok din sa isang bokasyon bokasyon ng pag-aalay ng iyong sarili upang hubugin ang kaalaman at asal ngmga mag-aaral na siyang pag-asa ng ating bayan. Ayon sa CHED Memorandum Order (CHO) No. 03 series of 2007, ang Accountancy ay isang propesyon na mayroong mahalagang bahagi sa ating lipunan dahil sa mabilis na pagusad ng Global Market Economy, kinakailangan ng ating mga unibersidad na makapagproduce ng mga Accountants na kayang sumabay sa mabilis at modernisadong galaw ng pinansyal na aspeto ng lipunan.
Ang Bachelor of Sciemce in Accountancy ay isa sa mga pinakilala at di maikakaila na isa sa mga mahirap na kurso. Limang taon ang kailangan upang makapagtapos dito. Layunin nitong mapag aralan at maging bihasa sa larangan ng pamamahala sa financial resources ng isang tao, grupo ng mga tao, kumpanya, organisasyon at maging sa gobyerno. Bagamat basic mathematical operation lang ang ginagamit sa kursong ito,marami pa rin ang nahihirapan ng husto dahil ginagamitan ito ng lohikal at masuring pag iisip. Kailangan din ng mga estudyanteng pagdaanan ang mga lectures at lab.
practices at sa huling taon naman ay kailangan din nilang mag OJT sa mga pribadong kumpanyaa o sa mga ahensya ng gobyerno upang magkaroon ng paunang karanasan sa mga magiging trabaho nila sa oras na makapagtapos sila.
Sa bigat ng responsibilidad na nakaatang sa mga Accountants, mahalaga sa sakanilang pag aaral pa lamang ay mahasa na ang kanilang kakayahan at talino. Kailangan ay bihasa sila sa intelektwal na aspeto at gayun din ang kanilang kakayahang gumawa o kumilos bilang bahagi ng isang Team, Hindi lamang ito trabaho kundi isang propesyon kung saan ang bahagi ng talino at gawa ng isang taon ay naibabahagi nya para sa ikabubuti ng lipunan.
LAYUNIN:
PANGKALAHATAN: Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Accountancy 1 (BSA-1) ng University of the Northern Philippines patungkol sa mga posibleng salik na nakaapekto sa pagpili nila ng kursong Accountancy. TIYAK: 1. Matukoy ang mga posibleng impluwensiya sa mga mag-aaral na piliin ang kursong accountancy sa kolehiyo. 2. Malaman kung ano ang mga positibo at negatibong epekto nito sa pag-aaral ng mga estudyante ng Bachelor of Science in Accountancy 1 ng University of Northern Philippines. 3. Magabayan ang mga mag-aaral ng Bachelor of Science in Accountancy 1 ng University of Northern Philippines.
METODOLOHIYA: Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng Deskriptibong sarbey, Ito ay isang paraan na may kinalaman sa taktika na ginagamit upang makakuha ng impormasyon na siyang gagamitin ng mga mananaliksik upang makakuha ng tiyak na impormasyon ukol sa pananaw ng mga respondents.
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Sarbey-kwestyuner na maglalaman ng mga katanungan na maaaring pagkunan ng sagot at pananaw ng mga respondente patungkol sa Mga Salik na Nakaaapekto sa pagpili ng kursong vi
INAASAHANG RESULTA: