Konseptong papel Epekto ng makabagong teknolohiya sa kabataan Isa sa mga patok na gamit sa teknolohiya ay ang kompyuter. Marami kasing gamit ang isang kompyuter lalo na sa mga pilipinong mag-aaral ngayon. Isa sa mga gamit nito ay ang pagbibigay ng internet. Kung may internet connection maaring makagawa ang isang indibidwal ng account sa anomang social networking sites tulad ng facebook , ito ay ang mga serbisyong web-based na nagbibigay sa mga indibidwal para bumuo ng isang pangpublikong profile. Alam din nating lahat na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na ngayong sa internet. Bukod sa mga libro na ginagamit ng mga estudyante, dito rin sila kumukuha ng dagdag impormasyon. RASYUNAL Ang kompyuter din ay mayroong mga microsoft word, powerpoint, excel at marami pang iba na tumutulong sa paggawa ng mga research work, reports, sa eskwelahan o trabaho. Mas napapabilis kasi ang paggawa ng mga sulatin kapag kompyuter ang ginagamit.Ang kompyuter din ay nagagamit sa mga paglalaro ng mga video games. Ito’y patok na patok lalo na sa mga kabataan. Nadodownload na kasi ang halos lahat ng mga laro sa kompyuter kaya maraming kabataan ang nahihihkayat na maglaro nito. Ngunit, may masamang epekto rin ang paggamit ng kompyuter. May mga kabataan na masyadong nalululon sa mga gamit nito kaya madalas ay puro laro na lamang sila at nakakalimutan na ang pag-aaral. Ang iba din naman ay masyado naring dumedepende Ang isinasagawang pag-aaral ay naghahangad na; 1. Malaman kung hanggang saan ang kaalaman ng mga mag-aaral at magulang sa mga naidudulot ng computer. 2. Malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyang umiiral na problema tungkol sa panloloko gamit ang social networks. 3. Malalaman ang mga masama at mabuting epektong computer sa mga mag-aaral . 4. Malalaman ang mga dapat gawin upang ang nakikitang mga problema ay gamitin upang mas mapaunlad ang pag-aaral . LAYUNIN NG PAG-AARAL: METODOLOHIYA Ang isinagawang pag-aaral ay gumamit ng Palarawang uri (descriptive ) ng pananaliksik , sapagkat sumasaklaw ito sa kasalukuyang kalagayan ng lga mag-aaral tungkol sa paggamit ng kompyuter . Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagrereview at pagsusuri sa mga nauna nang pagaaral ng mga eksperto . Ginagamitan ito ng interbyu , interpretasyon at obserbasyon upang matiyak ang katiyakan at katumpakan ng mga nakalap na datos . Isinama sa pag-aaral ang ilang mga magulang at batang kakilala / kapitbahay na madalas gumagamit ng kompyuter , sila ay nasa edad na anim pataas na taga goco/gulaman , western bicutan, taguig. METODOLOHIYA OUTPUT: OUTPUT Matapos ang masusing pag - aanalisa atp ag- uugnay nito sa pag - aaaral na isinagawa ng ilang eksperto , ang mga sumusunod ang naging konklusyon : Sa panahon ngayon , marami talagang mga mag aaral ang nahuhumaling sa kompyuter kahit na alam nila ang mga hindi kabutihang naidudulot nito . Ilan naman sa mga magulang ang nagbibigay ng masamang interpretasyon sa kasamaan na naidudulot ng mga kompyuter . Naisassaisang tabi ang kakayahan at kapangyarihan ng teknolohiya upang mapaunlad ang buhay ng tao dahil sa lga ganitong nosyon .
Ang kolehiyo at hayskul ang kritikal na panahon kung saan mas marami ang nauugnay sa kompyuter . Kung pagsasamahin , malaki ang pera na nauubos ng kabuuang bilang ng respondent sa kompyuter games at sa iba pa sa loob ng isang lingo. Bagamat ang ilan sa kanila ay mayroon nang sariling kompyuter sa bahay , gumugugol parin sila ng pera upang magrenta ng kompyuter sa mga kompyuter shops Ang paglalaro ng mga Computer Games, social networking at sa internet surfing ay hindi nangangahulugan na pagbubulakbol o pagpapabaya sa pag-aaral . Base sa mga sagot ng mga respeondente , mayorya sa kanila ang may magaganda o katamtamang marka sa mga paaralan . Positibo pa rin ang pananaw ng pga respondent sa kakayahan ng teknolohiya na linanginang mga kakayahan at kasanayan sa mga mahihirap na larangan ng akademiko REKOMENDASYON: REKOMENDASYON Batay sa mga nabanggit , ang mga sulusunod ang iminingkahi : Para sa mga magulang , maglaan ng oras para sa inyong mga anak dahil may mga kabataan na naglalaro upang makalimot sa problema sa kanilang magulang . Halimbawa , ang pangangamusta sa kanilang pag - aaral , kung sila ba ay may magandang grado o medyo nahihirapan , at sa pagtatanong kung mayroon silang mga problema , marahil baka hindi niyo alam na kayo pala ang problema ng inyong mga anak . Pag- usapan ninyo ng anak ang nilalaman ng laro . Ibigay ang iyoong pananaw tungkol sa mga isyu na maaaring mabuo . Kailangang mauna muna ang mga takdang-aralin , mga gawaing pang akademiko at mga trabaho sa bahay bago ang paglalaro . Huwag hayaan ang Cyber World na pumalit sa mga gawaing social at pisikal . Para naman sa mga kabataaan , alam natin ang kasabihang “Time is Gold”. Matuto tayo na gamitin ang wasto an gating mga oras . Kaysa sa pag-uubos ng oras sa paglalaro ng iba’t-ibang kompyuter games, internet surfing, social networking, may mga bagay - bagay na lubos na makakadulot sa atin ng kabutihan kung paglalaanan natin ito ng oras . Ilan sa mga ito ay pag-aaral ng inyong mga leksyon , pagbabasa ng mga mabubuting babasahin , at pagsasagot ng inyong mga takdang aralin . Ang mga ito ay napatunayang nagpapahasa ng dunong o talinong maaari nating gamitin ngayon at kinabukasan . Sinasabi na isa sa malaking salik kung bakit nahuhumaling ang mga kabataan na maglaro ng mga kompyuter games , internet surfing at social networking ay dahil sa impluwensya ng kanilang mga kkaibigan o mga kabarkada . Ibat iba ang uri ng mga kaibigan , ilan s alga ito ay idadala ka sa kabutihan o sa madaling sabi , mga “Good Influence” na kaibigan , samantala ang iba naman ay isasama ka sa mga dikabutihang bagay o yung mga “Bad Influence” nakaibigan . Matutong umiwas sa mga masasamang halimbawa . Kung kinakailangan ay lumayo sa kanila at humanap ng ibang mabubuting kaibigan Magkaroon ng iba pang mapagkakaabalahan kaysa sa paglalaro ng kompyuter . Maaaring lumahok sa ibat ibang organisasyon sa inyong komunikasyon na kakayahan , at nagpapatatag ng inyong kakayahang mamahala . Mahirap ang panahin natin ngayon . Maraming mga tao ang hindi na nakakakain ng tatlong beses sa isang araw , kung kayat matuto tayong magtipid . May kasabihan nga tayong mga Pilipino, “ Lahat ng labis ay nakakasama ”. Samakatuwid , ang madalas na paglalaro ng kompyuter games ay nakakasama rin . Matutong paglaanan ng pera , ang mas importanteng bagay tulad na lamang ng pagbili ng makakain .