Customer Preference: Online Shopping O Personal na Pagbili
I. Rationale Sa panahon ngayon, lalong lumalago ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral, pakikipagkomunikasyon, at maging sa pagnenegosyo. Dahil sa dami ng mga taong gumagamit ng internet, ang mga tao ay nakaisip ng paraan upang pakinabangan ang paggamit sa internet. Sa pamamagitan ng internet, maraming tao ang nakikilala at maraming tao ang naabot ng isang inpormasyon. Dahil sa oras na kinakailangang igugol sa pag-aaral o di kaya'y sa trabaho, nawawalan na ng oras ang mga mag-aaral at empleyado na mamasyal at bumili ng mga bagay na gusto at kailangan nila. Bukod sa mga damit, sapatos, mayroon na ding mabibiling mga gamit sa bahay, trabaho, paaralan at maging mga pagkain sa online shops. Kung kaya't marami sa kanila ang mas gusto nang bumili sa mga online shops upang makatipid sa oras dahil sa ilang pagpindot at konting paghihintay lang, nabibili na ang gusto o kailangan ng namimili. Pero mayroon din namang mas gusto pa rin ang pamimili sa personal dahil mas napipili nila ang mga talagang gusto o kailangan nila at nakikita nila nang maayos ang kalidad ng bibilhing produkto. Sa personal na pamimili, nakikita ng mamimili ang aktwal na itsura ng produkto at maaari pang magkaroon ng discount. May mga taong mas gusto ang online shopping at mayroon ding mga taong mas gusto pa rin ang personal na pamimili. Kung ano ang mas convenient para sa mamimili, ay siyang ginagamit nito. Alin man sa dalawa ang ginagamit sa pamimili, praktikalidad ang isa sa mga dahilan sa paggamit nito.
II. LAYUNIN Pangkalahatang Layunin: Malaman kung ano ang mas gusto ng mga mamimili, kung ito ba ay online shopping o ang personal na pamimili. Ispesipikong Layunin: 1. Matukoy ang advantage at disadvantage ng online shopping at personal na pamimili. 2. Mailahad ang SWOT Analysis ng online shops at mga personal na pamilihan. 3. Malaman ang competitive advantage ng online shops sa personal na pamilihan at
competitive advantage nga personal na pamilihan sa online shops.
III. METODOLOHIYA Ang isasagawang pananaliksik na Customer Preference: Online Shopping o Personal na Pamimili ay gagamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Isasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapasagot ng talatanungan (quetionnaire) sa limampung (50) mga tagasagot (respondents);
dalawampu't limang (25) estudyante at dalawampu't limang (25) empleyado ng University of Northern Philippines. Ang questionnaire ang napiling gamitin ng mananaliksik dahil ito ay nababagay sa pananaliksik at sa pamamagitan nito, maari ring mamagsagawa ng pakikipanayam at obserbasyon na makadadagdag sa pagkalap ng mga datos.
IV. INAASAHANG OUTPUT Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kasagutan sa tanong kung ano nga ba ang mas gusto ng mga mamimili, kung ito ba ay pag-oonline shoppibg o ang personal na pamimili. Maibibigay din sa pananaliksik na ito ang