Kasaysayan ng Lipa Ang kasaysayan ng Lipa ay maaaring simulan sa pagdating ng dalawang maharlikang Datu ng Borneo. Ito ay sina Dumangsil at Balcasusa kung saan dumaong at nanirahan sa Lawa ng Bonbon na kung tawagin sa ngayon ay Lawa ng Taal noong sampu (10) at labing dalawang (12) siglo sa kapanahunan ni Kristo. Dahil sa pakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa nagkaroon ng iba’t ibang impluwensya ng pamumuhay ang mga Lipeño mula sa kultura gaya ng Indiano, Muslim, at Intsik. Matatagpuan ang lugar sa baybayin ng lawa Bonbon tinawag na Tagbakin o Tigbakin ang Lipa. Nang madiskubre ng mga Espanyol ang Batangas ipinatupad ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga katutubo. Pinalitan ng mga Augustinians ang pangalan ng nayon ng San Sebastian bilang pagpaparangal sa mga Kristiyanong Martir noong 1605. May isang alamat na nagsasabing ang imahe ng santo ay isang araw na nawala sa simbahan. Isang residente ang nakahanap nito at ito ay natagpuan sa Lipa na isang punong kahoy nasa gawing hilaga ng nayon. Pinaniwalaan ng mga tao na ito ay isang indakasyon na nais ng kanilang patron na manirahan dito. Dahil sa pangyayari inilipat nila ang santo kung saan ito natagpuan at sa lalong madali pinangalanan itong Lipa batay sa matipunong puno. Taon 1702 minarkahan bilang opisyal na pagkakatatag ng bayan ng Lipa sa ilalim ng pamumuno ng Espanya. Ang unang gobernadorcillo ay si Don Geronimo de los Santos. (Katigbak 9-12)