By : Group 2
539 B.C.E Pagsakop ni Haring Cyrus sa lungsod ng Babylonya, Pinalaya nya ang mga alipin at hinayaang makkapili ng nais nilang relihiyon. Idineklara ang pagkapantay panta y ng lahi. Itinala ang mga ito sa baked clay na tinawag na “Cyrus Cylinder” Tinaguriang first Charter of Human Rights”
Iba pang bansang Nakitaan ng kaisipan ng karapatang pantao
India,Greece at Rome Ang mga relihiyon tulad ng Judaism,Hiduism,Islam Taoism, at Kristyanismo ay nakapaglahad ng mga nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin sa kaniyang kapwa.
1215 Ang sapilitang paglagda ni Jhon I, ang hari ng England, sa Magna Carta , ito ay naglalaman ng mga batas tulad ng -Di maaaring dakkpin ,ipakulong o bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nag walang pagpapasya ng hukuman. Ito ay naglimita ng kapangyarihan ng hari sa kanyang nasasakupan.
1628,England Pagpasa sa “Petison of Right” na naglalaman ng mga karapatan tulad ng hindi pagpapataw ng buwis ng walang pahintulot, pagbabawal sa pagkulong ng walang sapat na parusa, at hindi pagdedeklara ng batas militar sa panahon ng kkpayapaan.
1787,Estado Unidos
Pag apruba sa kanilang saligang batas na naglalaman ng “Bill of Rights” na naipatupad nung Disyembre 15, 1791. Ito ay nagbigay proteksyon sa mga karapatan pantao ng lahat ng mamamayan ng bansa.
1789,France
Pagtatagumpay ng French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Paglagda sa “Declaration of the Rights of Man and of the Citizen” na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
1864,Europe Pagsasagawa ng pagpupulong ng labing anim na
Europeong bansa at ilang estado ng Estados Unidos sa Geneva,Switzerland. Ito ay kinalala bilang “The First Geneva Convention” na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at maysakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
1948,Estados Unidos
Pagtatag ng United Nation sa “Human Rights Commision” sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa nga dating pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon ay naipatupad ang dokumentong tinatawag na “Universal Declaration of Human Rights.”
Ang Universal Declaration of Human Rights ay isang mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal at kultural. Ito ay itinatag noong Oktubre 24, 1945 binigyang diin nito ang pagkakaroon ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhayng tao at ang ang pagkkakaroon ng isang kongkretong saligang balangkas.
Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag na “Universal Declaration of Human Rights” Ito ay malugod na tinanggap ng UN General Assembly noong Disyembre 10, 1948 at binansagan nilang “International Magna Carta for all Mankind.” Sa kaunaunahang pagkakataon ay pinagsama sama ang lahat ng karapatang pantao.
Ang Bill of Rights ay isang batas na naglalahad ng mga karapatang pantao na, ito ay nagsisimula sa Seksyon 1- 22 artikulo III. Ito ay listahan ng mga pinagsama samang karaptang pantao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11 ,12 13, 18, at 19. -Ayon kay De Leon,et.al(2014), may tatlong uri ang mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa.Mayroon naman apat na klasipikasyon amg Constitutional Rights.
Written By :Llamar Inc.