Gawain 1. ImbestigaSaysayan Panuto: Palatandaan ng isang maunlad na kabihasnan ang matatag na arkitektura na ipinatayo bunga ng magkakaibang dahilan. Bilang isang imbestigador, suriin ang sumusunod na arkitektura sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na tanong. 1
Ilarawan ang disenyo
2
3
Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa?
Bakit ipinagawa?
http://en.wikipedia.org/wiki/File:Chichen_Itza_3.jpg
1
2
Ilarawan ang disenyo
3
Ano ang iyong masasabi sa kakayahan ng mga gumawa?
Bakit ipinagawa? http://hopemarin.files.wordpress.com/2008/05/timbuktu2.jpg
Pigura 2.1. Timeline ng Ilang Mahahalagang Pangyayari sa Daigdig (3000 B.C.E. – 500 C.E.)
Mesopotamia at Persia - Pag-unlad ng agrikultura - Pagusbong ng Sumer - Naimbento ang Cuneiform at paggamit ng gulong
Egypt
Africa
Mediterranean Lands of Europe
Northern Europe
Western Asia
- Pag-unlad
Mga guhit sa bato sa gitnang Sahara na nagpapakita ng tao
Pagtayo ng mga batong monument sa Malta
Pagtayo ng mga batong monumento sa hilaga at timog Europe
Mga unang magsasaka .
2500 B.C.E.
Pamumuno ni Sargon g Akkad
Pagtatayo ng mga pyramid
2000 B.C.E.
- Pag-
- MIDDL
usbong ng Babylon - Pamumuno ni Haring Hammurabi - Pagusbong ng Assyria
E KINGDO M - Pananako p ng Nubia - Pananako p ng Hyksos
3000 B.C.E.
ng agrikultura Paggawa ng palayok - Naimbento ang Hieroglyphic s OLD KINGDOM
SINAUNANG PANAHON NG MINOAN sa Crete
GITNANG PANAHON NG MINOAN HULING PANAHON NG MINOAN Paglakas ng Mycenean
Pagtatag ng Stonehenge Paggaw a ng kagamitang bronze
Mga unang siyudad ng Jericho at Catal Huyuk
Pagdating ng mga Assyrian upang makipagkalakala n Pagdating ng mga Hittites sa Anatolia
India
China
America
Mga unang magsasak a
Pag-usbong ng kabihasnang Indus
Pagtatag sa siyudad ng Mohenjo-Daro at Harappa Pagbasak ng kabihasnan sa Indus Pagdating ng mga dayuhang Aryan
Pagtatani m ng Maize
1500 B.C.E.
- NEW
Ang pamumuno ng Mitanni sa hilagang Mesopotamia
KINGDO M - Pamumun o ng mga warriorpharaoh - Queen Hatshepsu t
Pagbagsak ng Crete Pagwasak sa Knossos
Paglakas ng Imperyong HITTITE
- Pag-unlad ng
Sistemang Caste
SHANG DYNAST Y
- Pag-unlad
ng relihiyong Hinduismo
Naimbent o ang sistema ng pagsulat
171
1000 B.C.E.
Pag-usbong at pagbagsak ng Imperyong Assyria
-Tutankhamun Unti-unting pagbagsak ng kabihasnan Pananakop ng Assyrian at Kushite
Pagsimula ng Kaharian ng Kush Pagtatag ng Carthage
- Pagbagsak
ng Mycenean -Pagdating ng mga Dorian sa Greece - DARK AGES sa Greece - Ang mga Etruscan sa Hilagang Italy - Ang pagtatag ng - Rome 753 B.C.E. - Pag-unlad ng mga lungsodestado sa Greece
Pandara - yuhan ng mga Celts sa iba’t ibang bahagi ng Europe
Pagdating ng mga Israelite sa Canaan Pamumuno nina Haring David at Haring Solomon sa Israel
- Pagsulat ng
Vedas (religious writings) - Isinilang si
Pananakop ni Alexander the Great sa Eastern Mediterranean
Gautama (Buddha)
DINASITIYANG CHOU Isinilang si Confuciu s
Ang pagusbong ng mga Olmec sa Mexico
500 B.C.E.
Ang PERSIAN EMPIRE sa kaniyang kalakasa n Pananakop ni Alexander the Great kung saan naisama ang sa kaniyang teritoryo ang Persian Empire
- Pananakop
ng Imperyong Persia, pananakop ni Alexander the Great - Pamumun o ng mga Ptolemies - Pamumun
o ni Cleopatra - Pananakop
ng Imperyong Roman
Digmaang Punic sa Pagitan ng Carthage at Rome
Natalo at nasakop ng Carthage ang teritoryo ng Imperyong Rome sa Hilagang Africa
- Digmaang
Persian sa pagitan ng Greeks a Persians - Pagiging makapangyariha n ng lungsodestado ng Athens - Digmaang Peloponnesia n - Pamumuno ni Alexander the Great Pag-usbong ng Rome
PananaPananakop kop ng ng mga mga Roman Roman sa malaking bahagi ng Hilagang Europe
Paglunsad ng tangkang pananakop ni Alexander sa India
- Panaho
n ng warring states - Pag-iisa ng China sa ilalim ni Shih Huang Ti - Itinayo ang Great Wall - CHI’IN DYNAST Y - HAN DYNAST Y
Pagusbong ng mga Maya
Naimbent o ang papel 172
Mga Kabihasnan sa Mesoamerica Habang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga Sinaunang Kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamamayan sa Mesoamerica na magsaka. Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon, naging makapangyarihan ang ibang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado. Ang mga bumuo ng lungsod-estado ay nakapagtatag ng sarili nilang kabihasnan. Ilan dito ay ang kabihasnang Olmec at Zapotec na tinalakay sa nakaraang Modyul. Sumunod na nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec. Naging maunlad rin ang Kabihasnang Inca sa Timog America. Katulad ng kabihasnang Greece, at Rome, ang pagiging maunlad at makapangyarihan ay nagtulak sa mga kabihasnan sa Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo. Malawak ang naging impluwensiya ng mga Maya, Aztec, at Inca kung kaya’t itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.
Kabihasnang Maya (250 C.E. – 900 C.E.)
Namayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanang lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador, at Copan. Nakamit ng Maya ang rurok ng kaniyang kabihasnan sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.
173
Mapa. 2.1 Lokasyon ng Kabihasnang Maya 1. Ano-anong lungsod ang makikita sa timog na bahagi ng Yucatan Peninsula? 2. Paano nakipagkalakalan ang mga Maya sa iba pang bahagi ng Mesoamerica?
Sa
lipunang
Maya,
katuwang ng mga pinuno ang mga
kaparian
sa
pamamahala. Pinalawig ng mga pinunong tinatatawag na halach
uinic
o
“tunay na
lalaki” ang mga pamayanang urban
na
sentro
kanilang
rin
ng
pagsamba
sa
kanilang mga diyos.
Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubig ang mga lungsod-estado ng Maya. Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa. Ang sentro ng
larangan
Sa
sa
kabilang pangkalakal
ng
mga
ay
mais,
ekonomiya, produktong asin,
tapa,
pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy, at balat ng hayop. Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin. Ang pangunahing pananim nila ay mais,
patani, kalabasa, abokado, sili, pinya,
bawat lungsod ay isang pyramid na ang
papaya,
itaas na bahagi ay dambana para sa mga
kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng
diyos. May mga templo at palasyo tabi ng pyramid.
sa
at
cacao.
Dahil
sa
mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tungkol sa ulan. 174
Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 C.E. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo C.E., ang ilang mga sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak. Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E., ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa ilang dalubhasa, maaaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito. Maaari rin na sanhi ng panghihina nito ang pagbagsak sa produksiyon ng pagkain batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa sapat na nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang mas manipis ang mga buto nito. Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna, at Copan. Sa paghina ng Chichen at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.
Kasingtulad ng pyramid ang estrukturang ito. Subalit, mapapansin, na ang itaas na bahagi nito ay patag. Sa loob nito ay may altar kung saan isinasagawa ang pag-aalay.
Ipinagawa ang templo upang pagdausan ng mga seremonyang panrelihiyon. Ito ay parangal para kay Kukulcan, ang tinaguriang “God of the Feathered Serpent”
Gawa ang pyramid mula sa malalaking bato. Mayroon itong apat na panig na may mahabang hagdan. Larawan 2.1 ang Pyramid of Kukulcan
Ang pyramid na ito ay patunay ng mataas na kaalaman ng mga Mayan sa arkitektura, inhenyeriya, at matematika.
175
Isang maunlad na kabihasnan ang nabuo ng mga Mayan. Makikita sa diyagram ang mga sanhi ng kanilang paglakas at pagbagsak. Paglakas
Tapat ang mga nasasakupan sa pinuno. Siya ay namumuno sa pamahalaan at relihiyon.
Pamahalaan at Relihiyon
Napag-isa ang mga mamamayan dahil sa iisang paniniwala.
Paglakas May mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdulot ng sobrang produkto. Ekonomiya at Kabuhayan
Mayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.
LungsodEstado
Palagiang nakikipagdigma ang mga pinuno at kaniyang nasasakupan upang makahuli ng mga alipin na iaalay sa kanilang mga diyos. Nagbunga ito ng pagkaubos ng yaman ng mga lungsodestado. Paghina
Paglakas
Mga
Paghina
Pagkawala ng sustansya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain.
Paghina Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsodestado.
Pigura. 2.2 Paglakas at Paghina ng Imperyong Mayan. Ipinakikita sa diyagram ang mga sanhi at bunga ng paglakas at paghina ng Kabihasnang Mayan. Gabay na Tanong 1. Paano nakabuti at nakasama sa mga Mayan ang kanilang mahusay na sistema ng pagtatanim?
176
Kung ang mga Maya ay nagtatag ng kanilang Kabihasnan sa timog na bahagi ng Mesoamerica, ang mga Aztec naman ay naging makapangyarihan sa gitnang bahagi nito. Matatandaan na sa bahagi ring ito umusbong ang sinaunang Kabihasnang Olmec. Bunga nito, ang pamumuhay at paniniwala ng mga Aztec ay may impluwensiya ng mga Olmec. Subalit, hindi tulad ng mga Olmec, ang mga Aztec ay nagpalawak ng kanilang teritoryo. Mula sa dating maliliit na pamayanang agrikultural sa Valley of Mexico, pinaunlad ng mga Aztec ang kanilang kabihasnan at nagtatag ng sariling imperyo. Kinontrol nila ang mga karatig lupain sa gitnang bahagi ng Mesoamerica.
Kabihasnang Aztec (1200 – 1521)
Ang mga Aztec ay mga nomadikong tribo na ang orihinal na pinagmulan ay hindi tukoy. Unti-unti silang tumungo sa Lambak ng Mexico sa pagsapit ng ika-12 siglo C.E. Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “isang nagmula sa Aztlan,”isang mitikong lugar sa Hilagang Mexico.
Gabay na Tanong:
panahon?
Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng Texcoco. Ang Texcoco ay nasa sentro ng Mexico Valley. Nang lumaon, ang lungsod ay naging mahalagang sentrong pangkalakalan.
177
Angkop ang Tenoctitlan sa pagtatanim na siyang pangunahing ikinabubuhay ng mga Aztec dahil mayroon itong matabang lupa. Sa kabila nito, hindi sapat ang lawak ng lupain upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ang hamong ito ay matagumpay na natugunan ng mga Aztec. 1
Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba subalit hindi lubos na malawak. Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at lumikha ng mga chinampas, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden.
Wala silang kasangkapang pambungkal ng lupa o hayop na pantrabaho. Nagtatanim sila sa malambot na lupa na ang gamit lamang ay matulis na kahoy.
4
Mais ang kanilang pangunahing tanim. Ang iba pa3 nilang tanim ay patani, kalabasa, abokado, sili, at kamatis. Nag-alaga rin sila ng mga pabo, aso, pato, at gansa.
Dahil sila ay mga magsasaka, ang mga Aztec ay taimtim na umaasa sa mga puwersa ng kalikasan at sinasamba ang mga ito bilang mga diyos. Ang pinakamahalagang diyos nila ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng araw. Mahalaga ang sikat ng araw sa pananim ng mga magsasaka kaya sinusuyo at hinahandugan ang naturang diyos. Mahalaga rin sina Tlaloc, ang diyos ng ulan at si Quetzalcoatl. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig. Dahil dito, ang mga Aztec ay nag-alay ng tao. Ang mga iniaalay nila ay kadalasang bihag sa digmaan bagama’t may mga mandirigmang Aztec na nagkukusangloob ialay ang sarili.
178
Bunga ng masaganang ani at sobrang produkto, nagkaroon ng pagkakataon ang mga Aztec na makipagkalakalan sa mga kalapit na lugar na nagbigay-daan upang sila ay maging maunlad. Ang kaunlarang ito ng mga Aztec ay isa sa mga dahilan upang kilalanin ang kanilang kapangyarihan ng iba pang lungsod-estado. Nakipagkasundo sila sa mga lungsodestado ng Texcoco at Tlacopan. Ang nabuong alyansa ang siyang sumakop at kumontrol sa iba pang maliliit na pamayanan sa Gitnang Mexico.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo, nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga Aztec. Ang isa sa mga nagbigay-daan sa mgapagbabagong ito ay si Tlacaelel, isang tagapayo at heneral. Itinaguyod niya ang pagsamba kay Huitzilopochtli. Kinailangan din nilang manakop upang maihandog nila ang mga bihag kay Huitzilopochtli. Ang paninindak at pagsasakripisyo ng mga tao ay ilan sa mga naging kaparaanan upang makontrol at mapasunod ang iba pang mga karatig-lugar na ito. Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding magbigay ng tribute o buwis. Dahil sa mga tribute at mga nagaping estado, ang Tenochtitlan ay naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa Pacific Ocean haggang Gulf of Mexico at mula sa hilagang Mexico hanggang sa Guatemala. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan, at mga pamilihan.
179
Mga Milyon
1.5 1.4
Makikita sa pahinang ito
1.3
anggraph ng populasyon ng
1.2
mga Aztec. Ang biglaang pagbaba ng populasyon ay
1.1
dulot
epidemya
bulutong,
1
Populasyon
ng
pang-aalipin,
digmaan, labis na paggawa,
9
at pagsasamantala.
8
kabuuan,
Daang Libo
ng
SSa
tinatayang
7
naubos
6
hanggang 95 bahagdan ng
5
kabuuang
ang
mula
katutubong
populasyon 4
Mesoamerica
ng sa
lamang ng 160 taon.
3
85
2 1
1500 1520 1540 1560 1580 1600 16201640 1660 1680 1700
Taon Pigura 2.3. Graph ng Populasyon ng mga Aztec
Sa pagdating ni Hernando Cortes at mga Espanyol sa Mexico noong 1519, natigil ang pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica. Si Cortes ang namuno sa ekspedisyong Espanyol na nanakop sa Mexico. Inakala ni Montezuma II, pinuno ng mga Aztec, na ang pagdating ng mga Espanyol ay ang sinasabing pagbabalik ng kanilang diyos na si Quetzalcoatl dahil sa mapuputingkaanyuan ng mga ito.Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan.
180
loob
Naunawaan mo sa bahaging ito ang mga pangyayari, hamon, tugon, at katangian ng mga Kabihasnang Maya at Aztec. Nakabatay ang kaunlaran at kapangyarihan ng dalawang kabihasnan sa agrikultura at pananakop ng lupain partikular na ang Aztec. Isa pang maunlad at higit na malawak na imperyo ang naging makapangyarihan sa America. Ito ang Kabihasnang Inca na lumaganap sa South America.
.
HEOGRAPIYA NG SOUTH AMERICA May heograpiya
magkakaibang ang
ihahambing
South sa
klima
America
at kung
Mesoamerica.
Matatagpuan sa hilaga ng Amazon River na dumadaloy sa mayayabong na kagubatan. Pawang ang mga prairie at steppe naman ang matatagpuan sa Andes Mountains sa timog na bahagi. Samantala, tuyot na mga disyerto ang nasa kanlurang gulod ng mga bundok na kahilera ng Pacific Ocean. Dahil sa higit na kaaya-aya ang topograpiya ng Andes, dito nabuo ang mga unang pamayanan. May mga indikasyon ng pagsasaka gamit ang patubig sa hilagang gilid ng Andes noong 2000 B.C.E. Sa pagsapit ng ika-11 siglo B.C.E, maraming pamayanan sa gitnang Andes ang naging
sentrong
pamayanang
panrelihiyon.
ito
ay
Ang
mga
umusbong
sa
kasalukuyang Peru, Bolivia, at Ecuador. Nang lumaon,
nagawang
masakop
ng
lang
malalaking estado ang kanilang mga karatiglugar. Subalit sa kabila nito, wala ni isa man ang nangibabaw sa lupain
181
Kabihasnang Inca (1200-1521) Noong ika-12 siglo, isang pangkat ng mga taong naninirahan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Lake Titicaca sa matabang lupain ng Lambak ng Cuzco. Sa pamumuno ni Manco Capac, bumuo sila ng maliliit na lungsod-estado. Ang salitang Inca ay nagangahulugang “imperyo.” Hango ito sa pangalan ng pamilyang namuno sa isang pangkat ng tao na nanirahan sa Andes. Unti-unting pinalawig ng mga Inca ang kanilang teritoryo hanggang sa masakop nito ang 3,220 kilometro kuwadrado sa kahabaan ng baybayin ng Pacific. Saklaw ng imperyong ito ang kasalukuyang lupain ng Peru, Ecuador, Bolivia, at Argentina. Noong 1438, pinatatag ni Cusi Inca Yupagqui o Pachakuti ang lipunang Inca sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang sentralisadong estado. Sa ilalim ni Topa Yupanqui (1471-1493), pinalawig niya ang imperyo hanggang hilagang Argentina, bahagi ng Bolivia, at Chile.
Gabay na Tanong 1. Ano ang ibig sabihin ng Inca? 2. Sino si Pachakuti?
Napasailalim din sa kaniyang kapangyarihan ang estado ng Chimor o Chimu na pinakamatinding katunggali ng mga Inca sa baybayin ng Peru. Sa ilalim naman ni Huayna Capac, nasakop ng imperyo ang Ecuador.
Makikita sa talahanayan ang pagkakatulad ng mga Aztec at Inca. BATAYAN Pinagmulan - nagmula sa maliliit na pamayanang agrikultural Paniniwala - pagsamba sa araw bilang diyos Inhinyera - mahusay sa paggawa ng kalsada, templo, at iba pang gusali
AZTEC
INCA
PATUNAY Parehas na umunlad ang dalawang imperyo mula sa matagumpay na pagtatanim. Huitzilopochtli – diyos ng araw ng mga Aztec Inti – diyos ng araw ng mga Incan Pyramid of the Sun – ginawa ng mga Aztec Mahaba at batong kalsada – ginawa ng mga Incan
182
Sa pagdating ni Francisco Pizarro, ang Espanyol na mananakop ng Inca noong 1532, ang lupain ng Imperyong Inca ay sumasaklaw mula sa hilaga sa kasalukuyang Colombia hanggang sa katimugan sa bahagi ng Chile at Argentina. Subalit dahil sa mga tunggalian tungkol sa pamumuno at kawalang kapanatagan sa mga nasakop na bagong teritoryo, unti-unting humina ang imperyo. Dagdag pa rito ang
tila
napakalaking saklaw ng Imeryong Inca na naging malayo mula sa sentrong pangangasiwa sa Cuzco. Nariyan din ang malaking pagkakaiba ng mga pangkat ng tao sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.
Samakatuwid, ang imperyo ay nasa kaguluhang politikal na pinalubha pa ng epidemya ng bulutong na dala ng mga sinaunang dumating na conquistador o mananakop na Espanyol. Sa katunayan, si Huayna Capac, isa sa mga pinuno ng Inca, ay namatay sa isang epidemya noong 1525. Ang pagpanaw na ito ay nagdulot ng tunggalian sa kaniyang mga anak na sina Atahuallpa at Huascar. Sa huli, nanaig si Atahuallpa. Nakilala niya si Pizarro habang naglalakbay ito patungong Cuzco. Nang lumaon, binihag ni Pizarro ang Atahuallpa at pinatubos ng pagkarami-raming ginto. Noong 1533, pinapatay si Atahuallpa at makalipas ang isang taon, sinakop ng mga Espanyol ang Cuzco gamit lamang ang maliit na hukbo. Sa kabila ng katapangan ng mga Inca, hindi nila nagawang manaig sa bagong teknolohiyang dala ng mga dayuhan, tulad ng mga baril at kanyon. Ang ilan sa mga Inca ay nagtungo sa kabundukan ng Vilcabamba at nanatili rito nang halos 30 taon. Hindi nagtagal, ang huling pinuno ng mga Inca na si Tupac Amaru ay pinugutan ng ulo noong 157
Sa kasalukuyan, makikita pa rin ang mga pamana ng mga Kabihasnang Klasikal na Maya, Aztec, at Inca. Ang mga estruktura tulad ng Pyramid of Kukulcan, Pyramid of the Sun, at ang lungsod ng Machu Picchu ay hinahangaan at dinarayo ng mga turista dahil sa ganda at kakaibang katangian nito. Nananatili itong paalala ng mataas na kabihasnang nabuo ng mga sinaunang mamamayan sa America.
183
184