Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
FLORANTE AT LAURA 8 – FLEMING (Re-arranged by Amelia Ria Canlas) Direktor: Amelia Ria Canlas Stage Manager: Julianne Manalastas Production Manager: Rebecca Jarvis Lider ng Kagamitan: Angel Abriol Lider ng Kasuotan: Rysa Arianne Igcasenza Lider/s ng Teknikal: Christian Lucinario / Ralph Nuñez Lider ng Musika: Razsel Dacasin MGA GAGANAP:
Balagtas (Tagapagsalaysay): Ethan Apostol Florante: Parcelle Rosas Laura: Mandy Lara
Sultan Ali-Adab: Amorsolo Makayan
Flerida: Jenina Baldedara
Antenor: Ralph Nuñez
Aladin: Joshua Vinluan
Bwitreng Ibon: Breanna Guiyab
Adolfo: Dave Labial
Batang Flerida: Mesiah Ferrer
Duke Briseo: Marc Allen Fermin
Batang Aladin: JC Del Valle
Prinsesa Floresca: Jasmine Avendaño
Isang Moro: Jeanelle Cervantes
Batang Florante: Cedric Quiachon
Selya: Razsel Dacasin
Menalipo: Justine Gaad
Mga Leon: Jat Talampas, Hoper Saez
Haring Linceo: Christian Lucinario
Heneral Osmalik: Jaz Iverson
Batang Laura: Danica Mancera
Hari ng Krotona: Jat Talampas
Mga kawal: Jaz Iverson, Kervyn Lim, Von Rojo Menandro: Hoper Saez
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] MGA KAGAMITAN: o o o o o o o o o o o o o o o o o o o
Backdrop para sa kaharian ng Albanya Mga trono (dalawa) Mga halaman / dekorasyon para sa loob ng kaharian Punong higero Vines, Bushes, etc. na makikita sa gubat ng Quezonarria Lubid / Tali para kay Florante Dahon Espada (5) Shield Bow and Arrow Malaking bato (uupuan nila ito) Troso (uupuan nila ito) Sanggol (baby alive or smth) na nasa isang basket Pillar kung saan ilalagay ang sanggol Mga upuan para sa klase (6) Tela pang blindfold Liham Tinapay (maaring totoo o hindi) PROD MANAGER AT PROPS TEAM, DAGDAGAN NA LANG. BASAHIN ANG SCRIPT AT ISULAT SA IBABA ANG MGA KAILANGAN PA:
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] o
MGA KELANGANG MUSIKA: o Background music na parang nasa gubat o Malungkot na musika o Musika pang digmaan o Musika na pang-ibig o Musika na pang-asar / joking o Musika pang papanalo sa isang digmaan o Musika pang-gulat o Musikang masaya o Background music ng isang leon o Musika pang-kasal o Backgroudn music ng mga trumpeta o Original composition / minus one ng mga kanta sa mga scene na: o Introduction o Scene One o Scene Seven o Scene Fourteen o Scene Sixteen o Scene Seventeen o Outro o PROD MANAGER, TEKNIKAL AT LIDER NG MUSIKA, MAG-ISIP PA NG KUNG ANO ANG IDADAGDAG
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] INTRODUCTION *Ang background music para sa kanta ay magsisimula* Florante: Florante ang aking pangalan, isang magiting na lalaki mula Albanya. Sabi nila’y mala-Adonis ang aking mukha, hindi sila nagkakamali. *titingin si Florante sa mga manonood, kikindat* Florante: Anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca. Studyante ni Antenor, kaibigan ni Menandro. At siyempre, mahal ni Laura. *kukunin ni Florante ang kamay ni Laura, at ito’y hahalikan* Laura: Tama! Ako’y si Laura, Laurang mahal ni Florante. Prinsesa ng Albanya, kung kaya’t ako’y anak ni Haring Linceo. Isa rin akong kaibigan! Kabigan ni Flerida. *hahatakin ni Laura si Flerida at mag-aakbayan* Flerida: Ako naman si Flerida, isang Dalagang Moro. Sinta ko’y si Aladin, Sultan Ali-Adab ang ama niya! *Aakbayin ni Aladin si Flerida* Aladin: Flerida, ako naman ang magpakilala. Ako si Aladin, Gererong Moro ng Persiya. Niligtas ko si Florante sa mga leon gamit ang aking mga kakayahan! *kukunin ang espada at magpapakita* Florante: Ngunit ‘wag kalimutan – may kontrabida sa bawat buhay. Nandito si Adolfo, Ang Adolfo na nagpatali sa’kin sa punong Higero na ito. *dahang-dahang pupunta si Florante sa puno – papasok na si Adolfo at ang kanyang mga kawal at tinali nila si Florante sa puno* Adolfo: Kontrabida’y na ba tawag sa taong gusto lang magmahal? Mahalin si Laura, at mapahari sa Albanya? Oo, ako nagpatali. Oo, ako ang masama. Ngunit wala, tapos na. Kailangan ko na ‘tong gawin. *aalis na si Adolfo at mga kawal niya sa entablado* *ang background music para kanta ay matatapos na* Florante: At dito magsisimula ang kwento. *yuyuko si Florante*
SCENE 1: GUBAT NG QUEZONARIA: ANG PUNO AY NASA GITNA *lalabas si Balagtas sa baba ng entablado; hawak ang isang libro* Tagapagsalaysay: Sa labas ng kahariang Albania matatagpuan ang madilim, malawak at mapanglaw na gubat ng Quezonaria. Rito ay may isang lalaking mala-Adonis ang tindig na nakagapos sa puno ng Higera. *titingin si Florante sa mga manonood* Tagapagsalaysay: Ang lalaking nakagapos ay si Florante, ang anak ng mag-asawang si Duke Briseo at Prinsesa Floresca ng Albania. *papasok sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca kasama ang batang Florante sa entablado*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Duke Briseo: Florante, tara na’t baka ma-huli ka pa sa klase ni Antenor! Florante: Opo, ‘tay! Prinsesa Floresca: Halika na anak. *aalis na sila sa entablado* Tagapagsalaysay: Habang nakagapos, muling nanumbalik ang mga karaingan ni Florante, mga alaala kung saan si Adolfong sukaban ang pumatay sa kanyang ama, kay haring Linceo at umagaw sa kanyang kasintahang si Laura. *papasok sa entablado sina Adolfo, Duke Briseo, Haring Linceo at Laura* Duke Briseo: Adolfo, ‘wag mong gawin iyan! Haring Linceo: Adolfo, nagmamakaawa kami – *pinatay ni Adolfo sina Briseo at Linceo at lalapit kay Laura* Laura: Anong gagawin mo sa akin! Lumayo ka sa akin, Adolfo! *hinawak ni Adolfo ang kamay ni Laura at hinila ito* Laura: Bitawan mo ako! *ang mga kawal ni Adolfo ay hinila sila Briseo at Linceo palabas ng entablado habang hinahatak ni Adolfo si Lura palabas* Florante: Nang dahil sa korona ni Haring Linceo at sa kayamanan ng dukeng ama ko, ang paghahangad ni Konde Adolfo sa kapangyarihan ng Albania, naging malupit sa amin ang Kapalaran! *titingin sa langit si Florante* Florante: Kung ayaw dinggin ng langit ang sigaw ng aking malumbay na boses! Kung ibig mong ako’y magdusa, isagi mo lamang sa puso’t isipan ni Laura ako’y minsang mapag-alaala. *yuyuko muli si Florante* *papasok na si Aladin sa baba ng entablado* Tagapagsalaysay: Nagkataon ang pagdating sa gubat ng isang gererong bayani ang tikas, pananamit ay Moro sa Persiyang siyudad. Siya ay si Aladin ang gererong Moro ng Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab, na dahil sa sama ng loob sa kanyang ama at kasintahang si Flerida ay umalis sa sariling bayan. *ang background music para sa kanta ay magsisimula na* Aladin: Flerida! Flerida! Ama ko! Bakit mo ako natiis na magdusa nang dahil sa aking irog? Di yata’t ikaw na rin ang umagaw sa aking kaligayahan! *ilalabas ni Aladin ang espada’t shield niya* Aladin: Kung hindi ang iginagalang kong ama ang umagaw kay Flerida, hindi ko masabi kung ang aking sandata’y bumuga ng laksang kamatayan! *maglalakad na si Aladin sa gubat; palapit nang palapit kay Florante* Florante: Ama ko! Ama ko! Bakit kaya ikaw pa ang naunang nasawi at ako’y inulila sa gitna ng sakit? Para ko pang naririnig dito, aking ama, ang iyong panambitan at dalangin na ako sana ay maligtas na lamang sa paghihiganti ni Konde Adolfo!
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Aladin: Ako’y lumuluha hindi dahil sa pagmamahal ni ama sa akin, kundi sanhi sa kanyang kasakiman na ako’y agawan ng kaligayahan. Kay palad ko sana kung ang kasawian kong ito ay nauuukol sa nakapanghihinayang na pag-aaruga ni ama. Florante: Ay, mahal kong Laura! Aladin: Sinta kong Flerida! Florante at Aladin: Paalam na ang abang sinta mong kinulang palad. Florante: Gayon man ay hinangad ko rin ang iyong kaligayahan Aladin: Madurog man ang aking mga laman at buto Florante: Laura! Aladin: Flerida! Florante at Aladin: ikaw pa rin ang mamahalin ko. *matatapos na ang background music sa kanta* *naglalakad pa rin Aladin* *lalabas na ang mga Leon* Tagapagsalaysay: Nagpatuloy sa pagtangis si Florante at naglalakad si Aladin ngunit di pa nito natatapos ang ilang pangungusap ay may dalawang Leong hangos nang paglalakad. *Magugulat si Florante* Tagapagsalaysay: Siya’y tinutungot pagsil-in ang hangad, ngunit nangatil pagdating sa harap. Dahil diyan, Inisip niya na ito na ang katapusan niya kaya siya’y nagsimulang magpaalam. *halos mapaiyak na sa kaba ang pagpapaalam ni Florante* Florante: Paalam, Albanyang pinamamayanihan ng lupit at kaliluhan. Malaki ang aking panghihinayang sa iyo. *lalabas muli ang batang Florante* Florante:: Pagkabata ko na’y wala akong inadhika kundi, ang ikaw ay paglingkuran at gugulin sa iyo ang aking dugo. Batang Florante: Ubod ng ganda ang Kahariang Albanya! Pangako ko, sa aking pagtanda ika’y aking paglilingkuran! *lalabas na si Batang Florante at papasok si Laura* Florante: O, Albanya huwag mo lamang sanang ipahamak ang aking Laura. *titigin si Florante kay Laura nang malungkot, ngingiti lang si Laura ng malungkot sa mga manonood at aalis na sa entablado* Tagapagsalaysay: Nang matagpuan ni Aladin ang binatang nasa harap na ng mga Leon ay agad niyang nilabanan ang mga hayop at pinatay.
*kakalabanin ni Aladin ang mga Leon* *BACKGROUND MUSIC: intense*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Tagapagsalaysay: Pagkatapos mapatay ni Aladin ng dalawang mabangis na Leon, pinakawalan niya si Florante sa pagkakatali. *lalapit si Aladin kay Florante at tatanggalin ang mga tali* *mawawalan ng malay si Florante at mapapahiga sa kamay ni Aladin* Aladin: Ano kaya ang nangyari sa taong ito?
SCENE TWO: GUBAT NG QUEZONARIA: ANG PUNO AY NASA GILID NA AT MAY TROSONG MALAKI SA GITNA *nakasandal si Florante sa troso* Tagapagsalaysay: Pagkatapos arugain ni Aladin si Florante namulat ang mata ni Florante at siya ay nagising. *gigising ng biglaan si Florante, hahawakin ang kamay ni Aladin* Florante: Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin kung mamamatay ako’y gunitain mo rin…… *napalayo si Florante kay Aladin at tinanggal ang hawakan ng kamay* Florante: Hala? Sino? Sa aba ko’t nasa Morong kamay! Lumayo ka sa’kin! *tatayo si Florante* Florante: ‘Wag kang lumapit! Mayroon akong … *kakapain ni Florante ang bewang, nilabas ang isang dahon* Florante: Dahon? *pabulong* Nasaan ang espada ko? *tiningnan muli ang dahon at nilapit ito kay Aladin* Florante: Oo, dahon! Ha! Mayroon akong dahon! Matakot ka na! *tinatamaan ni Florante si Aladin gamit ang dahon* Tagapagsalaysay: Sinusubukan ni Florante na takutin si Aladin gamit ang dahon. Ngunit natatawa lamang dito si Aladin. Parang ewan lang, ‘no? *lalapit si Aladin kay Florante* Aladin: Ganyan ka ba magpasalamat sa taong niligtas ka na sa panganib? *tatawa si Aladin, titigil si Aladin sa dahon* Florante: Ikaw? Niligtas ako sa panganib? Eh ika’y isang moro! Aladin: Oo, ako’y isang moro. Ang pangalan ng morong ito ay Aladin. Datapwat hindi bininyagan, tao rin ako. May damdamin at nasasaklaw ng mg utos ng Diyos. Naririnig ko ang iyong panaghoy at nagdamdam ang aking puso kaya hinanap kita. Natagpuan kitang nakatali at sasagpangin ng dalawang Leon. Hindi ako nagsawalang bahala at kinalaban ang mga Leon. Florante: Kung ‘di mo sana ako kinalag sa puno ng kahoy, nalibing na sana ako sa tiyan ng mga Leon. Bakit mo pa ako niligtas at ‘di hinayaang malagot ang aking buhay? Aladin: Tayo’y lumipat muna ng pwesto doon sa bato
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] *tinuro ang malaking bato sa baba ng entablado* Aladin: At tayo’y kumain at magpahinga. Florante: *sobrang mahina* Sa-salamat…
SCENE THREE: MAY MALAKING BATO NA NASA GITNA NG MABABANG ENTABLADO; WALA NA SA TAAS NA ENTABLADO ANG PUNONG HIGERA Aladin: Mapalad ang mga sandaling ito dahil tayo’y nabubuhay pa. Kaya, huwag mong sabihin na sana’y hinayaan na lang kita sa kamay ng mga Leon. Eto, pagkain. *binigay ni Aladin ang tinapay kay Florante* Florante: Salamat. Ano kaya ang maigaganti ko sa iyo sa kabutihang ipinagkaloob mo?
Aladin: Nainiwala akong hindi ka magaaalinlangan sa akin, bagamat nakikita mong ako’y isang moro lamang, kaya’t nais ko sanang ipagtapat mo ang lahat ng iyong damdamin upang hanggang maaga ay makatulong ako sa iyo. Florante: Umid ang dila kong magpahayag ng aking malaking pagtanaw ng utang na loob kaya’t di lamang ang aking pagdurusa ang ihahayag ko kundi simula’t sapul sa aking pagkabata. *tatayo si Florante at ibababa ang tinapay* Florante: Patawad, Aladin. Hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Florante at ako’y nakatira sa Albania. Ang ama ko’y si Duke Briseo at ang mahal kong ina ay si Prinsesa Floresca mula sa Krotona. *maglalakad-lakad sa entablado si Florante* Florante: Noong ako’y bata pa kamuntikan na akong kunin ng Bwitreng ibon ngunit nakita ako ng Pinsan kong si Menalipo at pinana niya ito.
SCENE FOUR: KAHARIAN NG ALBANYA: MAY PILLAR SA GITNA AT NANDO’N ANG SANGGOL NA SI FLORANTE *magbubukas ang mga kurtina sa taas na entablado* *may umiiyak na sanggol na si Florante at siya’y nasa basket* *papasok ang bwitreng ibon, lilipad-lipad sa sanggol* Menalipo: Nako! Si Florante ay nasa panganib – pinagiikutan siya ng isang Bwitreng Ibon! Kailanga ko siyang maligtas! *kukunin ni Menalipo ang pana niya, papatayin ang ibon at kukunin si Florante* Menalipo: Ligtas ka na, Florante. *aalis na ng entablado si Menalipo kasama ang sanggol* *masasara ang mga kurtina ng taas ng entablado*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
SCENE FIVE: KATULAD SA SCENE THREE Florante: Iyan ang kinwento ng aking tatay na si Duke Briseo. Kinuha ni Menalipo ang kaniyang pana at ito’y pinatay niya. Niligtas naman ako ni Menalipo at binalik sa kaharian ng Albanya. Aladin: Ang galling! Mabuti na lang na nandyan ang pinsan mong si Menalipo! Florante: Oo nga. Florante: Nang ako naman ay tumuntong sa ikalabing-isang taong gulang ay pinilit ni ama na akoy mag-aral sa Atenas.
SCENE SIX: KAHARIAN NG ALBANYA; NAKA-UPO SINA DUKE BRISEO AT PRINSESA FLORESCA SA UPUAN NILA *mabubukas ang kurtina ng taas na entablado* *tatayo si Duke Briseo mula sa upuan at lalapit kay Florante* Duke Briseo: O Florante, anak ko! Nais ko nang sabihin sa iyo na panahon na para tuklasin ang mundo, dagdagan ang kaalaman at dunog mo na pumapaksa tungkol sa ating mundo! Batang Florante: Matutupad ang iyong nais minamahal kong ama, karununga’y kapangyarihan dapat na tinatamasa. Pagtutol mo’y hindi pumasok sa aking isipan, pagka’t kagalakan kong matupad yaring kagustuhan. Duke Briseo: Salamat, Florante sa iyong pagtanggap. Matupad nawa ang iyong pinapangarap! Ikaw ay tutungo sa lungsod ng Atenas, upang matuto at lumiwanag yaring landas. *tatayo naman si Prinsesa Floresca* Prinsesa Floresca: O Briseo mahal ko! Kailangan niya bang lisanin yaring Reynong ito? *hahawakin ang mukha ni batang Florante, titingin kay Briseo*
Prinsesa Floresca: Pag-aaral sa malayo ay maaaring magdulot ng lungkot, kaya’t kung maaari’y paglisan ay iyong iudlot.
Duke Briseo: Mas maraming kaalaman ang kanyang matututuhan sa Atenas! Ito’y lungsod ng karunungan. *hahawakan ang balikat ni Floresca*
Duke Briseo: Kaya sinta kong Floresca, ikaw ay huwag mabahala. Ito ay para sa ikakabubuti niya. Prinsesa Floresca: Kung ganoon asawa ko wala akong tutol. Florante, ang atensyon mo sana’y sa pag-aaral ipukol. Alagaan ang sarili at laging tandaan na ang pagbabalik mo’y hihintayin ng Albanyang bayan *magyayakapan sina Prinsesa Floresca, Duke Briseo at Batang Florante*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
SCENE SEVEN: ANTENAS; MAY MGA UPUAN Antenor: Maligayang pagdating Florante! Ito ang paaralang iyong papasukan. Ako nga pala si Antenor ang iyong magiging guro dito sa Atenas. *aakbay kay Florante si Antenor at ngingiti ito sakanya* Batang Florante: Salamat po Maestro Antenor *malungkot na boses* Antenor: O Florante, bakit ka nalulungkot? Florante: Ayaw kong iwanan ang bayan kong Albanya lalo na’t mapapalayo ako sa aking pinakamamahal na ama’t ina. Antenor: Huwag kang mag-aalala Florante, ako muna ang kukupkop sa iyo habang nag-aaral ka dito. Halika Florante at magugustuhan mo dito sa Atenas sapagkat magkakaroon ka dito ng maraming kaibigan at matututo ka ng lubos sa paaralan! *papasok na sila Antenor at Batang Florante sa silid-aralan* *tatayo so Florante sa bato* Florante: Aladin, doon ko nakilala si Adolfo pati na rin si Menandro. Nang sinabi sa akin ni Maestro Antenor na Si Adlofo’y galing sa Albanya ako’y lubusang natuwa. *isang kamay ni Antenor ay naka-ikot sa likod ni Florante* Antenor: Heto si Menadro. Siya ay isa sa mga makakasama mo rito sa Atenas. Aliwin mo ang iyong sarili, at makisama sakanilang mabuti. Florante: Maligayang bati, Menandro. Ako ay si Florante at ako ay nagmula sa kaharian ng Albanya. Menandro: Florante! Kay ganda ng pangalan. Ako ay kaibigan mo buhat ngayon at ikaw ay kaibigan naming lahat. Menadro at iba pang mag-aaral: Mabuhay si Florante! Mabuhay tayong lahat! *titingin ng masama si Adolfo kay Florante* Florante: Hindi nagtagal ay naging malapit kong kaibigan si Menandro. Pagkatapos ng anim na taon na pag-aaral ko sa Atenas. Ang kahusayan na mayroon si Adolfo ay nakikita narin sa akin ng aming Maestro. *lalapit si Antenor sa upuan ni Florante* Antenor: Mahusay ka Florante, nakita ko na ikaw ay magaling pala sa Pilosopiya, Astrolohiya at Matematika. Batang Florante: Salamat po Maestro! *ngingiti si Florante* Florante: Dito nagsimulang magalit sa akin si Adolfo sa kadahilanang nalampasan ko na raw ang aking kagalingan na mayroon siya. Aladin: Talaga? Si Adofo’y naiingit na sa’yo, Florante! Florante: Oo nga eh. Ngunit isang hapon, tinipon kami ni maestro Antenor upang maipakita ang aming kagalingan. *background music para sa kanta ay magsisimula*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Antenor: Tayo nga’y magkakaroon ng isang pagsasadula. Dula tungkol sa trahedya ng dalawang apo. Ang tatanghal ay si Florante’t Adolfo! Florante Bilang Polinise at si Adolfo bilang Etyokles. Magsimula na tayo. Menandro, ikaw muna ang mag-ayos. *aalis ng entablado si Antenor* Adolfo: *pabulong* Maganda! Wala na si Antenor. Maari ko nang gawin ang dati ko pang balak gawin!
*pupunta sa harap si Florante at Adolfo* *ilalabas ni Adolfo ang kaniyang espada; magugulat ang mga kamag-aral* Adolfo: Ikaw Floranteng sa kapurihan ko’y umagaw! Dapat sa iyo’y mamatay! *dadating si Menandro at ititigil* Menandro: Adolfo anong nagyari sa iyo! Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ang pagsasadula’y iyong tinotoo. Hindi mo kailangang gawin ito! *papasok si Antenor* Antenor: Anong nangyayari?! Adolfo, ito’y isang dula-dulaan lamang, kaya’t hindi katanggap-tanggap ang iyong ginawa! *kukunin ang espada ni Adolfo* Antenor: Ito ay isang malaking kamalian at hindi ko hahayaan. Nais kong bumalik ka sa Albanya at mamuhay ng tahimik at payapa! Lahat ay bumalik na sa sari-sariling kwarto. Pag-uusapan natin ito bukas! *background music ay magtitigil* *sasarado ang mga kurtina*
SCENE EIGHT: KATULAD SA SCENE THREE Florante: Pagkatapos ng isa pang taon sa Atenas, ako’y nakatanggap ng isang sulat na ang hatid ay isang masamang balita. Aladin: At anong balita naman iyan, Florante? Florante: Ang aking pinakamamahal na ina ay namatay na at ang liham ay nagmula sa aking butihing ama. Aladin: Nako Florante! Kamusta ka naman pagkatapos mong basahin ang liham? Florante: Pagkatapos kong malaman iyon, nagtagal pa ako ng dalawang buwan sa Atenas hanggang sa makatanggap muli ako ng liham mula sa aking ama. Nais niya sa Albanya’y ako’y magbalik na sampu nang sasakyan ang sumundo sa akin
SCENE NINE: PAALIS NA NG ANTENAS; NASA SILID-ARALAN LAHAT MALIBAN KAY ADOLFO *bubukas na ang mga kurtina* Batang Florante: Maestro paalam na po.
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Antenor: Florante, lagi mong tatandaan kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t paggiliw. Mag-iingat ka kay Adolfo munting ginoo. Muli kayong magkakasama sa isang lugar kahit na malawak ang Kahariang Albanya. Sigurado akong landas niyo’y muling magkikita. Huwag mong kalilimutan na ang puso niya’y puno na ng inggit at poot mula sayo, datapwa’t huwag kang magpapahalata. Batang Florante: Maraming Salamat, Maestro. *magyayakap sina Florante at Antenor* Menandro: Mag-iingat ka Florante, alalahain mo naririto kami handang tumulong. *paiyak na* *magyayakap sina Florante at Menandro* Kamag-aral: Paalam Florante! *magsasara ang mga kurtina*
SCENE TEN: KAHARIAN NG ALBANYA: DUKE BRISEO Tagapagsalaysay: Si Florante’y naglakbay pabalik sa Albanyang bayan. Hindi naglaon paa niya’y yumapak at nagtungo sa ama, humalik sa kamay at tinanong ang nangyari sa ina. *magbubukas ang mga kurtina* *nakaluhod si Florante kay Briseo* Batang Florante: Mahal kong ama! Anong nangyari kay Ina? Kung hindi sana ako pumunta ng Antenas, maaring may marami pa akong oras kasama siya! *paiyak na si Batang Florante* Duke Briseo: ‘Wag sisihin ang sarili, Florante. Ang iyong ina ay nasa tamang lugar na. Pinagmamalaki ka niya no’ng ika’y nasa Antenas pa. Mahal na mahal ka ng iyong ina. *tatayo si Duke Briseo; yayakapin si Florante* Duke Briseo: Oo nga pala, may sulat nagmula sa Krotona. Sila’y humihingi ng tulong. Ang pakay nila ay nanganganib na itong sakupin ni Heneral Osmalik ng Persiya. Bukas sila’y pupunta at ipaglalaban ang bayang nag-aalsa. Sa tulong mo, Florante aking anak, maililigtas natin ang bayan ng Korotona. Batang Florante: Basta makaligtas ng isang bayan, kasama ako d’yan! *aalis na sina Batang Florante at si Duke Briseo* *magsasara ang mga kurtina* Florante: Nang dumating kami ng ama ko sa palasyo, iba-iba ang aking nararamdaman. Kaba’t pag-ibig nang Nakita ko ang anak ni Haring Linceo. Dito ko unang nakita si Laurang mahal ko. Aladin: Ayon! Malalaman ko na rin kung sino ang Laura ng buhay mo! Kanina mo pa sinsigaw ang kaniyang pangalan no’ng nakatali ka pa sa puno. *tatawa* *magbubukas ang mga kurtina*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
SCENE ELEVEN: KAHARIAN NG ALBANYA: HARING LINCEO *magyayakapan sina Linceo at Briseo* Linceo: O Duke! Mabuti’t dumating ka na. *titingin si Linceo kay Florante* Linceo: At sino naman ito? At saang syudad nanggaling? Mukha siyang isang bunying gerero. Briseo: Siya’y bugtong anak ko na inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang sa isang basalyo’t alagad. *yuyuko bilang paggalang kay Haring Linceo, ngunit kikindat kay Laura na katabi ni Linceo* Linceo: Anak mo pala ito, Briseo! Kamukha ni Prinsesa Floresca, tama ka! Florante, ‘wag ka nang yumuko pagka’t kasama ka na sa hukbo namin. *Linceo yayakapinn si Florante* Linceo: Mabuting panahon ang iyong pagdating. Ikaw ang magiging pansamantalang heneral ng hukbo na dadalo sa Krotona laban sa mga Moro. Patunayan mo na ikaw ang matapang na gerero na magsasabi sa buong mundo ng kapanyarihan ng haring Linceo. Batang Florante: Masususnod mahal na hari. *ngunit nakatingin pa rin kay Laura, ngumingiti* Linceo: Nabalitaan ko kay Antenor na nagpamalas ka ng angking kahusayan sa Atenas. Walang duda nagmana ka sa iyong ama. *nakatingin lang si Florante kay Laura – ‘di sinagot ang tanong ni Linceo* Florante: Hindi ako makasagot no’n, Aladin! Ang tanging importante lamang sa akin noon ay ang magandang dalaga na katabi ni Haring Linceo. Briseo: Anak? Florante? Tinatanong ka ni Haring Linceo. Florante: Nakapokus lang ako sa kagandahan niya no’n! Tagapagsalaysay: Dito na napansin ni Haring Linceo ang pagkaro’n ng interes ni Florante sa kaniyang anak na si Laura. Linceo: Aba, mukhang napukaw ng interes ang aking anak sa anak mo, Briseo! *tatawa silang lahat, maliban kela Florante at Laura* Linceo: Ipakilala ko na nga, baka kung ano pa gawin nila dito! ‘Di ba, Briseo? HAHAHA! Batang Laura: ‘Tay! Ano naman ang maari naming gawin agad dito? Batang Florante: At nagsalita na ang dalaga. *ngingiti si Laura* Linceo: Laura, lumapit ka nga dito. *lalapit si Laura kela Linceo* Linceo: Florante, ikinalulugod kong ikaw ay makilala ang anak kong si Laura! *luluhod si Florante at hahalikan ang kamay niya*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
Batang Florante: Magandang umaga Bb.! Masaya ako’t nakilala kita. Ang pangalan ko nga pala’y Florante. Florante lamang, wala ng iba. *kikindat si Florante kay Laura; tatawa si Laura* Batang Laura: Magandang umaga Florante, masaya rin akong makilala kita. *maghahawak sila ng dalawang kamay* Batang Florante: Nawa’y makilala rin kita ng lubusan *palapit ng lapit*
Batang Laura: Gayon rin ako. Ngunit ilang araw na lang ay aalis ka na! *palapit ng lapit* Batang Florante: Oo nga. Ngunit Laura, sinisigurado ko sa iyo na ako’y magbabalik. *palapit ng lapit* Batang Laura: tara na’t pumasok sa loob magsisimula na ang piging. *lalabas na sila ng entablado* Linceo: Sabi ko sa’yo Linceo eh, kung ‘di natin sila pinakilala agad baka may mangyaring ‘di natin gusto at sa harap pa natin mangyari! Briseo: Ano ba ‘yan Linceo! HAHAHA! Iniwan na nga tayo eh. Tara na nga, alis na muna tayo. *sasarado ang mga kurtina* Florante: Pagkatapos ng tatlong gabing piging, kailangan ko nang umalis. Iiwanan ko na si Laurang mahal ko at tutungo sa digmaan. Pabungad sa’kin, ito ang aking narinig: Linceo: Magandang gabi sa iyo Florante kailangan mo nang maghanda para sa iyong pag-alis. *voiceover* Florante: At sinimulan na ang digmaan
SCENE TWELVE: DIGMAAN SA KROTONA *magbubukas na ang kurtina* Hukbo nina Florante: Sugod! *lahat ay tatakbo at maglalaban* Hukbo nina Osmalik: Sugod! *lahat ay tatakbo at maglalaban* *digmaan* *unti-unting mamamatay ang alagad ni Osmalik* *maglalaban si Osmalik at Florante*
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Batang Florante: Sumuko ka na, Heneral Osmalik! Onti na lamang ang mga kasama mo, hindi naman kailangan matapos ng ganito. Sumuko ka na lang ng maayos, Osmalik! Heneral Osmalik: Hindi! Mananalo kami dito! *digmaan* Florante: Natalo naman namin ang hukbo nina Osmalik, nanalo kami. Aladin: Ang galing! *tapos na ang digmaan; nasa gitna si Florante* *BACKGROUND MUSIC: Trumpets win* Menandro: Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Krotona! Mga Algad: Mabuhay! Menandro: Mabuhay si Florante! Mabuhay ang Krotona! Lahat: MABUHAY!
SCENE THIRTEEN: KAHARIAN NG KROTONA: PAGKATAPOS NG DIGMAAN *sila’y nakapila at pinupuri ng mga tao* Isang tao: Mabuhay si Florante at ang kaniyang hukbo! Lahat: Mabuhay! Isang tao: Mabuhay si Florante at ang kaniyang hukbo! Lahat: Mabuhay! Hari ng Krotona: Ikinalulugod ko kayo’y naparito at ipinanalo ang digmaan. Batang Florante: Walang anuman mahal na hari, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti ng bayan. *sarado ang mga kurtina* Tagapagsalaysay: Naglagi ng limang buwan si Florante sa Crotona. Nagpilit bumalik sa Reynong Albanya ngunit ng matanaw yaring bayan, isang masamang kutob sa puso ang lalong nagpahirap. Nang makitang bandila ng kaaway ang winawagayway, Albanya’y nasalakay ng mga Morong sukaban. Florante: Lumubog ang aking puso ng nalaman ko na nasa kamay ng mga Moro ang Albanya. Natakot ako para sa aking ama, at siyempre sa Laura kong minamahal. Aladin: Kawawa naman! Ano na ang nangyari?
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
SCENE FOURTEEN: ALBANYA’Y NASAKOP NG MGA MORO; NASA ISANG BUNDOK *bubukas ang mga kurtina* *nagtigil sa paanan ng bundok ang hukbo ni Florante* Alagad: Heneral Florante, may narinig ako na tila may isang binibini na nakagapos, ang mga moro’y nagbabalak na pugutan siya. Batang Florante: *pabulong* Diyos ko, ‘wag naman po sana si Laura ito. *titingin sa alagad* Batang Florante: Sige. Maghanda ang lahat sapagka’t tayo’y lulusob. *lalabas na sina Florante ng entablado* *papasok sina Laura na naka-blindfold at nakatali kasama ang mga Moro, siya’y sinisipa* Isang Moro: Laura, Laura, Laura. Hintayin na natin ‘yang kasintahan mong si Florante! Sa wakas, mapapatay na naming ang pumatay kay Heneral Osmalik! Wala siyang karapatang gawin iyon! Batang Laura: May karapatan siya! Magaling siyang heneral at tama ang kaniyang ginawa! Isang Moro: tumahimik ka! Kung hindi, pupugutan ka na naming ng ulo – Batang Florante: Pakawalan niyo na siya! Isang Moro: Ayan na pala. Matagal ko na tong hinihintay! *magkakaroon ng saglit na digmaan* Isang Moro: Patawad, Florante! ‘Wag mo ‘tong gawin! Batang Florante: Papakawalan na kita, ngunit ipangako mo na hindi na kayo babalik sa Albanya. Malinaw? Isang Moro: Oo! Oo! *pinakawalan n ani Florante ang Moro at umalis na sa entablado* *lumapit si Florante kay Laura* *tinanggal ni Florante sa pagakakagapos ang babae at ang takip nito sa mukha* *backgrouond music para sa kanta ay magsisimula na* Batang Florante: O, Laura, aking sinta, ika’y huwag ng lumuha naririto ako upang iligtas ka. Ikaw Laura, ang aking tahanan at mundo. Nandito lang ako. *yayakapin ni Florante si Laura* Batang Laura: O, Florante, aking irog. Salamat at ako’y niligtas mula sa mga moro. Oo, Florante ako ang iyong tahanan at mundo. Mananatili lang sa piling mo. Batang Florante: Laura aking mahal, gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo. Batang Laura: Florante, iyo ring iligtas ang ama ko’t ama mo, kasama ang iba pang taga-Albanyang nabilanggo!
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected]
Batang Florante: Oo, Laura. ‘Wag kang mag-alala. Pupuntahan namin sila. *sasara ang mga kurtina*
SCENE FIFTEEN: ALBANYA’Y NASAKOP NG MGA MORO; BILANGGUAN Florante: Nang bumalik ako sa Albanya, nailigtas ko ang aking ama, si Haring Linceo at ang kababayan ng Linceo. Parehas lang ang narinig ko: Isang taga-Alabanya: Mabuhay si Florante! *voiceover* Lahat: Mabuhay! *voiceover* Florante: Iyan lamang ang mga nangyari sa akin bago ako napunta sa gubat na ito. Ikaw, Aladin, ano ang iyong storya? *tatayo naman si Aladin habang uupo naman si Florante* Aladin: Ako si Aladin ng Persya. Anak ni sultan Ali-Adab, gererong nakaranas at nakipaglaban sa napakaraming digmaan. *ilalabas ang espada, tintingnan at naaalala ang mga digmaan* Aladin: Ngunit ako’y hindi naghirap dito, dahil wala nang mas hihirap pa sa pagkuha sa babaeng minamahal ko, lalo na’t kung siya’y kinuha ng sarili kong ama. *bubukas ang mga kurtina* *nasa gitna sina Sultan Ali-Adab, yakap si Flerida* Flerida: Tulong, Aladin! Ayoko dito! Sultan Ali-Adab: Dito ka ang sa akin! *sasara ang mga kurtina* Aladin: Oo nga’t sinakop naming ang Albanya ngunit hindi kami nagtagumpay, kaya ako’y bumalik sa Persya nang hindi kasama ang aking hukbo.
SCENE SIXTEEN: KAHARIAN SA PERSYA *background music para sa kanta ay magsisimula* Sultan Ali-Adab: Ano ang dahila’t ika’y naparito? Iyong iniwan ang Albanya at hukbo? Ika’y nasa gitna ng dIgmaan, kaya’t sa iyong pag-uwi ano ang kadahilanan? Batang Aladin: Ama ko sandali ito ang kapaliwanagan: ang dahilan kung bakit ako’y bumalik ay – *biglang kinuha si Aladin ng mga kawal ni Sultan Ali-Adab* Aladin: Hindi pa ako tapos magsalita ay sinungguban na ako ng mga kawal, pupumuligas sana ako ngunit wala itong silbi. Batang Aladin: Ama ko, ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Isa kang taksil sukab at huwad na gerero! Kung si Flerida ang dahilan ng kataksilan mo hindi mo maaagaw ang sinta ko!
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] Sultan Ali-Adab: Tama na ang satsat kung ayaw mong masaktan. Ako ang pinuno ng Persiya, iyan ay aking karapatan! Hala sige, ikulong yan sa gitna ng kawalan at sa madaling panahon siya ay pugutan! *tatawa ng malakas ang sultan* *sasara ang mga kurtina* Laura: Tulong! Tulungan niyo ako, sino man nandito! Tulong! *pasigaw* Florante: Ano yun sino ang nagsasalita? Narinig mo ba iyon? Aladin: Aba ewan ko hindi ako iyon. *tatayo na si Florante* Laura: Bitawan mo ako! Tulong! Florante: Ayun ulit! Narinig mo na? Aladin: Aba oo! Tara, hanapin natin ang sumisigaw. Kailangan ata ng tulong! *pupunta na sina Florante at Aladin sa taas na bahagi ng entablado* *sasara na ang mga kurtina sa ibabang bahagi ng entablado*
Tagapagsalaysay: Sa madilim na parte ng kagubatang Albanya, mapagnasang si Adolfo’y kabig-kabig si Laura. *bubukas ang baba na kurtina*
SCENE SEVENTEEN: KAGUBATAN SA ALBAYA; LAURA AT ADOLFO Laura: Bitiwan mo ako Adolfo! Ako ay para lamang kay Floranteng giliw ko. Ang tulad mong taksil at duwag sa pag-iibigan namin ni Florante’y hindi makatitibag *hihigpitan ni Adolfo ang hawak kay Laura, mapapasigaw si laura sa takot at sakit* Adolfo: O, Laurang prinsesa huwag mo akong galitin. Ang Floranteng sinta mo’y hindi na aabutin sa dilim. Katawan niya ngayo’y pinagpipyestahan na wari ng mga Leon. Kaya’t wala kang ibang pagpipilian kundi…..mapasa akin. Laura: Mas pilpiliin ko pang mamatay, o Adolfong Sukab! Kung wala na si Floranteng sinta aanhin ko pa ang buhay! Hindi ako papayag na mapasaiyo, at ipinapangako ko di ka magtatagumpay sa iyong plano. Adolfo: nauubos na ang Pasensiya ko kakaintindi sa iyo! Wala na Si Floranteng sinisinta mo! Tagpagsalaysay: Akmang sasaktan ni Florante si Laura. Ngunit isang pana ang tumama, tumalima sa dibdib ng Adolfong taksil, na sa buhay nito ay siyang kumitil. Flerida: O abang dalaga, anong kalagayan mo? Talagang walang hiya ang lalaking ito! Flerida nga pala ang aking ngalan, na nagmula sa Persiang kaharian Laura: Laura naman ang aking ngalan at huwag kang mag-alala sa aking kalagayan Ako ang siyang prinsesa ng Reynong Albanya, anak ni Linceong Tubong Krotona.
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] *titigil na ang background music para sa kanta* Laura: Flerida, tara na’t umupo muna sa tabi. Ikwento mo ang iyong storya! Gusto kong malaman. *pupunta na sila sa malapit na bato at uupo* Flerida: Nung nalaman kong pupugutan ng ulo ang mahal kong nasa bilangguan, dumapa ako sa paanan ng masamang sultan. Hiniling na si Alading aking irog ay pakawalan at huwag pugutan kapalit nito’y pagpayag ko sa isang kasunduan, ito ay ang pakasalan ang sultang sukaban. *bubukas ang kurtina sa taas* Batang Flerida: Sultan! ‘Wag mo nang pugutan ng ulo si Aladin! Sultan Ali-Adab: Sige, mahal kong Flerida. Ngunit sa isang kondisyon: ako ang iyong iibigin. Batang Flerida: Kung ‘yan lamang ang tanging paraan para hindi mapugutan ng ulo si Aladin, sige, papayag ako. Ngunit tandaan mo, lahat ng ito ay para kay Aladin! Sultan Ali-Adab: Mabuti, Flerida. Mga kawal! Pakawalan si Aladin. Kawal 1: Masusunod po, Sultan. *aalis na sina Flerida, Sultan Ali-Adab at ang mga kawal sa entablado* Flerida: Pumayag ang sultan, Prinsipe Aladin ay agad pinakawalan, ngunit siniguradong malalayo ito sa kaharian. *BACKGROUND MUSIC: Wedding bells, wedding song* Flerida: Nung araw ng kasal namin ng sultan ako ay nakatakas dahil aking ginamit ang kasuotan ng isang gerero upang hindi makilala ng kahit sino man. *sa kabilang dako ng entablado, hinhintay ni Sultan si Flerida* Isang moro: Nasaan na si Flerida, Sultan? Baka naman iniwan ka na, HAHA! *titingnan ng masama ni Sultan ang moro* Isa pang moro: Uy, ‘wag ka magbiro ng ganyan! Sultan Ali-Adab: Dadating ‘yan si Flerida. May kasunduan kami. *sa kabilang dako naman ng entablado, lalabas si Flerida na nakasuot ng damit ng isang gerero* Batang Flerida: Aladin, ako’y pupunta na sa iyo. *sasara na ang mga kurtina* Flerida: Ilang taon rin akong nagpagala-gala rito sa kagubatan hanggang sa maabutan kitang muntik nang pagsamantalahan. Laura: Maraming salamat sa iyong kabutihan! Nang dahil sa iyo buhay ko’y naligtas mula kay Adolfong puno ng kasamaan. *papasok na sina Florante at Aladin* *nagulat sila* *Tumakbo si Flerida kay aladin* Flerida: O Aladin!
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] *tumakbo si Laura kay Florante* Laura: Sinta kong Florante! *yayakapin ni Aladin si Flerida* Aladin: Minamahal kong Flerida *yayakapin ni Florante si Laura* Florante: O Laura! Giliw ko! *background music para sa kanta ay magsisimula* Laura: O Florante, ako’y tunay na nabahala! Ang gubat na ito’y lubhang mapinsala Ako’y nagpapasalamat dito kay Flerida Na sa aki’y nagligtas at kay Adolfo’y pumana Florante: O salamat sa diyos at ika’y ligtas salamat din Flerida dahil puso mo’y likas ako ngayo’y panatag na pagka’t ika’y matiwasay at dahil rin kay Aladin na nagligtas ng aking buhay Kung hindi dahil sa kanya, ako ngayo’y pagkain na Ng mga gutom na leon na dito ay naglipana gayon na lamang ang tuwa, ng isang moro ang sumagupa sa mabangis na Leon na tila handa Aladin: Walang Anuman, katoto kong Florante! Laura: Florante irog ko Di lubhang naglaon noong pag-alis mo, Bayang Albanya’y naging pipi sa gulo Sigawang malakas “mamatay! Mamatay ang haring Linceo!” ito’y kagagawan ni Adolfo! Pinadalhan kita ng isang liham umaasang magbabalik ngunit si Menandro ang dumating sa Albanyang bayan Nang walang magawa si Konde Adolfo ay dinalang gapos sa kabayo kapag dating dito ako’y dinahas at ibig ilugso ang puri ko. Buti’t dumating si Flerida at ako’y niligtas. Salamat sa iyo Flerida! Salamat dahil sa iyo ako’y buhay pa *background music a titigil* Flerida: Ako ay nahabag kay Laura nang makita kong nilapastangan siya kinuha ko ang busog at pana, kinitil ang buhay ng taong masama Tagapagsalaysay: Habang nag-uusap, dumating si Menandro at iba pang kawal na waring hinahanap si Adolfo. Ngunit, laking tuwa ng makita ang katoto. *papasok sina Adolfo* Menandro: Florante! Laura! Mabuti’t nandito na kayo!
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION National Capital Region
DIVISION OF LAS PIÑAS Las Piñas City National Science High School Carnival Park Street, BF Resort Village, Talon II, Las Piñas City
880-0045|
[email protected] *lalapit sakanila, yayakapin si Laura ta Florante* Menandro: Aba, mukhang nagkaroon ka ng kaibigan ditto sa gubat Florante ah? Pakilala ka naman, pare! Aladin: Aladin, isang gererong moro sa Persiya. Ito naman ang aking kasintahan na si Flerida. Flerida: Maganda umaga, Menandro! Menandro: Magandang umaga sa inyong lahat! Tara na’t pumunta sa kaharian ng Albanya pagka’t lahat ay naghahanap sa inyong lahat. *sasara ang mga kurtina*
SCENE EIGHTEEN: LAST SCENE KAHARIAN SA ALBANYA; PAGBALIK NILA FLORANATE AT LAURA *bubukas ang mga kurtina* *naka-upo na sakanilang trono, mga taga albanya’y pinupuri* Mga tao: Viva Floranteng hari ng Albanya! Mabuhay mabuhay ang Prinsesa Laura! *kakaway sina Florante at Laura sakanila* Tagapagsalaysay: Dahil sa pagkamatay ni Haring Linceo at Duke Briseo, pinalitan sila ni Florante. Sa kanyang paghahari, nanumbalik ang dating katangian ng Albanya nagkaroon muli ito ng kapayapaan, umunlad, nagkaisa at bumalik ang dating sigla Habang si Aladin at Flerida ay pinamunuan ang kanilang kaharian sa Persiya! At dito nagtatapos ang Florante at Laura, isang awit na sinulat ko. Ay! Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Ako si Francisco Balagtas, ang nagsulat ng awit na ito. Isinulat ko ito para sa pinakamamahal kong Selya. *lalabas si Selya, sila’y mag-aakbay* Bago matapos nang tuluyan, nandito muli ang mga tauhan ng Florante at Laura, bilang pagpapaalam. *cue song for outro ending*
TAPOS